Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 14

Script By: merrymary
Romance



Neil was getting closer to Marly, turning them to be the best of friends.


Submitted:May 24, 2009    Reads: 353    Comments: 0    Likes: 0   


LABAS - BAHAY NI NEIL - ARAW

Bukas ang pintuan.

NEIL: Mar, just feel at home ha, huwag mo nang tanggalin iyang sandal mo, pasok ka dito sa loob.

Pumasok sila sa loob.

SA SALA

Napatingin-tingin si Marly sa bahay.

MARLY: Wow, ang ganda pala ng bahay niyo ano. May second floor pa at mapakalawak nito.

NEIL: Kakarenovate lang naminkaya mukhang bago sa paningin. Upo ka muna diyan ha, magluto muna ako ng noodles, wala kasing ibang putahe. Alam mo naman mahirap lang kami.

MARLY: Ikaw naman, okay lang sa akin. Wala naman akong pili sa pagkain.

Sumunod si Marly kay Neil sa kusina.

SA KUSINA

Binuksan ni Neil ang apat na pakiting Maggi at nag-init ng tubig sa isang kaserola. Tumulong naman si Marly sa pagbukas.

NEIL: Mar pasensya ha, medyo mahirap lang kami. Actually, siyam kaming magkapatid, tatlo ang lalaki, at anim na babae.Ako ang pinakapanganay.

MARLY: (pabiro) Napakahardworking pala ng parents mo ano,laging overtime sa gabi. Pero at least nagsisikap sila para maitaguyod ang pag-aaral niyo.

NEIL: Kaya nga nagpapart-time job din ako, at least makatulong sa mga pangangailangan ko sa pag-aaral. Nais kong makatapos sa koliheyo para makahanap agad ng magandang trabaho at makatulong din sa parents ko.

MARLY: Wow, ang bait mo palang anak.

Nag-umpisa na silang kumain nang dumating ang kapatid niyang si Gay. Lumapit ito.

GAY: (napatingin kay Marly) Hi, Kuya, sinong kasama natin ngayon. Ipakilala mo naman sa akin.

Inusog ni Neil ang isang bangko at pinaupo si Gay at tumindig ito sa likuran ni Marly.

NEIL: (napataas-noo) Gay, siya si Marly, my sweetheart- to-be.

MARLY: (V.O) (napakunot ang noo) Excuse me Mr. Hindi ka pa nga nanligaw, how could you be sure na maging sweetheart mo ako.

GAY: Naku! Marly, hindi ka magsisisi sa kapatid kong iyan, ang bait-bait niyan at napakamaalagain.

MARLY: Oo nga, napapansin ko iyan Gay sa kanya.

GAY: Wala kang masasabi diyan.

NEIL: Thank you Gay, i-treat kita mamaya.

Nagtatawanan nalang silang tatlo habang kumakain. Nang matapos na,

MARLY: (napatingin sa wallclock) Ay alas dos na pala, may pasok pa tayo.

NEIL: (tumayo) Segi, ako nang magligpit ng plato, doon ka muna sa sala magpahinga.

MARLY: (nagligpit ng plato) Tulungan na kita.

NEIL: Huwag, you're my special guest.

SA SALA

Inakbayan ni Neil si Marly at pinaupo sa sala.

NEIL: (binuksan ang TV) Manuod ka muna diyan ha.

MARLY: Okay ty.

Bumalik si Neil sa kusina at naghugas ng plato. Matapos, lumapit uli ito kay Marly.

NEIL: Segi, alis na tayo.

MARLY: Gay (nakaupo rin sa sala), alis muna kami.

GAY: Segi, ingat kayo ha.

Umalis silang dalawa.

LABAS - SA SCHOOLGATE - ARAW

Umakyat si Marly sa isang tricycle para uuwi sa tinitirhan niya. Agad tumakbo si Neil at umupo sa bandang likod ng driver.

MARLY: Ay Neil, uuwi ka ba, di ba may class ka pa?

NEIL: (hinahabol ng hininga)A, wala namang masyadong session ngayon.

Umandar na ang tricycle.

SA TAPAT NG BOARDING HOUSE NI MARLY

Huminto ang tricycle. Bumaba si Marly at dumukot ng barya sa kanyang petaka. Bumaba rin si Neil, mabilis na dumukot ng barya sa kanyang pantalon.

NEIL: (inabot ang barya) Ito po ang bayad namin.

MARLY: Ay huwag, may pambayad naman ako.

NEIL: Itago mo na iyan, binayaran ko na. Boss driver, hanggang dito na rin ako.

Umalis ang tricycle.

MARLY:Akala ko uuwi ka na sa bahay mo.

NEIL: (napakamot sa ulo) Puede dito muna ako Mar, gusto ko lang makipagkwuentuhan sa iyo. Medyo matagal na kasing hindi tayo nagkakausap. Miss ko na ang boses mo, puede ba Mar?

MARLY: (napasulyap sa itaas) Segi na nga, andito ka na rin lang. Bakit ba sa lahat ng mga gustong bumisita sa akin, ikaw ang hindi ko matanggihan. Segi, diyan muna tayo sa porch uupo kasi mas presko ang hangin kaysa loob.

NEIL: Thank you Mar.

SA PORCH

MARLY: Saglit lang ha, ipasok ko muna tong bitbit kong mga gamit.

Pumasok si Marly sa loob. Umupo naman si Nel at napatingin-tingin sa paligid. Bumalik si Marly sa porch at umupo sa tabi ni Neil.

MARLY: Ang sarap ng hangin dito ano, tingnan mo iyong mga sariwang bulaklak at halaman na nagbibigay ng "full view of nature" sa bahay, ang gandang tingnan ano.

NEIL: Oo nga. Alam mo Mar, enjoy na enjoy ako tuwing makausap kita. Napakasimple mo lang pero topnotcher pala sa school. Ang daming humahanga sa iyo.

MARLY: Hindi naman, I just always do my best. Seryoso talaga ako when it comes to my studies.

NEIL: Alam kong maraming nagka-crush sa iyo pero hindi ata makalapit sa iyo.

MARLY: (napangiti) Iwan ko ba, hindi naman ako nangangagat ng tao.

NEIL: Oo nga, approachable ka naman. Hangang-hanga nga ako sa ugali mo. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakilala ko.

MARLY: (ngumiti) Hindi siguro nila napapansin. Mapili rin kasi ako,ayokong makatagpo ng Mr. wrong guy.

NEIL: (nagpaparinig) Kung sa bagay. Siguro may ilalaan para sa iyo, nasa tabi-tabi lang.

MARLY: Iwan ko lang, maybe.

Nagngitian nalang sila dalawa.

Abangang ang Kabanata 15

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.