Ayos Lang Ako

Reads: 50  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
A spoken poetry about being left behind by the person she loves. Inspite of her confusion and heartaches, she decided to move on and think that everything will be fine, at least that is what she instill in her mind.

Submitted: October 11, 2018

A A A | A A A

Submitted: October 11, 2018

A A A

A A A


Minsan sa aking pag-iisa, habang nakatingala sa mga bituin at naghihintay na iyong  mapansin
Naisip ko ang mga panahong namumulaklak sa saya  ang mga  oras  na tayo  ay magkasama 
Masaya  ang bawat sandali na para bang ang ating mga  puso  ay lumilipad  sa walang hanggan
Hindi  mapalis ang mga ngiti sa labi at ang kilig ay umaabot hanggang  sa dulo ng aking mga  daliri
Ang saya.... ang saya na ngayon ay mananatili  na lang  sa aking  mga alaala
Totoo nga palang ang bawat kasiyahan ay may katapusan at ang salitang walang  hanggan ay hanggang  sa isipan na lang 
Dahil  ngayon  ay wala  ka na  at heto  ako naiwan  na namang  nag iisa
Pero Mahal, ayos  lang  ako, wag  kang mag alala, ayos  lang ako.

Ayos lang  ako kahit nagsusumigaw ang halimaw sa dibdib  ko dahil  sa biglaang paglisan mo
Ang halimaw na matagal kong itinago sa pusod  ng kawalan para lang  walang  gulo
Na sa bawat dahilan at kasinungalingang binigkas mo ay pilit kumakawala para lang mapagtanggol  ako

Ayos lang ako kahit na nawawasak at nagdurugo at nadudurog ang puso kong dating singtigas  ng bato 
Yung bato  na matagal kong binuo sa paligid  ko para protektahan ako
Protektahan ang sarili  ko sa mga taong tulad  mo na may kakayahang  palambutin  ang puso ko
Pero  sa bandang  huli  pala  ay magdedesisyon lang  na iwan  ako

Ayos  lang  ako kahit  gusto  kong sumigaw ng  pagkalakas  lakas  para  marinig  ng mundo
Yung  sigaw na aabot  sa'yo hanggang  sa mapagtanto mo ang  kamaliang  ginawa mo
Hanggang sa maalala mo yung  mga pangakong  binitiwan  mo noong magkasama pa tayo 
Yung pangako mong mananatili ka sa tabi ko at magsasama tayo hanggang sa dulo

Ayos lang ako kahit pagod na pagod na ang utak  at puso ko sa pag alaala sa'yo 
Pagod na ako sa pag iisip ng mga dahilan kung bakit mas pinili mong lisanin ako kesa  tuparin ang  pangako mo
Yung dahilan kung bakit pinili mong tapusin kung ano ang meron tayo kesa ipaglaban at ipagpatuloy ito

Ayos lang ako kahit gulong  gulo na ang utak ko kung paanong nagsawa ka at tinalikuran ako
kahit pinipilit kong sabihin  sa sarili ko kailangan mo lang  ng espasyo  para makapag isip at hanapin  ang sarili mo
umaasa  ako na babalik  ka pa rin sa dati, na babalik  pa rin yung dating  tayo

pero mukhang malabo na.... dahil ngayon  nakahanap ka na ng iba
Mahal, ano ba ang naging pagkukulang ko para saktan mo ako ng ganito 
ang pagmamahal ko ba ay hindi sapat para piliin mong maging hindi tapat

yan ang mga tanong na hirap na hirap kang sagutin kaya ba mas pinili mong lumayo na lang sa akin
ni hindi man Lang nagpaliwanag kung bakit at kusa na lang lumisan at nag iwan ng pait
sabi mo gulong gulo ang utak mo kaya hinayaan kita sa kung ano ang gusto mo
pero nagkamali ako, dahil nang hinayaan kita, tuluyan  ka ng nakawala na para bang ibong malaya.... malaya na humanap ng iba.

Ang bigat  sa dibdib, na para bang sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit
yung sakit na kahit sa panaginip, pinapatay akong pilit
yung sakit na pipiliin ko na Lang mawala sa mundo kesa mabuhay na parang multo.. yung  hindi nakikita ng paningin mo..

Masakit man ang lahat ng ito, tatanggapin  ko, tatanggapin  kong wala ka na sa piling  ko 
babangon ako at iisipin na hindi ka kawalan sa buhay ko.. kaya ko ito, kakayanin ko at alam ko malalampasan ko ito, malilimutan ko rin na may dating tayo..

Ayos lang ako, Mahal  paulit ulit kong sasabihin sa sarili ko hanggang sa maniwala ang isip at puso ko na ayos na nga ang lahat
Paulit ulit kong sasabihin hanggang sa masanay ako sa sakit at hapdi na dulot ng pagkawala mo
Paulit ulit kong sasabihin hanggang sa matanggap nang buong sistema ko na ang lahat ay isa na lang bangungot na maaari ko ring ibaon  sa limot

Hanggang ngayon na lang  ito, hanggang  ngayon na lang  ako iiyak  ng dahil  sa'yo
Ipapatak ko na ang lahat ng luha ko hanggang sa masaid na ang kahuli-hulihang tibok ng puso  ko para sa'yo.
Hanggang  ngayon ko na lang  iisipin ang posibilidad na tayo pa rin hanggang sa dulo 
iisipin ko ang lahat  ng meron tayo hanggang sa kusang mabura ng galit ko ang pagmamahal ko sa'yo.
hanggang  sa maging  mapayapa na ang puso ko,  hanggang  sa maka move on ako

hanggang dito na lang.. umaasa ako magiging  ayos din ako, ayos lang ako, magiging ayos din ako..

 


© Copyright 2018 Aizen Fritz. All rights reserved.