Welcome Visitor: Login to the siteJoin the site

Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 27

Script By: merrymary
Romance



Marly was forced to stop her work in the construction firm for some reasons. There's nothing more to do but to leave. She then decided to go back home.


Submitted:May 26, 2009    Reads: 457    Comments: 0    Likes: 0   


LABAS - ENGINEERING OFFICE PORCH - ARAW

Break time. Nag-uusap sina Engr. Frank at Marly habang umiinom ng Nescafe. Nakatindig lang sila habang tumatanaw sa labas.

FRANK: (malalim ang hininga) Alam mo Marly, may problema sa kompanya. Ayaw pumayag ang tunay na may-ari ng loteng ito na ituloy ang paggawa ng planta. Magbabayad raw kasi muna ang kompanya natin ng malaking halaga. Inaayos pa sa korte ang kasong ito. Kaya pansamantalang isasara muna itong project natin dahilan nga sa land dispute.

MARLY:(nalungkot) Bakit naman. Wala pa nga akong tatlong buwan dito.Nahirapan pa nga ako bago nakapasok sa kompanyang ito.E, kailan naman ibabalik ang operation Sir Frank?

FRANK: Iyon nga ang problema dahil hindi pa matiyak kung kailan mag-restart ang operation.

MARLY: Sayang ano. Ang laki pa ng sakripisyo ko para lang makapasok dito tapos ngayon magsasara na kaagad. Pero hayaan mo na, baka may iba pang mas magandang kapalaran na nag-aantay sa akin.

FRANK: Oo nga, bata ka pa, matalino. Marami pang opportunity na darating sa buhay mo. Di katulad ko, heto,matanda na at wala nang tatanggap sa akin.

MARLY: Kung talagang isasara ito, seguro uuwi nalang muna ako sa probensya. Miss na miss ko narin ang pamilya ko.

FRANK:(kumukutya) Pamilya moo di kaya'y boyfriend mo ang namimiss mo.

MARLY: Si Sir naman, kasali na rin iyon.

FRANK: Iyon ba iyong bumisita sa iyo noong isang beses. Mukha namang mabait iyon. Ano nga bang pangalan non.

MARLY: Neil po, di ba pinakilala ko siya sa iyo?

FRANK:Ay, oo nga malimutin na kasi ako. Pareho pala kayong engineer. Di, gumawa na kayo ng bata, este, bahay pala.

MARLY: Si Sir naman nagpapatawa.

Dinukot ni Frank ang kanyang wallet at kinuha ang kanyang name card.

FRANK: (inabot ang card) O Marly, heto iyong name card ko, kung sakaling uuwi ka sa probensya niyo, puede mo akong tawagan sa bahay anytime . Just call me.

Tinanggap ito ni Marly.

MARLY: Thanks po Sir, segi pasok na tayo sa loob.

LOOB - SURVEYING DEPT. - ARAW

Inayos ni Marly ang lahat ng gamit sa kanilang department. Inilagay rin niya ang kanyang personal na gamit sa isang maliit na box. Nakaupo lang si Engr. Frank, malungkot, nakasandal ang ulo at kamay sa mesa.

FRANK: Papano na ito Marly, di na kita makikita ngayon. Ma-mimiss din kita, wala nang gagawa ng surveying plans.Kung sa bagay, susunod na rin ako sa iyo sa pag-alis dito dahil temporarily suspended nga ang operation. Segi pag may oras ka, kumustahin mo ako ha. Tawagan mo lang ako sa phone.

MARLY:(napalingon) Okay po Sir, segi mauna na po ako.

FRANK: Bye, see you again. (flying kiss)

Napangiti si Marly. Kumakaway rin siya sa mga nandoon. Umalis siyang malungkot at nanghihinayang.

SA MAY GATE

Nakatitig siya sa office habang papalayo.

MARLY: (pabuntong-hininga) Sayang na sayang, nag-umpisa na sana ako, pero ganito ang nangyari. Ang hirap pa namang maghanap uli ng trabaho. Back to basic na naman ako. Pero di bali na, wala na akong magawa kung ganito ang naging kapalaran ko. Pero I know may nakalaan pang mas magandang future para sa akin ang Diyos, kaya there's nothing to worry about.

Pumara si Marly ng tricycle.

LOOB -BOARDING HOUSE NI MARLY - GABI

Dahan-dahan niyang inilagay ang kanyang mga gamit sa maleta.

MARLY:(V.O) Kailangan ko bang uuwi sa amin sa probensya, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho roon. Pero miss na miss ko na sila lalo na si Neil, gusto ko siyang makita't makausap.

Humiga siya sa higaan, napatingin sa itaas.

MARLY: Lord, ano ba ang dapat kong gawin. Hahanap ba uli ako ng trabaho rito o uuwi muna sa amin sa probensya.

Nag-iisip ng sandali.

MARLY: (V.O.) Buo na ang pasya ko, uuwi ako bukas. Sana'y tama ang desisyon ko.

Tinapos niya ang pagbabalot ng gamit.

Abangan ang Kabanata 28

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED





0

| Email this story Email this Script | Add to reading list



Reviews

About | News | Contact | Your Account | TheNextBigWriter | Self Publishing | Advertise

© 2013 TheNextBigWriter, LLC. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Privacy Policy.