Vacation

Reads: 65  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic


This is a one shot story about having your best vacation ever.

Submitted: November 26, 2017

A A A | A A A

Submitted: November 26, 2017

A A A

A A A


Nica's POV

"Waaaaaaaah!!" sigaw ko bigla ng may lalaki sa harapan ng kama ko na naka ngiti sa akin. "Sino ka?" tanong ko bigla sa kanya. "Kakain na, baba ka na," tapos bigla siyang umalis. Pumasok naman bigla si Mama. "Sino siya?" tanong ko nang naguguluhan. "Baba ka na," Huh? Ang wierd naman ni Mama, usually sinasagot niya tanong ko agad, bakit ngayon? 

Bumaba naman din agad ako, at to my surprise, complete family sila sa table, kasama yung lalaking nakita ko sa kwarto ko. Umupo naman ako at naramdaman ko ang awkward silence na umiikot sa paligid namin. "Ma?" tanong ko agad sa mama ko. "Anak, vacation ngayon, so ikaw lang ang matitira dito sa bahay ngayong araw hanggang bukas, kasi pupunta kami ng papa mo sa Cebu para asikasuhin ang isang branch ng store nina Mareng Patrisha, ikaw na bahala sa bahay ah," nabigla naman ako doon, aalis sila tapos hindi nila ako isasama. "I'm Glenn," tapos biglang nagpakilala itong lalaking ito. "Siya nga pala yung pamangkin ni Mare, ipasyal mo daw siya, kakauwi lang niyan galing London, hindi pa namin nakaka usap, kaya hindi namin alam ang pangalan. Dito siya matutulog, so kayo na bahala sa bahay. Mauna na kami Nica, maaga pa ang flight namin. Kain lang kayo." mahabang litanya ng Mama ko. "Huh? P-Pero.." bigla naman sila umalis. "You're Nica right?" napatingin naman ako bigla kay Glenn. "Yes," sabay awkward na ngiti.

Okay, Nica, calm down. Ipapahabilin sa iyo ang bahay, kasama itong British na ito na hindi ko naman kilala. Vacation ba ito?

 

Natapos na kaming kumain, at nagpa-plano kung anong gagawin ko ngayon. Instead of making plans on my own, isasama ko pa tuloy itong Glenn na ito. "Where would you like to go?" tanong ko bigla sa kanya bago ako tuluyang umakyat sa hagdan. "Ikaw na bahala," sabay ngiti niya. "Marunong palang magtagalog, papahirapan pa ako," bulong ko sa sarili ko pagkatapos siyang ngitian.

 

"Mall of Asia. Luneta Park. Wala naman akong maisipang pasyalan dito, kasi hindi ko saulo ang Manila," bulong ko sa sarili ko habang nag-aabang kami ng sasakyan. Akala ko, best vacation na ito, meron pa rin pala akong assignment. Saan ko kaya ito dadalhin? "Marunong ka bang magdrive ng kotse?" tanong ko sa kanya. "Yup, why?" alam ko na. Marunong ka eh, so vacation time na.

Pumunta kami sa bahay ni Lloyd at hiniram ang sasakyan niya. Ako na bahala sa gasulina, basta mabigyan lang ng magandang bakasyon ito. "Hindi ko alam kung saan tayo pupunta, so I borrowed a car, para at least hindi tayo mapagod maglakad kung saan tayo pupunta. You decide where to go, just drive," sabay ngiti ko naman sa kanya. Bahala ka na Lord, basta, ligtas kami okay na.

Siya nga ang nag drive at hindi ko rin alam kung saan siya pupunta. "Dito natin simulan," sabay tigil sa isang beach. Hindi ko alam kung saan ito, pero ang ganda niya. Hinila niya ako palabas ng kotse, at dumiretso kami sa isang bar malapit sa beach na iyon. "Teka, ang aga pa para uminom tayo, tsaka hindi ako umiinom ng alak," paliwanag ko sa kanya. "Just try," alam mo yung tingin niya, nakaka-engganyo eh. Parang nagsasabi na tikman mo na. So I tried it, at OH MY GOSH! Ganun pala lasa nun, medyo masarap, na ayaw ko. "One more?" tanong niya, at kinuha ko nga iyon. Then on my third time, kinuha na niya, kasi baka daw malasing kami. Tapos, hinila niya ako palabas sa bar, diretso sa tubig. Kinuha niya bag ko, at tinapon sa tabi at dire-diretso kami sa tubig. "WAIT!" pero huli na, kasi basa na kaming dalawa.

"Wala akong dalang pamalit," sabi ko sa kanya. "Me neither," sabay ngiti niya. Nawala naman bigla yung hilo ko kasi nga uminom kami kanina, so nung nabasa na kami, nawala siya bigla. Ang sarap sa pakiramdam. But wait, medyo manipis pala yung suot kong damit, so babakat dito yung bra ko. Tumalikod naman siya bigla, siguro natunugan niya. "Sorry, hindi ko naman aakalain na maliligo tayo," tinanggal naman niya yung polo niya, so naka sando na lang siya. "Wear this, para hindi ka pagtinginan ng tao," "Salamat," sabi ko sabay abot at suot nung polo. Nag-stay kami doon, at nakipaglaro doon sa mga batang naliligo din. First time?

 

"Basa pa tayo, paano tayo makaka-alis?" bigla naman niya akong hinila doon sa may mga bahay-bahay, at bigla niyang kinuha yung mga nakasampay doon, tapos kinuhanan din niya ako at tumakbo kami ng mabilis. "Teka, ano yun?" tapos napatawa na lang siya ng bigla niyang ibigay sa akin sa loob ng sasakyan ang mga damit na kinuha niya. Sinuot ko rin naman, kasi no choice ako, basa ako nito buong maghapon. "Thanks," sabay ngiti ko sa kanya. Nag-drive na ulit siya after naming makapag-palit ng damit.

 

Next stop, kumain kami sa isang karinderya, at buti na lang may pera akong dala, kasi kung wala, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang dami niyang inorder, at lahat yun naubos namin, ang galing nga eh. Dumiretso kami sa isang pabundok na lugar, at tumigil kami doon. Wala kaming masyadong makitang tao, so parang kami lang doon. "Stay muna tayo dito, hanggang gabi, tutal malapit na rin naman." Sabi niya sa akin, at umupo doon sa harap ng kotse. Ngayon ko lang nakita itong lugar na ito, at siguro, maganda nga dito.

Inintay namin ang hanggang gabi, at oonga, ang ganda sa lugar na ito. Kita mo ang buong paligid, at puro ilaw siya. "Wow!" napanganga talaga ako. "First time?" tanong niya. "Yup. Thanks ah." tapos ngiti lang ulit. "Glenn, hindi ko alam na marami ka rin palang alam dito. Akala ko ba, ako ang papasyal sa iyo, bakit parang ako pa ata ang pinapasyal mo?" napatawa naman siya. "Hinanap ko lang ito sa internet, at ito yung mga lugar na gutso kong puntahan," sabi niya habang nakatingin sa paligid. "Ang bilis mo namang masa-ulo ang daan?" sabi ko at nagkatinginan kami.

 

Awkward. Yup, parang may something, pero hindi ko na pinansin. "Mabilis talaga akong maka sa-ulo ng daan, yan yung talino ko," sabi niya. "Edi idol na kita," tapos napatawa siya. "Dito na kaya tayo magpalipas ng gabi. Para masulit natin ang magandang tanawin," sabi niya na nakangiti. Umu-oo lang ako sa kanya, kasi tama naman siya. Tutal, hindi pa naman uuwi sila mama. Nagkuwentuhan lang kaming dalawa ng mga buhay namin, hanggang sa sumapit na kami sa mga personal life namin.

"Doon ba sa inyo, madami kang naging girlfriend?" bigla kong tanong sa kanya. "Hindi naman. Isa lang ang girlfriend ko, pero hindi pa niya alam na girlfriend ko siya," sabay tawa naman siya. "Kulit mo. Seryoso, may girlfriend ka nga doon?" tapos... "Doon? Wala, pero sana dito, meron, para naman may babalikan ako kung sakaling umalis ulit ako," tapos napa seryoso ang mukha niya. "Mahirap naman kung iiwan mo siya dito, edi malulungkot siya," sabi ko sa kanya. "Ikaw ba, papayag ka ba na may boyfriend ka na nasa malayo?" bigla niyang tanong sa akin. "Ako? Siguro kung mahal na mahal ko siya, at alam namin sa aming sarili na hindi kami maglolokohan, papayag ako. Pero malulungkot din naman ako," tugon ko sa kanya. Pero wala na siyang naging sagot doon, kaya hindi na rin ako nagsalita ulit. Tiningnan ko na lang rin ang ganda ng paligid. "Sana ganito na lang palagi ano?" nabigla naman ako sa sinabi niya. "Huh?" nagkatinginan naman kami. "Glenn..." tapos papalapit na ang mga mukha namin, nang... "Sorry," tapos pumasok ako sa loob ng kotse.

 

Nica, ano ba? Hindi mo pa nga siya ganoon kakilala, ganyan agad ang magiging reaksyon mo, ibig sabihin gusto mo rin? *inhale, exhale* Ano, matutulog ka na lang dito at hindi susulitin ang paligid? Ano na? Uuwi na Mama mo bukas ng gabi, ibig sabihin meron ka nalang 24 hours na kasama siya. Ano na?

 

"Glenn..." sabi ko nang bigla akong lumabas sa kotse. "Nica, ang ganda ng stars," sabay turo niya sa langit. Napatingin din naman ako, at tama nga siya, ang ganda nila. "Sorry kung nagawa ko yun, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Alam kong kakakilala lang natin, pero nagustuhan kasi agad kita kasi sobrang simple mo," dagdag niya pero nakatingin pa rin siya sa langit. Speechless si Nica. Ano sasabihin ko? Oo, may nararamdaman din ako, pero hindi naman ganoon kalalim. "Tulog na tayo," bigla niyang sabi sa kalagitnaan ng aking pag-iisip. "T-tara..." aya ko na rin sa kanya.

 

Natulog kami sa loob ng kotse, siya doon sa may driver's seat, ako naman doon sa likod. Glenn, ano bang meron ka? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Love at first sight? "Glenn," tawag ko sa kanya at pagka-lingon niya, hinalikan ko sa siya sa pisngi sabay taklob ng jacket ko at natulog na ako. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya, basta pumikit na agad ako.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"Anak, Nica, umaga na. Mahuhuli ka na sa klase mo," biglang gising sa akin ng isang boses. Pagmulat ko ng aking mata, nakita ko si Mama sa aking harap. Huh? Bigla akong napabalikwas sa aking kama. "Anong ginagawa ko dito?" bigla kong tanong. "Natutulog syempre. Bakit?" tanong ni Mama na panatag naman. "Hindi ba't umalis ako kahapon, at nasa Cebu pa kayo?" tanong ko sa kanya. "Oonga, nasa Cebu kami, kararating lang namin ngayon. Bakit?" nagtataka na ang mukha ni Mama.

 

"Ma, paalis na sila," biglang sigaw ni Papa sa baba. "Sinong paalis?" tanong ko kay Mama. "Babalik na sa London ang pamangkin ni Mare, ihahatid lang namin sila, gusto mo bang sumama?" hindi ko na nasagot si Mama. Dali-dali akong bumaba sa hagdan, at lumabas ng pinto. Siya agad ang una kong hinanap, pero wala siya. Asan ka na ba? "Nica, nandoon na sila, gusto mo bang sumama?" tanong ulit sa akin ni Mama. Sumama man ako, hindi ko na siya maaabot. Huli na ba ako? Natapos ang bakasyon, natapos na rin siya. Hindi na naman pwedeng balikan eh. Tumalikod na lang ako, at ang huling napakinggan ko kay Mama, "Bantayan niyo muna ang bahay ah," tapos pumasok na ako sa loob.

 

Pagdating ko sa sala, nakita kong bukas ang TV. "Papa talaga, aalis na nga iniwan pang bukas ang TV," tapos pinatay ko. "Bakit mo pinatay?" nabigla naman ako sa boses na napakinggan ko. Ako lang ang tao dito ah? "Nanonood ako eh, kumuha lang ako ng pagkain," sabi niya. Napalingon naman ako, at sa hindi ko inaasahan.. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Pinagbabantay tayo ng bahay ng Mama mo ah, bakit ka nagtatanong?" tapos naguluhan ako bigla. "Pumarito ka nga, at manonood tayo," tapos dali-dali ko siyang niyakap. "Hindi ako makahinga Nica," sabi niya. "Nakakainis ka, alam mo yun?" tapos nagtaka siya. "Bakit ka umiiyak?" 

"Akala ko, iniwan mo na ako," sabi ko sa kanya. "Hindi naman kita iiwan, andito lang ako, taga-bantay ng bahay niyo." tapos ngumiti siya sa akin.

 

Hindi man naging kami sa ngayon, pero darating din yun. Glenn, mahal na kita, at sana mahal mo din ako. :) 

 

 

Thanks for reading. Comment and vote po. :) :) <3

 


© Copyright 2018 FrustyWriter. All rights reserved.

Booksie 2018 Poetry Contest

Booksie Popular Content

Other Content by FrustyWriter

Vacation

Short Story / Romance

Popular Tags