Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

short script for "LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI"play

Script By: charl
Other


This script is intended for students who are looking for an easier concept of the Philippine literature, "LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI" written by By Elynia Ruth S. Mabanglo.


Submitted:Mar 18, 2011    Reads: 1,234    Comments: 0    Likes: 0   


LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI
By Elynia Ruth S. Mabanglo
CHARACTERS:
Narrator
Denielle Joie Magno
Major:
Marieta (Charlotte Visperas)
-isang guro, asawa at ina
Berto (Zaldy Cruz)
-iresponsableng asawa ni Marieta
Minor:
Karen (Riza Malasan)
-panganay na anak na katulong ni Marieta sa trabaho sa bahay
Marla (Eloah Grace Cabrera)
-pangalawang anak na rebelde at mabarkada
Jun Jun (Chris Roland Sembrano)
-bunsong anak na tamad mag-aral
Carol (Sunshine Fontanilla)
-masamang impluwensya kay Marla
Josie (Mariel Mangulabnan)
-OFW na kaibigan ni Marieta
Dindo (Marc Lawrence Rivera)
-katrabaho ni Berto na isa din masamang impluwensya sa kanya
Benjo (Abet Cendaña)
-pasaway na estudyante ni Marieta
Ara (Gelsea Monea Dela Cruz)
-babaeng estudyante ni Marieta
Waitress (Catherine Yu)
Marieta: (TEACHING) Okay class, our lesson for today is about pronunciations. To begin, Ara read these words written on the board.
Ara: (RECITING)Cat… .Dog…Horse…Goat…
Benjo: (SHOUTS, LAUGHS AND TEASE) Ahaha! Si Mam may chalk sa mukha! Mukha tuloy siyang ganyan sa mga sinasabi mo Ara! Cat-meow..meow..meow..Ahaha!
Marieta: (ANGRY) Benjo! Tumigil ka nga! Sit down! Ganyan ba ang natututunan mo dito sa klase ha, ang mambastos ng nakatatanda sa'yo?!
Abet: (MURMURING) Ngee,ngee,ngee,ngee..
SFX: SOUND OF SCHOOL BELL RINGING SUSTAIN FOR 2SEC
Marieta: Okay class, recess time na, dismissed na kayo.. See you again tomorrow..
Mga Estudyante: Bye mam, see you tomorrow.
Marieta: Benjo, maiwan ka muna at mag-usap tayo.
Benjo: Ayoko nga! ( PUSH THE CHAIR THEN RUN AWAY)
Marieta: ( SIGHS) Haay…( FIX HER THINGS THEN GO HOME)
MSC: FADE IN SONG OF"KISS THE RAIN" THEN FADE UNDER FOR
Narrator: Ako'y isang guro, asawa at ina. Isang babae-pupol ng pabango, pulbos at seda… Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.
Marieta: (CHANGING CLOTHES THEN WILL WASH THE LAUNDRY)
Berto: (OPENS THE DOOR, SIT THEN READS NEWSPAPER AND SMOKE)
MSC: FADE OUT THEN FADE UP CHORUS OF "UPUAN" THEN FADE UNDER FOR
Narrator: Iyo't iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera. Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.Naghihintay siya ng kape at naninigarilyo. Habang kagkag ako sa kuna at libro, nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo. Hindi siya nanag-aangat ng mukha. Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata. Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo, inaaliw kung mainit ang ulo. Wala siyang paliwanag kung bakit hindi siya umuwi magdamag, ngunit kunot na kunot ang kanyang noo kapag umaalis ako ng Linggo.
Ayaw niya ng galunggong at saluyot kahit pipis ang sobreng inabot, ibig pa yatang maghimala ako ng ulam kahit ang pangrenta'y laging kulang. ..
Marieta: (WALKS TOWARDS BERTO AND GIVING HIM A MASSAGE)
Nga pala, saan ka nanggaling kagabi? Bakit hindi ka umuwi?
Berto: (IRRITATED) Basta! Huwag ka nang matanong! Ano nga pala ang maiuulam 'dyan? Nagugutom ako.
Marieta: Pritong galunggong at saluyot. Teka, ipaghahain kita..
Berto: (ANGRY) Ano?! Iyan nanaman ang ulam?! Porgang porga na ako sa letseng galunggong at saluyot na yan!Wala na bang iba?!
Marieta: Wala na eh..Maliit lang kasi ang sinweldo ko ngayong buwan sa pagtuturo.
Siya nga pala, sumahod ka na ba? Bayaran na kasi ng upa dito sa bahay, Idadaan ko na bayad sa upa lalabas sana ako para magsisimba.
Berto: (MAD)Haaay naku! Lecheng buhay ito oh! Wala ng natirang pag-inom namin ni pareng Dindo!Hayan!Makalayas na nga, bwesit!(DOOR SLAMS)
MSC: FADE OUT
Karen: ( ANGRY)Hoy Marla, iligpit mo nga muna yang mga gamit mo! Aalis ka nanaman, wala ka nanamang silbi dito sa bahay. Puro ka barkada!Hindi mo ba nakikita si inay ha? Nakukuba na siya sa kakatrabaho dito sa bahay at school tapos ikaw gimik lang ng gimik!
Marla: ( MAD)Oo na ikaw na ang magaling! Mamaya ko na aayusin yan at nandyan na ang mga kaibigan ko! May lakad pa kami. Inggitera !
Marieta: Ano ba naman kayo, magsitigil nga kayong dalawa! Pagod na pagod na nga ako sa mga gawaing bahay, dumadagdag pa kayo sa mga problema.
Karen: Nay, sumusobra na kasi itong si Marla, wala nang inatupag kundi barkada. Hindi man lang siya makatulong dito sa bahay.
Carol: (SHOUTS) Marla, ano ba ang tagal tagal! Kanina pa naghihintay yung boyfriend ko doon sa sayawan, ano ba?! Sasama ka ba?
Marla: Wala kang pakialam! Feeling mo kung makapag sermon ka ikaw si nanay ah?!At nay, kayo naman, hayaan niyo na nga ako! Aalis na ako. (DOOR SLAMS)
Karen: (CALMING HER MOTHER) Hayaan na natin siya Inay, magtatanda din yan si Marla 'pag napagtanto niya ang masamang pinaggagawa niya. Tara po, tulungan ko na kayo sa inyong mga gawain.
Jun-jun: (THREW HIS BOOK THEN SHOUT) Ayoko nang mag-aral!Nakakatamad na!
Marieta: Oh anak, anong problema? Halika, tuturuan kita.
Jun-jun: Pagod na ako! Walang kwenta naman ang pag-aaral!(WALK OUT)
Marieta: (SHOUTS)Anak,huwag mong sabihin yan. Teka...
MSC: FADE IN SONG OF"KISS THE RAIN" THEN FADE UNDER FOR
Narrator: Ako'y guro, asawa at ina. Isang babae-napapagal sa pagiging babae.Itinakda ng kabahaging masumpa sa walis, labada't oyayi,kahit may propesyo't kumikita ng salapi.Iyo't iyong din ang ruta ng araw-araw-kabagutang nakalatag sa kahabaan ng bahay at paaralan,ng kusina't higaan. May karapatan ba akong magmukmok?Saan ako tatakbo kung ako'y malungkot?May beerhouse at massage parlor na tambayan ang kabiyak kong nag-aasam.Nasa bintana ako't naghihintay.Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap.May krus ang dila ko't di makapangusap.Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,Itinotodo ko ang bolyum ng radio.Napagod yata ako't nanghinawa,Nagsikap mangibang-lupa.
Marieta: (WAITING THEN SUDDENLY THE DOOR OPENED)
Berto with Dindo:(DRUNK) Pare, ang ganda talaga nung masahista..Hooh! Tumayo mga balahibo ko sa kanya! Hmm..
Dindo: Pare, madami pa ako kakilala, next time, balik ulit tayo doon para makilala mo pa ibang mga sexy at magagandang masahista...
Berto: Sige pare, (LAUGHS)
Dindo: Oh sige pare, mauna na ako ha..
Berto: Sige pare! Salamat hah..
Marieta: (DISMAYED UPON LOOKING BERTO)
Berto: Oh bakit ka ganyan makatingin ha?! Haay, makatulog na nga!
MSC: FADE UP INTRO OF "WALANG NATIRA" BY GLOC9 FADE UNDER FOR
Narrator: Noon ako nanaginip na nakapantalon,nagpapadala ng dolyar at pasalubong.Nakahihinga na ako ngayon ng maluwag,walang susi ang bibig ang isip ay bukas.Aaminin kong ako'y nangungulila ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha't pinto,sa telepono nabubusog ang puso.Umiiyak ako nung una,Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.
MSC: FADE OUT
Marieta: (WELL-GROOMED, SITTING PRETTY IN A CHAIR THEN THE DOOR WILL OPEN)
Josie: (ENTER THEN IMMEDIATELY KISSED MARIETA ON CHEEKS)Marieta!I'm so happy to see you!
Marieta: Ako din. Maupo ka kaibigan.
Josie: Sa loob nang mahabang panahon, buti naisipan mo na din mangibang bansa at paunlarin ang kabuhayan ng pamilya mo…
Marieta: Kaya nga eh.. siguro talagang nagsawa na din ako sa pagiging martir na asawa kay Berto. At naawa na din talaga ako sa kalagayan ng aking mga anak…
Waitress: Mam, here's your cup of coffee.
Marieta: Thank you.
Josie: Oo nga, mabuti na rin talaga iyan, para matuto din ang magaling mong asawa sa pagpapamilya. At maranasan niya din ang wala ka sa piling niya.
Pero, kahit papano, hindi ka ba nangungulila sa pamilya mo?
Marieta: Siyempre, nangungulila ako sa kanila. Pero, kailangan kong maging matapang at lumaban eh. Kahit papano naman, sa pagsusulatan namin eh naiibsan ang pangungulila ko..
Josie: Mabuti naman kung ganoon. Oh siya, aalis na din ako agad ha? Tsaka na ulit tayo magkwentuhan, madami pa din kasi akong gagawin, dumaan lang ako dito para kumustahin ka.
Marieta: A ganoon ba, oh siya sige, mag-iingat ka ha?.Salamat sa pagpunta.
Josie: Walang anuman, paalam.
Marieta: (IMAGINING WHILE LOOKING AT THEIR FAMILY PICTURE)Kumusta na nga kaya talaga ang pamilya ko?..Sana tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Berto at ng mga anak ko…
Berto: (DOING HOUSEHOLD CHORES WHILE TAKING CARE OF THEIR CHILDREN)
Oh mga anak, tara kain na tayo.
Karen: Wow, Itay, hmm..ang bango ng niluto niyo ha..
Jun-jun: Oo nga, mukhang masarap!
Marla: Siyempre, dapat lang, wala ditto si Inay eh,kaya tama lang na si Itay naman magluto,.
Karen: Ssshh…Marla…
Berto: Karen,hayaan mo na, tama naman ang kapatid mo eh, marami akong pagkukulang sa inyo kaya siguro nagkaganito ang pamilya natin. Hayaan ninyo, pangako, mula ngayon, magiging mabuti na akong ama sa inyo.
Mga anak: Talaga Itay? Pangako?
Berto: Oo mga anak, pangako.
SFX: SOUND OF CELLPHONE RINGING
Karen: (EXCITED)Si Inay tumatawag! Hello.. Nay!Kumusta na po kayo?
Marieta: Anak, mabuti naman ako dito, kayo kumusta 'dyan? Ang mga kapatid mo-sila Marla at jun-jun, kumusta? Nag-aaral na ba silang mabuti?
Karen: Mabuti naman po kami rito Inay, heto po, miss na miss ka na namin..
Marla: Opo Inay, totoo iyong sabi ni ate, miss ka na naming, hayaan niyo po nagbago nap o ako, hindi nap o ako madalas lumabas nang gabi at makipagbarkada.
Jun-jun: Ako din po Inay, nag-aaral na din po akong mabuti at matataas na rin po ang mga grades ko.
Marieta: Naku, mga anak, mabuti naman kung ganoon… Miss na miss ko na din kayo..
Karen: Nay. Si Itay daw po kausapin kayo…
Berto: Marieta?..Kumusta ka na?..Miss na miss ka na namin ng mga anak mo. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Patawad kung hindi ako nagging mabuting asawa at responsableng ama sa pamilya natin. Patawad. Nagsisisi ako at nais kong ituwid na ang lahat..
Ang hirap pala kapag wala ka, hindi ko alam kung paano mabuhay nang di ka naming kapiling.
Marieta: Berto, mabuti naman at napagtanto mo na ang mga kasalanan mo. Matagal na kitang napatawad. Mas maigi na ginawa ko ito dahil nagging maayos ang pamilya natin. Malapit na akong umuwi, magkikita na din tayong muli bilang buo at masayang pamilya…
MSC: FADE UP SONG "KISS IN THE RAIN" THEN FADE UNDER FOR THEN FADE OUT
Berto at mga anak: (HUGS EACH OTHER)
Narrator: Ito lamang ang sagot, bayaang lalaki ang maglaba ng kumot…
Ipinahahayag ng tula ang karaniwang katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan siya ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay ginagampanan niya ang lahat ng ito. Madalas hinahadlangan niya ang sariling pagunlad para sa kapakanan ng iba at may maraming pagkakataon ay hindi din napapansin ang kanyang mga ginagawa at pasakit. Dito din ay ating mapupuna na ang mga kababaihan ay may karapatan ar maari ring umunlad sa iba't-ibang personal na aspeto kung kanila lamang nanaisin.
-end-




0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.