Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 24

Script By: merrymary
Romance



Marly was confined in hospital for having Migraine. Neil attended her much. Time come Neil had begun working in other city, she felt so lonely that she decided to go to another place too to find her destiny.


Submitted:May 26, 2009    Reads: 392    Comments: 0    Likes: 0   


LOOB - SA KUWARTO NI MARLY - ARAW

Humahalinghing si Marly dahil sa subrang sakit ng ulo niya habang nakahiga.

MARLY: (sumisigaw) Ma, tulungan mo ako. Ang sakit ng ulo ko.

Agad pumasok si Lida sa kuwarto.

LIDA: Sumumpong na naman iyong ulo mo. Segi, punta tayong doctor.

Lumabas sila agad.

SA LOOB NG HOSPITAL

Nakatulog si Marly. Nasa gilid naman si Lida nagdarasal.

LIDA: Lord tulungan mo si Marly na gumaling ang sakit niya.

Nagising siya.

MARLY: Ma, huwag kang masyadong mag-alala sa akin. Seguro sa subrang pagod ng utak ko kaya medyo naging ganito. Pero pahinga lang seguro ang kailangan ko.

LIDA:(hinahaplos ang buhok niya) Magpagaling ka anak.

Maya-maya'y dumating si Neil. May dala itong prutas.

MARLY:(nagtaka) O Neil, pa'no mo nalaman na andito ako.

NEIL:(umupo sa kabilang gilid) Bumisita ako sa bahay niyo. E, wala ka raw dahil isinugod sa hospital. Kinakabhan ako kung ano ang kalagayan mo kaya dumiretso ako kaagad dito.

MARLY:(pabiro) Ikaw naman, hindi pa ako madeadball.

LIDA: Uuwi muna ako sa bahay ha total andito naman si Neil. Babalik ako mamayang gabi. Puede Neil, ikaw munang magbantay kay Marly.

NEIL: No problem Maam. Okay lang sa akin.

LIDA: (tumayo) Segi Marly, Neil, alis na ako.

Tumango si Marly at Neil.

MARLY: Segi Ma ingat ha.

Umalis si Lida. Hinawakan ni Neil ang kamay ni Marly.

NEIL: Marly, anong sabi ng Doctor tungkol sa sakit mo.

MARLY: Sabi ng Doctor may Migraine daw ako.

NEIL: Ha(nalumbay). Seguro sa subrang study mo iyan. Ikaw kasi, napakaserious mo sa studies kaya...

MARLY: Small case lang ito, don't worry hindi pa ako mawala sa iyo.

NEIL: Talagang hindi puede. Paano na lang ako kung mawala ka.

MARLY: Ikaw naman.

Hinugasan ni Neil ang dalang apple.

NEIL:(inabot ang prutas) O, kain ka muna nito, this is from the bottom of my heart.

MARLY: Thanks ha, napakathoughtful mo talaga.

NEIL: Syempre, to my one and only dear.

Kinain ito ni Marly.

LABAS - GATE NG BAHAY NI MARLY - TAKIPSILIM

Umupo si Marly at Neil sa may gate.

NEIL: Pasensya na Mar ha, madalang naang pagpunta ko rito dahil nasa kabilang syudad iyong pinagtrabahuan kong construction firm . Mga twice a month lang ako makauwi rito.

MARLY:(matamlay) Ganon ba, buti ka nga may trabaho na. Ako, iwan ko kung kailan makakapasok ng trabaho. Nilibot ko na ang buong syudad, wala pa ring nangyari.

NEIL: Hayaan mo, may kilala akong engineer head doon , baka matulungan ka. Gusto kong magkalapit lang tayo ng tinatrabahuan para at least araw-araw tayong magkita't magkausap.

MARLY: Segi next time, ita-try kong mag-apply doon. Baka sakaling matanggap ako, at least magkalapit lang tayo.

LOOB - KUWARTO NI MARLY - GABI

Tiningnan ni Marly ang kalendaryo na nasa gilid ng kama niya.

MARLY: Tatlong linggo nang hindi dumalaw si Neil sa akin,miss na miss ko na siya. Ang lungkot naman ng buhay ko ngayon.Nakakayamot pag lagi lang akong magmumukmok dito sa tabi at laging nag-iisip kung kailan niya ako muling bibisitahin.(nahiga sa higaan) Mabuti pa kaya'y luluwas ako sa Cebu,doon sa lugar ng tiyuhin ko.

Sumilip si Marly sa bintana.

MARLY: Patawarin mo ako Neil sa maging desisyon kong paglayo muna. Kailangan kong maghanap ng magandang kapalaran. Don't worry, you are always in my mind and in my heart.

SERIES OF SHOTS

Bumili si Marly ng ticket sa pier.

Sumakay ng barkong Super Ferry papuntang Cebu.

Tumuloy siya sa bahay ng tiyuhin niya sa Mactan.

Naglibot-libot siya sa MEPZA.

Nag-apply sa ilang mga kompanya ng nasabing lugar.

Lagi siyang frustrated dahil wala ring nangyari.

END OF SERIES OF SHOTS

LABAS - BAHAY NG TITO VITO NI MARLY - ARAW

Nagtatanim si Marly ng gulay sa likod kasama ang Auntie niya.

Lumapit ang isang Tiyuhin niya.

TIYUHIN: O Marly, wala ka pa bang nahanap na trabaho?

MARLY: (malungkot) Wala pa po Uncle, mag-aapat na buwan na ako rito.

TIYUHIN: Kung payag ka ipasok muna kita sa factory namin sa Mandaue bilang Quality Inspector, P90 per day ang sahod mo.

MARLY: (ngumiti) Segi po. Mas mabuti narin 'yon kaysa wala. At least may panggastos man lang ako.

TIYUHIN: Okay, next week magstart ka na.

MARLY: Thank you po Uncle.

SERIES OF SHOTS

Nasa factory si Marly taga-inspect ng gloves product.

Pabilisan ang gawain. Nakakapagod.

Minsa'y aabsent siya para mag-apply sa mga construction firm.

Wala pa ring nangyari.

END OF SERIES OF SHOTS

Abangan ang Kabanata 25

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.