Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Ang Mahiwagang Utot

Poetry By: wikhaiinn
Humor


Filipino. =p


Submitted:Nov 21, 2008    Reads: 294    Comments: 0    Likes: 0   


.
Ang Mahiwagang Utot
.
Mapayapa sana ang aking pagkakaupo sa dyip
Nang may nadama akong…
Matinding pagbulusok ng hangin
At anumang pigil ko'y tuloy pa rin
Ang pagsabog ng matinding atomic bomb
Ng aking puwet…
.
Lahat sila'y nakatitig saki't nagtataka
Sa narinig nilang ambulansya,
Ambulansya ng aking pwet,
Na sumasaklolo na't dapat kong itakbo sa banyo,
O, doctor, doctor!
Asan ba? Taga-hugas ng ginintuang ipot ko!
.
At kahit sa konting oras, napaisip ako
Na sa simpleng musikang aking taglay
Kitang-kita nama't andaming nagbago
Kung dati'y walang pumapansin sa'kin,
Ala eh! Ngayon 'di nila maalis ang
…nakapanlulusaw nilang titig sa akin…
.
Bawat langhap ay anong sarap,
Sa isang iglap ako'y nasa alapaap
Sa bawat sandaling nagaapuhap
Sakin daw, sila'y di maka-kurap!
.
Lubos ang aking tuwa't nadiskubri nila ang natatago kong talento
Balak ko na sana itong panatilihing lihim
Ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon
Nagpabango ako ng 'di oras!
Galing ko noh? =p
.
-W.A. Garcia




0

| Email this story Email this Poetry | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.