Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 20

Script By: merrymary
Romance



Neil asked Marly's forgiveness. Will the girl forgive him for having three lovers at a time or leave him? Keep on reading.


Submitted:May 25, 2009    Reads: 555    Comments: 0    Likes: 0   


LOOB - KUWARTO NI MARLY - GABI

Nag-iisa si Marly sa kuwarto, nakahiga at kayakap ang unan habang napatingin sa picture nila ni Neil na nakasabit sa wall.

MARLY:(tumutulo ang luha) Heto na naman, nasasaktan na naman ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang ako'y pagtaksilan ng pinakamamahal kong si Neil. Kagaya rin pala siya sa first love kong si Val. Bakit naulit na naman muli ang bagay na kinamumuhian ko sa lahat - ang pagtaksilan ako sa taong iniibig ko nang tapat. Pero kakayahin kong mag-isa at mawalan ng kasintahan kaysa may kahati sa puso ng taong minahal ko nang labis. Maybe I am so selfish enough about this matter but I have to stand on my own principle. I don't want a complicated life. Ayokong magmakaawa at ipagsapilitan ang sarili ko sa kanya. Kung tunay niya akong mahal, ako lamang ang dapat niyang mamahalin at wala ng iba. Kailanma'y hindi siya makipag-ugnay sa iba, at dapat tibayin ang kanyang loob para makaiwas sa anumang tuksong dumaraan alang-alang sa relasyon namin. Kaya Neil, I will be giving up on you kung kailangan, although I will really be hurt because I love you so.

May kumatok sa pintuan ng bahay.

NEIL: (OFFSCREEN) Tao po, Marly, andiyan ka ba?

SA SALA

Lumabas si Marly galing kwuarto na nakasimangot habang papalapit kay Neil sa pintuan na bukas.

MARLY:(V.O) Here you are Mr. Wrong Guy, nakakabighani iyang mga ngiti mo. Papano kaya kung mawawala ka sa piling ko,hindi ba ako masasaktan nang lubusan? Dapat ba kitang bigyan ng kalayaan na makipag-ugnayan sa iba? Hindi rin kaya ako magseselos pag may kasama kang iba? Hindi ko ba ipaglaban ang pag-ibig ko sa iyo?

NEIL: Mar puede bang dito tayo sa labas mag-usap. May ipapaliwanag lang ako sa iyo.

LABAS SA PORCH

Umupo sila. Medyo lumayo si Marly.

MARLY:(mahinang boses) Hindi mo na kailangang itago sa akin ang sekreto mo Neil dahil alam ko na ang lahat tungkol sa pakikipag-ugnayan mo sa iba.

Di makatingin si Marly sa mukha nito. Dumiin si Neil sa gilid niya. Lumingon naman siya sa kabila, dumadaloy ang mga luha.

NEIL: Mar, pakinggan mo muna ako. Ayoko ng ilihim sa iyo ang mga bagay na 'to. Totoo ang lahat na sinabi ni Sela tungkol sa amin ni Rea. I admit nagkasala ako sa iyo. Si Rea ay kaklase ng kapatid kong si Gay na nag-aaral din sa college. Lagi siyang pumupunta sa bahay namin dahil nga magbest friend sila ng kapatid ko, saka kilala na rin siya sa parents ko. Nong una, hinahanap niya ang sister ko, minsa'y aabot pa siya ng mga alas dose ng gabi sa bahay, kaya sa pag-alala naming ano pang mangyari sa kanya sa daan, madalas ko siyang inihahatid pauwi sa bahay nila.

MARLY:(iba ang tuno) E, bakit mo naman siya inaakbayan?.

NEIL: A iyon, wala namang kahulugan iyon, kahit sino naman inaakbayan ko. Magulang at mga kapatid ko inaakbayan ko rin sa balikat.

MARLY: Tapos bakit nagkarelasyon kayong dalawa?

NEIL: Nitong bandang huli, parang na-inlove yata siya sa akin, hinahanap na ako gabi-gabi sa bahay instead sa kapatid ko, para bang siya ang nanligaw sa akin, kakahiya din sa part niya kung babaliwalain ko siya.Isang gabi nga, pumunta ang mother niya sa bahay namin at ininspect ang bawat silid sa pag-akalang tinatago ko ang anak niya. Sinabi ko sa mother niya na wala akong masamang hangarin kay Rea. Dagdag tanong pa nito kung may nangyari na ba raw sa amin, dapat ko raw itong pananagutan. E, sagot ko naman na hindi ko ginalaw ang nag-iisang anak niya. Kakahiya naman sa part ni Rea kung sabihin kong hindi kami magkasintahan. Kaya iyon, parang mutual understanding nalang.

Tahimik lang si Marly habang nakikinig sa kaniya.

NEIL: Tapos may isa rin kaming kapitbahay,'yong si Bel. Nakita mo na iyon di ba noong isang beses na dumalaw ka sa bahay namin. May gusto rin siya sa akin noon pa. Kaya itong dalawa'y nag-aaway at nagbibingihan ngayon dahil sa akin. Pahayag ko sa kanila na mayron akong girfriend na mahal na mahal ko at hindi ko puedeng iiwan. Ikaw ang tinutukoy ko Mar. Alam naman nilang dalawa iyon, iyak nga nang iyak 'yong isa nang masabi ko sa kanila ang tungkol sa ating relasyon, tanong pa nila kung ano raw ang dapat gawin upang maibaliw ang pag-ibig ko't attention sa kanila. Sa kasalukuyan, itong dalawa'y payag nang maging pangalawa o pangatlo sa buhay ko basta huwag ko lang daw silang iiwan.

MARLY: (inis) Ang galing mo talaga ano. Ganon ba kayong lahat na lalaki? Hindi lang pala isa ang karibal ko kundi dalawa. Oh no! I can't go on like this. Neil, siguro alam mo kung gaano kita kamahal. Nadarama ko rin ang labis mong pagmamahal sa akin. Na-shock nga ako sa balitang ito, hindi man kapani-paniwala ngunit ito'y buhat na rin sa bibig mo. Sa situwasyong ito, gusto kong mamili ka kung sino ang pipiliin mo sa aming tatlo. Kung may gusto ka sa kanila, segi, doon ka na at iiwan mo ako. Masakit man para sa akin ang lahat pero makakaya kong mawala ka sa akin kaysa may kahati ako sa puso mo. Marami pang lalaki dito sa mundo Neil, I'm sure makakahanap din ako ng ibang magmamahal sa akin nang tapat at 'yong hindi ako sinasaktan.Kung ako naman ang pipiliin mo, whether you like it or not, titigilan mo ang pakipagrelasyon sa kanila. Nasa sa iyo ang desisyon Neil.

Lumuhod si Neil sa harap at inabot ang mga kamay ni Marly.

NEIL: Mar, just give me one more chance please, pag-uwi ko mismo ay makipaghiwalay ako agad sa kanila. Huwag ka lang makigpag-break sa akin please. Mahal na mahal kita higit kaninuman, at ayokong mawala ka sa buhay ko. Please Mar, give me another chance.

Di mapigilang tumulo lalo ang mga luha ni Marly. Naalala niya si Val noon.

ARAW - SA BAHAY NI MARLY SA PROBENSYA - FLASHBACK

VAL: Marly, ayokong mawala ka sa buhay ko. Makakaya ko pang mawala si Jane sa akin huwag lang ikaw,dahil ikaw ang mas matimbang dito sa puso ko. So please Mar, patawarin moako. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon".

BALIK SA KASALUKUYAN

Napatitig si Marly kay Neil.

MARLY: (V.O.) Wala ka palang kaibahan kay Val Neil. Pareho lang kayong mga lalaki?

Lalong tumulo ang luha ni Marly.

MARLY: Bakit ka ganyan Neil. Mahal pa naman kita. Bakit labis mo ako sinaktan.

Binigyan siya ni Neil ng panyong pampahid sa mga luha niya.

NEIL: Sorry Mar, I'm really sorry. Di na ito mauulit pa. Just give me another chance, please. Mar, mahal na mahal kita . Please don't cry.

NEIL: Kaya kong mawala sila sa buhay ko huwag lang ikaw Mar, dahil ikaw ang tanging minamahal ko.

Huminahon na si Marly.

MARLY: (pabuntong-hininga) Okay, let's see if you can fulfill your promises, I will give you a chance to prove it to me.

NEIL: Thank you Mar, thank you talaga. (hinagkan si Marly sa noo) Pag-uwi ko, makipaghiwalay ako kaagad sa kanila. Promise my dear.

MARLY: (matamlay ang mukha) Segi bye.

NEIL: (tumindig)Okay Mar, uwi na ako ha. Huwag kang mag-alala, Promise is promise. Love you.

Umalis si Neil.

MARLY: (V.O.) Hindi kita magawang sumbatan Neil kahit gustuhin ko man.Seguro tama lang ang desisyon kong bigyan kita ng ibang chance. Hindi ko rin kayang mawala ka sa buhay ko. Hay naku, ba't kaya ang mga babae'y madaling magpatawad. Ewan....(hinahaplos ang buhok).

Abangan ang kabanata 21

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.