Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 16

Script By: merrymary
Romance



Neil courted Marly by the sea just like the way Val, her first boyfriend courted her. Would it be a success or just another sad failure? Please keep on reading.


Submitted:May 24, 2009    Reads: 353    Comments: 0    Likes: 0   


LABAS - SCHOOLGATE - ARAW

Nakaparking ang tour bus sa tabi ng kalsada. Nakapost na bandera, "EXCURSION TRIP FOR THE GRADUATING CLASS 1993".

Umaakyat sa bus ang mga estudyante pati na si Marly.

SA LOOB NG BUS

Umupo si Marly sa bandang gitna. Nagkasabay umakyat sina Sela at Niel. Naunang tumabi si Sela kay Marly. Umupo na lang si Neil sa may likuran nila.

NEIL: (pabulong) Marly, gusto sana kitang makatabi riyan, naunahan lang ako.

MARLY: (pabulong) E, hindi na puede, andito na si Sela, diyan ka na lang.

NEIL: Oo nga, nahuli kasi ako ng kunti.

Umandar na ang bus.

LOOB SERIES OF SHOTS - ARAW

Sa Iligan: Pumunta silang National Steel Corp.

National manpower Corporation

Sa underground tunnel Sa Maria Christina na source of water supply.

Sa Iligan Cement Corporation, maalikabok.

Nagpipicture-taking sila sa bawat kompanya.

END OF SERIES OF SHOTS.

LABAS - TAPAT NG ILIGAN INN - GABI

Nagsibabaan ang mga estudyante sa bus. Bitbit nila ang kanilang mga gamit. Bumaba rin si Marly. Nasa likuran si Neil, hindi ito makaporma dahil kasabay ng dalaga sina Joy, Arly, at Sela. Napatingin sila sa Iligan Inn.

SELA: Dito pala tayo magstay ngayong gabi.

JOY: Segi na akyat na tayo, pagod na pagod na ako.

MARLY: Oo nga, sumasakit na rin ang mga paa ko.

Pumasok sila sa loob.

SA LOOB NG INN

Nagtitipon ang lahat sa may lobby. Nagbigay paalala si Sir Billy, adviser nila.

SIR BILLY: Class, alam kong pagod na pagod na kayo kaya pagkatapos nating kumain, puede nang magpahinga. Ang mga girls diyan sa kanan, ang mga boys naman sa kabila. Tingnan niyo lang iyong assigned room numbers ninyo. If you want to go outside, please ask first for my permission .Bukas di muna tayo pupunta sa mga companies, magsiswimming tayo sa Tim Beach Resort.

Napapalakpak ang mga karamihan.

BEST FRIENDS NI MARLY: Yeheeeeyyyyyyy!!!!

SELA: Wow, sarap maligo sa resort.

Hindi na-excite si Marly.

ARLY: O Marly, ba't hindi ka nasiyahan.

MARLY: E, papano naman ako makakaligo niyan, dumating iyong red flag ko.

JOY: Naku! ang malas mo naman.

MARLY: Segi, pahinga muna tayo sa loob, gusto ko munang mahiga.

Pumasok na sila sa kanilang room. Nasa iisang silid silang apat na magbest friend.

LOOB - TIM BEACH RESORT - ARAW

Nakalatag sa inupahang mesa ang mga dala nilang pagkain. Nagsusugba ang iba ng isda at karne. Ang iba nama'y lumalangoy sa pool . Nakatindig si Marly sa may mesa at nakatutok sa pool.

MARLY: (V.O.) Ang linaw ng tubig. Naalala ko tuloy si Val noong una niya akong niligawan habang kami'y naliligo sa dagat, hindi ko malimutan ang mga sandaling iyon. Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon, hindi man lang sumulat sa akin, miss na miss ko na siya.

Nakangiti siyang mag-isa habang nakatingin sa pool. Nang naibaling niya ang kanyang paningin sa kabilang dako, napansin niyang tumititig si Neil sa kanya . Lumapit ito sa kinaroroonan niya.

NEIL: (tumabi) Mar, parang nakangiti ka atang mag-isa, ayaw mo bang maligo?

MARLY: Ayoko, ang ginaw ng tubig.

NEIL: Mar, puede bang samahang mo akong bumili ng chichirya doon sa tindahan sa may gate?

MARLY: O segi pero sandali lang tayokasi baka hahanapin nila tayo.

NEIL: Oo sandali lang tayo.

Pumunta silang tindahan.

SA TINDAHAN SA MAY GATE

Namili si Neil ng mabibili.

NEIL: Marly anong gusto mong kainin.

MARLY: Chippy na lang, paborito ko iyan.

NEIL: (tumingin sa ale) Ale, pabili ng dalawang chippy, 2 sprite in can din.

Inabot ito kay Neil. Dumukot ng P100 sa bulsa ang huli.

NEIL: Ito po ang bayad.

Sinuklian si Neil ng ale.

NEIL: Marly, puede bang punta muna tayo sa may tabing-dagat doon sa kabila para makita natin ang buong view ng karagatan, napakagandang tingnan ito.

MARLY: (nag-alangan) Ha aaa...

NEIL: Segi na please...

MARLY: Segi na nga pero sandali lang ha kasi tiyak na hahanapin tayo ni Sir Billy at ng mga kasamahan natin, alam mo naman ang mga iyon.

NEIL: Ok no problem.

SA KABILANG DAGAT

Dahan-dahan silang naglalakbay patungong seashore. Walang-kibo ang dalawa habang tumatawid sa daan at nagtungo sa tabing-dagat.

LABAS - TABI NG DAGAT - ARAW

Pinaspasan ni Neil ng alikabok ang isang tuyong kahoy.

NEIL: Mar, dito muna tayo umupo.

MARLY: (umupo) Thank you.

Naupo silang dalawa. Tahimik sila habang tumatanaw sa karagatan. Maya-maya'y nag-umpisa si Neil na nagsalita.

NEIL: (tumuturo sa dagat) Mar, nakikita mo ba ang dulo ng karagatan at ang kaibuturan nito?

MARLY: Syempre hindi, ang layo at lalim na non.

NEIL: (seryoso) Ganon kalawak at kalalim ang pag-ibig na inaalay ko sa iyo. Tibok ng puso ko'y parang isang alon ng dagat na humahampas dito sa loob. (kaawa-awang boses) Sana Mar, tanggapin mo ang tanging pag-ibig na inaalay ko para lamang sa iyo.

Biglang umalog ang mga kamay ni Marly, nenenerbiyos. Napatingin siya sa malayong dagat.

LABAS - KARAGATAN - ARAW - FLASHBACK

Unang niligawan si Marly ni Val sa dagat.

VAL: Marly, alam mo ba, enjoy na enjoy ako sa pagsasama nating dalawa ngayon. Gusto ko sanang ipagtapat sa iyo na mahal kita at nais kitang maging kasintahan.

BALIK SA KASALUKUYAN

Mukhang nalumbay si Marly habang nakatingin sa dagat. Di makasagot.

MARLY: (V.O.) (malalim ang hininga) Naging saksi na naman ang karagatan sa pinahayag na pag-ibig ni Neil sa akin katulad noon kay Val. Ano na naman kaya ang maging dulo nito, maging matagumpay kaya ito o isa na namang kabiguan. Totoo kaya ang mga sabi-sabi na pag nasa dagat daw ligawan ang babae ay hindi raw magtatagumpay ang pag-iibigan nilang dalawa. Baka totoo ito kasi naranasan ko na noon.Ngayon heto na naman.

Tumingin siya kay Neil nang may pag-alinlangan.

MARLY: Neil, ayoko munang pumasok sa mga bagay na iyan.

NEIL: (humarap kay Marly) Hindi naman kita minamadali sa desisyon mo Mar,pag-isipan mo munang maigi, mag-aantay ako.

MARLY: O segi, balik na tayo sa mga kasama natin.

SA LOOB NG RESORT

Lumapit sila sa inupahang cottage. Napansin agad sila sa mga kasamahan.

SELA: Kayo ha, ang agang-aga, nagdadate na kayo.

JOY: Oo nga, natatanaw namin kayo mula rito.

MARLY: (medyo nenerbiyos) Nagpapahangin lang kami sa tabing-dagat.

Inabutan sila ni Sir Billy ng disposable plate at spoon.

SIR BILLY: Segi, kain muna kayong dalawa.

Habang kumakain, tumitingin si Marly sa malayo.

MARLY: (V.O) Ayokong magkaroon uli ng kasintahan lalo na't gwapong-gwapo na naman ang maging bf ko. Maiinsecure na naman ako. Pero, hanggang kailan ko mapigilan itong damdamin ko lalo nang may gusto rin ako sa kanya. (umiiling) Hay naku, ano na naman ito. Inloved na naman ba ako?

Abangan ang Kabanata 17

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.