HONEY THE LAST TWO CHAPTER

Reads: 101  | Likes: 1  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
CONTINUATION OF HONEY MY LOVE SO SWEET

Submitted: April 23, 2017

A A A | A A A

Submitted: April 23, 2017

A A A

A A A


CHAPTER 9 
 
Pasalampak na umupo si Honeysweet sa sala ng bahay niya, nataranta naman ang katulong niya kasi naman kanina pa siya umaatungal sa pag iyak. Pagka alis ni Zander sa Bakeshop nakita niya pang hinabol nito ang babae nito at hindi pa talaga siya nakuntento inobserbahan pa talaga niya ang ginagawa ng dalawa sa kotse. 
 
 
Malinaw na malinaw na nakikita niya ang ginagawang panunuyo ng binata dito ang pagyakap at paghalik ng babae dito na tinawag ni Zander na Allysa at sa huli ay parang nagbati ang dalawa kasi nakita niyang nagyakapan ang mga ito.
 
 
" I hate you Zander!!,
Pinagtaksilan mo ba talaga ako??? 
Ang sama sama mo, Pano mo nagawa sa akin ang lahat ng to???! 
Bakeet!!!!!" malakas na sabi niya at maemosyong umupo sa sahig.
 
 
 
 
"Uminom po muna kayo ng tubig maam,
baka mamaya mapunit yang bunganga niyo sa kakaatungal nyo."
OA na sabi ng Katulong niya na gusto sana niyang batukan kung hindi lang siya nag eemote ngayon.
 
 
 
Hindi nalang niya pinansin ito at kinuha ang throw pillow at pinagsusuntok iyon.
 
 
" Sinaktan mo talaga ang puso ko Zander!!!!! Durog na Durog na talaga ang puso ko sa ginawa mo!! I hate you Zander!!! I hate Yoou!!!! Pero I LOVE YOU Parin!!!!
 
Walang tigil na sigaw niya hanggang sa parang nauubos na ata ang boses niya. Dinadama pa niya ang puso niya habang sinasabi yun parang nasa telenovela lang?
 
 
 
 
 
"Ang OA mo Maam tumigil na po kayo baka marinig tayo ng kapitbahay kakahiya naman." Sabi nito na nakalagay pa talaga ang mga kamay sa beywang. 
 
 
 
Hindi niya napigilan ang sarili at itinapon dito ang throw pillow.
 
"Ano ba inday!!! Panira ka ng Moment eh!" Naiinis na sabi niya dito.
 
 
 
 
"Eh kasi naman, Sino ba ang sinasabi mo maam? Kailan po ba kayo nagkasyota? Diba wala naman kayong boyprend?" nagtatakang sabi ng katulong niya."
 
Galit na tiningnan niya ito.
 
 
"Eh ano pala ang tingin mo sa prince charming ko na si Zander?? Fake ba yun!!!" Pasigaw na sabi niya dito
 
 
 
 
"teka lang maam! Hindi naman ako bingi, at saka di mo naman boyprend yun! Ikaw lang naman ata nagprepretend na girlprend niya! hehe"
 
 
 
 
Malapit na talaga nyang batukan si Inday ng marealize niya totoo naman ang sinasabi nito, siya naman talaga ang lapit ng lapit dito. Siya ang nanliligaw at sa pagkakatanda niya hindi pa siya sinasagot nito. Napaatungal na naman siya napasalampak at parang bata na sinisipa sipa ang kawawang sahig.
 
 
 
 
 
"huhuhuhu, Oo nga pala!! 
Hindi pa pala ako sinasagot ni Zander,
wala pa dapat akong karapatan para magselos!!!
Pero Inday, ang sakit sakit parin talaga eh, hindi ko kakayanin ito Inday!!!!!
 
 
 
 
 
 
 
" ay, wag naman maam!!!! pag namatay kayo eh di, wala na akong trabaho pamilya ko naman ang kawawa maam!" walang awa pa na sabi nito. Maya maya ay umupo ito sa tabi niya.
 
 
 
 
" Pero alam niyo maam? 
Ganun naman talaga pag nagmahal, nasasaktan din, 
kasi hindi mo naman malalaman na mahal mo ang isang tao kung hindi ka nasasaktan. 
Kaya kung ako sa inyo maam ,
tumayo kana diyan at nagugutom na ako, 
kumain na kayo para makakain na din ako, 
baka pareho pa tayong mabaliw nito pag nagkataon dahil sa gutom."
 
 
 
 
 
Minsan talaga gusto niya nang sesantihin itong si Inday, kung talaga ito masinop at magaling magluto pinauwi na niya ito. Pero inaamin niya na may sense din naman sinabi nito kahit papano. Kung hindi siya nasasaktan ngayon hindi niya malalaman na totoong minamahal niya Zander na handa niyang hintayin na mahalin din siya nito.
 
 
 
Hindi na siya kumain at pinauna na ito, pumasok na siya sa kwarto nahiga sa kama, plano niyang hindi muna pumasok sa trabaho. 'hmmp! Hinding hindi ko na siya papansinin, bahala siya sa buhay niya.'
 
 
CHAPTER 10
 
Naging abala si Zander sa mga sumusunod na araw dahil sa nangyari at nalaman na din niya kay Allysa. 
 
Inaayos na niya lahat ng gusot sa pamilya niya at nagtagumpay naman siya. Naaalala pa nga niya ang sinabi ng Daddy niya
 
" I thought you need help son about your Lovelife." nakangiting sabi nito na may pagbibiro. 
 
 
Kasi ito mismo ang nakakita kung anong paghihirap ang ginawa niya mapasagot lang si Allysa. 
 
 
Dalawang lingo ang ginugol niya para lang maayos ang mga papeles na kailangan ng Daddy ni Allysa.
 
 
At ngayon nga nagleave siya sa opisinaa niya ng isang lingo para naman makapagpahinga ng husto at isa pa meron din siyang gustong ayusin sa Lovelife niya...
 
 
 
Bumangon nga siya para mag ayos ng sarili, sinilip niya relong pambisig at nakitang 5AM na, pwede na siyang magsimula sa daily routine niya. 
 
 
Dalawang linggo din niyang hindi nagawa yun dahil sa sobrang busy siya. Ngayon na niya isasakatuparan ang plano, pero gusto niyang dahan dahan muna niyang ipaalam kay honey na mahal din niya ito.
 
 
Makalipas ang ilang minuto tinatahak na niya ang daan, pero ilang beses na siyang pabalik balik hindi parin niya nakikita si honey na lumabas ng bahay nito, nagtaka na siya, dati rati kasi, pag daan nila naghihintay na ito sa gilid ng kalsada na para bang sila talaga ang sadya at hindi ang jogging. 
 
Kaya naman isang malaking katanungan talaga kung bakit wala ito ngayon.
 
 
' hmmm, baka busy siya." Nasabi niya sa sarili ang bumalik nalang sa bahay.
 
 
' sa ibang araw ko nalang itutuloy ang plano ko'.
 
 
 
 
Kinabukasan ganun parin ang ginawa niya, pero mag iisang lingo na, hindi parin talaga niya nakitang lumabas si 
 
 
Honey, katulong lang nito ang nakikita niyang lumabas minsan nga gusto na niyang tanungin ang katulong. 
 
 
Pinipigilan niya lang sarili, dahil gusto niyang si Honey talaga ang makausap.
 
 
 
'Bukas pag hindi pa kita nakita, papasukin ko na talaga ang bahay mo ng walang paalam.' Sabi niya sa sarili na desidido na talagang makausap si Honey.
 
 
 
Mahigit dalawang lingo ng siyang nagmumumok, wala ng luha na lumalabas sa mata niya. 
 
 
 
"tama na siguro ang drama kailangan ko ng bumangon at baka masyado ng malugi ang negosyo ko" bulong niya sa sarili at pilit na bumangon, negosyo nalang ang gagawin niyang inspirasyon para ganahan pa siyang kumilos.
 
 
 
Napatingin siya sa wallclock ng silid 5.30a.m.
 
 
 
"pwede pa akong magjogging kahit 30 minutes lang para naman mabuhay ang dugo sa katawan ko."
 
 
Hinanda na niya sarili para sa gagawing ehersisyo. 
 
 
 
Uminom lang siya ng gatas at lumabas na ng bahay. 
 
Hindi pa siya nakakalabas ng gate ng maaninag niya ang isang pamliyar na bulto ng katawan, palapit ito sa kinaruruonan niya.
 
 
'My god! its Zander, Okay relax! Wag pansinin, promise hinding hinding hindi na talaga kita papansinin'.
 
 
 
Mariing bulong niya sa sarili, pero habang papalapit ito sa kanya sumasabay din ang papabilis na tibok ng puso niya, namiss niya sobra! 
 
 
 
Kaya naman ng makalapit ito tumakbo din siya sabay sabing:
 
"Hi, Myloves I love you parin!!" malungkot pero nakangiting sabi niya. Inaasahan na niyang hindi siyai nito papansinin at didiretso na ito papunta sa café. Pero nagulat siya ng huminto ito, sa tapat niya.
 
 
 
"Hi, hon I love you too!" sabi nito at saka tumuloy sa pagtakbo. 
 
 
 
Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso niya, natutulala siya hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin nakita niyang nakangiti pa ito sa kanya habang tumatakbo at kumakaway sa kanya. 
 
 
Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari hindi nito napansin ang malaking nakausli na bato na dati ring bumiktima sa paa niya kaya naman parang slow motion na bumagsak ito sa Lupa at doon pa talaga bumagsak sa may tubig na parte ng daan.
 
 
 
Napatakip siya sa mata dahil kinakabahan siya sa maaring magyari dito. 
 
 
Pero ng tanggalin niya ang mga kamay nakita niyang punong puno ito ng dumi at naging katawa tawa ang itsura, nakita din niya ang pagyamot sa hitsura nito. Buti nlang hindi nalagyan ang mukha nito. 'haha'
 
 
 
 
Hindi niya napigilan ang sarili an tumawa ng malakas habang itinuturo ito, at tagal na niyang hindi nakatawa ng ganun.
 
 
 
Hindi niya napansing nakalapit na pala ito sa kanya. Napahinto siya sa pagtawa ng makitang galit ito. Hinapit siya nito sa beywang.
 
 
"what are you laughing at?" seryosong tanong nito.
 
"eh kasi naman, mylove nakakatawa talaga ang hitsura mo ka-
 
Naputol ang sinasabi niya ng halikan siya nito sa labi. Natuod naman siya sa kinatatayuan. 'Hinahalikan ako ni Zander!!!'
 
 
 
"my gosh!!!! Totoo ba to!? Pakikurot nga ng mukha ko. Please!!" sabi niya para masiguro na hindi siya nanaginip.
 
 
''you're not dreaming honey, its real!!'' sabi naman ni Zander sa halip kurotin siya ay hinalikan pa siya nito ulit.
 
 
"ehh, bakit mo ako hinahalikan tayo na ba???"
 
"ayaw mo ba??"
 
 
"syempre gusto!!" sabi niya saka niyakap ito ng mahigpit siya na mismo ang naghalik dito sa labi. At maya maya ay bumulong siya dito.
 
 
 
 
 
"Pakasal na tayo ha? Agad agad, baka kasi mag iba pa isip mo mahirap na!"
 
 
Napatawa naman si Zander ng malakas, Oh GOD! she love this woman. I don't care anymore if she's liberated, I don't care if she kiss me first, I don't care if she already proposed marriage to me!
 
 
As long as she's beside me.
 
 
" I love you Honey! My super Kulit Love!" I love you and ofcourse I will marry you!" madamdaming sabi nito
 
 
 
 
"Gulay!!! Kinikilig ako!!!! Niyakap niya ito at alam niya simula sa araw na yon, mayayakap na niya ito ng madalas. Gaya ng pangarap niya.
 THE END
 
Give some comments if you finish reading... thanks!! :-)
 
 
 
 


© Copyright 2018 star_urprinces. All rights reserved.