Save on all your Printing Needs at 4inkjets.com!

The Cold Heart Princess

By: Rics Ongsee Posadas

Chapter 1, Love ? Friends ? Family ? kapag binanggit mo yan , isang salita lang ang masasabi mo agad . . MASAYANG MAGKAROON NYAN ! FAMILY ? i have mother , father , and sister . . i have them . . but i think , for them they dont need to have me . . FRIENDS ? i dont have friends ! since Birth wala akong naging kaibigan . . or should i say gusto ko syang kalimutan . . LOVE ? Friends , Family . . kailangan yan ng LOVE . . kaya naman isa lang ang masasabi ko . . I DONT HAVE FEELINGS TO FEEL THAT DAMN LOVE ! i almost hate my self because of that f*cking ingredients to have that F*CKING LOVE !! hindi ko kaylangan ng Trust , Patience , o kung ano pang ingredients ng LOVE na yan !! dahil kapag nabuo mo ang ingredients ng LOVE na yan MASASAKTAN KALANG !!

 

Chapter One :
 
 
 
 
"he died because of you !!"
 
 
- - - - -
 
 
napabangon ako ng pawis na pawis , kahit na nakaaircon.
 
napatingin naman ako sa clock at 3 am palang ng umaga , at dahil hindi na ako makatulog ulit , naligo nalang ako at nagayos na para sa first day ng college life ko.
 
pagkatapos kong magayos bumaba na ako para kumain ng breakfast
 
"good morning maam Lian"bati sakin ni manang fhe ang head maid namin sa mansion.
 
"ang aga mo naman pong magising eh 9 pa po ang schedule niyo sa pagpasok sa school ?"nagtatakang tanong sakin ni manang.
 
9 kasi ang start ng 'campus tour' at alam nya yun kasi binigyan sya ni lola ng copy ng schedule ko sa school para alam nya kung anong gagawin nya , basta bahala na sya sa trabaho nya.
 
"maaga akong papasok , pakisabi nalang kay lola"cold kong sabi sa kanya.
 
"ok po"sagot ni manang at umalis na then kumain naman na ako
 
 
 
 
- - - - - > SEBASTIAN UNIVERSITY
 
 
"goodmorning students !! kumpleto naba tayo ?!"sigaw nung teacher sa unahan para marinig namin sya , i guest ?
 
"ok !! count muna tayo para malaman natin na kumpleto na tayo para naman makapagstart na tayo !!"sigaw nung teacher
 
nagumpisa naman na kaming magcount at pang last ako , number 30
 
"ok !! so kumpleto na tayo !! bale ako nga pala si ms.niarez ang magiging adviser niyo for the whole year !!"sabi ni ms.niarez
 
nag start naman na ang tour at sa sobrang laki ng school eh natapos kami ng 4 na oras para lang libutin ang campus na ito
 
nagpunta naman muna ako sa cafeteria para kumain dahil sobrang nagugutom na ako.
 
bumili ako ng dalawang burger at ng isang coke then umupo sa pinakasulok na upuan.
 
i love being loner . .
 
"grabe no ? kakabukas lang ng school na ito sikat na agad"
"oo nga eh !! at akalain mo ang daming gwapo !!"
"at ang pinaka gwapo daw sa lahat ehh yung apo ng may-ari ng school na ito !!"
"nakita mo na sya ?! anong name nya ?!"
"hindi ko pa sya nakikita pero sa facebook nakita ko na sya !! at ang gwapo nya !!"
"sana magorientation na para makilala ko sya sa personal !!"
"eh next month pa ang orientation kasi nagsesearch pa daw sila para sa mga campus princess's at campus prince's chubalu na yan !!"
"ayy !! oo nga !! sana naman mapili ako sa campus princess's no ?!"
 
grabe !! sobrang ingay naman dito sa cafeteria na ito >___< 
 
kakaopen lang ng school na ito , kakatapos lang kasing gawin kaya naman lahat ng studyante dito ay mga new students !
 
"attention !! kailangan niyo na pong pumasok sa bawat classroom niyo !! at dapat sa loob ng 20 minutes ay walang ng studyanteng pakalat-kalat !! may iaannounce lang ang mga adviser niyo !!"lahat kami napatingin sa malaking speaker na nakadikit sa dingding , bigla ba namang nagsalita XD
 
pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa classroom ko at sobrang layo pala ng classroom ko sa cafeteria ! dyahe dapat pala laging nandito yung car pati narin yung driver ko para hindi na ako mahirapan maglakad !
 
"pinapasok na namin kayong mga studyante para lang ibigay sa inyo itong susi ng locker niyo , baka kasi may kaylangan na kayong ilagay eh mailalagay nyo na . . nasa locker niyo na ang mga books and notebooks niyo na gagamitin , at para naman sa mga girls nandon na ang mga kailangan niyo tulad ng alam niyo na yun , at para naman sa boys nandon na din ang mga kailangan niyo . . may extra uniform kayo sa locker para incase na kailanganin niyo , at nasa locker niyo na rin ang p.e uniform niyo , dalawa ang p.e uniform sa locker niyo para naman incase din kapag kakailanganin niyo ! at ang panghuli ay walang klase ngayong araw na ito at bukas magi-start ang klase . . ang araw na ito ay para makapaghanap kayo ng friends , dahil nga bagong open lang ang school na ito kailangan niyong makapagadjust sa mga students ok ? goodbye na may meeting pa kami"explain samin ni ms.niarez at umalis na.
 
paglabas nya nagtawanan naman yung mga classmate ko kasi tuloy tuloy magsalita si ms.niarez walang tigil (_ _)
 
kinuha naman namin yung maliit na box na may pangalan namin at nung makuha ko na yung akin dumiretso na ako sa locker building para makita lang yung locker ko.
 
yeah may locker building ang school na ito para daw organized ang lahat -___-
 
locker number 25 ako , medyo malayo nga ehh.
 
pagdating ko sa harap ng locker ko inopen ko na agad at nandun yung I.D kaya naman sinuot ko na may note kasi na 'wear this' , may nakita naman akong parang drawer kaya inopen ko at walang laman yung drawer na maliit kaya nilagay ko dun yung box ng key at yung key naman sinabit ko sa id ko.
 
pagkasara ko ng locker ko, napansin ko yung lalaking kakasara lang din ng locker nya 
 
napatingin naman sya sakin at ngumiti kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya
 
"hi !! owen [owy posadas] nga pala"sabi nya ng nakangiti at hinihintay na makipagshake hands ako sa kanya
 
"Zess"cold kong sagot sa kanya pero hindi ako nakipagshakehands sa kanya kaya naman binaba na nya yung kamay nya
 
iniwan ko naman na siya dun pero maya-maya lang may sinigaw sya "nice to meet you zess"sigaw nya pero hindi ko lang sya pinansin
 
im not friendly at ayokong makipagkaibigan sa strangers -___-
 
tutal wala namang klase , umakyat nalang ako sa rooftop para magpahangin
 
actually bawal dito sa rooftop pero , dito lang kasi ang lugar na tahimik kaya naman kahit na bawal dito nalang ako pumunta wala namang nakakita ehh.
 
nahiga naman ako sa sahig , malinis naman at tiles din kasi ang sahig sa rooftop kaya malinis.
 
"anong ginagawa mo dito ?"napabangon ako at napalingon sa lalaking nagsalita
 
nakahiga din sya at nakaharap sakin , bakit hindi ko sya napansin kanina ?
 
"ang sabi ko anong ginagawa mo dito ?!"inis nyang tanong sakin
 
anong ginawa ko sa nilalang na ito at naiinis sya sakin ?!
 
"hindi kaba marunong magsalita ahh ?!"sigaw nanaman nya pero nakatingin lang ako sa kanya habang nakataas ang isang kilay ang weird nya swear (_ _")
 
"ang ayaw ko sa lahat ay yung ini-snob ako !!!!! kaya sagutin mo yung tanong ko !!!!"sigaw nya at lumapit sya sakin ng sobrang lapit pero hindi naman ako gumalaw at nakatingin parin sa kanya.
 
kahit na papalapit ng papalapit ang muka nya hindi ko nilalayo ang muka ko !! 
 
gusto ko syang asarin kasi pikon sya ! at ang babaw ng pagiging pikon nya -___-
 
"F*CK !! IKAW LANG ANG BABAENG GANYAN !!"sigaw nya at umalis na sa rooftop
 
nagiisa lang talaga ako at ayokong may gagaya sakin (__ __)
 
nahiga naman na ako para makapagrelax
 
- - - - -
 
hindi ko namalayang nakatulog pala ako at pagtingin ko sa cellphone ko 4 pm na pala at saktong uwian na
 
nagsalamin muna ako bago umalis ng rooftop
 
[BRT BRT BRT]
 
unknown number?
 
pinabayaan ko nalang kasi hindi ko naman kilala at tinatamad akong magpipindot ng magpipindot sa screen
 
paglabas ko ng freshmen building nasa harap ko na agad yung kotse kaya naman pumasok na agad ako.
 
pagkauwi ko sa mansion , yeah mansion talaga , at sa lola ko ang mansion na ito
 
"nakauwi kana pala apo , kamusta naman ?"tanong sakin ni lola at lumapit ako sa kanya para makipagbeso
 
"its boring"maikli kong sagot sa kanya
 
"dapat masanay kana sa school mo ok?"sabi sakin ni lola at nagnod lang ako then umakyat na papunta sa room ko
 
isang beses lang akong pumasok sa school at yun ay nung kinder palang ako
 
at nung mag peprep na ako tumigil na ako sa pagpasok sa school at naghomestudy nalang.

© Copyright 2014Rics Ongsee Posadas All rights reserved. Rics Ongsee Posadas has granted theNextBigWriter, LLC non-exclusive rights to display this work on Booksie.com.

© 2014 Booksie | All rights reserved.