Rinig niyo ba kanyang tinig?
Kumakantang paru-paro sa’ting dibdib,
Na siyang isang-araw ating pinapaawit,
Sa bawat pintig ng ating puso’t alaala;
Mga ulap ay narating niya,
Ng walang ngi ‘sang kilos
Sa binting uugod-ugod,
Ito’y hindi kanyang nais,
Na hindi makatayo sa kinauupuan,
Kung kaya’t bugso ng bagyo’y kanyang hinarap
Tiniis ang bawat hinagpis ng hanging tila galit na,
Pinilit makatayo
Hindi sa mumunting paa;
Ngunit pinilit pa rin,
Walang pakundangang humarap kay kamatayan
O,Pilipinas na mahal
Nagbuwis na nga ng buhay
Nang-iwan pa ng ng sulat para sa’tin
Kung saan tayo’y nawa’y alamin kanyang
Nais ipahiwatig
Sa bawat tindig ngating mga binti;
O bakit ‘di tuhod ang umakay
Kundi siko,
Sa hitang hindi makaahon
Ngayong tag-ulan;
Di subukang daliri’y iyapak
Sa bawat hakbang sa lupa
Sandata’y dangal lamang
At walang anu pang armas
Mamatay man ay ayos na rin
Hindi naman ito kabiguan
Kundi ang kaduwagan,
Tumulo man ang dugo’y
Kaya pa rin,
Tuloy lang ang laban
Ayon sa’ting pintig
|
Email this Poetry
|
Add to reading list





