"Honey my love so sweet" (english tagalog) Getting to know each other Chapter1&2

Reads: 94  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: In Progress  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
“yes? what do you want?” nakakunot noong tanong niya dito. biglang pumulupot ang mga kamay nito sa braso niya. napatawa ang mga kaibigan niya.
“asus! ang sungit naman ng myloves ko, pero okey lang nabuo mo naman ang araw ako!” sabi ni honeysweet.this is a tagalog love story about two individual person who have opposite attitude. pero sa kabila ng lahat mahal parin ni honey ang isa ata sa pinakaperpektong tao na ginawa ng diyos.
abangan ang love story ni honey leigh balgoza. magtagumpay kaya siya na paibigin ang katulad ni zander?

Submitted: April 20, 2017

A A A | A A A

Submitted: April 20, 2017

A A A

A A A


"Honey, My Super Kulit Love!" It was a very cold morning, katatapos lang ng ulan. Pero desidido parin akong mag jogging, it is my daily routine. Nakatayo na si Honey Leigh Balgoza a.k.a "sweet" sa kanyang pintuan dahil meron siyang inaabangan na lalaki. Ang long time crush niya na si Zander Lee Aquidor.

Makaupo nga muna habang naghihintay. Bulong niya sa sarili.

Nakatira siya sa isang subdivision sa Davao City, ang totoo niyan galing talaga siya sa mindanao pero ng makapag-tapos siya nang pag aaral sa kurso na HRM o Hotel and Restaurant Management, napagdesisyonan niyang magtayo ng sarili niya negosyo sa Davao na hindi naman hinadlangan ng kanyang mga magulang. Katunayan sila pa nga ang nagbigay ng puhunan sa kanya.

Napangiti siya ng maalala ang mga magulang.

"haay! Salamat talaga sa mga magulang ko dahil sa kanila nakita ko ang prince charming ko na ubod ng gwapo, Zander asan kana ba? Bat ang tagal mo?"

Nang mamataan sa di kalayuan ang hinihintay niya, napatayo siya.

"oh my G! andyan na siya, kasama ang apat pa niyang kaibigan na puro gwapo din".

Nakikita niyang nag-uusap ang mga ito habang mahinang tumatakbo. Tumakbo siya palapit dito sabay sabing:

"Zander, my love!"

Seryoso silang nag-uusap ng mga kaibigan niya tungkol sa ipapatayo nilang bagong negosyo, ganun talaga sila kahit nagjo-jogging nakuha paring isingit sa usapan ang trabaho.

" So, are you really serious about this Jade?" Tanong niya sa kaibigan.

"Yes of course, Sheila says it's pretty popular in US, so I have no doubt, this project is gonna be BOOM!." Puno ng kumpiyansang sabi nito.

Kahit siya sang ayon sa gusto nitong mangyari, gusto nitong magpatayo sila ng "techworld" napakalayo niyon in line with their business.

They are selling books, silang lima ang magkasosyo. In just five years di nila inaasahan na lalaki ng ganun ang negosyo nila, but of course hindi lang yon ang inaasikaso niya aside from the company they have , he also have his own company na ipinamana ng mga magulang niya sa kanya two years ago. Actually all of them has it's own company.

Magsasalita pa sana siya na biglang narinig niya ang pangalan niya. Napalingon na sa nagsalita, at biglang napasingkit ang mga mata. "this girl is killing me".

"yes? What do you want?" nakakunot noong tanong niya dito.

Biglang pumulupot ang mga kamay nito sa braso niya. Napatawa ang mga kaibigan niya.

"asus! Ang sungit naman ng myloves ko, pero okey lang nabuo mo naman ang araw ako!" sabi ni Honeysweet.

Lalong kumunot ang noo niya, nakita niyang nagtatawanan ang mga kaibigan niya at nauna na sa kanya, lumingon pa si Dave sabay sabing

"Goodluck Dude! See you at the café." "Im sorry! But I have to go." Madilim ang mukha na sabi niya sabay takbo.

"wait lang! Myloves naman eh, wala ba akong kiss?" angal ni Honeysweet habang tumatakbo habol sa kanya.

Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo ng marinig niyang malakas na napa-OUCH si Honeysweet. Paglingon niya nakita niyang nakahiga ito sa lupa habang namimilipit sa sakit. Nakita niya ang malaking nakausli na bato sa paanan nito. Kaya nahuhulaan na niya kung anong nangyari.

Aray ko naman! Ngayon pa ako nadapa, kainis naman! Nakakahiya kay Myloves ko! Baka sabihin niya lampa ako". Nakapikit na sabi niya habang hinihiling na sana hindi nakita ni Zander ang nangyari sa kanya.

Dahan dahan siyang umupo at binistahan ang paa. Namumula iyon dahil sa pagkakabangga ng paa niya sa bato.

"Are you okay?" Narinig ng tanong ng isang lalaki.

"Anong okay?! kita mo na ngang namumu-". Napahinto siya sa pagsasalita ng pagtingala niya mukha ni Zander ang nakita niya.

" I'm okay myloves, kita mo oh tatayo pa ako, go kana sa mga friends mo." Sabi niya at nagmamadaling tumayo kaso biglang kumirot ang paa niya kaya gumiwang siya buti nalang hinawakan siya ni Zander sa braso. Err nakakahiya talaga.

"I'll take you to your house." yon lang at walang sabi sabing binuhat siya nito.

Napanganga siya, this is it napansin niya na ako, Gulay! Pwedeng madapa nalang lagi?. Hiyaw niya sa isip habang iniimagine na prinsesa siya ni Zander.

"Next time mag-ingat ka naman, watch your steps not me." Mahina pero seryosong wika nito. "I'll go ahead". At umalis na ito pagkalapag sa kanya sa upuan na nasa labas ng bahay niya.

"wait! Tubig gusto mo?" sigaw niya dito.

"No, Thanks." Hindi lumilingon na sabi nito.

Gustong batukan ni Honeysweet ang sarili. Ang tanga ko talaga sa dinami dami ng pwedeng ialok tubig pa talaga ang nasabi ko. Hindi parin niya mahamig ang sarili sa nangyari kaninang umaga. Kahit nakaupo na siya sa opisina niya, paulit ulit paring bumalik sa isip niya ang nangyari. First time niya akong kinausap ng matagal, haha atleast 3 minutes , hehe grabe pang world record na yon. Atleast hindi lang "I'm sorry. I have to go" ang narinig ko." Nakangisi pa siya habang iniimagine ang seryosong mukha nito.

Napatawid siya ng upo ng may kumatok.

"Ma'am kailangan na daw po ni Mrs. Alvarez ang papers to confirm the orders." sabi ng secretary niya.

"okay, right away." Sabi niya kahit na hindi pa talaga niya nababasa ang papel na naglalaman ng mga orders ng isang Tech Company kung saan sila ang magcacater ng desert.

Pinag aralan niya kung kaya ng mga empleyado niyang gawin ang lahat ng orders in just one week, knowing na hindi lang isa ang costumers nila this week, biglang sumakit ang ulo niya.Yan kasi inuuna ang pa ang fantasy, hay naku, dito na muna ako sa reality.

 

 

 

CHAPTER 2

Napapailing parin si Zander habang naiisip si Honey, actually there's nothing wrong about her, she's close to perfect. She have a very beautiful face like a falling angel, tantalizing eyes, right curves and average height, normal height for a Filipina.

But the biggest thing that makes him disappointed is that she's too liberated. Ayaw niya kasi ng babaeng masyadong clingy at malakas magpakita ng motibo, although sabi ng mga kaibigan niya di na daw uso ang ligaw sa panahon ngayon, ok na kahit ang babae ang manligaw. Pero para sa kanya mas gusto niya parin yung siya ang manligaw.

Naputol ang pag muni muni niya ng biglang magring ang phone niya. Kunot noong tiningnan niya kung sino caller. Ayaw na ayaw niya na may tumatawag habang nagtatrabaho siya, maliban nalang kung emergency. Kadalasan secretary na niya ang nagco-communicate sa mga buyers nila. Nawala ng kunot-noo niya nag Makita ang caller.

"Hey babe!" masiglang bungad niya kay allysa.

"Hi handsome, I have good news!" masaya ring sabi nito.

"what is it"

"My boss approved my one month vacation, and I'm excited to go home." Narinig niya ang masiglang tawa nito pero parang may mali. Pakiramdam niya kulang ang saya na naririnig niya.Hay! Baka guni guni ko lang yon.

"really? That's great! I really miss you Allysa" sabi niya rito.

Miss na miss na talaga niya ito. Kung iisipin 6 months palang naman si Allysa sa New York pero pakiramdam niya 6 years na. Isa itong Fashion Designer, nabigyan ito ng offer na magtrabaho sa New York for two years. Una ayaw pa niyang pumayag, kasi may plano na silang magpakasal pero kalaunan nakumbinsi siya nito. Marami naman akong pera pwede naman daw akong pumunta dun kahit once a month lang o araw - araw daw kaming magtawagan. Kaya naman it is really such a good news na uuwi ito.

" Yeah, I'll be there next month, that will be two weeks from now, So get ready cause we will be having a good time while I'm there". Yon lang at nagpaalam na ito.

Naninibago siya kasi parang nag iba ang aura ng girlfriend niya. Hindi naman siya ganito ka daring dati. Ahh mukhang na paranoid na ata ako ah. Iwinaksi niya sa isip ang mga agam agam.

Natuloy talaga ang sakit ng ulo ni Honeysweet kaya naman kinabukasan hindi na siya nakabangon. Kainis naman gusto ko makasabay sa Jogging si myloves ko... Pinilit niyang bumangon kahit parang nahihilo siya. Alam niyang dahil sa ulan kahapon kaya siya nagkasakit ngayon. Wrong timing naman kasi umuwi ang katulong niya dahil namatay ang Lolo nito. Pumunta siya ng CR para maligo baka sakaling mawala ang sakit ng ulo niya. Kahit nanginginig pinilit niya ang sarili. Pagkatapos maligo medyo nawala ang hilo niya kaya naman nagbihis na siya para magjogging. " Yes! I'm coming my loves."

Dalawa lang sila ni Dave ang magkasama sa daily routine nila kasi tinatamad ang iba may hang over ata dahil sa pag iinuman nila kagabi. Napailing iling siya ng maalala ang nagyari kagabi, nagulat nalang siya ng sumulong ang apat niyang kaibigan sa opisina niya. Gusto daw ni Dave mag bar kasi heartbroken ito nakipagbreak ang girlfriend nito.

"myloves!" narinig niyang sigaw ng isang pamilyar na boses."

"Ayan na ang admirer mo Zan. Mauna na ako." Tumatawa na sabi nito.

Tulad ng inaasahan niya pumulupot na naman si Honeysweet sa kanya.

"myloves mukhang pagod kana, gusto mo magkapahinga muna sa bahay ko? Ipaghahanda kita, what do you want? coffe, tea or me? "Namumungay ang mga mata na sabi ni honey sa kanya.Ngumiti pa ito ng matamis.

"No thanks" sabi niya. Pero nagtaka siya kasi medyo mainit ang mga kamay nito na nakapulupot sa braso niya at medyo maputla din ito.

Sinubukan nyang kunin ang mga kamay nito. "I have to go, please get off." Mahinahong sabi niya, bigla naman itong nabuway dahil sa pagbitiw sa kanya. Kaya nahawakan ko naman siya bigla.

"ano ba yan napaka clumsy ko naman ata ngayon, lets go to my house my loves I will cook fo-" naputol ang sinasabi nito ng bigla na lang itong nahimatay.

Geesh! Anung gagawin ko sa babaeng ito. Dali dali niya itong binuhat at dinala sa bahay nito. Inilapag niya ito sa sofa at iniwan. Alam niyang may katulong ito kaya hindi na siya nag alala pa.


© Copyright 2017 star_urprinces. All rights reserved.

Add Your Comments:

Comments

More Romance Short Stories