Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site


Isang mahirap na kaso ang nahawakan ng pulis na si Jade Santillan. Kasama ang kapartner na si Rex ay susubukan nilang resolbahin ang isang misteryong bumabalot sa lahat ng mga taong mahihilig sa mga antiques. Hanggang sa mapagtanto nilang hindi normal na tao ang kanilang suspect ay hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataong umatras.

Year Published: 2008
Literary Folio: Sa Tabi ng Bintana - The Sentry - The Student's Publication of Bulacan Polytechnic College.
Pen name used: Alexis D.


Submitted:Jan 4, 2009    Reads: 486    Comments: 1    Likes: 1   


Napailing na lang si Jade habang pinagmamasdan ang mukha ng babae.Namatay sa sobrang takot.Iyon ang nabuong konklusyon ng mga pulis na rumespunde sa crime scene.Ang tanong, anong bagay ang naghatid ng sobang takot para sa isang kabataang katulad ni Harlene Rodrigo?

“Lieutenant, anong tingin mo sa nangyari sa kanya?”tanong ng isa sa kanyang mga kasamahan.

Nagkibit-balikat si Jade.Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito.Nag-iisa lang ang biktima sa bahay nang gabing namatay ito. Nasa isang business trip kasi ang mga magulang niya.Tinatayang bandang hating gabi namatay ang biktima.Posibleng nilooban ito at tinakot nang husto.

Lumapit kay Jade ang partner niyang si Rex.“Kamusta?”tanong niya dito.

Umiling ang binata.“Negative, Jade.Walang trace na nilooban ang bahay..”

Napabuntung hininga ang dalaga.Kung hindi magnanakaw, ano?Hindi naman ginahasa ang babae, kaya imposibleng rapist ang pumasok.Isa pa, ayon sa mag-asawang Rodrigo na siyang nagreport sa kanila tungkol sa nangyari sa anak, ay nakasarado naman daw ang mga pintuan ng bahay nang dumating sila.Ang kakaiba nga lang, gulung-gulo ang ayos ng mga gamit sa loob.Na para bang nagwala muna si Harlene bago namatay?

Napaisip nang husto ang dalagang pulis.Napabuga siya sa hangin pagkatapos ng halos kalahating oras na pag-iisip.Ayaw gumana ng maayos ang utak niya ngayon, kaya wala siyang maapuhap na sagot sa mga tanong niya.

Nakauwi na sa kanyang bahay si Jade.Sinalubong pa siya ng kanyang cute na pamangking si Lalaine na six years old na.“Hello, baby?How’s your day?”

“Fine, tita.What about you?”sagot nito.

“Same.”Saka siya pabagsak na umupo sa sofa.

Mula sa silid nito ay lumabas naman ang nag-iisang kapatid ni Jade at single mother ni Lalaine.“May package na dumating kanina, Jade.Para sa’yo.Nasa kwarto mo.”Ani nito.

Napakunot noo ang dalaga.“Galing kanino?”

Nagkibit-balikat lang si Jamaica at saka bumalik sa silid nito.

Pinuntahan ni Jade ang tinutukoy na package ng kapatid na nasa kwarto niya.Isang malaking parihabang.kahon ang nakita niyang nakatabi sa may sulok.Binuksan niya iyon at nagulat nang makitang isang life-size mirror iyon.May kalakip na sulat ang package.

Dear Ms. Jade Santillan,
Congartulations!

You have been chosen as our fortunate winner for the grand prize of Aris Antique Shop raffle promo!

The package contains a life-sized mirror that you have luckily won.

Thank you.

Aris Antique Shop.

Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga.Hindi siya mahilig sa mga antiques at lalong hindi siya mahilig sumali sa mga raffle promo.Kaya how on earth did she win a raffle?

Tinitigan niya ang salaming nakabalot pa sa papel.Hindi pa niya iyon binubuksan.Hindi kaya nagkamali lang sila?Pero imposible, nakalagay sa sulat ang buong pangalan niya.Walang pagkakamali doon.Baka may nagsali lang sa akin sa raffle?

Tinawagan niya si Rex.Negative.Hindi daw ito.Sino kaya?Wala siyang ibang maisip.Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ay sumuko na siya.Ayaw gumana ng utak niya ngayon.Baka para nga talaga sa kanya ang salamin?

Swerte ko naman!Naisip niya.

“Ang swerte mo naman, Jade!”bulalas ni Rex matapos niyang ikuwento dito ang tungkol sa salamin.“Biruin mo, hindi ka naman sumali pero nanalo ka ng grand prize!”

Napangiti si Jade.“Tama ka.”

Ngunit napalis ang ngiting iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang kasamahang pulis.

“Bakit?”tanong ni Rex.

“Another mystery case.”Tumayo na siya at naghanda sa pag-alis.

Wala pang 20 minuto ay nakarating na sa crime scene ang magkaibigan.“This is crazy.”Ani niya matapos makita ang biktima.Kapareho ng kay Harlene ang nangyari dito.Si Joshua Natividad.Namatay din sa sobrang takot.Malinaw na may koneksyon ang dalawang kaso.

“Kakaiba ang estilo ng pagpatay ng killer ha?”komento ni Rex.

Nahulog na naman sa isang malalim na pag-iisip si Jade.Hindi pwedeng hindi gumana ang utak ko.Kailangan maresolba ko ang kasong ito!

Iginala niya ang tingin sa paligid ng silid ng biktima.Napako ang tingin niya sa isang antique na tokador.Hindi niya alam kung bakit pero parang may kung anong malakas na pwersang nagtulak sa kanya para lumapit doon.Anyong hahawakan niya ang tokador nang gambalain siya ni Rex.

“Kain na tayo.Nagugutom na ‘ko.”Ani nito habang hinihimas ang sariling tiyan.

Hating gabi nang maalimpungatan si Jade mula sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog.May naririnig kasi siyang ungol na bagamat mahina ay parang malapit lang sa kanya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kanyang kama.

“Sino ‘yan?”tanong niya.

Walang sumagot ngunit patuloy pa rin ang ungol.

“Lalaine, ikaw ba ‘yan?”

Ulit, walang sumagot.

Hindi niya alam kung bakit, pero kinakabahan talaga siya.

“Ate Jamaica?”

Wala pa ring sagot.

Napilitan siyang bumaba mula sa kama.Nayakap niya ang kanyang sarili.Bakit ang lamig ‘ata?Tiningnan niya ang aircon.Hindi naman iyon nakabukas ganoon din ang bintana.Kaya paanong…?Kagyat siyang natigilan.Kakaiba ang lamig na nararamdaman niya.Nakakapanindig balahibo.Naulit ang ungol.And this time, alam na niya kung saan iyon nanggagaling.Napalunok siya at namumuo na ang pawis sa kanyang mukha sa kabila ng lamig sa loob ng silid.Maya-maya ay may kung anong bagay ang dahan-dahang pumulupot sa isa niyang paa.Malamig iyon at animo’y walang buhay.Dahan-dahan ay sinulyapan niya ang bagay na iyon, upang lalo lamang manghilakbot.Dalawang mga matang kulay pula ang nakatingin sa kanya habang ang naaagnas nitong kamay ay nakapulupot sa kanyang paa.Hindi siya makagalaw dahil sa sobrang takot.gusto niyang sumigaw, ngunit walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig.Lalo siyang nanghilakbot nang hilahin siya ng nilalang na ‘yun patungo sa ilalim ng kama.No!sigaw niya sa isip.

Bumalikwas ng bangon si Jade.Bangungot lang pala!Pero nakakatakot ang bangungot na iyon!Ramdam niya ang pangangatog ng kanyang buong katawan.Napakabilis ng pagpintig ng kanyang puso na para iyong sasabog dahil sa sobrang kaba at takot.At butil-butil na ang pawis sa kanyang mukha.Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya.Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng multo.At hindi niya pinangarap na makakita o makasalamuha ang kahit isa man lang.sa kanila.

Napatingin siya sa kanyang higaan.Malinaw pa sa kanyang isip ang nangyari sa kanyang bangungot.May babae sa ilalim ng kama niya.At hinwakan nito ang isa niyang paahanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang kilabot na dulot nito at para bang naroon pa rin ang nakakatakot na kamay nito.Nakahinga siya ng maluwag nang tingnan niya ang kanyang paa.Wala siyang nakitamg anumang bakas ng kamay doon.Maya-maya’y may kung anong kumalabog sa ilalim ng kanyang kama.Namutla siya at muling sinalakay ng kaba sa kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang sinilip ang ilalim ng kanyang kama habang piping nagdarasal.

Pls. sana wala…sana wala…

Sana wala siya…

Nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang makitang babae doon.Napailing siya sa nangyayari sa kanya.Isa siyang pulis pero nagpapaapekto siya sa isang bangungot lang?

Nakakahiya!
Tumayo na siya mula sa pagkakayuko.
“Anong ginagawa mo?”tanong ng babaeng katabi niya.

Bigla siyang napalayo dito kasabay ng isang tili.

“Jade, ano ba?Huwag kang maingay, natutulog si Lalaine!”

Nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili ang dalagang pulis.“Ate Jamaica, ikaw pala!”

“Ako nga.Bakit parang nakakita ka ng multo?”tanong nito.

Tawa ng tawa si Rex nang ikwento dito ni Jade ang nangyari sa kanya kagabi.Matalik niyang kaibigan si Rex kaya komportable siyang ipaalam dito ang mga nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.

“Pwede ba?Hindi ko sinasabi sa iyo ito para lamang pagtawanan ako!”nakasimangot siya.
“Sorry!Hindi ko naman kasi akalaing matakutin ka pala sa multo.”Ani nito.

Nagkibit-balikat lang ang dalaga at iniba na ang usapan.“Kamusta ang kaso?”

“Oo nga pala!”Tinungo nito ang sariling desk.“Sandali…”pagkatapos ay bumalik sa desk ni Jade dala-dala ang isang brown envelop.

“Ano ‘yan?”tanong niya sa binata.

“Mga pictures.”Sagot nito at inabot sa kanya ang envelop.

“Tungkol saan?”

“See it for yourself.”

Binuksan iyon ni Jade.Inisa-isa ang mga larawan.Pagkatapos ay kunot-noong ibinalik ang tingin kay Rex.

“Nakuha ko ‘yan sa kakilala kong pulis sa Bulacan.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang kasong iyan.”Paliwanag nito.

Pinag-aralan ni Jade ang mga larawan.
“Jade…”tawag ni Rex sa kanyang pansin.

Tumingin siya ulit dito.

“May palagay akong may kaugnayan ang kasong hawak natin sa kaso nila.”Ani nito.

Mula Quezon ay nagpuntangBulacan ang dalawa at doon nakilala ng dalaga ang kaibigang pulis ni Rex na si Vicky.Mabait si Vicky at maganda pa.Kung may relasyon ito at si Rex, iyon ang hindi alam ni ng dalaga.Hindi na niya nais alamin ang bagay na iyon.Ang mahalaga, madaling pakiusapan si Vicky.

“Confidential ang impormasyong ito, pero dahil kilala ko si Rex at tingin ko’y may kaugnayan nga ang kasong hawak ninyo sa kaso ni Mikki ay ipagkakatiwala ko ito sa inyo.”Saad nito nang ipahiram sa kanila ang isang folder kung saan naroon ang impormasyong kailangan nila.

Ang kaso ay tungkol sa misteryosong kamatayan ng dalagang high school student na si Mikki Nuerez.Nakilala nina Jade at Rex ang pamilya nito na kasalukuyang naninirahan sa Plaridel.

“Ito ang kwarto ni ate.”Ani ni Michaela, ang nakababatang kapatid ni Mikki.

Sinuri ng dalawang pulis ang kwartong iyon kung saan natagpuang patay ang dalagang Nuerez.Natuon agad ang atensyon ni Jade sa antique na figurine na nakapatong sa itaas ng telebisyon.

Napansin ni Rex ang kakaibang tingin ng kaibigan sa figurine.“May napapansin ako.”

“Ha?”napatingin sa binata si Jade.“Ano ‘yun?”

“Parehong mahilig sa antique sina Harlene, Joshua at Mikki.”Sagot nito.

Napakunot-noo siya.“May antique din na gamit si Harlene?”

“Oo, hindi mo ba napansin?”sagot ni Rex.“Yung kama niya.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jade.Bakit hindi niya agad napansin ‘yun?!Possible kayang…Binalingan niya si Michaela na naroon pa rin sa loob ng kwarto.“Alam mo ba kung saan niya ito nabili?”tanong niya.

“Oo.”
“Saan?”

“Nakalimutan ko na ang pangalan pero pwede ko kayong bigyan ng sketch papunta dun.Nasa Malolos lang ‘yun.”Sagot nito.

Malaki ang posibilidad na may kinalaman ang mga antique na kagamitan sa nangyaring pagkamatay ng tatlong biktima.Posibleng nakilala nila sa antique shop ang killer.Napapangiti na si Jade.May pakiramdam siyang malapit na nilang malutas ang kaso!

Ngunit nanlumo ang dalaga nang makitang nakasara ang antique shop.“Bakit sarado? Monday ngayon, ah!”nanlulumong tanong niya.

“Baka may sakit ang may-ari.”Sagot ni Rex.

Pinag-aralan ni Jade ang itsura ng shop sa labas.Luma na ito at sira-sira.Bukod dun ay hindi rin nakakabit ang pangalan nito.

Lumapit sa pintuan ang dalaga.
“Anong gagawin mo?”tanong ni Rex.
“Kakatok.”
“Ha?”

Tok!Tok!Tok!“Tao po?Tao po?”sigaw ni Jade.

Isang binatilyong nakabisekleta ang huminto sa tapat nila.“Walang tao diyan!” Ani nito.

Napalingon dito ang dalawa.“Boy, saan nakatira ang may-ari nito?” tanong ni Jade dito.

Napakunot-noo ang bata.“Matagal nang wala ang may-ari ‘yan.Limang taon nang patay.Kaya limang taon na ring abandonado ang tindahan.”

Nagkatinginan sina Jade at Rex.Imposible ‘yun!Saan nabili nina Harlene, Joseph at Mikki ang mga antique na gamit nila?

“Ang kwento sa akin ng Mama ko,may sumpa raw ang shop na ‘yan.Kukunin daw ni Agatha ang buhay ng sinumang magmamay-ari ng mga antique na gamit na ibinibenta diyan.”Kwento ng bata.

“Sino si Agatha?”tanong ni Rex.

“Anak ng may-ari ng shop.Ginahasa at pinatay ng isa sa mga customer ng papa niya.Pagkatapos nun, namatay na si Mang Aris.Sabi ng Mama ko, hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin si Mang Aris at ipinapadala sa kanyang mga customer ang mga antique kahit patay na siya.Pagkatapos, papatayin naman ni Agatha ang mga makakatanggap ng mga antique na gamit.”

Nalalabuan na si Jade sa ikinikwento nito..“Sino si Mang Aris?”

“Ang papa ni Agatha.Kaya nga Aris antique Shop ang pangalan ng tindahan.”

Namutla bigla si Jade dahil sa narinig.Aris Antique shop?

Naglalaro ng tagu-taguan sina Jamaica at Lalaine.Ang huli ang taya.Naisipan ni Jamaica na sa kwarto ni Jade magtago.Pero hindi siya natuloy sa pagtatago pagkapasok niya sa loob ng kwarto.Natuon kasi ang pansin niya sa salaming nakabalot pa sa papel.

“Si Jade talaga!Aalisin na nga lang ang balot ng salamin, tinamad pa!.”Lumapit siya doon at sinimulan nang alisin ang balot.

Namilog ang mga mata niya.“Wow!Ang ganda naman nito!Antique!”

Biglang lumamig sa loob ng kwarto, isang nakakapangilabot na lamig. Tsinek niya ang aircon, nakapatay iyon.Ibinalik niya ang atensyon sa salamin.

Napaatras si Jamaica.Matinding kilabot ang nararamdaman niya ngayon habang nanlalaki ang kanyang mga mata.Parang biglang umurong ang kanyang dila kaya kahit ang sumigaw ay hindi niya magawa.Nanunuyot pa ang kanyang lalamunan.

Ilang minuto ang lumipas, pumasok sa loob ng silid si Lalaine.Naabutan niya ang isang hindi kilalang babae.Puno ng dugo ang katawan at nakaupo sa tabi ng isa pang babaeng nakahandusay sa sahig.Ang mama niya at mukhang natutulog lang ito.

Ngumiti si Lalaine.“Boom, Mama!”

Tumingin sa kanya ang babaeng may nanlilisik na mga mata.Pagkuwan ay tumayoat lumapit sa bata.

Saka naman biglang dumating ang nagmamadaling si Jade.“Huwag!!!Lalaine!!!”Mabilis niyang nahila si Lalaine palayo sa babae..Napatingin siya sa taong nakahandusay sa sahig.Si Jamaica na posibleng patay na.“Hindi…Ate Jamaica!!!”

Ibinalik ni Jade ang tingin sa babaeng duguan.Papalapit ito ngayon sa kanilang dalawa ni Lalaine.Anyong lalabas ng silid si Jade kasama ang pamangkin ngunit nakasar iyon.Tinitigan niya ng matalim ang babaeng papalapit.Ito ang nagsara ng pinto at kahit ano pang pilit niya ay hindi na niya iyon mabuksan pa.

“Shit!Rex!Tulungan mo kami!Rex!!!” .sigaw niya habang pilit na binubuksan ang pintuan palabas.

Napalingon si Jade sa babae nang umungol iyon ng nakakakilabot at masakit sa tenga.Inilagay ng dalaga si Lalaine sa kanyang likuran at mabilis na ikinasa ang nakasukbit na baril sa kanyang baywang..Ngunit laking gulat niya nang biglang sumulpot sa harapan niya ang babae.Ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa’t-isa.Maya-maya ay ibinuka nito ang naaagnas na bibig na punong-puno ng mga insekto.Inilayo ni Jade mula dito ang kanyang mukha at pumikit.

Wala na silang takas!

Bang!Bang!

Natigilan ang binatang nasa labas ng silid ni Jade nang makarinig ito ng sunud-sunod na putok ng baril.Dinadamba na nito ang pinto para lamang iyon mabuksan, ngunit bigo ito.“Jade, buksan mo ang pinto!Jade!!!”

Maya-maya’y pumailanlang ang malakas na sigaw ng kaibigan at ni Lalaine.Pagkatapos ay kusang bumukas ang pinto.Nanlaki ang mga mata ni Rex matapos makita ang kaibigan sa loob ng kwarto, kayakap ang pamangkin.Patay na.

“Jade!!!”sigaw ng binata..

-END-





1

| Email this story Email this Short story | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.