Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 15

Script By: merrymary
Romance



Marly and Neil were much more getting closer and closer.


Submitted:May 24, 2009    Reads: 346    Comments: 0    Likes: 0   


LOOB - CLASSROOM - GABI

Lumapit si Neil kay Marly habang siya'y nagsusulat ng assignment.

NEIL: Marly, puede bang pumunta ka uli sa bahay namin?

MARLY: Naku, hindi ba nakakahiya, andon ang parents at mga kapatid mo.

NEIL: Wala namang problema sa kanila, mababait naman sila.

MARLY: Segi na nga.

MARLY: (Napatitig) (V.O.) Ba't kaya hindi ko ito matanggihan tuwing may ihihiling.

NEIL: Thank you, tonight after class ha.

MARLY: Okay.

LOOB - SA SALA NG BAHAY NILA NEIL -GABI

Halos wala silang madaanan papasok dahil nakaharang ang limang mga bata sa may pintuan at sahig, nagsusulat ng assignments.

NEIL: (tumuturo) Mar, lahaaaaaat na nandiyan ay mga kapatid kong maliliit. Actually, iyong youngest namin Grade 4 pa lang this year.

MARLY: (namangha) Wow, ang dami pala nila ano, nakakaaliw. Parang di malaman kung sino ang mas matanda o bata.

NEIL: Oo nga, kung tingnan mo, parang halos magkapareho lang ang edad. (tumingin sa mga kapatid niya) Mga bulilit, ito ang Ate Marly niyo.

MGA KAPATID NI NEIL: (tumatango) Good evening po.

MARLY: Good evening din.

SA KUSINA

Nagluluto si Gay ng hapunan.

GAY: (nagsasandok) Kuya, dumiretso na kayo rito.

Lumapit si Neil at Marly. Nakaupo roon si Bel, isang kapitbahay nilang maganda, maputi at medyo tabain. Tinititigan ni Bel si Marly mula ulo hanggang paa.

BEL: (tumuturo) Ay, Neil sino siya?

Binigyang upuan ni Neil si Marly. Pinaupo ang huli.

NEIL: Hi Bel, ito si Marly, my sweetheart to be. (tumingin kay Marly) Mary, siya si Bel , kapitbahay namin.

BEL: (ngumiti nang alanganin) Wow, buti ka pa Mar, magiging sweetheart ni Neil, samantalang ako, ewan, wala atang pumapansin sa akin.

MARLY: Naku! sa ganda mong iyan, imposible ata iyan. Pero hayaan mo, darating din iyan sa buhay mo.

Habang sila'y kumakain,halatang nagseselos si Bel sa kanya.

DAAN PAUWI SA BOARDING HOUSE NI MARLY

Naglalakad ang dalawa nang marahan.

NEIL: Marly, nabusog ka ba sa kinain natin? Baka gusto mong bumili ng tinapay.

MARLY: Huwag na, busog na busog na ako. Maitanong ko lang, bakit parang iba ang reaksyon ni Bel kanina, ikaw kasi, sinabi mo pang "my sweetheart-to-be". Medyo nagseselos tuloy sa akin.

NEIL: Huwag mo lang siyang pansinin. May crush kasi iyon sa akin, pero hindi ko pinapansin.

Nagkuwento si Neil ng mga katatawanan.Tawa nang tawa ang dalawa.

MARLY: Alam mo, mula nang naging kaibigan kita, panay ang ngiti ko. Pinatatawa mo ako lagi.

NEIL: Iyan ang gusto kong makita sa mukha mo. Iyong laging nakangiti. Pag ganyan ka kasi lagi , lalo kang gumaganda.

MARLY: Bola na naman.

NEIL: Paminsan-minsan naman, give yourself a break. Lagi ka lang kasing nakatutok sa pag-aaral mo at napakaseryoso mong tao.

Inaakbayan siya ni Neil sa balikat.

MARLY: (inaalis ang kamay ni Neil) Puede ba Neil, huwag mo akong akbayan sa balikat, hindi kasi ako sanay. Saka maraming makakakita sa atin, baka itsitsismis pa tayo.

NEIL: Pasensya na Mar, ito kasi na ang kinaugalian ko, maging sa brod at sis ko, o sa parents ko. Kaya masanay ka na sa akin.

SERIES OF SHOTS

Magkasabay silang dalawa sa daanan, nagtatawanan. Sa school library nag-aaral o nagtatawanan. Sa loob ng classroom, nagtuturuan. Uwian, sumasakay si Marly sa minamaneho ni Neil . Minsa'y maglakad lang sila.

END OF SERIES OF SHOTS

LABAS - PORCH NG BOARDING HOUSE NI MARLY - GABI

NEIL: Bye Marly, bukas uli.

MARLY: (kumakaway) Bye, see you tomorrow.

Lumayo na si Neil. Pumasok naman si Marly sa loob.

SA MAY SALA

Nakaupo ang kapatid ni Marly na si Roby. Nagbabasa ito ng libro.

MARLY: Ate, good evening po.

ROBY: Lagi na ata kayong magkasama ni Neil, ano, boyfriend mo na ba siya?

MARLY: Hindi a, magbestfriend lang kami, hindi nga siya nanligaw sa akin.

ROBY: E, saan pa hahantong iyan. Saka tingin ko gusto mo rin siya. Mag-ingat ka lang ha, huwag subrang padadala sa feelings mo baka hindi ka makatapos ng iyong pag-aaral.

MARLY: Don't worry Ate, I can manage. Priority ko pa rin ang pag-aaral ko.

ROBY: Sa akin paalala lang. Alam mo na sa panahon ngayon. Marami ang mga kabataan ngayon na nabubuntis nang wala sa oras.

MARLY: Kung sa bagay correct ka diyan.

Abangan ang Kabanata 16

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.