Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 18

Script By: merrymary
Romance



Marly accepted Neil's wooing for her. Though in her mind, she was trying to resist on loving someone for fear of losing, but her heart could not ever lie that she felt inloved again.Oh no!


Submitted:May 25, 2009    Reads: 303    Comments: 0    Likes: 0   


LABAS - DOWNTOWN SA CEBU - GABI

Marahang naglalakbay sina MarIy at Neil.

NEIL: Alam mo namimiss ko rin ang lugar na ito dahil three years ako rito nag-aral.

MARLY: Di, kabisado mo na ang mga daanan dito.

NEIL: Oo. Alam mo, pagpapari sana ang ambisyon ko pero hindi ko nakayanan ang mga pagsubok. Ilang beses ako noong tumatakas sa pader tuwing gabi para manligaw lang sa labas.

MARLY: E, di may naiwan ka palang sweetheart dito.

NEIL: Wala, puro mga sosyal ang mga nakilala kong babae rito. Ayaw nila sa akin dahil wala rawng pera.

MARLY: Ganon ba.

NEIL: May nobya ako noon sa atin, mga two years kaming nag-on, pero nang nag-aral na ako rito, pagbalik ko roon, iba na ang treatment niya sa akin. Kaya nagbreak na lang kami.

Habang sila'y naglalakad, nadaanan nila ang isang skating center,open air at maraming nag-skating.Nandoon na rin si Sir Billy at may tutor pang chicks.

Umupo sina Marly at Neil, kumakain ng popcorn habang pinapanuod ang mga skaters. Maya-maya'y hinila siya ni Neil papuntang skate shoe rental service counter.

NEIL: Mar, uupa ako ng skating shoes ha para makapag- skating ka.

MARLY: Ay huwag, hindi ako marunong niyan.

Itinuloy ni Neil ang pag-upa ng skating shoes.

NEIL: (lumuhod) Isukat mo 'tong sapatos kung kasya ba sa mga paa mo, kung hindi papalitan natin.

Isinukat ni Marly, kasya sa mga paa niya.

MARLY: Segi na nga, kakahiya naman sa 'yo, binayaran mo na.

NEIL: Makita lang kitang nakangiti, masayang-masaya na ako.

Matapos itong isuot, tumindig si Marly.

MARLY: Papano to, first time ko pa namang mag-skating, di ako marunong magbalancing.

NEIL: Huwag kang mag-alala, andito naman ako, aakayin kita para di ka ma outbalance. Dahan-dahan lang.

Mukhang nakakatawa si Marly tingnan, laging ma-outbalance. Pero tinutulungan naman siya ni Neil para di matumba.

Isang Oras ang nakalipas.

MARLY: Neil, mag-iisang oras na tayo rito, tigil na tayo.

NEIL: Segi, pinagpawisan ka na rin.

Hinubad ni Marly ang skating shoes at ibinalik ito ni Neil sa counter. Naglakad-lakad na naman sila pauwi.

LABAS - SA TAPAT NG PENSION HOUSE - GABI

MARLY: Alam mo, unang beses itong nangyari sa buhay ko. Naaliw talaga ako sa iyo. Para nga tayong "Lovers of the night".

NEIL: Alam mo Mar, masayang-masaya ako dahil nakasama kita. Maging lubos ang aking kasiyahan kung sasagutin mo ang inalok kong pag-ibig sa iyo (hinawakan niya ang mga kamay ni Marly).

MARLY: Please, can you give me more time to think about it.

NEIL: Okay, maghihintay pa rin ako sa desisyon mo. Pumasok na sila sa loob.

LOOB - KUWARTO NILA MARLY - HATINGGABI

Tulog na ang lahat maliban kay Marly. Hindi siya mapakali sa higaan. Ipikit man ang kanyang mga mata, hindi parin makatulog.

MARLY: (V.O) Bakit parang may pagtingin din ako kay Neil? Di ako makatulog sa kakaisip sa kanya.Masaya rin ako tuwing kami'y magkasama. Ayoko na sana , pero bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? ".Ito ba'y nangangahulugang inloved na naman ako. Naku, ano na namang gulo itong pinasukan ko.

LOOB - SCHOOL LIBRARY - ARAW

Nagsusulat ng summary report si Marly kasama ang mga barkada.

SELA: Marly, parang bihira ko nang nakikita si Neil, palagi na lang siyang absent sa class. Lagi pang nagmamadaling umuwi.

MARLY: Ewan ko, seguro busy sa partime job niya.

Nakatanaw si Marly sa may pintuan.

MARLY:(V.O) Saan ka na Neil, miss na miss kita.Tatlong linggo na tayong hindi nagkausap.

LOOB - BOARDING HOUSE NI MARLY

Sa sala, walang ganang nagsusulat si Marly ng report. Minsa'y nakatulala at iniisip si Neil.

MARLY: (V.O.) Kakainis naman itong sarili ko. Akala ko ba'y ayoko ng ma-inlove uli pero bakit lagi kong inaalala si Neil.Gusto ko siyang makausap.

May kumatok sa gilid ng pintuan (bukas ito). Tumingin si Marly.

NEIL: Hi Marly

MARLY:(laki ng ngiti)Hi Neil, ikaw pala.

NEIL: Puedeng mag-chat tayo rito sa porch.

MARLY: Sandali lang ha, ibalik ko muna itong gamit ko sa kuwarto.

NEIL: (nakangiti) Okay.

Nagtungo si Marly sa kuwarto niya.

SA PORCH SA LABAS

Umupo si Neil. Maya-maya umupo si Marly sa tabi nito. Inabot ng lalaki ang mga kamay niya.

NEIL: Mar, alam mo miss na miss kita. Tinapos ko lang kasi iyong nirepaint kong sasakyan kasi inuurgent ng may-ari. Kaya hindi ako nakadalaw sa iyo.

MARLY: Akala ko ayaw mo na sa akin.

NEIL: Kailanma'y hindi mangyari iyon Mar. Gusto pa nga kitang maging kasintahan. Yaong mga tinig mo ay nais kong marinig lagi. Hangad kong makasama ka araw-araw. Sana sagutin mo na ako ngayon.

MARLY: Oo segi na nga, sinagot na kita.

NEIL: (napalundag) Yes!, yes! thank you Mar, sadyang hindi ka magsisisi sa akin, mamahalin kita nang tunay at tapat.

MARLY: Pshh...dahan-dahan ka naman, ang lakas ng boses mo, baka marinig ka ng elder sis ko.

NEIL: Ay sorry Mar, tuwang-tuwang lang ako sa naging desisyon mo.

MARLY: Segi, may exam pa tayo bukas.

NEIL: Okay, uwi na ako, thanks ulit.

Hinagkan ni Neil ang noo ni Marly at umalis na kumakanta-kanta pa sa daan.

SA KUSINA

Abalang-abala si Roby sa pagluluto ng hapunan.

SA KUWARTO NILA

Di mawala sa isip ni Marly ang naganap kamakailan.

MARLY: (V.O.) (tulala) Maging maligaya kaya ako sa piling ni Neil o kaya'y mamomoblema na naman ako sa kanya. Hindi kaya ako maiinsecure sa kaguwapuhan na naman ng bagong bf ko. Baka matulad rin kay Val na iniwan ako.Pero sa tingin ko mabait naman si Neil at seryoso sa mga hangarin niya sa akin.

SA KUSINA

ROBY: (nagsasandok ng kanin) Marly kumain na tayo.

MARLY: (V.O.) Opo, sandali lang .

SA KUWARTO

Niligpit niya ang kanyang mga gamit at lumabas sa kuwarto.

SA KUSINA

Lumapit siya sa mesa at tiningnan ang ulam.

MARLY: Wow, adobong kangkong, ang sarap nito a, saka pretong isda, at may tinola pa.

ROBY: (nakaupo) Segi upo ka na diyan. Let's pray, "Our Father God in heaven, we thank you for giving us bountiful blessings. Bless this food as we partake that it may give nourish to our body. In Jesus name, I pray, Amen.

Nagsimula na silang sumubok sa pagkain nang biglang pumasok sa isipan ni Marly ang pagsagot niya kay Neil kamakailan kaya muntik siyang mabilaokan.

MARLY: Ate, tubiiiiig please.

Agad kumuha ng isang basong tubig si Roby.

ROBY: (inabot ang basong tubig) Dahan-dahan lang.

MARLY: Salamat Ate.

Itinuloy ang pagkain.

MARLY: (V.O.) (nag-iisip habang sinusubo ang ulam) Kinakabhan tuloy ako sa naging desisyon kong pagsagot kay Neil. Ano na naman 'tong pinasok ko, bakit hindi ako makatanggi sa kanya. Ito ba'y nangangahulugang inlove rin ako sa kanya?

ROBY: Ano bang iniisip mo diyan, kumain ka nang maigi.

Inilapit ni Roby ang ulam.

MARLY: Salamat po Ate.

Abangan ang Kabanata 19

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.