
MATAAS na ang araw nang gisingin ng malakas na tunog ng doorbell ang binatang mahimbing pang natutulog sa malaki at magulong kama.
Dingdong!Dingdong!
“Sandali!”Halos pasigaw na sagot sa tila naiinip na niyang bisita, ngunit hindi siya kumilos upang bumangon na mula sa kama.Namimigat pa kasi ang mga talukap ng binata at waring nais pang bumalik ng tulog.Inabot niya ng kanyang kanang kamay ang isa pang unan na nalaglag na pala sa sahig at saka pumikit at itinakip iyon sa kanyang ulo upang muling matulog.
Naulit ang pagtunog ng doorbell.
“Oo na!Andyan na!Istorbo naman, oh!”naiinis na sigaw niya sabay bangon mula sa kama at diretso sa labas ng kanyang silid.Ni hindi man lang siya nag-abalang magsuklay ng kanyang magulong buhok at magsuot ng pang-itaas na damit o kahit magmumog man lang ng bibig.Tuluy-tuloy siya sa pintuan ng kanyang di kamahalang condominium at pabalang itong binuksan.“Bakit?”tila inaantok niyang tanong sa kanyang ‘bwisita’.
Tila nagulat sa nagging pagbati niya ang maganda, matangkad at tila edukadang babaeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan.Hindi ito agad nakapagsalita at bahagya pang pinamulahan ng mukha.
Napakunot-noo ang binatang may-ari ng condo habang nakatitig sa maamong mukha ng babaeng nasa harapan.At saka lang siya biglang nagising na tila ba binuhusan siya ng isang baldeng puno ng malamig na tubig sa ulo.
Sing-bilis ng kidlat na pinagbagsakan niya ng pinto ang babae at muling natigilan dahil sa naging reaksyon.“Ah, sorry!”sigaw niya sa likod ng pinto.“Magbibihis lang ako!”aniya at mabilis na tinungo ang sariling silid upang magsuot ng t-shirt, magmumog ng bibig at magsuklay ng buhok.
Pagkatapos ay saka siya tumingin sa orasang nakasabit sa pader ng kanyang sala.Mag-a-alas dyes na pala ng umaga!
Napailing na lamang siya dahil sa kanyang katangahan bago muling tinungo ang pinto sa sala upang pagbuksan ang kanyang hindi inaasahan ngunit nakabibighaning bisita.
“Agent Xeero Heeroda?”tanong ng babae na nawala na ang pamumula ng pisngi matapos makitang nakasuot na ng maayos na damit ang kaharap na lalaki. Napakahaba ng itim na buhok ng babae na bumagay sa mahaba at maganda nitong leeg.Singkit ang mga mata at maputi at makinis ang balat.Naka-black formal attire ito na humapit at bumagay naman sa balingkinitan nitong katawan.
Sa ayos at tindig pa lang ng babae ay masasabi na niyang hindi ito katulad ng ibang mga babaeng madalas niyang nakikita sa paligid.
Tumango si Xeero bilang sagot sa naging tanong nito.“Ex-agent, Miss—“
“Atty. Uriko Constantino.Naparito ako dahil ini-refer ka sa akin ng chief commander ng NBI.” Walang kangiti-ngiting sagot nito sa kanya at naglabas pa ng identification card bilang patunay sa sinsabi nito.
Sandali lang itong sinulyapan ni Xeero at saka ubod tamis na nginitian ang kaharap na babae.“I see.Well…pasok ka, Miss—“
“I’ll prefer to be called Atty. Constantino, Ex-agent Heeroda.”Putol ng babae sa iba pa niyang sasabhin.Tila gusto nitong gawing pormal ang pakikitungo nito sa kanya.“And thank you.”Wika nito bago tinanggap ang kanyang paanyaya.
Suplada.Nagkibit ng balikat ang binata at iginiya ang abogada patungo sa kanyang magulong sala.Napansin agad ni Xeero ang mabilis na pagtaas ng isang kilay ng babae matapos masulyapan ang isa lamang sa mga makalat na bahagi ng kanyang condo.
“Please sit down, Attorney.Pasensya ka na.Ako lang kasi ang nakatira dito kaya medyo magulo.”Parang gusto pang idagdag ng binata:Alam mo na.Single, eh.
Pinagtaasan lamang siya ng kilay nito na tila ba nagsasabing.Huwag mo nang takpan ang pagiging burara mo, Ex-agent Heeroda!
Napabuntung hininga na lamang ng malakas ang binata at saka naupo sa katapat ng sofa kung saan nakaupo si Uriko.“So, anong maipaglilingkod ko sa iyo, Attorney?”
“Well, Mr. Heeroda—“
“I’d like it if you just call me Xeero instead, Attorney.”Nakangiting suhestiyon niya sa kaharap.
“Kailangan ko ang galing ng isang tulad mong Agent in the matter of some detective works.”Patuloy ng babae na tila ba walang anumang narinig na salita mula kay Xeero.
Suplada talaga.Napabuntung hininga siya at saka seryosong tinitigan ang maamong mukha ng abogada.“I’m sorry, attorney.Pero hindi ba nasabi sa iyo ni Chief na nagretiro na ako sa field na iyan?”
Nanatili ang formal expression ni Uriko habang nakatitig sa kanyang mga mata.“He already told me about that.But still, I insist for your service.Masyadong kumplikado at mapanganib ang kaso ng aking kliyente kaya kinakailangan ko rito ang tulong ng isang maingat, responsable at mahusay na alagad ng batas.”
“Pero…” gusto pa ring tumanggi ni Xeero.Kahit kasing ganda pa ng isang dyosa ang babaeng laharap niya ay hinding-hindi pa rin siya tatanggap ng kahit anumang trabaho na may koneksyon sa dati niyang propesyon.
“Have you heard about The Donya Catalina Case?”
Nagsalubong ang makakapal na mga kilay ng dating NBI Agent at saka siya tumango.
Nitong nakaraang taon lamang nangyari nang pagpiyestahan ng media ang tungkol sa naturang kaso.Si Donya Catalina Vallentine ay isa lamang sa mga pinakamayayamang babae sa buong Pilipinas na walang anumang naging koneksyon sa pulitika at sa mga charitable institutions lamang iginagasta ang nakakalulang kayamanan nito.Maganda ang record nito at walang anumang masisilip na kapintasan ukol dito.Hindi ito katulad ng ibang babaeng yumaman lamang dahil nakapangasawa ng mayaman.Ipinanganak na itong bilyonarya at nagkataon pang nag-iisang anak lamang ng kanyang mga magulang.Hindi nabiyayaan ng anak ang Donya kaya napagpasyahan nitong mag-ampon ng tatlong binata.Ang labis na ipinagtataka ng lahat ay kung bakit mga teenager na ang inampon ng matandang Donya sa halip na mga bata.Nagkaroon ng mga haka-haka ang karamihan tungkol sa naging rason ng donya.Umano’y malapit na raw itong mamatay at natatakot na walang maiwang mga tagapagmana.Nang maaksidente ang naturang matanda dahil sa pagsabog ng sinasakyan nitong eroplano na noon ay galing ng Amerika at pauwi na ng Pilipinas ay kumalat sa buong Pilipinas ang mga nakakasirang konklusyon.Na ang Donya lang ang target ng pagsabog at ang utak nito ang tatlong mga tagapagmana na hindi mahintay ang kamatayan ng matanda.Halos isang buwan matapos ang naturang trahedya, nasawi dahil sa isang car racing accident ang tatlong tagapagmana.Ang kasabay nito ang pagkamatay ng mga nakakasirang balita ukol sa kanila.Ganun pa man, hindi pa rin mamatay-matay ang mga katanungan ng karamihan.Kung ano na nga ba ang mangyayari sa mga naiwang kayaman ng donya at kung kanino ito mapupunta.
Ang tanging nakakaalam lamang ng sagot sa mga ito ay ang abogado ng namayapang donya.Ngunit kahit media ay hindi malaman kung sino nga ba ang abogado ni Donya Catalina.
Hindi kaya…
Naningkit ang mga mata ni Xeero matapos mabuo sa isip ang isang hinala.“Huwag mo sabihing…?”
Tumingi si Uriko, bagamat hindi pa tapos ang tanong ng binata.“Kung iniisip mong ako ang abogada ni Senyora Vallentine…hindi ka nagkakamali.”
Nanlaki ang mga mata ng binata.Bagamat nahulaan na niya ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula sa abogada si Xeero.Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na baling araw ay makakaharap niya ang misteryosong abogado ni Donya Catalina.Ni hindi nga niya inakalang babae pala ito!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumilay sa mala-rosas na labi ni Uriko ang isang matipid ngunit nakakabighaning ngiti.“I guess hindi ko na kailangan pang ipaliwanang kung bakit kailangan ko ang tulong mo, Mr. Heeroda?”

“SERYOSO ka ba sa gagawin nating ito, Uriko? Patitirahin natin ang tatlong walang ka-muwang-muwang na dalaga sa mala-haunted house na bahay na iyan?” tanong ni Xeero sa katabing magandang babae sa loob ng kanyang Van.
Tinaasan siya ng kilay ng kausap. “Mukhang ba akong hindi seryoso, Mr. Heeroda?”
Nagkibit balikat lamang ang binata na nang mga oras na iyon ay may suot ng salamin sa mata.
“At sino naman ang nagbigay sa’yo ng karapatan na tawagin ako sa aking unang pangalan?” dagdag tanong ni Uriko.
Pilyong nginitian niya ang katabi. “Ako. Pwede mo rin akong tawagin Xeero kung gusto mo.” Hindi niya pinansin ang pagtalim tingin ng babae sa kanya at inilipat na ang tingin sa malaking bahay na tinutukoy niya kanina. Sa tapat ng bahay naka-park ang kanyang sasakyan habang mayroong hinihintay.
Malaki nga ang bahay na iyon na isa lamang sa mga pag-aari ni Donya Catalina Vallentine, binubuo ito ng apat na palapag kung saan ang bawat isa ay mayroong tigli-limang kuwarto; at mayroon pang isang malaking attic. Malaki at malawak din ang bakuran nito at marami pang mga nagsisilakihang puno sa paligid. May isang fountain pa sa bandang gitna ng bakuran, ngunit hindi na ito nilalabasan ng tubig. Tila ito isang mansyon kung laki at lawak lang din ang pagbabasehan.
Ngunit mayroon itong isang malaking kapintasan.
Masyado na itong luma. Patay na ang halos lahat ng mga puno sa paligid. Puno naman ng mga patay na dahon ang bakuran kaya’t hindi na halos nakikita ang lupa. At ang malaking gate ay medyo kinakalawang na. Hinala ni Xeero ay lalangitngit ng nakakatakot ang gate kapag ito ay binuksan.
Hindi nakapagtatakang pinangingilagan ng mga taong nakatira sa malapit ang bahay dahil sa nakakakilabot nitong ayos. Idagdag pa ang kakaibang aura na ibinibigay nito sa kung sino mang mapapatingin dito.
“Heto na sila.” Wika ni Uriko na nagpabalik sa lumilipad na diwa ni Xeero.
Napatingin ang binata sa bandang unahan ng sasakyan kung saan isang dyip, traysikel at kotse ang sabay-sabay na huminto.
Mula sa dyip ay bumaba ang isang dalagang may mahabang itim na buhok na naka-head band. Maputi ito at nakasuot ng mahaba at pulang palda at long sleeves na blouse na may pulang laso. Nakilala agad ni Xeero ang suot nitong isa sa mga uniporme ng Gatchalian University. May bitbit itong mga malalaking bag sa magkabilang kamay.
Si Yresim Villaruelle.
Mula naman sa traysikel ay isang babaeng nakasalamin sa mata ang bumaba. Hanggang leeg lamang ang iksi ng itim na buhok nito na hindi na umabot ng balikat. Tulad ng unang babae ay nakasuot din ito ng isa sa mga uniporme ng GU (Gatchalian University). White blouse na may pulang neck tie at above-the-knee skirt na black and brown checkered na may ka-partner na makapal na black stockings at black shoes. Ang pang-itaas ng dalaga ay pinatungan nito ng kulay kremang V-neck na jacket. Bukod sa malaki nitong shoulder bag na kulay violet ay may dala-dala ring malalaking traveling bag ang babae.
Si Xena Casimira.
Parang gustong matawa ni Xeero sa ideyang biglang pumasok sa isip. Parang dala niya ang buong bahay niya sa laki ng mga bag niya!
At ang panghuli sa tatlo ay kabababa lamang mula sa itim na kotseng walang bubong na minamaniobra ng isang lalaking sa ayos pa lamang nito ay hindi kataka-takang mapagkakamalang adik. Kumaway muna ang drayber sa nakababa nang dalaga bago nito pinasibad palayo ang kotse. Hanggang balikat ang haba ng buhok ng babae na halatang kinulayan ng brown. May suot itong itim na sumbrero at itim na mahabang damit na mahahabang mga manggas at itim na paldang nakaibabaw sa black and white striped na mahabang medyas nito na kapartner naman ng itim din nitong sapatos.
Hindi naman siya galit sa itim niyan? Naisip ng binatang dating pulis.
Bukod sa itim at maliit nitong body bag ay isang di gaanong kalakihang bag naman ang bitbit nito sa kanang kamay.
Si Alexis Santillan.
Napakunot noo si Xeero habang nakatitig sa bag ng ikatlong babae. ‘yan lang ang dala niyang gamit?
“Oras na, Mr. Heeroda.” Saad ni Uriko sa napaisip na binata.
Napatingin si Xeero sa abogadang pababa na ng sasakyan. “Sandali lang, Uriko.”
Napabuntung hininga si Uriko. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo ito, Mr. Heeroda? It’s Atty. Constantino.“
Sumeryoso ang anyo ni Xeero. “You have no choice, Uriko. Kailangan nating masanay na huwag maging pormal sa isa’t-isa kung ayaw nating magduda ang mga bata. Saan ka ba nakakita ng mag-bestfriends na apelyido ang ginagamit sa pagtawag sa isa’t-isa?”
Napakunot noo si Uriko. “Best friends? At kalian pa tayo naging matalik na magkaibigan?”
“Kasama ito sa plano.” Sagot ni Xeero.
Sinulyapan ni Uriko ang tatlong babae na may limang hakbang ang layo mula sa isa’t-isa habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan. Saka ito muling napabuntung hininga bago tiningnan ulit si Xeero. “Okey, fine. Payag na’ko.”
“Sample nga.” Paghahamon niya sa abogada.
Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Do I have to?”
Nagkibit lamang ng balikat si Xeero.
Walang nagawa si Uriko kundi ang mapa-iling na lamang dahil sa inaasal ng dating NBI Agent. “Fine! Xeero! Now, satisfied?”
Katulad ng madalas niyang ginagawa, muli na namang nagpakawala ng isang nakakalokong ngiti ang binata. “Yes.” May palagay siyang gigil na gigil na talaga sa inis sa kanya si Uriko at kung nagkataong maiksi lamang ang pasensya nito ay kanina pa siya nito pinatikim ng mag-asawang sampal.
|
Email this Novel
|
Add to reading list






