My Main Man

Reads: 76  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Pinili kong magpakabasa sa matinding buhos ng ulan habang ako’y nakatindig sa ilalim ng kumikinang na langit kung saan ang mga bitwin ay masayang nagkikislapan. Habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko mapigilang ibalik ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata. Tubig ulan at mapait na luha ang tanging mayroon ako. Kalakip ng aking kamay na nanginginig ay ang litratong minsang nagbigay buhay sa aking madilim na nakaraan. Huminto ako at napaisip. Napaisip sa mga nangyari sa loob ng walong oras. Napaisip na sa kaunting oras na iyon ay maaaring madurog ang pinaka-iniingatan kong puso. Hinayaan ko ang mga luha. Hinayaan ko ang masakit na kirot. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatatak sa aking isipan ang katagang “HIGANTI”.

Submitted: April 30, 2017

A A A | A A A

Submitted: April 30, 2017

A A A

A A A


Pinili kong magpakabasa sa matinding buhos ng ulan habang ako’y nakatindig sa ilalim ng kumikinang na langit kung saan ang mga bitwin ay masayang nagkikislapan. Habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko mapigilang ibalik ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata. Tubig ulan at mapait na luha ang tanging mayroon ako. Kalakip ng aking kamay na nanginginig ay ang litratong minsang nagbigay buhay sa aking madilim na nakaraan. Huminto ako at napaisip. Napaisip sa mga nangyari sa loob ng walong oras. Napaisip na sa kaunting oras na iyon ay maaaring madurog ang pinaka-iniingatan kong puso. Hinayaan ko ang mga luha. Hinayaan ko ang masakit na kirot. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatatak sa aking isipan ang katagang “HIGANTI”.

 

MAKALIPAS ANG ISANG TAON.

 

Hinayaan ko ang sikat ng araw na halikan ang gilid ng aking mukha habang ako’y pababa ng kotse niya. Naramdaman ko ang sinag nito sa singsing na nasa ikaapat kong daliri. Kalakip ng aking kamay ay ang pitakang regalo niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng nangyari, darating ang araw na to. Na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Pumasok ako sa bagong coffee shop habang nililingon ang kanyang mala-anghel na mukha. Dumeretso ako sa bakanteng upuan at nagpasyang hintayin ko na lamang siya. Tumingin ako sa kanan at nagbabakasaling makikita ko na siya. Wala pa rin. Tumingin ako sa kaliwa. Hindi ko mapigilang magulat at matulala. Tila ba tumigil ang takbo ng oras at tanging mata lamang namin ang nagkakaunawaan. Ang unang lalaking pinag-alayan ko ng pag-ibig. Ang unang lalaking nagparamdam at nagpaunawa sa akin kung ano ba ang pakiramdam ng magmahal. Ang unang lalaking natagpuan ko sa panahon ng aking pagkakaligaw sa madilim na daan. Ang unang lalaking bumasag ng pangakong hindi niya ako bibitiwan.

Habang siya’y nasa loob ng kanyang sasakyan at patuloy ang titig saking mga mata habang sinasabi ang kanyang order, pinili ko ang tumingin sa kanan at saktong nakamit ng aking pisngi ang malambot na labi ng aking fiancé.

“Hey babe. Sorry I’m late”

Patuloy ang pagsasalita niya hanggang tumingin ulit ako sa kaliwa at nakita ang mga luhang unti-unting pumatak sa mata ng lalaking minsan akong iniwang luhaan.

HIGANTI. HIGANTI. HIGANTI.

Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko at agad kong idinampi ang aking labi sa kanya. Nararamdaman ko ang masakit at masaklap na tingin niya sa amin. Sa akin. Nararamdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting namumuo pabilog at tila ba handang sumuntok ng kahit ano at kahit sino. Pagtingin ko sa kaliwa, wala na ang kotseng kinalalagyan niya.

“Woah. What was that?”

“I’m just happy I found you.”

Ngumiti siya sa aking direksyon. Pero may iba. May iba sa ngiting pinapakita niya sa akin.

“Stop pretending, Miles. Alam kong nakita mo siya.”

Hindi ako makapagsalita at mas piniling itikom ang aking bibig.

“Mahal po ba siya?”

Tumingin ako sa kanya. Bakas sa kanyang mga mata ang sakit at paghihinagpis ng pagmamahal niya sa akin. Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

“Mahal mo pa ba siya? Sagutin mo ko. Mahal po ba ang kapatid ko?”

Patuloy lamang ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Hindi ko siya masagot.

“Kasi hanggang ngayon, nararamdaman ko na pilit pa rin akong nakikipaglaban para makuha ka sa kanya. Noong gabing sinaktan ka niya, ako ang nandoon para sayo. Ako ang nasa tabi mo. Ako ang pilit na nagpupunas ng luha mo. Mga braso ko ang nagpapainit sayo ng mga gabing ‘yon. Mga kamay ko ang pilit na bumabalot sayong nanginginig na katawan. Pero bakit para bang hindi mo’ko kayang mahalin?”

Hindi ko na nakayanan ang mga salitang sinabi niya sakin. Agad ko siyang niyakap at hinayaan ko ang mga luha na dumampi sa kanyang damit. Pinawi ko ang mga luha na nag-iwan ng marka sa kanyang perpektong mukha. Tinitigan ko siya ng husto at hinayaan ko na mga salita ng katotohanan ang lumabas.

“Sa dinami-dami ng nangyari sa buhay ko, marami akong nagawang pagkakamali. Unang-una na dito ay nang minahal ko ang kapatid mo. Ngunit, hindi ko maikakaila na siya rin ang una ‘kong minahal.”

Hinawakan niya ako ng mahigpit at paulit-ulit na binulong ang mga katagang mahal na mahal kita. Tila ba ayaw na niya akong pakawalan at gusto niya lamang na ako’y palaging nasa kamay niya.

“Huwag mo ‘kong iiwan Miles. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na magpanggap na lamang muli ako sa isang sulok habang nakikita ko kayong dalawa na lubos na nagmamahalan. Please baby, I can’t pretend again.”

Hindi ko maintidihan kung bakit iniisip niya na iiwan ko siya.

“David, why are you thinking like that? Hinding-hindi kita iiwan. Yes, Aron was my first love but you are and will always be my greatest love. He’s my past but you’re my present and my future.”

“God knows how much I love you Miles. And I can’t afford to lose you baby. Just hold onto us, okay?”

Alam ko na sa mga oras na ‘yon, tama na ang nararamdaman ko. Alam ko na sa sandaling iyon, nasa harap ko na ang aking mundo at hinding-hindi na ako magkakamali pa.

“Always. Mahal na mahal kita David.”

“I love you too Miles, forever baby.”

After that day, we decided to set aside our dark past, fix things up and settle down for good. Kaya naman nagpakasal na kami. Ngayon, I’m three weeks pregnant and I’m more than happy because of the fact that David and I are going to have our first baby.

Habang hawak ko ang mga preskong bulaklak, sabay-sabay na pumatak ang mga luha ko. Wala akong ibang magawa kundi hayaang lumaya ang aking mga luha at titigan ang puntod niya.

“I know I made the right decision nung pinakawalan kita. Not because my love for you had turned into thin air. Not because I saw someone better than you. Alam ko na alam mong mayroon tayong promise at hinding-hindi ko makakalimutan ‘yon. Pero everything turned upside down nung dumating siya. He made me feel so special. Like I’m a queen-empress.”

Sa kabila ng mga luha ko, hindi ko mapigilang mapatawa ng saglit dahil sa alaalang iyon. Nung panahong tinawag niya akong his queen-empress.

“Sana masaya ka para sa amin and I hope you’re okay there. I hope you can see me and your brother living happily as we build our own family.”

Naramdaman ko ang mainit na yakap niya habang pinupunasan ko ang aking luha.

“Hey love.”

“Hi.” Niyakap ko siya ng mahigpit at pinipilit na kumuha ng lakas sa kanya.

“Aron? Kumusta kana diyan? Kung nasan ka man ngayon sana ayos ka lang. And no more racing and beers, okay?”

Napatawa na lamang ang mahal ko habang nakatingin siya sa puntod ng kapatid niya.

“And by the way, look at my girl, standing strong and carrying our first baby.”

Naramdaman ko na humigpit ang hawak niya sa’kin and there’s only one thing that I’m sure of right now. I feel safe in his arms. I feel comforted in his embrace. He’s my home. Bigla siyang tumingin sa’kin and all I saw is love dancing in his eyes.

“And I am so inlove with her, bro. I know she’s broken when I first met her. Pero, I was there. And so, I did everything to mend her soul and heal her heart. I’m so whipped when she became mine, man. Everything about her is just so perfect. Her breakdown is my sign of strength and her flawed edges are mine to keep always.”

Bumuhos na ang lahat ng aking emosyon sa mga sinabi niya. Love. Enormous Admiration. Care. Trust. I know those are the virtues of our relationship. I’m so damn happy he found me when I’m lost. And I’m so lucky to call him my husband.

“Pano ba ‘yan bro. We have to go. Medyo makulimlim na ang langit. Just so you know, I’m lucky to have all of her. And I assure you, she’s in good hands.”

My husband kissed my forehead and for a minute, his lips lingered there. I feel so loved when I’m with this man. And there’s no more to ask from God because I have him.

“Aron, stay happy there and well, okay? We have to go na. We miss you.”

“Bye bro.”

After a week ng kasal namin ni David, nabalitaan na lang namin na wala na si Aron dahil sa racing competition na sinalihan niya. We were all drowned in tears and grief noon. Pero alam ko na may sariling plano ang Diyos para sa kanya.

And I know, I’ll always keep my promise to him. A promise that I won’t break. A promise that will always remain in my heart. I’ll always love him.  


© Copyright 2017 Lhigaya. All rights reserved.

Add Your Comments:

More Romance Short Stories