Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 21

Script By: merrymary
Romance



Marly was invited by Neil during his graduation. The guy was so proud of her that made the girl more inloved with him.
They both passed the board exam making their dreams come true, to become a licensed engineer. Just continue reading this part.


Submitted:May 25, 2009    Reads: 295    Comments: 0    Likes: 0   


SERIES OF SHOTS

LOOB - MARLY'S GRADUATION DAY - ARAW

Nakatanggap si Marly ng special academic award.

Sinabitan siya ng garlan ni Neil.Nagpicture taking sila.

Nagpicture taking ang buong batch.

Dumalo rin ang pamilya ni Marly.

END OF SERIES OF SHOTS

LABAS - SA PORCH NG BAHAY NILA MARLY (SA PROBENSYA) - ARAW

Dumalaw ang mga bisita pati na ang mga kabarkada ni Marly. Si Neil ay laging nasa tabi niya.

Nang papaalis na sila.

JOY: Marly, thanks ha, busog na busog kami.

SELA: Segi picture taking muna tayo.

Pinag-utusan ni Sela ang isang panauhin para kumuha ng picturesa kanilang magkabarkada.

Nagpicture taking sila kasama na rin si Neil.

ARLY: O kailan ang kasalan para maimbitahan na naman kami.

MARLY: (ngumiti) Wala pa iyan sa isip namin, ang bata pa namin to settle down in marriage.

NEIL: Next semester, graduation ko rin, punta rin kayo sa bahay ha.

SELA: Sure, pag kainan lagi kaming present.

Tawanan.

JOY: Ano Mar, sasali ka ba sa review para board exam. May bagong bukas kasi na civil engineering review center sa syudad.

MARLY: Oo, mag-eenrol nga rin si Neil, tamang-tama lang pagkatapos ng kanyang graduation, makasali rin siya sa licensure exam.

ARLY: Di mas mabuti, lahat tayo puedeng makasali sa board.

JOY: (pabiro) Kahit 3rd placer lang ako, puede na.

Nagtatawanan silang magkakabarkada.

LOOB - GRADUATION DAY NI NEIL - ARAW

Inabot ni Marly kay Neil ang isang munting regalo at sinabitan ito ng garlan.

NEIL: Mar, punta ka sa amin mamaya ha. Blessings kasi sa bagong bahay namin tapos graduation ko rin so pinagsabay nalang. Don't forget to come ha,aantayin kita kahit hanggang gabi, pag hindi ka sisipot, hahanapin talaga kita kahit saang sulok ka magpunta.

MARLY: (pabulong) Sure, don't worry. Ikaw naman.

Naglibot si Marly sa buong hall at kinocongrats ang ibang mga kasamahan nilang nag-gradwar din.

MARLY (V.O) (nag-aalanganin) Pupunta kaya ako sa bahay nila Neil o hindi.Feeling ko nakakahiya pag ako lang mag-isa. Kaso inalala ko rin siya na baka magtampo sa akin. Bahala na nga.

LABAS - DAANAN MALAPIT SA BAHAY NI NEIL-ARAW

Nakaabang na si Neil sa gilid ng kalsada. Tumigil ang tricycle na sinaktan ni Marly. Ang laki ng ngiti ni Neil nang nakita siya. Nagbayad siya ng pamasahe at bumaba.

MARLY: Ay Neil, bakit mo pa ako inaantay dito, sana doon ka nalang mag-antay sa bahay niyo.

NEIL: (malambing na boses) Akala ko kasi hindi ka pupunta sa bahay namin kaya inaabangan talaga kita rito.

Pumasok sila sa eskineta at pumaroon sa bahay ng binata.

SA PINTUAN NG BAHAY NI NEIL

NEIL: Just feel at home Mar ha.

Hinihawakan ni Neil ang kamay ni Marly papasok sa loob. Marami-rami ang mga bisita.

SA SALA

Naupo si Marly, nakayuko, medyo nahiya. Catholic devoted ang pamilya ni Neil, si Marly ay Born-again Christian kaya nang ginanap ang house blessing, tumahimik lang siya. Inumpisahan na ang kainan. Inabot ni Neil kay Marly ang plato, kutsara't tinidor.

NEIL: Marly, huwag ka lang mahiya ha, kumuha ka lang sa mesa kung ano ang gusto mong kainin.

MARLY: Huwag mo akong alalahanin.

Kumuha ng pagkain si Marly at bumalik sa upuan niya. Maya-maya'y lumapit na naman si Neil.

NEIL: (inabot ang soft drink) Marly, ano pa ang gusto mo, sabihin mo lang sa akin ha, tulungan na kitang kumuha.

MARLY: (naiilang) Huwag mo akong alalahanin, asikasuhin mo nalang iyong ibang mga bisita niyo.

NEIL: (palambing) Alam naman ng lahat na syuta kita.

MARLY: Ikaw talaga.

Maya-maya'y inabot ni Neil ang dessert.

MARLY: (V.0) Ibang-iba ang ugali ni Neil kay Val. Proud na proud siya sa akin. Kailanma'y hindi niya ako kinahihiya sa mga kakilala niya at sa pamilya niya.

LOOB - SA BAHAY NILA VAL (KASAL NG PINSAN NIYA) - ARAW- FLASHBACK

VAL: (hindi nakangiti) Kuha na lang kayo ng pagkain doon sa kabilang bahay.

Lumapit si Marly sa kanya sa may pintuan.

MARLY: (pabulong) Puedeng humingi ng kutsara at tinidor.

VAL: (tumalikod) Sandali lang ha.

Umalis si Val at pumunta sa mga barkada niya. Binigyan sila ni Letty ng kutsara, tinidor at pagkain.

BALIK SA KASALUKUYAN

MARLY: Ako na lang ang bahalang kumuha.

NEL: Hindi,guest kita ngayon kaya kunin mo na ito, segi na.

MARLY: (tinanggap) Segi, thanks ha.

MARLY:(V.O) No wonder bakit maraming babae ang humahabol nitong bf kong si Neil kasi napakagentleman. Lalo tuloy akong nainloved sa kanya dahil sa subra niyang pagkamaginoo't pagkamaalagain.

Makalipas ang tatlong oras, lumabas siya. Ngunit nang napansin siya ni Neil, agad ding itong lumabas.

SA LABAS

MARLY: (pabulong) Neil, alis na ako dahil mag-aalas kuwatro na.Balik muna ako sa boarding house. Pasabi nalang sa pamilya mo, thank you.

NEIL: (nataranta) Teka lang Mar, sandali lang. Magpapaalam muna ako sa kanila dahil sasabayan kita pauwi sa inyo.

MARLY: Ay huwag na, marami pa kayong bisitang darating, kailanganan ang presensya mo. Ikaw ang celebrant syempre, hanap-hanapin ka nila. Kaya huwag mo na akong sabayan sa pag-uwi okay.

NEIL: (umiinsist) Hindi, marami na sila rito. Tsaka mabuo ang araw ko pag magkasama tayong dalawa, so let's celebrate together.

Agad itong nagpaalam sa pamilya niya at sumabay kay Marly.

SA PARK

Naglalakad silang dalawa.

NEIL: (hawak-kamay) Sana lagi na lang tayong ganito, magkakasama at naglalambingan. Buong-buo na ang araw ko.

MARLY: Ano kaya ang maging bukas natin ano. Tayo kaya ang magkakatuluyan?

NEIL: Kung sa iba ka magpakasal, talagang aagawin kita, kikidnapin kita. Akin ka lang mahal ko.

MARLY: Subra ka naman. Parang nasa drama ata iyan.

NEIL: Hindi nga natin alam pero sana ikaw ang matuluyan ko, seguro wala nang pinakamasayang nilalang dito sa mundo kundi ako.

Umupo si Marly sa may upuan sa park.

MARLY: Sana tayo na nga.

NEIL: Mar, pakiss naman puede ba?.

MARLY: Segi na nga, pagbigyan na kita. graduation gift ko sa iyo.

Hinagkan ni Neil si Marly sa labi at niyakap nang mahigpit.

NEIL: I love you Mar. I really really love you, sana'y hindi ka magbago.

MARLY: I love you too Neil, sana'y hindi ka rin magbago.

NEIL: Promise.

LABAS - NEWSPAPER STAND - ARAW

Tiningnan ni Marly at Neil ang lists of examinees na nakapasa sa board exam. Nakatala ang mga pangalan nila sa newspaper.

NEIL: (napalundag) Wow, nakapasa tayo Mar, thanks God.

MARLY: (tumingin sa binabasa ni Neil) Saan diyan?

NEIL: (tumuturo) Dito, pangalan ko at dito iyong pangalan mo.

MARLY: (napalakpak) Oo nga, natupad narin ang mga pangarap natin.

NEIL: Okay, let's celebrate. Mag-snack tayo.

MARLY: Segi treat ko dahil binigyan ako ng sahod ngayon sa pagpapartime typing job ko.

NEIL: Great, let's go baby.

Masayang-masaya ang dalawa.

Abangan ang Kabanata 22

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.