Napakagulo ng paligid.Lahat ay nagsisipagtakbuhan patungo sa lugar na alam niyang naroon ang magaling na kuya.Pinagpapawisan na siya ng malapot dahil sa init ng sikat ng araw.Bukod dito ay napakarami pang taong may mga hawak na iba’t-ibang klaseng pamalo ang nakakalat sa paligid.Nakaramdam na siya ng takot nang mga oras na iyon.At suklam na suklam na sa kanyang Kuya Joseph.
Ano ba’ng ginagawa ng magaling kong kapatid sa ganitong klaseng lugar?Nakikirambol ba siya?Sira ulo talaga siya!Pagkatapos ng paghihirap nina Papa’t Mama sa pagpapalaki sa kanya, ganita lang ang igaganti niya?Wala siyang kwenta!
Halos murahin na niya ang kapatid sa isip habang hinahanap ito sa paligid.
Hindi niya pinangarap na malagay sa ganoong klaseng sitwasyon lalo na ang masali sa isang rambol!
Nakakabuwisit ka, kuya Joseph!
Tuluy-tuloy siya sa pagmamartsa patungo sa lugar kung saan mas maraming tao ang nagkakagulo.Ngunit bigla siyang natigilan nang makarinig ng putok ng baril mula sa pupuntahan niya sanang lugar.Hindi lang isa o dalawa o tatlo.Marami, hindi niya mabilang kung ilang beses niyang narinig ang mga nagagalaiting putok ng baril.Mas lalong nagkagulo ang mga tao ngayon.Bigla niyang naalala ang naganap na stampede sa isang kilalang show sa tv na para daw sa mga mahihirap.
Patay!Papunta sila sa’kin!
Hindi niya alam kung paano pero nagawa niyang makaiwas sa mga nagtatakbuhang mga tao.
Ngunit patuloy pa rin ang putukan na para bang may nagaganap na giyera.Bukod sa sarili ay may isa pa siyang taong inaalala.
Kuya Joseph!
Kung kanina ay halos isumpa niya ang binata sa isip, ngayon ay nag-aalala na siya para sa isang taong hindi naman niya kadugo pero naging parte ng kanyang buhay at pamilya.
Nakatunghay lang si Lit kapatid habang nakaupo sa may hagdan.
Heto na naman siya.Lalabas mula sa pagkakakulong sa kanyang kwarto, hahalik kina Mama’t Papa at saka magpapaalam na aalis.Ito naming sina Mama, parang mga tagasunod niya na tatango na lamang at magsasabi ng ingat.
Si Kuya Joseph.Hindi niya ito tunay na kapatid.Dati itong batang kalye na kinupkop at inaruga ng mga magulang ni Lit ilang buwan bago pa man dumating ang dalaga sa buhay ng mga ito.Pitong taon ang agwat ng edad nina Joseph at Lit.sa ngayon ay 25 years old na ang una habang 18 naman ang dalaga.Pareho silang pumapasok sa isang sikat na unibersidad sa Bulacan, ngunit kahit kalian ay hindi pa sila nagkakasalubungan ng landas dahil sa sobrang laki ng nasabing eskwelahan.Malinaw pa sa isip ni Lit ang kanyang unang araw doon bilang Freshman.Naligaw siya at halos buong araw niyang hinanap ang exit!
Bukod pa sa hindi nakikita ng dalaga ang kapatid sa school ay hindi rin niya kilala kung sinu-sino ang mga kaibigan nito.Wala naman kasing nagpupunta sa bahay na kakilala ni Joseph.Inaamin niya, kahit nakatira sila sa loob ng isang bubong ay bibihira lang makita ang binata.Pwede na nga silang ihalintulad sa kantang ‘Isang Linggong Pag-ibig.’Ang kaibahan nga lang, hindi sila magnobyo kundi magkapatid sa papel.Tulog si Lit ‘pag umuuwi si Joseph sa bahay at sa paggising niya kinabukasan ay wala ulit ang binata dahil maaga itong umalis.Bibihira lang dumating ang pagkakataong makasalo ni Lit ang kapatoid sa mesa.Masyadong busy si Joseph.Ewan lang niya kung ano ang pinagkakaabalahan.At bilang koklusyon, masasabing hindi niya kilala ang kanyang Kuya Joseph.
Malakas ang kutob ni Lit na may inililihim ang kapatid.Ang tanong, ano ang inililihim nito?Umaalis palagi ang kanyang Kuya Joseph, minsan nga ay hindi na ito umuuwi.Ang ikinaaasar ni Lit ay parang alam ng mga magulang nila ang tungkol sa lihim ni Joseph.Paano naman kasi, hindi na nagtatanong ang mga ito kung saan nagpupunta si Kuya Joseph, kung bakit hindi ito madalas nakakauwi at kung sinu-sino ang mga kasamahan nito.Pakiramdam niya tuloy ay pinagkakaisahan siya ng tatlo.Alam ng mga magulang niya pero wala man lang siyang kahit kaunting ideya man lang tungkol sa mga nangyayari sa buhay ng kanyang kuya.
“Hoy, Babae!Saan mo naman balak magpunta?”tanong ng Mama niya sa kanya.Nakapormang panlakad kasi siya at may dala pang backpack.
“Kina Aby po.”Sagot niya.“Ano bang pinapakain sa iyo ni Aby at napakadalas mong magpunta sa bahay nila?”tanong naman ng kanyang Papa.
“Best friend ko po ‘yung tao.Natural lang na magpunta ako dun!Si Papa talaga, oh!Aalis na po ako!”Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi.“Baka naman gabihin ka sa daan niyan?”
Sumimangot ang dalaga.“Wala na ba akong karapatang magpagabi?Disi otso anios na po ako.Pwede na nga akong hindi umuwi ng ilang araw tulad ni kuya Joseph.”
“Hoy, Litta!Hindi porke’t disi otso anios ka na ay pwede mo nang gawin ang anumang bagay na nanaisin mo.Para sa’min, 21 years old pa rin ang legal age babae ka man o lalaki!At h’wag na h’wag mong ikukumapara ang sarili mo kay Joseph dahil magkaiba kayo.Babae ka, lalaki siya.Walang mawawala sa kanya pero sa’yo, meron!”mahabang sermon ng kanyang ina.
Napabuga na lang sa hangin si Lit nang dumugtong pa ng sermon ang kanyang ama.Siguro kung isusulat niya sa papel ang mga sinasabi ng kanyang magulang ay kukulangin pa ang tatlong pahina ng yellow paper kahit i-back to back pa!
“Papa, Mama!Talagang aabutan ako ng gabi sa daan kapag hindi n’yo agad ako hinayaang umalis.Sige po, aalis na ako!”at bago pa man makapagreklamo ang dalawang matanda ay mabilis nang nakaiskapo ang dalaga.
Habang nilalakad niya ang papuntang exit ng subdibisyon kung saan nakatirik ang kanilang bahay ay hindi niya maiwasang mainis sa kanyang mga magulang. Wala naman daw mawawala kay kuya Joseph dahil lalaki siya samantalang sa’kin, meron!Hay naku!Bakit ba ganoon na lamang ang diskriminasyong natatanggap ng mga tulad kong babae mula sa lipunan?Mapabahay, eskwela, pulitika, trabaho at kahit saang lugar pa kami magpunta ay naroon palagi ang hindi maalis-alis na paniniwala ng karamihan sa pagitan ng lalaki at babae!
Kung anu-ano pa ang iniisp niya habang naglalakad kaya’t kamuntik na siyang mapatalon gulat na lang niya nang may lalaking nagsalita sa kanyang likuran.
“Malalim yata ang iniisip mo, Lit.”Bigla siyang napalingon sa likod.“Kuya Joseph!Ano ka ba?!Huwag mo nga akong gugulatin!”
Natawa ito.“Bawasan mo na kaya ang pag-inom ng kape. Lit?”
Sinimangutan niya ito.“Di ba kanina ka pa nakaalis?Bakit nandito ka pa?”Kung tama ang kanyang kalkulasyon, may sampung minuto rin siyang sinermunan ng Mama’t Papa niya kaya dapat ay kanina pa nakaalis si Joseph.
“Saan ba ang punta mo ngayon?”tanong nito sa kanya. “Kina Aby.” “Ahh…” nagpatangu-tango ito.“Ikaw?”matangkad si Joseph kaya kinailangan pa niya itong tingilain na para bang isang higante ang kanyang kausap.“Saan na naman ulit ang lakad mo?”
Nginitian siya nito ng napakatamis.Magandang lalaki ang kuya Joseph niya kaya kung nagkataong nagging ibang tao lang siya at hindi nagging magkapatid sa papel, malamang ay nagkagusto na siya dito.
Bigla siyang napailing dahil sa naisip.Ano ba ‘tong pinag-iisip ko?Ewan!
“Anong problema?”tanong ni Joseph nang Makita siya nitong umiiling.
“Wala.Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina, kuya.Saan na naman ba ang lakad mo ngayon?”
“Bakit ba gusto mong malaman?”ganting tanong nito. “Sikreto ba?” Tumango ito. “Alam nina Mama’t Papa?”tanong ni Lit. Tumango ulit ito. “Ang daya!”napasimangot siya.“Eh, bakit ako hindi pwede?”Tumatawang ginulo ng kuya niya ang kanyang buhok na para bang isang bata ang kausap nito.“Kaya nga sikreto, eh!”
Siguro kung bibigyan siya ng pagkakataon ng Diyos na malaman ang kahit anong sikreto sa mundo, pipiliin niyang malaman ang sikretong iyon ng kanyang kuya.Habang tumatagal kasi, lalo siyang naiintriga sa mga pinaggagawa nito.Nakita niya ito minsan sa Meycauayan, ewan lang niya kung ano ang ginagawa nito doon.Marami itong kasama na tingin ni Lit ay kasing edad lamang din nito.Naikuwento pa niya iyon sa kanyang mga magulang at lalo pang nainis sa ginawang paglilihim ng mga ito.Wala naman kasing ginawa ang Mama’t Papa niya kundi ang magpalitan ng tingin.No comment!Pambihira!
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na niya inasam na malaman pa ang sikreto ng magaling niyang kapatid.Mabubuwisit lang kasi siya lalo na ‘pag naiisip niyang kahit anong gawin niya ay hinding-hindi niya malalaman ang pinakatatagong sikreto ng kanyang kuya Joseph.
Hanggang sa isang gabi, nang hindi siya magawang dalawin ng antok, lumabas siya ng kanyang silid at nagpunta sa kusina upang kumuha ng pamatid-uhaw.Pagkatapos ay narinig niyang bumukas ang pintuan sa sala.Bigla siyang sinalakay ng kaba sa dibdib.Dinampot niya ang nakitang walis-tambo sa tabi upang gawing pamalo sakali mang miyembro ng akyat-bahay gang ang nakapasok.Tinungo niya ang sala.Madilim pa sa lugar na iyon dahil punde ang ilaw.Tinatamad pa kasi ang Papa niya na palitan iyon.
“Sino ‘yan?”lakas-loob na tanong niya.Ewan niya kung nanginginig ang boses niya at kung napansin iyon ng pangahas na taong pumasok sa bahay nila.
“Bakit gising ka pa?”tanong nito.
Natigilan ang dalaga, kilala niya kasi ang boses na iyon.Pasimple niyang itinabi ang walis at nilapitan ang kapatid.“Bakit ngayon ka lang?”
Hindi sumagot si Joseph.Umakyat ito ng hagdan at napansin ng dalagang parang may pilay ang kapatid.
“Kuya, ayos ka lang?”
Nilingon siya nito at saka ngumiti.Huminto ito sa kalagitnaan ng hagdan at doon naupo.“Lit, ano ang pananaw mo sa buhay?”
“Ha?”nagulat siya sa biglang tanong nito.
Ngumiti si Joseph.“Nasubukan mo na bang lumabas sa mundong kinagagalawan mo?Kasi kung nagawa mo na, marami kang makikitang bagay na dati ay hindi mo binibigyang-pansin.”
Napakunot-noo si Lit.“Ano bang mga pinagsasabi mo?Hindi kita maintindihan.”
Ngumiti lang ito at hindi na sumagot.
Mas lalong naging misteryoso si Joseph sa paningin ng dalaga pagkatapos ng tagpong iyon.Habang tumatagal, mas lalo itong napapalayo sa kanya.Mas lalo niyang hindi ito maintindihan at hindi nakikilala.Pakiramdam ni Lit ay may kasama siyang isang estranghero sa bahay.At nagsisimula na siyang matakot dito.
“Kuya Joseph!”patuloy ang pagtawag niya sa pangalan ng kapatid habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid.Huli niyang nakausap si Joseph nang gabing umuwi itong pilay.Iyon na rin ang huling pagkakataong nakita niya sa malapitan ang kapatid.Tinatanong niya ang kanyang Mama’t Papa kung saan nagpunta ang kanyang kuya ngunit wala naming maibigay na sago tang mga ito.At laking pagtataka ko nang may dumating na mga armadong lalaki sa bahay isang araw habang wala sina Mama.Mayroon daw silang hinahanap na tao.
Isang nangangalang Joseph Chave.
“Kuya Joseph!”sigaw niya ulit.Hindi niya alam kung naririnig ng kapatid ang kanyang boses.Dalawang buwan matapos itong mawala ng parang bola ay nakita niya ulit ang kapatid sa LRT.Kasama ulit nito ang mga tong nakita na ni Lit sa Meycauayan, Bulacan.At nang sundan niya ang mga ito ay sa lugar na iyon siya napadpad.
“Kuya Joseph!”parang gusto na niyang maiyak.Miss na miss na niya ang kapatid.
Hindi pa rin tumitgil ang putukan at pakiramdam ni Lit ay nasa gitna siya ng giyera.Ang tanong, sino ang kalaban?
Maya-maya’y may isang kamay ang humablot sa kanyang braso.“Aray ko!Ano ba?!”
“Anong ginagawa mo dito, Lit?!”si Kuya Joseph.Napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso na para bang maaari siyang mawala anumang oras.
“Kuya Joseph!Akala ko…akala ko..”hindi na niya natapos ang anumang nais sabihin nang mga oras na iyon.Bumagsak na ang kanina ay nagbabantang mga luha sa kanyang mga mata.Niyakap niya si Joseph.
Nag-aalalang tumingin sa paligid ang binata.“Huwag tayo ditto.Mapanganib!Tara!”
O0O
Natapos ang kaguluhan.Inakala ni Lit na isang rambulan ang napasukan niya nung una.Ngunit napagtanto niyang mali siya.Isa palang rally ang napuntahan niya.At ang pinuno ay ang kanyang kuya Joseph.Dalawang taon na itong nais hulihin ng militar ngunit protektado ito ng mga kasamahan kaya hindi nila ito magalaw o kahit malapitan man lang.
Marami ang patay o mas tamang sabihing pinatay.Walang dalang baril ang mga kasama ni Joseph, saksi si Lit dun.Tanging pamalo lamang ang dala ng bawat isa bilang pandepensa sarili.Ngayon, itinuturo pa ng mga pulis na nagsimula sa mga welgista ang unang putok ng baril.Gumanti lang daw sila ng putok.
Hindi alam ni Lit kung anong iisipin at kung ano ang dapat niyang gawin.Abala ang kanyang kapatid sa pagliligtas ng buhay ng mga kasama nito.Parang gusting manliit ni Lit dahil sa mga nasaksihan.Kung pwede nga lang humiling na bumuka ang lupa at lamunin siya ng buhay, ginawa na niya sa mga oras na iyon.
Nakakahiya mang aminin, pero nagging isa siya sa mga taong walang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang paligid, bulag, bingi at isang malaking tanga.
“Kuya, patawad.Patawad dahil kung anu-ano ang iniisip ko sa’yo noon.At patawad ulit…dahil naging tanga ako.Ngayon ko lang napansin ang mga bagay na noon pa man ay gusto mo nang mapansin ko.”
Sa wakas, ipinagkaloob ni Joseph ang ngiting matagal na niyang nais makita ulit.
-END-
|
Email this Short story
|
Add to reading list






