Christian

Reads: 58  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: In Progress  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Yung mga bagay na mabilis makuha, Mabilis din nawawala.

Submitted: June 30, 2017

A A A | A A A

Submitted: June 30, 2017

A A A

A A A


2008, 2nd year highschool. Mga totoy at nene pa. 3315, 7610, Nokia N-series, china phones (lalo na pag touchscreen) etc. Feeling mayaman ka na nyan lalo na kung sa public high school ka nag aaral basta may cellphone ka, in ka. Pero di ko hilig yan.

 

Uso pa non ang textmate , slum note, flames at kung ano ano pang kalokohan pag walang magawa sa room. Pag break time, magkikitakita sa likod ng skwela, maglalaro ng sipa sa ilalim ng punong mangga magyayaya ng kalaro sa ibang section magkakampihan, palakasan ng sipa, patagalan mataya. Ang saya lang pag lalake ka.

 

Hanggang sa nakilala ko tong babaeng to, Di kagandahan, Di din maputi, pero matangkad, maganda ang pagka morena. Pero alam mo kung sa ako na akit sa kanya ? dun sa tenga nya. Haha. Ang cute kase parang daga. Tapos pag ngumiti sya, gustong gusto ko yung dimples sa kaliwang pisngi nya. Tinamaan ako, kaya lang magkatext na pala sila ng katabi ko sa room.
Tapos non, nabalitaan ko nalang sila na pala. S.O (secret on) kung tawagin. Actually meron din ako non pero di ko pa sineseryoso yung mga ganon kase bukod sa mahiyain ako (NOON). Haha. Ewan ko kung anong nangyare. Natapos kame kasi di naman kami nagpapansinan sa room, Para saken kase hanggang sa text lang ang S.O na yan. Ilang bwan lang din, nung nallaman ng buong klase na si Minnie Mouse na pala at yung katabi ko ang mag S.O, naghiwalay din sila. Only child kase si Minnie at Auntie nya ang nagbabantay sa kanya dahil nasa abroad ang magulang nya kaya natakot sya na baka malaman ng Auntie nya at magsumbong sa nanay nya.

 

2009, 3rd year high school. Napunta ako sa kabilang section, Di na kame mag kaklase ni Minnie Mouse, napunta ako sa 3, sya naman sa 2. Nakuha ko ang cellphone number nya dun sa kaibigan nya na malapit sa kanya. Matagal din kami nakapagtext non. “Hi - Hello” , “Good Morning - Goodnight“ , “Ano gawa mo” etc.

 

Nasasabihan ko sya ng problema, ganun din naman sya. Hanggang sa naging malapit kame. Parang pinasagot ko sya ng slum note sa dami ng tanong ko. Well, ganon talaga pag interesado ka sa isang tao haha. Alam kong alam nya na interesado ako sa kanya kaya nya ko ine entertain. At nararamdaman ko din na interesado din sya saken.

 

Feb 2010, Junior and Senior Prom, Yey ! , Pero di ko trip yung mga ganyan. May pagka anti-social ang kuya mo eh. Di ako pumunta kahit required ang magbayad kasama sa clearance. Kahit mga fieldtrip di ako sumasama pero pumapasa naman ako kahit papano, di ko din alam kung pano haha. Mga ilang araw after ng JS Prom, magkatext padin naman kame. Sa totoo lang mas madalas kaya one time tinanong ko siya kung pwede bang maging kame. Medyo makapal ang muka ko don pero bahala na.

 

Good thing is okay naman sa kanya. Kaya ayun, naging kame Feb 27, 2010. Marked the date haha. Best day of my life ;D Dati tinitignan mo lang tapos biglang magiging kayo kahit di kayo legal sa parents nya, palag palag na yan hahaha. yesh !.
Nakapunta na sya sa bahay, kilala sya ng mama ko syempre pati nag iisang kapatid ko. Pero dun sa kanila, di padin kami okay.

 

2011 Masaya naman kame, nagtagal din kame pero dumating talaga sa point na pagka graduate namen ng highschool, first sem lang sa college nag stop na ko. Mahirap lang naman kame at isa lang ang kumakayod kaya ayon, PMA ang kuya mo. Pahinga Muna Anak ang nangyari. Pinauna muna namen yung ate ko na makapagtapos tutal 2 years lang naman maghahantay ako. Hanggang sa dumating din yung point na maghiwalay na kame kase bukod sa busy na sya sa studies nya, eh parang nawala na yung spark na hinahanap nya. Tyaka parang nasasakal na sya. Nahihirapan siguro sa dami ng iniisip nya.

 

Mahirap pero wala tayong magagawa. ilang beses ko syang sinubukang kausapin non pero dinadaanan lang nya ako sa harap pag inaantay ko siya sa pila ng tricycle pag galing nya ng school. Meron pa nga isang beses, nagbihis ako, nagpabango with matching bulaklak pero snob padin siya. Hanggang sa di ko na alam gagawin ko, napagod na ko kakasuyo sa kanya, blinock na ko sa fb. Hanggang sa sumuko na din ako kahit mahal ko siya. Sabi nga nila, lahat ng nakuha ng madali, madali din nawawala.

 

2013 Graduate na non yung kapatid ko, maganda na trabaho nya. Pumasa sa LET, nakapasok sa public school, dun na nagturo. Yes ! ako naman mag aaral, Pinagpatuloy ko yung vocational course ko na ICT. wala pang k-12 non kaya course pa talaga siya, di lang subject sa Senior High.
First year, Third trimester , Feruary, Di ko inaasahan na may mag cocomment sa facebook status ko na pamilyar na pangalan. Ang sabi nya “ Ang harsh naman po nyan ^_^ ” napangiti ako kase si Minnie yon. Napa comment sya dun sa facebook video na shinare ko kase naka blured yung pangalan nya sa picture na ginawang video ni facebook (celebrating your years with facebook something). Throwback lahat ng picture sa account kaya ayon haha.

 

Nagkausap kame, nagkita kame, nahilig din pala sya sa Anime non. Nanood kami sa bahay. Magpapaturo daw sya about sa programming. nakalimutan ko kung anong language. Nagulat din mama ko pati ate ko nung nakita sya. Hanggang sa nagkabalikan kame. Dabest na pakiramdam kahit kailan grabe !. Yung nagkabalikan kayo kase mula nung naghiwalay kayo di ka naman nagka girlfriend na iba. Araw araw masaya. Iba yung ngiti, laging abot tenga.

 

2015 Grumaduate ako, Di agad nakakuha ng trabaho pero nagkaron din naman sa awa ng Diyos pero di ganon katagal. Madaming nangyare. Umaasenso ang buhay. Happy lang, araw araw puno ng pagmamahalan.

 

2016 Grumaduate din sya. Tagal na namen. Kilalang kilala na namin yung isa’t isa. May mga anak na yung mga ka batch namen, Ganun padin. Masaya lang. Happy lage kase magkasama kame kahit pareho kaming walang work.

 

Second week ng Nov 2017 Hanggang sa kumuha sya ng passport, Naghantay umuwi yung tita nya na kasama ni mama nya sa abroad. Tapos ilang araw makalawa, may nahanap din akong trabaho, training para makapasa habang sya busy mag ayos ng papeles nya. Isasama na sya ng Auntie nya para dun na sila ng mama nya. Nung una ang sabi nya susubukan lang nya. Pero may back up plan sya na kapag di sya nakahanap ng job don eh uuwi na sya pag expired ng visitting visa nya. Nov 24 nung umalis sila ng Auntie nya, Di ko siya nahatid sa airport gawa ng training nga ko para sa work. Good performance para sana makapasa. Nagkasama naman kame ng halfday kase maaga sya dumaan sa bahay bago ako pumasok ng training. Nag eecho padin hanggang ngayon sa tenga ko yung sabi nya na “Magiging LDR na tayo.” sabay yakap sa braso ko tapos nakita ko yung malungkot na mukha nya. Nakakalungkot sobra. Pinipigilan ko maiyak.

 

Dec 10 2017 Malungkot yung mga araw mula nung umalis siya kase hirap kame sa communication, Mahal ang cellular data sa Middle East. Mas mura ang postpaid sabi nya. Nakakapagviber lang kame pag andun sya sa accomodation nila.
Napaka Church oriented nila. Christian sila. Catholic ako. Matagal na nya ko niyayaya nag mag try mag simba sa kanila at magpa convert pero di ako pumapayag dahil may mga personal na dahilan ako.

 

Dec 11 2017, Nag decide na ko magpa convert sa church nila di lang yung usapan na simba, Dineretso ko na sa pagpapabautismo. Tinaggap ko ng buo sa loob yung mga paniniwala nila. Biyaya !. Di ko sinabi sa kanya na nagpaconvert na ko. Di ako yung lalakeng hilig magsurprise sa mga girlfriend nila kase ayokong ma spoiled din sya gaya ng iba dyan. Nung time na yon, gustong gusto ko siya isurprise pag uwi nya kase ang alam ko sobrang matutuwa sya at and alam ko e 1 month lang naman ang visitting visa nya. Dumaan yung pasko, dapat nakauwi na sya. Nag exit lang pala sa sa UAE tapos bumalik din dun sa mama nya. Nafrustrate ako :( sobrang nakakalungkot tho alam ko naman na miss na miss sya ng mama nya dahil ilang taon silang di nagkasama maraming taon yung dumaan na magkalayo sila nung nagaaral pa sya at ganun din siya syempre.

 

First week ng Jan 2017, Di padin sya bumabalik. Kinukulit padin nya ko kung nagpaconvert na ko. Dinedeny ko padin. Di ko padin inaamin syempre surprise nga. Malaking surprise yon para saken. Pricelesss. Mga ilang linggo kinukulit padin nya ko, hanggang sa nakipagcool off sya saken. Halos 1 week. May internet connection na sila non kase 1 time nakapag viber na kame.

 

3rd week ng Jan 2017, after ng 1 week na cool off, tinanong nya kung nagsimba na ko sa kanila. Di padin nya alam na di lang simba ang ginawa ko pati pagpapaconvert nagawa ko na din. Tinanggi ko padin. Nung araw na yon, nakipagbreak na sya. Sinubukan ko pigilan sya kase sabi ko sa sarili ko baka mga ilang araw lang umuwi din sya kaya di ko padin sinasabi yung surprise ko. Hanggang sa di na sya nagreply. Hinayaan ko kase sa isip ko baka nahihirapan lang sya don at nappressure sa ibang environment sabay pa sa busy sa church activities. Nalaman ng mama ko, naiyak siya sa harap ko, napahagulgol nalang din ako kahit kasalanan ko naman. Ganon lang pala kadali tapusin yung pinagsamahan namen para sa kanya. Mag move on na daw ako kase sya daw naka move on na. Ganon nalang ba yon ? Pero di ko padin sinabi yung totoo.

 

2 Months after non wala padin sya sa Pinas kaya chinat ko na siya, di naman nagpalit ng profile picture. May picture padin kame sa cover photos album nya kaya chinat ko na sya. Nagmaang maangan ako. Sabi ko sorry kase di ko alam na gusto mo lang pala ako magpaconvert, pano ba magpaconvert sa inyo. Inentertain nya ko, nag reply sya. sinabi nya saken kung pano ang proseso tho alam ko naman na yon at tapos na talaga ako. Di ko sinabi sa kanya lahat ng yon. Nalaman ko nalang na sa dumaan na ilang bwan lang, may nanliligaw na sa kanya at sa nanay nya pa mismo nagpaalam. Akala ko okay na ko, pero nung nalaman ko yon. Sobrang sakit.

 

Pinilit ko naman na maging ulit kame. Sinabi ko sa kanya yung nangyari na matagal na ko nagpaconvert at Dec palang gusto ko lang siya isurprise pero parang wala lang sa kanya. Ayaw na nya. Sa loob lang ng 2 months. Nakalimutan na nya ko. Pinilit ko naman sya, kinulit ko na kami nalang ulit. Ang dami namin pinagsamahan tapos parang yun lang magkakalimutan na agad kame. Sobrang mahal ko siya alam ng lahat ng nakapaligid samen dito. Higit sa lahat alam ng Diyos kung gano ko siya kamahal. Binigay ko naman lahat ng meron ako eh. Loyal naman din ako. Pero bat ganon, nung tinanong ko sya sabi nya may gusto na daw siya na iba don. Napaka selfish ko daw. Ano bang mali ko ? Yung gusto ko lang siya mapasaya ? Kelan ba naging mali yung kagustuhan na makitang masaya yung mahal mo? Ilang bwan lang may kapalit na ko ? Di na ko mahal ? mag move on na din daw ako ? Sabi mo gusto mo lang mag bible school at maging pastora pero may iba kang gusto jan ?

 

Mabait siya, higit sa lahat maka Diyos. Pero di ko mapigilan isipin na ginawa lang nyang dahilan na makipag break yung pagpapabautismo para lang tapusin yung meron kame at makalaya sa konsensya na nafall out of love siya. Sa ngayon naka block na ako sa kanya. Kung nasan ka man, Mahal na mahal kita. Alam ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko, higit sa lahat ng Diyos na mahal na mahal kita hanggang ngayon. Naghahatay ulit ako sayo. Kahit alam ko sa sarili ko na wala na akong hahantayin.
 
-BeenDoomed 7/1/17
ICT - MRK1110201


© Copyright 2017 TwoSevenTen. All rights reserved.

Booksie 2017-2018 Short Story Contest

Booksie Popular Content

Other Content by TwoSevenTen

Christian

Short Story / Romance

Popular Tags