Chapter 8: Thisis cute amp

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

Status: In Progress  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic

Reads: 297

Eh baket maganda naman talaga sya ah

Ako kung sa tingin kong maganda ako, maganda ako. Kahit walang maniwala sakin, naniniwala ako na maganda ako kase nga maganda ako.

Palibhasa ampanget kase ng ugali niyo. Di kayo mahal ng mama nyo kaya sakin niyo binubunton yung galit niyo. 

Tumingin ako kay Nica na nakayuko, at sa lahat ng kaklase ko na nakatingin sakin. Pinipigilan ang luha na hindi karapatdapat makita ng tulad nila. 

 

Kahit may kaluskos ng mga dahon sa hardin na tanda ng may paparating di ko pa rin matigil ang paghikbi o ang pagluha. 

 

Tumingala lang ako nang may tumigil lang sa tabi ko. Sumasang-ayon ang pagtama ng araw sa makinis, maganda at mahinhin na mukha ni Nica, hindi ko alam kung lalo akong maluluha. 

 

Tinuloy ko lang ang luhang hindi masaid. 

"Maganda ka rin naman taga Shel", mahina ngunit sapat para lalong lumakas ang hikbi ko.

Umusog ako dahil nanatili lang siyang nakatayo tsaka tumabi sa akin. 

Kumalma na ako at tumingin lang sa pagwagayway ng mga bulaklak sa hangin. Bumaling ako sakaniya "Ikaw ba yung mabango?" Namula siya at iming tumango. Sabay naming sinabi "Sampaguita". Ngumiti siya ng unti-unti, namangha ako nang kahit sa mahinang boses nagkuwento siya na gumagawa sila ng pabango mula sa mga bulaklak. Halos hindi nagsasalit si Nica dahil mahiyain siya kaya siguro laking tuwa ko nang magkwento siya at ang bilis ng pagtibok ng puso ko. 

 

"Shel!" Lumingon ako kung saan nang may tumawag sa pangalan ko, huli na nang malaman kong binati ako ng bola sa mukha. 

Hawak-hawak ko pa ang ulo ko at nakahanda na ang inis kong mukha. "Sorry, Shel! Ayos ka lang?" Sa tirik ng araw sa parke matagal ko pang tinitigan ang pamilyar na mukha sa harap ko. Pilit kong inaalala kung sino siya. Ilan to sabi niya sabay pakita ng dalawang daliri. "Nica?" Bumalik lang ako sa ulirat nang narinig kong nagulat yung mga kaibigan ko pagkatapos kong magsalita at nakita ko rin yung gulat sa mukha ni Veronica. "May mali ba?" sabay lingon ko sa mga kaibigan ko at sabay-sabay silang nagtatanong kung ilang daliri ba meron sila o kung sino sila. "Hindi! Si Veronica" sabi ko sabay baling sakaniya. Grabe ang ganda pa rin niya ngayon hindi ko lang siya makilala dahil tulad ng marami nag-iiba na yung tikas, tangkad at hugis ng mukha. 

"Nics!" Lumingon pa ako nang tinatawag siya ng mga kalaro niya. Astig baka naging balibolista na siya. Tumingin ako ulit sakaniya na hindi lumingon at nakatingin pa rin sakin, nginitian ko siya at sinabing "Musta?". Kumurap muna siya tsaka ngumiti nang malawak pa sa'kin. "Eto" banggit niya, tsaka lang niya napansin ang pawis niya at nangiti nang ilang. "Eto" sabi ko sabay abot ng panyo tsaka inabot din ng mga kaibigan ko yung bola. Hinampas na niya ang bola pabalik at hindi lang ako ang namangha. Akala ko tatakbo na rin siya paalis pero humarap siya samin, ngumiti sa mga kaibigan ko tsaka tumingin sakin. "Musta Shel? Namiss kita. May oras ka ba mamaya? Catch-up catch-up lang may malapit na kainan yung ate ko, kung gusto mo lang." Hindi ko alam kung saan ba ako magugulat, sa bilis ba ng pagsang-ayon ko o sa dami ng pinagbago ni Nica. 

Natauhan lang ako nang magsimula akong biruin nina Maya. "Ketchup ketchup daw" sabay tawanan nila. "Sayang chibog na yun di man lang kami inimbita ngiti ngiti lang may bayad kaya bugaw nento" gatong ni Dan at di na natigil ang pagkantsaw nila hanggang sa dumating na yung kinagigiliwan nilang professor namin na may itsura. 

 

Nagkasundo na kami ni Veronica na susunduin niya ako malapit sa huling klase ko nang gabi. Sinaway ko na yung mga tropa ko na walang magawa at nagpapahabol pa ng pasalubong sa susunod. Napapikit na lang ako sa irita sabay ngiti sakaniya. Hindi na ako nangapa sa sasabihin dahil napunta na yung kwentuhan namin sa mga tropa ko hanggang sa pagbalik niya dito galing sa probinsya. Hindi ko alam na dito rin pala siya nag-aral hindi na kami nakapag-usap simula nung umalis sila nung elementary kami. Anim na taon din ang nakalipas at ang bait pa rin niya. 

Dumating kami sa resto na punong-puno ng taong nagkakantahan at nagsasaya. Biyernes kase siguro kaya puno kahit umakyat kami sa sunod na palapag. Isang beses pa kaming umakyat saka naging tahimik nang kaunti ang paligid. "Pasensya ka na ha, dito lang kase talaga tahimik." "Ayos lang kahit saan" wala na rin akong masyadong masabi. Simula nung umakyat kami nagandahan na kaagad ako dahil tanaw dito yung buong siyudad. Naiilawan din ng buwan ang lugar kaya hindi rin kailangan ng maraming ilaw. 

 

Kanina pa malakas ang tibok ng puso ko kinakabahn kung magugustuhan ba niya yung lugar pero nung lumiwanag yung mukha niya habang pinagmamasdan yung paligid medyo kumalma ako pero di matigil yung kabog ng dibdib ko. "Ang ganda dito" Lalong nakabibighani siyang pagmasdan kapag maaliwalas at hindi siya nagtataray. "Mas maganda ka" "Ha?" "Sabi ko oo nga ang ganda nga" habang nakatingin siyang nakatingin sakin. 

 

Pumili na kami ng makakain 

"Shel, ayos lang ba na ligawan kita?" Lumaki lang nang kaunti yung singkit niyang mata niya na nakatingin sakin saka ngumiti ng kaunti. "Sorry ah, di kase talaga ako makarinig ng maayos. Ano ulit yon?" sabi niya tsaka lumapit sakin nang kaunti. Lalo akong kinabahan at nagdadalawang isip kung tanungin ko ba siya pero tinanong ko ulit siya sa liit ng distansya namin sa isa't isa naririnig kong pumipintig ang buong katawan ko. "Shel, pwede ba kitang ligawan?" 

 

 

"Shel pwede ba kitang ligawan?" Hindi ako nagguguni guni nung unang rinig ko. Napatitig lang ako sakaniya, hindi inaasahan ang kahit ano simula nung umaga. Napansin kong nakabukas lang yung bibig ko pero wala akong masabi at nakatingin lang siya sakin. Pumutol siya nang tingin sakin saka sinabing "Ayos lang naman kung hindi, 

 

 

 

 


Submitted: April 28, 2021

© Copyright 2021 siyel. All rights reserved.

Chapters

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

Add Your Comments:


Facebook Comments

Other Content by siyel

Book / Romance

Book / Romance

Book / Romance