Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 17

Script By: merrymary
Romance



It's getting cool now, so better read the whole story.


Submitted:May 24, 2009    Reads: 304    Comments: 0    Likes: 0   


LOOB - BARKONG SULPICIO LINE - GABI

Tinulungan ni Neil sina Marly sa pag-ayos ng mga gamit nila sa cottage. Naka open air lang ang tinuluyang nilang economy class na cottage.

MARLY: Thanks Neil, saan nga banda iyong cottage niyo.

NEIL: Nasa kabilang parte kami ng barko.Gusto ko nga sanang magkalapit lang tayo.

MARLY: Separate kasi ang boys sa mga girl kaya hindi puede.

NEL: Segi, bye. Sweet dreams.

JOY: (nakahiga sa kabilang kama) Naku Marly, sagutin mo na iyan, ang bait-bait niyan at napakamaalagain pa.

SELA: Oo nga naman.

NEIL: Segi pahinga na kayo.

MARLY:Kayo talaga. Segi matulog na tayo, bukas nasa Cebu na tayo.

SA HATINGGABI

Tahimik na ang mga pasahero, halos natutulog na ang lahat.

SA LABAS NG BARKO

Lumalakas ang hangin at lumaki ang alon ng tubig. Umunos ito kasabay ng kidlat at ulan. Bumabagyo.

SA LOOB NG BARKO

Tumatalsik ang tubig na may malakas na hangin kasabay ang tatak ng ulan na humampas sa kinaroroonan nila. Umiyak ang iba sa takot lalo na si Joy. Relax lang si Marly.

MARLY: (V.O.) (nanalangin) Lord, alam kong sumasalangit ang kaluluwa ko pagako'y mamatay dito sa gitna ng karagatan, kaya ikaw na ang bahala.

Mabilis dumating si Neil, binalot ang kanilang mga kumot at binuhat ang mga gamit.

NEIL: Sumunod lang kayo sa akin.

Sumunod ang mga babae pati si Marly.

SA KABILANG DAKU NG BARKO ( BUSINESS CLASS)

Inilagay muna ni Neil ang binitbit na gamit sa higaan.

NEIL: Segi, pumili na lang kayo ng higaan, di na kayo matalsikan ng ulan dito dahil medyo nasa looban.

MARLY: (V.O.)(Napatitig kay Neil) Wow, what a great hero!, napaka-helpful naman ng taong ito, siguro napaka-sweet nito pag maging boyfriend ko. (nagbago na naman ang isip). Ay, hindi, ayoko na, tama na. Ayoko munang pumasok sa mga love affairs, magulo. It's better for me to take him as a friend only and nothing else so far.

LABAS - SA PIER - ARAW

Nagsibabaan sila sa barko. Tinulungan ni Neil si Marly sa pagbitbit ng mga gamit.

LOOB - PENSION HOUSE SA CEBU - GABI

Nagtitipon silang lahat sa lobby. Ang iba'y naupo dahil pagod sa buong araw na lakad. Pumunta sa gitna si Sir Billy at nagbigay ng announcement.

SIR BILLY: Okay, after two days of our company visits here in Cebu, I decided to give you a break. Puede kayong maggala ngayong gabi. You can go anywhere you want.

CLASS: Yeheeeyyyyyyy.

Natuwa ang lahat. Nagsialisan sila sa lobby.

SA MAY PINTUAN NG KWUARTO NILA MARLY AT BARKADA - GABI

Nasa huli si Marly na papasok sa kuwarto. Nilapitan siya ni Neil.

NEIL: (pabulong) Marly, sabay tayong magstrolling mamaya.

MARLY: (mahinang boses) Tingnan ko lang ha, nakakahiya kasi kung hindi ako sasabay sa mga barkada ko.

NEIL: Basta, aabangan kita mamaya.

MARLY: I'll try but I don't promise.

SA LOOB NG KUWARTO NILA MARLY

JOY: (naghananap ng damit na maisuot) Ano Marly (nakahiga), sasabay ka ba sa amin magshopping?

SELA: (nagmamake-up) Hay naku Joy, huwag mo nang isama si Marly dahil ididate iyan ni Neil mamaya.ohhhh (pakutya)

MARLY: Ewan ko, whatever.

ARLY: (nagsusuklay ng buhok) Talagang natamaan sa espada ni Cupido iyang Neil na iyan sa iyo.

May kumatok sa pintuan. Binuksan ni Sela.

SELA: Speaking of.........

NEIL: Hi Sel, si Marly.

SELA: Marly, andito na ang escort mo.

MARLY: (lumapit sa pintuan) Ay Neil, hindi pa ako ready.

JOY: Miss mahinhin kasi iyan.

NEIL: (dumungaw) Hayaan mo, antayin kita dito sa labas.

MARLY: Segi, sandali lang ha.

Sinara ang pintuan ni Sela. Agad nagbihis ng gamit at nag-ayos si Marly ng mukha.

ARLY: Si Marly lang ang may escort sa atin. Kakainggit naman.

MARLY: Kayo naman, friend lang ang turing ko sa kanya.

JOY: (pabiro) Ang bait ni Neil ano, naku kung wala lang akong asawa, pipikutin ko iyan at talagang hindi ko iyan papakawalan.

SELA: Oo nga, sayang hindi rin sa akin nagkagusto.

MARLY: (pabiro) Oo segi sa inyo sa siya.

ARLY: Puede ba iyon, ikaw ang nagustuhan niya.

SELA: Hayaan mo, pag ayaw mo sa kanya, ibalato mo na sa akin ha.

Nagtawanan nalang ang magkabarkada.

Abangan ang Kabanata 18

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.