"HONEY- Sparkling women" Chapter 5 & 6"

Reads: 51  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
chapter 5 & 6 of honey my love so sweet story

Submitted: April 22, 2017

A A A | A A A

Submitted: April 22, 2017

A A A

A A A


CHAPTER 5
 
Tinatamad na bumangon si Zander sa kama, alas onse na ng umaga, hindi kataka takang matagal siyang nagising dahil alas kwatro na ng umaga siya nakatulog. Napangiti siya ng maalala ang hitsura ni honey habang humihingi ito ng gatas sa kanya. Para itong bata, na nahihiya.
Nahinto siya sa pag iisip ng tumunog ang telepono sa kwarto niya.
 
 
"babe? Youre phone is off." tinig ni allysa, parang naiirita ito.
 
 
Napalundag siya sa kama at dali daling hinanap ang cellphone. Pero kahit anong hanap niya wala talaga dun. Bigla niyang naalala na naiwan niya ito sa kusina ni honey. Natampal niya ang noo niya. Lagot ako nito.
 
 
''I-I lost my phone" nauutal na sabi niya rito.
 
 
"what? Where?" napalitan ng pag alala ang boses nito
 
"I think someone stole it from me at the party" pagsisinungaling niya
 
 
 
"really? Sino naman kaya ang kumuha nun? Never mind just buy another one. I have to go tinatawag na nila ako, bye!"
Yon lang at ibinaba na nito ang telepono.
 
 
Minsan talaga nagtatampo siya sa girlfriend niya. Kasi nangako itong mag vacation sila pag dating nito pero ito at trabaho parin ang inaatupag nito. Pareho lang naman silang workaholic pero syempre naglalaan parin talaga siya ng time para sa relasyon nila. Tumayo na siya sa kama at nagmamadaling maligo, gusto niyang tapusin ang trabaho niya napagdesisyunan niyai surpresahin ito sa Palawan sa mismong event para naman magkaroon sila ng time.
 
 
 
Nagmulat ng mata si honey, medio okay na ang pakiraman niya salamat sa prince charming niya at heto nakabawi na ang katawan niya.
 
'Dapat ko talaga siyang pasalamatan. Hmm anu kaya ang gagawin ko para naman makabawi ako sa kanya.
 
Napapitik siya sa hangin ng magkaroon ng idea. Bumangon na siya at nagready pagpasok sa trabaho. Pagkarating na pagkarating niya sa opisina inutusan niya ang secretary niya na magpagawa ng chocolate cake sa chef nila na may roses design sa taas at syempre lagyan ng words na "thank you mylove'' .
 
 
Napangiti siya nagpabili rin siya ng bulaklak sa flower shop balak niyang siya mismo ang maghatid niyon sa prince charming niya. Sana naman magustuhan niya tong gagawin ko. 
 
 
 
"Maam tapos na po daw yong cake, what color would you like to be it's cover?" sabi ng secretarya niya.
 
 
"I prefer blue" para manly yong color.
 
 
 
"okay, dalhin ko nalang dito pagtapos na."
 
 
Umalis na ito, pagkalipas ng 30 minuto dumating narin ang inorder niyang bulaklak. Kaya makalipas ng ilan pang minuto binabaybay na niya ang daan patungo sa office ni Zander. 
 
 
 
 
Napamulagat na naman si Zander, kalalabas lang ng secretarya niya , sinabi nito na andyan na naman daw si honey balloons na man daw dala nito ngayon. Tatlong araw na itong nagpapadala ng mga kung anu-ano sa kanya. Pasasalamat daw dahil sa pag aalaga ko sa kanya. Una cake with flowers sa umaga at books naman sa hapon na nakakatawa talaga kasi alam naman nito ngpoproduce sila ng libro. Kahapon nagpadala na naman ito ng pagkain na ito daw ang nagluto talaga at ngayon naman balloons with chocolate. 
 
Para talaga siyang nanliligaw. Bulong niya sa sarili 
 
kasi kung pasasalamat ang lahat iyon, aba eh! Katakot takot na pasasalamat naman ito. 
 
Halos araw araw na. Pinagpapasalamat niya at may pupuntahan siya bukas, para kahit paano eh makaiwas naman siya. 
 
 
"sir?" pukaw ng secretary niya sa pag iisip niya.
 
 
"just accept those things! And tell her it's enough." Napatango tango naman ito. At umalis na.
 
 
 
Sa totoo lang naiirita na rin siya rito, masyado na itong makulit, pero inaamin niya din sa sarili niya na hindi niya makalimutan ang mala anghel nitong mukha. Sa tuwing mapapalapit ito sa kanya para siyang sinisilihan kaya ginagawa gawa niya ang lahat para makalayo dito. Lagi niya itong tinatangihan kapag meron itong invitation sa kanya. 
 
Pinag iisipan niyang mabuti kung ano kaya ang tawag dun sa nararamdaman niya. 
 
Argh this is driving me crazy. 
 
Napagdesisyonan niyang umuwi nalang para ayusin ang gamit niya papuntang Palawan. Ngayong gabi ang flight niya at syempre walang alam si Allysa sa plano niya. Dun pa talaga siya nagcheck-in sa hotel na tinutuluyan nito gusto niya talagang surpresahin ito. 
 
Makalipas ang dalawang oras andun na siya sa tinutuluyang hotel sa Palawan, dahil sa pagod nakatulog siya ng isang oras. Sinulyapan niya ang pambisig na relo alas otso na ng gabi. Napagdesisyunan niyang kumain muna sa restaurant ng hotel. Sana naman hindi kami magtagpo ni allysa dito kasi dapat surprise ito.
 
Pero ilang sandali lang natulala siya sa nakita palabas na siya ng elevator ng mamataan ang dalawang pares ng tao sa gilid ng restaurant kilalang kilala niya ang babae kahit nakatagilid lang ito.
 
Ang nakakuha talaga ng attention niya ay ang mga kamay ng lalaking kasama nito na nakapulupot sa baywang ni allysa. At lalo pa siyang nagulat nang biglang halikan ito ni Allysa sa labi, ilang sandali pa tumayo ang lalaki lumakad ito papuntang restroom sa labas ng restaurant. 
 
Sinundan niya ito pagkapasok ng lalaki sa restroom binistahan niya ito, sa tingin niya half American and half Filipino ito dahil sa maputi nitong kutis at abuhing kulay ng mata. Matangkad din ito kagaya niya at may hitsura. Gustong gusto na talaga niya itong sugurin ng suntok pero parang wala itong alam na ang babaeng kasama nito ay engage to be married na. 
 
 
Napatingin ito sa kanya nginitian siya nito bago lumabas ng restroom. Napabuntung hininga siya naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit na nararamdamn, ipinasya niyang bumalik nalang sa Davao, ayaw niya munang makaharap si Allysa at baka anu pang mga salita ang lumabas sa bibig niya. 
 
Maya maya ay tumunog ang cellphone niya tiningnan niya kung sino ang nagtext si Allysa pala, nagtagis ang mga bagang niya ng mabasa ang text nito,
 
"babe, im sorry I can't go home tomorrow, extended yong event, but you can come here if you want just text me". 
 
Hindi niya pinansin ang text nito at ini-off ang cellphone, wala na siyang pakialam kung totoo ba na may event ito o wala. Dahil sapat na ang nakita niya. 
 
Tahimik na umalis siya sa lugar na iyon. 
 
 
Nalulungkot si honey dalawang araw ng hindi nag jo-jogging ang my loves niya anu kayang nangyari dun? Hindi na siya mapakali gusto niyang puntahan ito sa bahay niya dahil nag-aalala na siya at miss na rin niya ito. Kaya lang anu naman ang sasabihin pagpunta niya dun? Gusto na naman niyang magpasalamat? Eh parang nairitana ata ito dahil sa mga padala niya eh. "ahh bahala na".
 
At nagsimula na siyang magjoging papunta sa bahay ni Zander.
 
"Magkukunwari lang ako na napadaan sa bahay niya". 
 
Pero ilang beses na siya dumaan sa bahay nito hindi parin talaga niya ito makita. 
 
"dapat lumabas na siya ngayon kung may plano siyang mag opisina". 
 
Dahan Dahan siyang lumakad papunta sa gate ng bahay nito. Sinubukan niya itong itulak.
 
"uyy! Bukas". Tuwang tuwa na sabi niya saka dahan dahan na pumunta sa pinto may pa ninja moves pa siyang nalalaman na para bang nasa action movie. 
 
Pagdating niya sa pintuan dahan dahan niyang binuksan ang pinihit ang pinto. 
 
"uyy! Bukas din" saka dahan dahan niya itong binuksan pero nagulat siya dahil sabay ng pagbukas niya ay ang paglabas din ng kung sino sa pinto.
 
Dahan dahan niyang iniangat ang mukha para makita kung sino ang lalabas, ng makita ang mukha ni Zander bigla siyang natutulala, parang tinakasan ng dugo ang mukha niya sa subrang kaba, nakita din niyang nagulat din ito at hinagod siya ng tingin.
 
 
"what are you doing here?" maya maya ay tanong nito. Nagbalik na rin sa pormal ang mukha nito.
 
 
" ahmm--- ehh ano kasi, ano yung ano.." kandautal na sabi niya hindi naman kasi talaga alam kung ano ang ginagawa niya dun.
 
Nawala ata ang confidence niya ngayon.
 
"Magpapasalamat ka na naman ba Honey?" matiim na sabi nito. Parang natrauma na ito sa dami ng pasalamat niya.
 
 
" ahh! hindi myloves namiss kasi kita" bigla siyang nakabawi. Saka ngumiti ito ng matamis.
 
Hindi ito nagsalita parang ina absorb ata ang sinabi niya. Unti unti siyang lumapit dito.
 
 
"Pasensya na talaga myloves namis kasi talaga kita eh, pahug naman ng 3 seconds." Hirit niya at walang babalang niyakap ito.
 
 
Para naman natuod ito sa ginawa niya. "1, 2, 3 salamat myloves" yun lang tumalilis na siya ng takbo, bago pa magalit ito sa kanya.
 
 
 
 
CHAPTER 6
 
 
Halos 2 minuto ng nakaalis si honey sa harapan niya pero hindi parin niya magawang ihakbang ang mga paa.
 
Parang nastar struck ata siya sa hitsura nito. Pawis na pawis ito at bahagyang natanggal ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kaliwang pisngi nito. 
 
Nakasuot ito ng pang jogging na short na hindi naman niya nakikita dati, lagi kasi itong nakajogging pants tuwing sumasabay sa jogging nila.
 
 
Nalilito siya bakit ganun ang pakiramdam niya ng yakapin siya nito, parang gusto din niyang yakapin ito ng mahigpit. 
 
'this is not happening' nailing na sabi niya. 
 
Amoy na amoy parin niya an bango ni honey na dumikit ata sa coat niya. Pilit niyang iwinaksi sa isip si honey at sumakay na sa kotse. 
 
 
Kinakapa niya parin sa dibdib kung masakit parin ba ng nangyari, pero sa tingin niya hindi na masyado.
 
Nanghihinayang siya sa ilang taong isinakripisyo niya sa relasyon nila ni Allysa. Ang akala niya ito na talaga ang babae para sa kanya, ayaw ng maniwala sa mga haka-haka noon, pero ngayon na siya mismo ang nakakita, para binagsakan talaga siya ng langit at lupa. Pero unti-unti niya narerealize na he likes the way Allysa acted before, she seems so perfect, mahinhin, mahiyain at maganda, typical lady that any man would wish for.
 
 
That was just his dream wife, kaya siguro nasasabi niya na inlove siya masyado kay Allysa kasi ito yong pangarao niyang babae. 
 
Naputol ang pag muni-muni niyang ng biglang tumunog ang intercom, nagsalita ang secretary niya.
 
 
"Sir, Miss Allysa is here" 
 
 
"Tell her Im busy." Mariing sabi niya.
 
Narinig niya pa ang sigaw ni Allysa na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. At nagbanta ito na babalik at malalagot ang secretary niya.
 
Napapailing siya, she's completely not his Allysa anymore. Nakita niyang umilaw ang phone niya. Parang hindi na siya nagsisi ngayon ng bumili siya ng bagong Phone kasi hindi na siya nacocontact ni Allysa hindi niya pa gustong makausap ito.
 
 
Pero sa mga kilos niya, pag hindi manhid ang babae siguradong mahahalata nito na umiiwas na siya dito. Tininangnan niya ang phone it was an alarm reminding him about his meeting 2 hours from now.
Tumunog uli ang intercom.
 
 
"Sir Miss Honey is here." 
Napakunot noo siya. 
 
 
 
"Tell her to come in" Sabi niya kasi curious siya kung na naman ang sadya nito, maliban sa miss na naman siya nito.
 
 
"Hi, mylove!" sabi ni honey habang lumalakad papunta sa kanya.
 
Pinigil niya ang sariling ngumiti, medyo nasasanay narin siya sa endearment na ginagamit nito.
 
 
"And she's astonishingly beautiful, GOD!" shes wearing yellow dress above the knee showing her perfect legs, and he's touching everything on his table just to make his self busy , because he really want to touch those beautiful legs.
 
"sit down, So what makes you come all the way here? I know your office is far from this branch." Seryosong sabi nito.
 
 
 
"I just want to return this mylove. '' sabi nito at ipinatong sa mesa ang cellphone niya na naiwan sa bahay nito. 
 
 
"oh! Thanks." Parang balewala na sabi niya. Pero ang tutuo parang alingasa na ang pakiramdam niya sa presensiya nito.
 
 
 
"so, ill go ahead since I can see that your really busy." At tumayo ito sa likuran niya niyakap siya sa likod at hinalikan sa pisngi. 
 
 
 
Maya maya ay lumakad na ito palabas.
Natulala na naman siya.
 
'shes so smooth'. Ayaw pa sana niyang paalisin ito at hayaan munang nakayakap ito sa kanya. Pero parang natameme ata siya. 
 
 
'Anu bang nanyayari sa akin?' nalilitong bulong niya. 
 
'Ayaw ko naman dati ng babaeng masyadong liberated bakit parang gusto ko na si Honey'. Gusto?? Gusto ko si Honey? Hindi makapaniwalang bulong niya. Dahil mismo ang puso niya ang nagsabi na unti unti ng nahuhulog ang loob niya kay honey.
 
 
 
 


© Copyright 2017 star_urprinces. All rights reserved.