*Get the full script online! to get the full script just e-mail www.wikhaiinn@yahoo.com. or download it here: http://www.scribd.com/doc/17265866/Hinahangad-Public-Script
below is a sample of the script
Hinahangad
W.A. Garcia
MGA TAUHAN:
Body Guard (Darrielle)
Adranno,Ama ni Darrielle
Cecilia, Ina ni Darrielle, may kapansanan
Radii,matalik na kaibigan ni Darrielle
Rego, kaibigan ni Darrielle mula pagkabata
Mike,Mayor
Ren,kaibigan ni Darrielle at Rego
Niro , naging kaibigan ni Darrielle na tumulong sa kanya
Princess, anak ng presidente
Jesse,anak ng presidente
Sample Script
Narrator: Noong unang panahon, mayroong pamilya sa isang libib na lugar ,ang pamilya Marquez. Mahirap lang sila’t siya’y hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral. Ang alkalde mayor na namamahala roo’y isang bantog na politiko at mahusay sa paglutas ng krimen. Tunay ngang siya’y matapat. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming banta sa buhay niya. Marami na siyang naging body guard, at isa na rito si Darrielle. Bagamat ganito,hindi yan naging hadlang sa kanyang balak sa papasukang tungkulin. Sa kabila ng lahat, siya’y nagsikap, si Darrielle, maginoo’t magalang.
Unang Tagpo
(Sa bahay ng pamilya ni Darrielle)
Darrielle: (naglalakad kasabay si Rego’t siya’y napaluhod) Aking ama’y ala nang trabaho, baon kami sa utang, minsan nga’y nahihiya akong sambitin na ang ama ko’y lasinggero, inay ko’y tila hindi na makaahon sa kamang hinihigaan niya, (umupo’t napayuko) bunso kong kapatid ay namatay na, si Princess nama’y hindi ko na alam ang gagawin… Paano na kaya?
Rego: Darrielle, tutulungan kita.
Darrielle: Paano?
Rego: `Di hamak ngang mayaman kami,kung kaya’t matutulungan kita,bibigyan kita ng pera.
Darrielle: Hindi ko matatanggap ang perang galing sa pawis niyo…
Rego: Ngunit…
Darrielle: Iwanan mo muna ako’t mapag-isa sandali…
Rego: Sige…
Narrator: Nagmatigas siyang hindi tumanggap ng pera ng iba… at sa `di kalayuan napag-alaman niya ang isang trabahong maari niyang pasukan.
|
Email this Script
|
Add to reading list





