Me

Reads: 38  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

Status: Finished  |  Genre: Other  |  House: Booksie Classic

Table of Contents

1


I had a boyfriend (3 years ago), gwapo, magalang, mabait, uhm I can say that he's almost perfect, he got everything that girls looking for. Our relationship was cool, I let him go somewhere,
somewhere with his friends, go anywhere he wanted to. Masaya naman kami, okay naman not until lumipat sya sa Taiwan, anyway he's a half taiwanese and half pilipino, lumipat sya sa taiwan to study
there. Weeks passed, nagbago sya, andon na yung madalang na ang communication namin, sabi nya busy sya, mahirap man pero hinayaan ko sya. Ganon lang ang takbo ng relationship namin araw araw. Days,
Weeks, months passed, napag alaman ko na umuwi pala sya and he called me na magkita kami, andon yung saya, excitement lalo na at Valentine's day, Feb 14 kami magkikita. Dumating yung araw ng Feb
14, sobrang excited ako to see him again, to finally I can hug him again, can hold him, can see his smile again, his eyes. Nag ayos pa ko that day, para maging maganda sa paningin nya. And there,
pagdating sa place kung san kami magkikita, I saw him standing habang nakatalikod saken. Yes, kabisado ko na pati tindig nya, likod nya, 'my man' inside my head. My lips formed a smile when I got
his back and tightly hugged him. Pero akala ko magiging masaya ang Valentine's day ko non thinking na umuwi pa talaga sya para lang maka date ako sa Valentine's day, but my smile turned into
sadness when he said the words "I'm sorry, I'm breaking up with you, kami na ng bestfriend mo." =/3 I waited for a second, minutes na sana bawiin nya, na sana sabihing "joke lang" but no, he did
not. I was standing there speechless, like yeah I didn't know what to say, what to do. He broke up with me at sa araw pa mismo ng mga puso. =/3
Read Chapter

2


Naisip ko non na baka, baka magkakabalikan ulit kami, baka iwan din nya or sya ang iwan ng bestfriend ko at babalik sya saken, I was hoping na bumalik sya, na maging akin ulit sya.


But then, I met someone online, ang bait, ang sweet, ang kulit at the same time madaldal. Kahet antagal ko syang narereplyan ay naghihintay parin sya, naalala ko pa non ang hilig ko kase magpuyat
at nakahiligan ko din ang RPW para maglibang, para makalimot sa break up namin ng ex ko.


Natutuwa ako sakanya, ang gaan ng loob ko sakanya, that time naisip ko na maswerte parin pala ako, dahil may taong kahet malayo saken nagki care parin saken, pinaparamdam ang halaga ko,
pinaparamdam ang lahat ng ikakasaya ko, ikakatuwa ko, but the sad part ay isa syang babae, a bisexual.


Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo akong napapalapit sakanya, she's caring, nice, cool at lahat ng gusto ko ginagawa nya and ang mas nakakatuwa don ay kapag nangako sya ay tinutupad nya, sa
pagkakataong yon unti unting naghilom ang sugat sa puso ko, unti unti ko nakakalimutan ang ginawa ng ex ko, unti unti akong nakakabangon, and when I found out na may gusto pala sya saken, halata
naman sa kilos at mga pinapakita nya, I said subukan namen, first time ko makipag relasyon sa babae, sa bisexual dahil straight ako.


Minahal nya ako kahet ang gulo ko, pasaway, masungit, maldita, tanggap nya lahat saken, lahat ng flaws ko. Naisip ko non na ako na yata yung pinakamasaya at maswerteng tao simula nong dumating sya.


Naging masaya naman, naging okay naman relasyon namin, hanggang sa bigla nalang sya nagbago =/3


Hindi na nya tinutupad ang mga promises nya saken, ang dami na nyang excuses.


At ang masaket pa ay kapag di nya natutupad ang mga promises nya at gusto ko ay may dahilan sya palagi, may excuses lagi.


Nagawa na nyang magsinungaling saken, that time durog na durog ako.


Yung taong bumuo ng puso ko sya din pala ulit ang sisira neto. She broke my heart into little pieces.


Noon naiintindihan nya ang pagiging magulo ko, di nya ako pinapatulan, pero dumating sa point na wala na, lage nalang nya ako pinapatulan, di na nya ko maintindihan at dumating pa sa point na
dinahilan nyang ni minsan di nya naramdaman ang pagiging girlfriend ko.


Saklap noh? Hindi nga nya ako niloko gaya ng ex boyfriend ko, pero winasak naman nya ang puso kong sya mismo ang bumuo.


Pero wala ako magagawa kung ganyan ang mga tao ngayon, sa umpisa okay, pag tumatagal na don naten nakikilala kung ano talaga sila.


Di ko alam kung kelan maghihilom ang sugat sa puso ko, di ko alam kung kelan ulit mabubuo, pero sana kung may taong darating ulit sa buhay ko at bumuo ng puso ko, sana di nya ito wasakin ulit sana
panatalihing buo ito.


Pero thankful parin ako sa ex boyfriend and ex kong bi, dahil kahet papano pinasaya parin naman nila ako, napasaya nila ako, naging parte parin sila ng buhay ko. :)
Read Chapter


  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite


Facebook Comments

Other Content by Lei-9

Book / Romance

Book / Romance

Me

by Lei-9

Book / Other