Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 19

Script By: merrymary
Romance



History repeats itself. Time had come when Marly knew Neil was having an affair with another girls just like Val before. Will she break up their relationship? Just keep on following this story.


Submitted:May 25, 2009    Reads: 510    Comments: 0    Likes: 0   


SERIES OF SHOTS

Magkasabay lagi si Marly at Neil papuntang school.

Sa daan, nagtatawanan at naghahawak-kamay.

Sa classroom, magkatabi.

Hinahatid si Marly ni Neil sa bahay.

Dinadala ni Neil si Marly sa Cathedral, hindi sanay ang huli at hindi ito nag-cocross hand at sumasabay sa orasyon.

Dinadala rin ng dalaga si Neil sachurch (Born-again) niya. Nagtataka ang kapatiran kung bakit nagcrosshand ang nobyo niya.

Napaka-sweet nilang dalawa.

END OF SHOTS

LABAS - SA PARK - GABI

Marahan silang naglalakad, naghoholding-hands. Umupo sila sa isang concrete chair.

NEIL: Wow, ang sarap ng feeling ano pag kasama mo ang iyong minamahal.

MARLY: Oo nga, alam mo, napakaswerte ko talaga dahil may nobyo akong kasing guwapo kay Loren Legaspi, (kinukusot ang ilong ni Neil), maalagain, at maalalahanin pa.

NEIL: Ako rin, ang swerte ko dahil sa pagkaroon ko ng nobyang napakamatalino na, mabait pa. Sana ganito nalang tayo palagi ano. Alam mo Mar, gusto ko talagang tayo ang magkatuluyan sa huli.

MARLY: Ako man pero iyon ang hindi natin matiyak.. Diyos lang ang nakakaalam niyan. (tumingin sa relo) Ay, mag aalas-otso na pala, uwi na tayo.

NEIL: Segi, maglalakad na lang tayo pauwi dahil wala akong barya.

MARLY: (pabiro) Ganon ka naman lagi.

NEIL: Pasensya na mahal, mahirap lang itong bf mo.

MARLY: Hindi, biro lang, mahal naman kita maging sino ka man. Kaya sa hirap at ginhawa ngayon at kailanman (kumakanta)

Inakbayan ni Neil si Marly habang papauwi.

LABAS - SA DAANAN TAPAT NG VOLCANIZING SHOP - ARAW

Nakaupo si Neil sa driver's seat ng jeepy na minaneho niya. Katabi niya ang nagngangalang Rea, maputi at medyo tabain,maarte sa pananamit at pananalita. Nakadikit si Rea kay Neil. Nadaanan sila ni Sela.

SELA: (nanlaki ang mga mata) Aha, isusumbong kita kay Marly, tiyak na malilintikan ka sa kanya.

NEIL: (pabulong) Please Sel, huwag mong sabihin sa kanya. Secret lang ito.

REA: (pataray) Alis na tayo Neil, bilisan mo.

Naiba ang mukha ni Sela.

SELA: (V.O)(paismid) Ang taray naman ng babaeng ito, kapitbahay pa namin.

SELA: Basta, tandaan mo. Ibubulgar kita kay Marly.

NEIL: (pinaandar ang jeepy) Please lang Sel, ayokong mag-away kami.

REA: (pasungit) Alis na tayo, bilisan mo na Neil.

Umalis si Neil at Rea. Nakatingin si Sela sa jeepy habang ito'y papalayo,

SELA: (pikon) Isusumbong talaga kita kay Marly, Pupuntahan ko siya sa boarding house niya. Isa kang salawahan. Niloloko mo lang ang best friend ko.

LOOB - BOARDING HOUSE NI MARLY - ARAW

Nagsusulat ng assignment si Marly sa isang mesa sa sala. Dumating si Sela.

SELA: Hi Marly.

MARLY: (tumindig) Hi Sel, naparito ka, pasok ka rito.

Pumasok si Sela sa sala at umupo sa harapan ni Marly.

SELA: May sasabihin sana ako sa iyo tungkol sa bf mong magaling, sana huwag kang mabigla ha.

MARLY: Bakit ano iyon?

SELA: (huminga ng malalim) E kasi....nakita ko si Neil kaninang umaga sa jeepy na minamaneho niya na may kasamang babae sa tabi . Sa tingin ko may relasyon silang dalawa dahil dikit na dikit ang babae sa kanya. Alam mo Mar, kapitbahay pa namin iyong babae, Rea ang pangalan.

MARLY: (nawalan ng sigla) Maganda ba siya? Anong hitsura niya? Sexy ba?

SELA: (pataray) Hay naku, matabain, mas sexy ka pa nga.

Napangiti si Marly nang alanganin.

SELA: Kadalasan pa nga'y hinahatid siya ni Neil pauwi sa bahay niya halos maghahating-gabi na. Magkapitbahay kasi kami ng babae kaya madalas ko silang nakikita. Inaakbayan pa siya ng bf mo.

MARLY: (napakunot ang noo) Ganon ba? talagang wala akong kaalam-alam niyan. Papano kaya siya nagkaroon ng sapat na oras na lagi siyang nakatambay dito kakagaling namin sa school. Kadalasan nga uuwi na siya ng mga alas 10 ng gabi. Halos araw-araw, hinatid-sundo pa niya ako rito. Talagang blind na blind ako sa mga issue na iyan.

SELA: Pinagbulaanan ko si Neil kanina, sabi ko isusumbong ko siya sa iyo. Sabi ng darling mong magaling, huwag raw kitang pagsabihan dahil secret lang at ayaw niyang mag-away kayo. Pero hindi puedeng ililihim ko ito sa iyo dahil best friend kita.

MARLY: (pabuntong-hininga) Ganon ba, hindi ko talaga inakala na ganyan ang gagawin ni Neil sa akin, akala ko pa nama'y tapat siya sa akin.

SELA: Naku!, 'yong babae ay napakataray pa, parang under-de-saya pa 'tong bf mo, utos pa ito nang utos na magmadali raw sa pag-alis, sabi bilis, bilis, kakainis talaga.

MARLY: (pakunwaring nasaktan) Hayaan mo siya kung iyon ang gusto niya. Ganon naman siguro ang mga lalaki.

SELA: (pikon) Ganyan ka lang. Naku!, kung ako pa ang naging girfriend niya, siguradong bibigyan ko siya ng leksyon.

MARLY: Salamat Sel ha sa pagbigay-alam mo nito sa akin.

SELA: (tumindig) That's what friends are for. Segi alis na ako Mar.

MARLY: Segi, ingat ha.

Umalis si Sela. Nawalan na ng ganang mag-aral si Marly.Tumulo ang mga luha.

MARLY:(V.O) Ba't naulit na naman sa akin ito?

Abangan ang Kabanata 20

UNPUBLISHED EDITON. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.