Pero kung tapos na ang pananabik, parang mas masarap pa’ng tumakbo ng marathon. Para lumakas uli ang tuhod, at buhay na naman ang pananabik.
Isang oras at kalahati na ang nakaraan, malakas na naman ang aking pakiramdam. Pumasok na sa NC College sina Lily at Joyce. Nasa haiskul na rin si Cindy. Si Ate nama’y nasa elementary school. Ano ang aking gagawin? Kung puro love-making na lang ang aatupagin ko, magiging ordinaryong bulok na bulugan lang ako. Mediocrity has never been my trade. Pero sa nangyayari, baka mahawa ako, duda na ako, hmm.
Tinungo ko ang kusina. Hawak ang thermos, nagbuhos ako ng mainit na tubig sa tasa, at nagtimpla ng kape, isang kutsara. Ang black coffee na maraming asukal o kapag may coffee creamer at marami ring asukal ay pangkaraniwan, kaya hinaluan ko lang ito ng konting asukal, mapait pa rin.
“Ano ang lasa niyan?” minsa’y nasabi ni Ate Mina.
“Hindi pangkaraniwan.”
“Iba rin ang taste mo.”
“Kanya-kanyang timpla ‘yan.”
“Pero huwag kang iinom ng alak.”
“E, ano’ng iinumin ko?”
“Iyang kape mo. Pero bulok din ‘yan dahil sa caffeine.”
“May halo namang gatas, e.”
“Kahit na. Tingnan mo ako, gatas lang.”
“Iba ang lalaki sa babae.”
“Hmm, iba na ‘yan. Siguro, may chick ka na.”
“Wala pa.”
Hindi niya alam na tatlo pa ang chicks ko ngayon at hindi lang tikim ng alak ang ginawa ko kahapon, laklak pa. Kailan kaya uli? Matutulog muna ako. Mamaya pa ang dating ng mga chicks. Oh, Cindy, ikaw na lang ang misteryong hindi pa nabubunyag! Pero ito na lang ba ang magiging laman ng isip ko? Nasaan ang aking isip? Ang lakas ba ng isip ay nababawasan kung ito’y nakakaranas ng sobrang kaligayahan, tulad ng nangyari kanina? A, kahit paano, nag-iisip pa rin ako at iyon ang mahalaga.
Nakatulog ako ng dalawang oras. Alas-kuwatro na ng hapon. Makapagluto na nga at maagang makakain at makatulog uli.