Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site



A novel in Filipino by Lorenzo A. Fernandez Jr., my real name. View table of contents...


Chapters:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

Submitted:Apr 11, 2011    Reads: 51    Comments: 0    Likes: 1   


Nang nasa kuwarto na ako, nagda-dalawang isip ako kung papasok o hindi, habang inilalabas ko ang aking uniporme sa kabinet-isang puting polo, black shoes at black pants. Nasa sulok ang backpack. Papasok ba ako? Di ba't mayaman na ako? Sapat na ba iyon? Paano ang knowledge kung hindi ako papasok? Makukuha ko iyan kahit saan. . .

Noong nakaraang buwan, may isang pribadong ahensya ang nagbigay sa amin ng IQ test. Lumabas sa resulta ng test na may IQ akong 145. Hindi alam ito ng karamihan, lalo na ng mga titser at kaeskuwela, dahil indibidwal kaming pinadalhan ng sulat. Kahit malaman pa nila, mas naniniwala naman sila sa kanilang sariling intelligence. Kahit mga engot ay nag-a-ambisyon din na maging magaling, di ba? Di ba't sagana sila sa emotional o social intelligence? Ito ang sa palagay ko'y kulang sa akin. Wala akong pakisama, sa kaibigan man o sa kaaway, pero hindi ako nang-aaway, sila ang nang-aaway. Hindi ako marunong mag-sipsip. Kung ayaw ko, ayaw ko. Pero kung sa mga chicks na makalaglag-matsing kung magpatsarming sa akin, natutulala ako. Absinero pa ako. Ang tingin ng mga titser at kaklase sa akin ay iyong uma-absent dahil nai-impluwensya ng bulok na barkada. Hindi nila alam na sila ang may kagagawan, dahil mga bulok sila. Hindi nila alam na wala akong barkada kundi ang aking sarili.

Binuksan ko ang bintana para lumiwanag ang kuwarto at pumasok ang sariwang hangin, na nagsisimula na ring mahaluan ng usok ng mga traysikel sa daan, mga hari sa daan. "Tiraysikel" ang bigkas kung minsan dito, dahil siguro tira sila nang tira sa mga pasahero, palaging may reklamo sa bayad.

Lalong nag-apoy ang aking isip. . . ang bulastog o bulataw, sipsip, at kabisote kong kaklase ay siya pa yatang magiging valedictorian. Hindi ako naniniwalang mataas ang IQ niya, pero bumabawi naman siya sa pakikisama at dami ng barkada. Ah, sadyang ang maliliit na ibon ay sama-sama sa paglipad, tingnan mo ang mga paniki (at mukhang paniki). Pero mag-isang naglalayag sa himpapawid ang agila, mag-isang lumalangoy ang balyena. . . .

Magkakasunod na ang mga tumatakbong hari ng daan, parang mga kabuting nagsusulputan. Sayang daw ang mga boto nila, 'ika ng mga tao sa kanto, kahit pamatay ang ibinubugang usok at abala sa ibang sasakyan, basta boto ang mahalaga, ibang klase rin sila, pero mas marami sila.

Pero ang malinaw na manipestayon ng aking IQ ay ang madalas na pangunguna ko sa subject na English at Math tuwing periodical test na kung saan perfect ang aking attendance. Logic ang ginagamit ko dito, kung minsan common sense. Hindi memorya. Kung memorya din lang ang sukatan ng pagiging matalino, huwag na ninyo akong ibilang. Masyado nang maraming kabisote sa mundo na wala namang kontribusyon sa pag-unlad kundi sa serbisyo sibil.

Tumingin ako sa aking relos. Malapit nang mag-alas-siete. Male-late na naman ako sa flag ceremony. Tsine-tsek ang attendance dito at makakaltasan ka ng pocket money kung late dahil may fine. Papasok pa rin ako, okey lang.





1

| Email this story Email this Novel | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.