"MAGDALENA"
MAY ISANG DALAGA NA UBOD NG GANDA,
KANYANG KAGANDAHA'Y KAHALI-HALINA
DUON SA PROBINSYA'Y PINAG AAGAWAN SYA
MAHIRAP MAN O MAYAMA'Y NAG PAPANTASYA.
SIYA'Y NAGMULA SA PAYAK NA PAMILYA
ISANG KAHIG ISANG TUKA, GANYAN LAGI SILA
KAYAT ITONG DALAGA'Y LUMUWAS PA MAYNILA
BAKA SAKALING MAKATAGPO NANG SWERTENG PAMPAMILYA
SYA'Y NAG TUNGO KUNG SAAN-SAAN
PUNTO DOON PUNTA DITO
DI MALAMAN PAROROONAN
HANGGAT MAY NAKILALA
MAKISIG NA LALAKI
MAGINOO NGUNIT MATAPANG
KAPAG ITO'Y KINAKANTI
ITONG SI MAKISIG AY MAY ANGKING KAGWAPUHAN
KAYAT SI BABAE'Y NAHULOG NA NAMAN
KUMAIN, NAG GALA, NAG LASING, NAGLAMPUNGAN
KAYA'T NANG UMAGA'Y INIWAN LANG SA LANSANGAN
KAWAWANG BABAE NILOKO'T INIWANAN.
MAY ISANG MISTISANG DALAGA NA LUMAPIT SA KANYA
HABANG SYA'Y NAGLALAKBAY SA KAHABAAN NG KALSADA
TINANONG S'YA NITO KUNG MAY TRABAHO S'YA
SAGOT NAMAN NYA'Y “SANA'Y MAGKAROON NA!”
INALOK SYA NITO NG ISANG TRABAHO
KITA'Y MALAKI SAPAT PANG NEGOSYO
BASTA'T SYA'Y MATIYAGA AT HINDI ESKANDALOSO
KAYA'T SI BABAE NAANTIG AGAD DITO
PAG DATING SA LUGAR
NAGKALAT MGA TITULO
MGA NAKA SULAT AY TULAD NITO:
“LANGITNGIT NG PAPAG”
“ISAGAD MO KUYA!”
“K'YAH! KYAH! PA ISA!”
“SA ILALAIM NG IMAHINASYON”
KALAUNA'Y NAKARATING NA
SA TAMANG DESTINASYON
TUMAMBAD SA KANILA
ISANG MATABANG BABAE
NA ANIMO'Y PAYASO
SA PUNO NG KOLORETE
AGAD SYANG TINIGNAN MULA ULO HANGGANG PAA
INAMOY, HINAPLOS, INIRAP-IRAPAN PA
AT NANG MAHIMASMASA'Y
TINAWAG S'YANG MAGDALENA
KINAGABIGA'Y NAGUMPISA NA
ANG TRABAHO NI MAGDALENA
SUMASAYAW WALANG SAPLO'T
NA DI IBA SA KANILA
'PAG NAPAG-DISKITAHAN NG CUSTOMER
HALA! SIGE, ARANGKADA
HINDI PWEDENG TUMAGGI
DAHIL LAGOT KAY MAYORDOMA
GANTO ANG KAPALARANG
NAGHINTAY KAY MAGDALENA
HINDI NYA LUBOS MAISIP
BAKIT GANTO SINAPIT NYA
NAGBAKA-SAKALI
LUMUWAS NG MAYNILA
AKALA'Y GINHAWA
NGUNIT PELIGRO PALA
SYA NGAYO'Y NAKAKULONG
SA KADENA NG KAPALARAN
GABI GABI NALANG
SYA LAGI ANG PULUTAN
PARA LANG MAKALIKOM NG SAPAT NA KAYAMANAN
NANG MAY MAIPADALA S'YA
SA KANYANG MGA MAGULANG.
DUMATING ANG ORAS NG PANININGIL
MAGDALENA'Y GANDA, TILA BIGLANG TUMIGIL
PUMAPAYAT, NAGKAKASAKIT, NAOOSPITAL LAGI-LAGI
KAWAWANG MAGDALENA DINAPUAN SAKIT
SAKIT NA NAKAHAHAWA
SAKIT NA INIIWASAN,
SAKIT NA NAKALALASON
SAKIT PANG HABAMBUHAY.
KAYA'T NAISIP NI MAGDALENA
BUMALIK NA MUNA SA KANYANG PAMILYA
Submitted: August 31, 2018
© Copyright 2022 UNTOUCHABLE. All rights reserved.
Comments
Facebook Comments
More Romance Poems
Promoted
Boosted Content from Other Authors
Poem / Travel
Book / Fantasy
Book / Fantasy
Book / Thrillers
Boosted Content from Premium Members
Book / War and Military
Book / Science Fiction
Poem / True Confessions
Book / Fantasy
Malkoshanity
Wow. The Magdalena concept is so on point! Ang galing!
Mon, May 13th, 2019 12:56pm