Revolucion

Reads: 428  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Historical Fiction  |  House: Booksie Classic

Si Ricky Cellado ay ang top agent ng National Bureau of Investigation. Sanay siyang humawak ng mga mabibigat na mga kaso ngunit isang araw ay may misteryosong tawag siyang natanggap na lumindol sa kanyang buhay.

Sa kabilang banda ang Supremo ay naghahanda para isagawa ang pagpapabagsak sa Gobyerno, na ayon sa kanyang pananaw ay nilalason ang utak ng bawat Pilipino, gamit ang Rebolusyon.

Ngayon, nasa kamay ni Ricky kung paano niya pipigilan ang Katipunan sa pagsasagawa ng digmaan na siyang kikitil ng maraming inosenteng Pilipino.




Fact: Ang Katipunan ay isang kapatiran na inumpisahan nina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, at Teodoro Plata noong 1892. Ang punto ng kapatiran na ito ay para ipaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino kontra sa mga Kastila.


(Note: May mga parte sa istorya na ito ay kathang-isip ko lamang.)

Chapter 1 (v.1) - Revolucion

Submitted: January 15, 2015

Reads: 426

A A A | A A A

Submitted: January 15, 2015

A A A

A A A

Kabanta 1.

Tondo, Manila 12:45am

“Naisaayos ko na ang aking pangkat sa Cavite, tanging utos niyo nalang po ang aming inaantay” sabi ng isang lalaki na may katangkaran at makapal na balbas.

“Magaling” tugon ng lalaking na may malalim na boses at kayumanggi ang kutis, itinuon niya ang atensyon sa lalaking nasa kaliwa niya, “Inocencio, maayos bang nagagawa ng mata natin sa loob ng PNP ang kanyang trabaho?”

“Opo Supremo” tugon ng lalaking Malaki ang pangangatawan at medyo na may katandaan na, “Wala pa namang nakakahalata sa ating intensyon”

Madalim ang buong paligid at tanging isang kandilang nakasindi lamang ang nagbibigay ilaw sa tatlong kalalakihan. Mula sa bulsa ng Supremo, binunot niya ang isang piraso ng papel na nakatupi at ibinigay kay Inocencio. Nagtaka ang matanda kung ano ang nilalaman ng papel.

“Iyan ang susunod na hakbang para sa ating plano”, sabi ng Supremo, “Ibigay mo iyan sa ating informant ngayon din”

Agad na tumayo si Inocencio at isinilid ang nakatuping papel sa bulsa nito, “Masusunod Supremo”, lumabas na nang hideout ang matanda.

 

Malamig ang ihip ng hanging dahil sa papalapit na pagsapit ng buwan ng Disyembre, ngunit hindi nito napigilan si Inocencio, sumakay siya sa kanyang pulang sasakyan at bumiyahe papuntang Camp Crame. Halos 25 minutes via E Rodriguez Sr. Avenue ang biniyahe ni Inocencio, di mapalagay ang matanda kung ano ang nakasulat sa papel. Nang makarating sa PNP headquarters, bago bumaba ng kanyang sasakyan, hindi na niya napigilang tingnan ang loob ng papel.  Kinuha niya ang papel sa loob ng kanyang bulsa at binuklat ito. Nanlaki ang mga mata ng matanda sa pagkabigla, hindi niya inaasahan ang nakasulat sa piraso ng papel. Dahil sa takot agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kabilang bulsa at nagdial ng ilang numero.

“Hello?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.

“Leo, Si Inocencio ito, nanganganib ang buhay mo. Magkita tayo sa labas ng headquarters niyo.” Tugon ni Inocencio.

Binaba ni Inocencio ang kanyang cellphone at sumandal sa kanyang kinauupuan, mabilis ang tibok ng kanyang dibdib. Inaantay niyang lumabas ang kanyang kaklase noong parehas pa silang nag-aaral sa high-school.

Ilang sandal lang ay may nakitang isang lalaki na nabihis pulis na lumabas mula sa malaking arko ng PNP headquarters. Kumaway ang lalaking pulis, dahil sa labo ng mata ni Inocencio, hindi niya ito napansin at inantay na makalapit ang lalaki.

Kumatok ang pulis sa bintana ng kotse ni Inocencio. Nagdalawang isip si Inocencio kung bubuksan niya ba ang bintana pero naisip niyang marahil ay pinadala ang pulis na ito para samahan siya papunta sa matalik na kaibigan.

“Sir, kayo po ba si Mr. Inocencio Sandigan?” tanong ng lalaking pulis na hindi nalalayo ang tangkad sa kanya at may makisig na pangangatawan.

“Oo” tugon ni Inocencio na kinakabahan dahil sa armado ang naturang pulis at tanging silang dalawa lamang gising at nasa entrance ng PNP headquarters. Kung papatayin siya nito, wala makakakita sa kanilang dalawa.

“Pinapatawag daw po kayo ni PNP director General Martinez”

Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Inocencio, lumabas siya ng kanyang sasakyan para sumama sa pulis.

“Ako po pala si Police Senior Inspector Reynaldo Magdael” iniabot ng pulis ang kanyang kamay para makipag-kamay sa matanda.

Iniabot din ng matanda ang kanyang kamay sa Police Captain ngunit nagulat ito nang bunutin ng pulis ang kanyang baril at ipinutok ito sa kanya. Umagos ang dugo sa damit ng matanda at binitawan ng pulis ang kamay ng matanda. Binitawan ni Captain Reynaldo ang matanda na nakahandusay sa lapag at kasalukuyang nag-aagaw buhay. Isinilid niya ito sa compartment sa likod ng sariling kose nito at pinaandar niya ang naturang sasakyan at umalis papalayo sa PNP headquarters.

 

Kabanta 2.

Taft Ave. Ermita, Manila 9:00 am

Ipinarada ni Ricky ang kanyang sasakyan sa tapat ng NBI head office sa Ermita, Manila. Paglabas niya ng sasakyan, sumalubong sa kanya ang mabaho at mausok na kapaligiran ng Manila. Sinuot niya ang kanyang Ray-ban Aviator sunglasses panangga sa sikat ng araw. Dala-dala ang isang folder na puno ng papeles, nagtungo siya sa opisina ni NBI Director Procorpio Bernabe.

Kumatok si Ricky sa pinto ng NBI chief at nagtanggal ng sunglasses bago pumasok dito.

“Sir” sumaludo ang binatang PMA graduate sa matandang lalaki na nakaupo sa kanyang la mesa at abala sa paghigop sa kape nito.

“Good Morning Mr. Cellado” ibinaba ni NBI chief Bernabe ang kanyang kape at sumaludo din kay Ricky, “Anong atin?”

Binuklat ni Ricky ang dalang folder at ibinigay niya ang isang kumpol ng papel sa NBI chief. Tinanggap ng NBI director ang papeles at binasa ang unang pahina nito.

“Iyan po ang bagong leads sa sunod-sunod na political killings, Sir” sabi ni Ricky, “nadiskubre din po ng Forensic team na galing sa iisang baril ang pinagalingan ng mga balang ginamit sa pagpatay kina Senator Trias, Senator Cruz at Congressman Piolito.”

“May identity na ba kayo ng killer na ito?”

“So far Sir, ito palang ang ebidensyang nakukuha namin” sagot ni Ricky.

“Okay, magreport ka sa akin kung nakahanap na kayo ng bagong leads”

“Yes, Sir” Sumaludo si Ricky kay NBI chief Bernabe at gayon din ang NBI head.

Lumabas si Ricky sa opisina ng NBI director. Siya ay nagtungo sa sarili nitong opisina para pag-aralan ang mga leads na kanilang nakuha sa hawak nitong kaso. Nang makarating binaba nito ang dalang mga gamit kasama ang dalang baril na kasalukuyang nag suksok sa holster nito.

“Ricky” mula sa likod ay may tumawag sa pangalan ng binata, isang pamilyar na boses.

Humarap si Ricky at nakita niya ang kanyang ka-partner sa imbestigasyon na ibinigay ni NBI chief Bernabe na nakasampa sa kanyang cubicle.

“Naibigay mo na ba kay chief?” tanong ng kapartner ni Ricky.

“Oo, ngayon-ngayon lang” tugon ni Ricky, “nag-almusal ka na ba?”

“Hindi pa nga e, tara chibog muna tayo.”

“Hindi pwede pare, may aasikasuhin pa ako” sabi ni Ricky na muling binuklat ang folder.

“Ano ka ba, mamaya na yan”

“Francis, hindi ba inatasan kitang subaybayan yung suspek natin?” tanong ni Ricky sa ka-partner.

Napatigil ng bahagya si Francis, “Oo, pero normal naman ang kinikilos nang taong iyon.”

“Ganun ba, ireport mo sa akin kung may mangyaring hindi normal sa kanya.”

Napakamot sa pagkayamot si Francis, “May mapapala ba tayo sa kanya?”

“Basta sundin mo nalang ang sinasabi ko” pangiting sinabi ni Ricky na tila nang-aasar na kasama.

“Yes boss” tamad na sinabi ni Francis sa kanyang Senior sabay sibat.

Kasalukuyang tinitigan ni Ricky ang mga litrato na kinuhaan ng mga NBI inventigators para mangalap pa ng ilang leads sa kaso. Ngunit, wala pa din siyang makita na makakapag-usad ang imbestigasyon. Kaya naman tumayo na siya at isinilid ang folder sa drawer at ini-lock ito. Naisipan ni Ricky na humigop muna ng kape bago pumunta sa Forensic team, ngunit bago pa siya makalabas ng kanyang cubicle, may isang lalaki ang tumatakbo patungo sa kanya.

“Sir, may bangkay pong nakalap sa Luneta”

Dali-daling nagtungo si Ricky papuntang Lunate park. Sumakay siya kanyang sasakyan at humarurot papunta sa lugar kung saan binaril ang pambansang bayani ng Pilipinas.

Malapit sa lugar kung saan nakatayo ang rebulto ni Gat Jose Rizal, maraming tao ang nagkukumpulan para masaksikan ang kalunos-lunos na sinapit ng isang matandang kilala sa mundo ng pulitika. Agad na nagtungo si Ricky sa lipon ng mga usisero at usisera, at tumambad sa kanya ang isang nabulagtang matanda na may kalakihan ang katawan at duguan ang pananamita nito sa galing sa tama ng baril sa kanyang dibdib. Sumiksik si Ricky sa nagkukumpulang mga tao para makalapit sa bangkay. Lumapit siya sa isa mga imbestigador na kumukuha ng litarato sa biktima.

“NBI Agent Ricky Cellado” ipinakita ni Ricky ang kanyang NBI badge sa, “Si Congressman Inocencio Sandigan ba yan?”

“Oo, Sir. Tama ng baril sa dibdib ang ikinamatay” sagot ng imbestigador.

Tiningnan ni Ricky ang bangkay ni Inocencio, ngunit may isang bagay ang umagaw sa kanyang pansin. May nakasulat sa platform kung saan nakatayo ang statwa ni Rizal.

“Kanser?” pagtataka ni Ricky, “Sir, dugo ba ni Congressman ang ginamit na panulat diyan?”

“Sir, base sa pagkakatuyo ng dugo, mga 3:00 am isinulat iyan. Malamang sa biktima din ang dugong iyan.” sagot ng parehong pulis na pinagtanungan ni Ricky kanina, “pero nagkasalukuyan na naming inaalam kung dugo ba iyan ng biktima o hindi.”

Ilang minuto lang, may dumating na isa pang pulis papunta sa kausap ni Ricky.

“Sir, kumpirmado. Sa biktima ang dugong ginamit sa pagsusulat na yan” tinutukoy ng pulis ang salitang kanser na nakasulat sa platform ng rebulto ni Rizal.

 

Kabanata 3.

Dumagsa ang media sa paligid ng monument ni Rizal, hindi para ibalita ang kabayanihan ng pambansang bayani kung hindi ay para ibalita ang nangyaring krimen sa harapan nito.

Pinagmasdan ni Ricky sng malalaking letrang nakasulat sa platform.

KANSER.

Hindi ni Ricky makuha ang lohika kung bakit ito isinulat ng kriminal. Isa ba itong code?

“Ricky” dumating si Francis na may dala-dalang banana que bilang almusal nya.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Ricky, ngunit nang makita niya ang hawak-hawak ng kanyang kasama hindi na niya inantay ang sagot nito, “Isang pulitiko nanaman ang pinatay.”

Pinagmasdan ni Francis ang bangkay ni Congressman Inocencio at tulad ni Ricky napansin niya din ang nakasulat sa platform ng rebulto ni Rizal.

“Kanser?”

Tumango si Ricky sa pagsang-ayon, “Hindi ko makuha kung ano ang pinapahiwatig niyan”

“Kahit ako hindi din”

Syempre kakadating mo lang, nasa isip ni Ricky.

Inilagay ng mga paramedic ang bangkay ni Cong. Inocencio sa stretcher at tinakluban ng kumot ang buong katawan nito. Ipinasok ang bangkay sa loob ng ambulansya at umandar na ito paalis.

Naglakad sina Ricky at Francis papunta sa kotse ni Ricky para magreport sa NBI chief. Hindi maalis sa isipan ni Ricky ang salitang ‘Kanser’ sa kanyang isipan. Ano ang pinapahiwatig ng kriminal?

 “Kanser. Hmmmm? Anong trip ng criminal na iyon?” tanong ni Francis, “Sa tingin ko pinapahiwatig niyang may kanser siya sa utak”

Hindi pinansin ni Ricky ang biro ni Francis na parang hindi niya ito narinig. Nang malapit na sila sa NBI headquarters, tuloy- tuloy pa din sa pag-andar si Ricky.

“Huy! Saan ka pupunta?” tanong ni Francis na nagtataka sa ginagawa ng kasama.

“May pupuntahan lang akong kaibigan” sagot ni Ricky at deretso pa din ang tingin sa daan.

Lumiko  sila sa Padre Faura St.

“Sa tingin ko hindi niya pintay si Cong. Sandigan sa harap ng monument ni Rizal at isulat ang salita ‘Kanser’ sa platform nito ng walang dahilan.” Pagpapatuloy ni Ricky.

Hindi na umimik si Francis na kinakabahan sa posibilidad na sermunan sila ni NBI Director Brenabe dahil sa hindi sila agad nagrepot matapos makita ang sinapit ng kawawang congressman.

Nadaan nila ang gusali ng Department of Justice. Bago sila tuluyang makapasok, dumaan muna sila sa isang guard house para sa inspeksyon.

“NBI agent Ricky Cellado” pinakita ni Ricky ang kanyang tsapa sa security guard, “may kikitain lang ako isang kaibigan para hinawakan kong kaso”

Napatigil ang gwardiya, at tila ito’y nasindak sa binatang NBI agent. Bago pa niya malaman, ini-angat na niya ang barrier gate na may kulay na alternate black at yellow. Sumaludo si Ricky bilang pasasalamat at gayon din ang gwardiya. Napansin ni Francis na dere-deretso lamang si Ricky sa pagmamaneho na tila’y alam na niya ang pasikot-sikot sa naturang unibersidad.

Nang huminto, agad na nagtanggal ng seatbelt si Ricky at gayon din si Francis. “Andito na tayo” sabi ni Ricky.

Habang naglalakad ay hindi na napigilan ni Francis na magtanong, “Ano bang sadya natin dito?”

“May pupuntahan tayo isang tao na maaaring makatulong sa kasong natin”

“May Criminology na pala dito?”

“Wala pa, pero makakatulong sa atin iyong kaibigan ko na iyon” tugon ni Ricky.

Pumasok sa isang building sila Ricky at tumahak ng ilang hagdan, siya ay huminto sa isang pinto na may nakalagay ng Department of Social Science sa taas nito.

Social Science? Pagtataka ni Francis.

Kinatok ni Ricky ang naturang pinto at binuksan ito. Ngunit bago niya pa tuluyang mabuksan ang pinto may tumawag sa kanyang pangalan, “Ricky?” isang boses ng babae.

“Professor Estrada” pang-aasar ni Ricky.

“Pwede ba wag mo akong tawagin ng ganyan, hindi ka naman iba sa akin” magaan na tinanggap ni Prof Estrada ang biro ng kaibigan.

“Okay, Jane, kasama ko… si NBI agent Francis Mabulac”

Nakipagkamay si Francis kay Jane at malugod niya naman itong tinanggap, “Oohhh, NBI agent.” Hindi mapagkakailang mapagbirong maestro si Jane.

“Pasok muna kayo Ricky” pagyaya ni Jane sa dalawang kalalakihan.

“Hindi na, kailangan ka naming makausap ng pribado” pagtanggi ni Ricky sa alok ng kaibigan.

“A-ako?” naguluhan ang college professor, “teka wala akong ginagwang krimen ha”

Napangiti si Ricky sa biro ng kaibigan, “Hindi, may itatanong lang kami na kaugnay sa kaso namin. Kung hindi ako nagkakamali isa kang Philippine History Teacher di ba?”

“Oo, bakit?”

“May lugar ba dito sa campus niyo kung saan maaari tayong makapag-usap ng pribado?” tanong ni Ricky

“Pwede tayong magusap sa banyo pero mukhang hindi maganda pangitain iyon sa mga estudyante” pagbibiro ulit ng Propesora.

Ang gulong kausap ng isang ito.

“Pero may library naman dito, pwede na siguro iyon. Alam mo naman ang mga estudyante ngayon, mas gusto nilang magresearch sa internet kaysa sa library”

Pinamunuan ni Jane ang pagpunta nila sa library ng UP Manila. Nang makarating, tama nga ang sinabi ni Jane, kakaunti lamang ang mga tao dito. Nagtungo at umupo sila sa pinakadulong parte ng library para walang makarinig sa kanilang pag-uusap.

 “So, ano ang tanong ninyo sa akin?” tanong ni Jane at tila handang-handa na sa isang history quiz bee.

“Tingnan mo ang isang ito” inilabas ni Ricky ang isang litrato. Nakalagay sa litrato ang salitang ‘Kanser’ na nakasulat sa platform ng monumento ni Rizal.

Pinagmasdan ni Jane ang litrato, “Kailan niyo nakuhaan ito?”

“Kani-kanina lang po prof.” sagot ni Francis.

“May masasabi ka bang koneksyon sa history ng Pilipinas sa litrato na iyan?” tanong ni Ricky.

“Hmmmm… hindi ko lang alam. Pero inilarawan kasi ni Rizal ang salitang kanser bilang sakit ng lipunan dito sa ating bansa, tulad kawalan ng pagkakaisa at kurapsyon.” Sabi ni Jane, “Pero hindi ko alam kung makakatulong iyon sa kaso ninyo”

“Hindi kaya isinulat ang kanser bilang tanda na isang corrupt na pulitiko si Cong. Inocencio?” tanong ni Francis.

“Congressman Inocencio ba kamo?” tanong ni Jane, “Anong mayroon sa kanya?”

Tinignan ni Ricky si Francis na may pagkadismaya at sinagot ang katanungan ni Jane, “Pinanslang siya ng hindi pa kilalang kriminal”

Nabigla si Jane sa sinabi ni Ricky.

“At ang litratong hawak mo ay kinuhaan malapit sa kanyang bangkay”

Napahawak sa bibig si Jane dahil pagbigla.

“May iba ka pa bang nalalaman?” tanong ni Ricky.

Hindi maunawaan ni Jane kung ano nga ba ang relasyon ng salitang ito sa pagpaslang kay Cong Inocencio. “Hindi ko talaga alam Ricky, pasesnsya na”

Bagama’t dismayado kinontrol ni Ricky ang kanyang emosyon at tumango na lamang.

“Baka naman may relasyon ito sa estado ng bansa natin ngayon” pamamagitan ni Francis sa dalawang magkaibigan, “Halimbawa nalang ng sunod-sunod na kaso ng iba’t-ibang pulitiko tungkol sa kurapsyon”.

“Ano ang gusto mong iparating?” tanong ni Ricky.

“Hindi kaya may isang sindikato o vigilante o isang organisasyon na nais pumigil sa ganitong sistema ng ating bansa?”

“Kung organisasyon ang pag-uusapan, maibibigay kong halimbawa ang katipunan” sabi ni Jane. Napalingon ang dalawang lalaki na tila nakuha ni Jane ang winning lotto numbers.

Kabanata 4.

Sa isang maliit na kubo ay may isang tagong lagusan na kung ito'y tatahakin ay dadalhin ka sa secret hideout ng mga Katipunero. Dito ay nakikipagpulong ang supremo kasama ang ilang katipunero na may mataas na ranggo at matagal nang naninilbihan sa KKK. Ngunit may isang pagkakamaling nagawa ng Supremo, ito ay ang pagtitiwala niya kay Inocencio. Napilitan siyang ipapatay ang kasama dahil sa hindi ito naging tapat sa organisasyon.

 

"Wala na si Inocencio, paano na ang look-out natin sa loob ng PNP?" tanong ng isang balbaserong katipunero sa Supremo.

 

"Hindi na natin mapagkakatiwalaan si Inocencio, nakita ninyo naman ang ginawa niya." pagsabat ng isang matandang lalaki na nakabihis ng pang-militar at maraming badge ang naka-pin sa uniporme nito."Supremo, sa tingin ko kailangan na natin isunod ang mata natin sa PNP, hawak iyon ni Inocencio baka maghiganti iyon sa nangyari sa amo niya"

 

"Wag kayo mag-alala" tugon ng Supremo, nanatiling kalmado ang kanyang boses sa kabila ng mga nangyari, "Hawak ko sa leeg ang taong iyon, sa totoo pa nga siya ang inutusan kong pumatay kay Inocencio"

 

Naguluhan ang militar, "Paano ka naman nakakasisigurado sa taong iyon, malamang may iba pang pinaplano ang taong iyon. Isa palamang siyang kawal".

 

Ang kawal ay ikawalang ranggo sa katipunan na nakasuot ng berdeng hood at kwintas na may naka-ukit na malayan 'K'. Ang pinaka mataas na antas ay ang 'Bayani' na nakasuot ng pulang telang nakatakip sa kanilang mukha at pulang sash na mga berdeng lining sa gilid. Ang pinakababa naman ay ang 'Katipon' nakasuot ng itim hood. Ang mga kasuotan na ito ay kanilang isinusuot sa tuwing nagsasagawa sila ng isang meeting.

 

Sa ginta ng komusyon ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto pinag-pupulungan nila.

 

"May pag-asa" sabi ng taong kumatok. Pinili ng Supremo ang password na ito dahil sa ito ang pinili ni Andres Bonifacio bilang pangalang sagisag niya noong siya ay nagdaan sa pagsubok sa pagiging isang katipunero. May tatlong pagsubok ang Katipunan ang una ay ang pagrerecruit ng mga bagong miyembro sa pamamagitan ng triangle method. Dito ay kailangan magrecruit ng dalawa lamang na bagong miyembro, dapat ay hindi magkakilala ang dalawang bagong recruit at tanging ang recruiter lamang ang nakakakilala sa dalawa. Sa pamamagitan nito ay mabilis ngunit tago ang pagpaparami ng Katipunan. Ang pangalawang pagsubok ay ang tinatawag na sandugo, susugatan ng bagong sali ang kanyang kaliwang braso at gagamitin itong panulat para isulat ang panunumpa ng Katipunan, dito din ginaganap ang pagpili ng pangalang sagisag. At ang huling pagsubok ay ang pagdadala sa bagong sali sa isang madilim na kwarto na napapaligiran ng itim na kurtina. Nakasulat sa pader ay isang babala na tanging matatapang lamang ang maaaring sumali dito at ang mga sumasali lamang dahil sa kuryusidad at hindi pagbubuksan ng pinto ng Katipunan. At sa ibabaw ng isang itim na lamesa may isang papel na may tatlong katanungan. Ang tatlong katanungan ay ang lagay ng bansa noon, ngayon at sa hinaharap.

 

Binuksan ng isang katipunero ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may malaking katawan at matatalim na mata. Siya ay nakasuot ng berdeng hood at kwintas na may naka-ukit na malayan 'K'.

 

"Mabuti naman at nakarating ka Magdael" sabi ng Supremo, "Halika ka dito at makisalo sa aming pagpupulong"

 

Hindi nakaimik ang Militar, dahil nasa harapan niya ang isang tao na hinila niyang taksil sa kapatiran. Umupo sa tabi ng Supremo si Magdael at wala ni isang katipunero ang tinignan niya sa mata.

 

Binaling ng Supremo ang atensyon sa mainit na milita at nagsalit, "Major General Agapito Ignacio, ano nga ba ang iyong sinasabi kanina?"

 

Nanigas ang buong katawan ng heneral at hindi niya alam kung paano sasagutin ang katanungan ng Supremo. Sa harapan niya mismo ay pinatanggal ng Supremo ang hood at kwintas ni Magdael at pinalitan ito ng pulang telang maskara at pulang sash.

 

"Simula ngayon ay ikaw na ang papalit kay Inocencio bilang Punong tagapagtanggol ng Katipunan." pinarangalan ng Supremo si Magdael. At hindi matanggap ni Major General Ignacio ang kanyang nasasaksihan dahil sa mas mabilis ang pag paparangal ng Supremo sa bagitong Katipunero.

 

"Magkakapatid tayong lahat dito" sabi ng Supremo, tumayo siya mula sa kanyang kina-uupuan."Kaya naman sana'y magkaisa tayo, dahil sa ating mga kamay magsisimula ang pagkakaisa ng mga Pilipino"

 

-----

 

University of Manila, Library

 

"Anong koneksyon ng katipunan sa salitang kanser?" tanong ni Francis.

 

"Isa si Dr. Jose Rizal sa mga dahilan kung bakit naitaguyod ang Katipunan. Mula nang siya'y naipatapon sa Dapitan, iyon nadin ang araw ng pagkakabuo sa Katipunan. Noong namatay si Rizal, mas lalong naging mainit ang organisasyon na ito na siyang kontra sa mga kastila. At hinirang din nila si Rizal na Pandangal na Pangulo ng Katipunan" tugon ni Jane, "Isa ding matinding panatiko si Bonifacio ng mga sulat ni Rizal, specifically Noli Me tangere at El Filibusterismo."

 

"Teka, asan ang salitang kanser doon?" tanong ni Ricky.

 

"Tulad ng sabi ko isang panatiko si Bonifacio ng mga sulat ni Rizal, isa na doon ang Noli Me tangere, noong 1912 kasi ginawan ng english translation ang libro na ito, at dinisregard nila ang ibig sabihin ng Noli Me Tangere"

 

"Touch me not" dugtong ni Ricky.

 

"Tama, imbis na iyon ang ilagay. Ginawa nilang 'The Social Cancer' ang title ng novel na iyon." pagpapatuloy ni Jane, "Mayroon din isang teatriko na nagpapalabas ng isang pagsasadula ng Noli Me Tangere, at ang sa stage version na ito ay 'Kanser'."

 

Nagkaroon ng kakaunting liwanag sa isipan ni Ricky sa nadiskubre niya. Bumalik sa kanyang isipan ang mga poster na nakadisplay sa bulletin board ng kanilang eskwelahan noong siya ay high school pa lamang siya, taon-taon ay inilalagay ang poster ng stageplay na 'Kanser' doon at noong third year high school siya, napanuod niya ito sa isang theatrical stage.

 

"Maiba ako" sabi ni Francis, "Kung Katipunan ang isa sa mga organisasyon na hahanapin natin, ang tanong ay mayroon pa ba nun?"

 

"Base sa Kasaysayan, nawala na ang Katipunan noong panahon ng mga Amerikano" sagot ni Jane, "Pero isang malaking organisasyon ang Katipunan na may natatagong sikreto lalo't isa silang freemasons at ang tiwala at katapatan nila ay sadyang napakatibay."

 

"Jane!" sabi ni Ricky na tila ay may nadiskrubre siya bigla, "Hindi ba ang layuin ng Katipunan ay ang sugpuin ang mapag-aping kastila?"

 

"Oo," pagtataka ni Jane sa isang napakasimpleng katanungan ng kaibigan.

 

"Kung gayon, maaaring ang hangarin ng Katipunan sa panahon ngayon ay ang sugpuin ang kanser ng lipunan" sabi ni Ricky.

 

Biglang nag-ring ang cellphone ni Ricky. Mula sa kanyang bulsa ay inilabas niya ang kanyang cellphone para sagutin ang tawag.

 

"Hello?" hininaan ni Ricky ang kanyang boses pero naririnig pa din ito ng mga kasama niya.

 

"Ricky Cellado?" tanong ng tao sa kabilang linya.

 

"Yes, speaking"

 

"Ito ang NBI forensic team. Nadiskubre namin na katulad ng ibang biktima, ang baril na pinanggalingan ng bala tumapos kay Cong Sandigan ay parehas sa mga naunang biktima."

 

Mas lalong nagkaroon ng direksyon ang lahat kay Ricky. Nakagawa siya ng isang teorya kung saan, ang pakay ng kriminal ay lipulin ang mga pulitikong corrupt para sa ikabubuti ng bansa. Katulad ng sinaunang Katipunan na itaboy ang mga kastila na siyang lumapastangan sa Pilipinas noong 1800s.

 

Kabanata 5.

Mayroong munting salu-salo ang mga katipunero sa ilalim ng kabahayan sa isang lugar sa Tondo, Manila. Hindi gaanong nakikisalamuha si Major General Agapito Ignacio sa kanyang kapatiran dahil pakiramdam niya’y siya ay pinagtaksilan ng kanyang mga kasama.

“General Ignacio” isang malalim at mahinahon na boses ang tumawag sa kanya.

Lumingon ang heneral at nakita niya ang morenong kutis at matapang na mga mata ng Supremo.

“Supremo” tugon ng Heneral.

“Bakit tila yata hindi ka nakikisalo sa amin?” tanong ng Supremo. Kahit na mahinahon ang boses nito, hindi pa din mapakali ang Heneral, tila may kung anong bagay ang pinapahiwatig ang kanyang pakiramdam.

“Medyo masama ang pakiramdam ko” palusot ng heneral.

Ngumiti ang Supremo. “Kapatid, wag mo na akong lokohin na parang pinanganak lang ako kahapon”

Nanlamig ang buong katawan ng ni Ignacio, nanigas ang kanyang dila at hindi ito makapagsalita.

“Alam kong iniisip mo ang biglaang pag-tatalaga ko kay Magdael bilang Punong tagapagtanggol ng ating kapatiran.” Sabi ng Supremo.

“Supremo” nagawang kolektahin ni Ignacio ang kanyang sasabihin, “hindi ka ba nag-aalala sa taong iyon?”

“Ignacio” hinawakan ng Supremo ang kanang balikat ng heneral, “Matagal ko nang alam ang ginagawang pagtataksil sa atin ni Inocencio”

Muling sumariwa ang mga sandaling nalaman ng Supremo ang pagtataksil ni Inocencio sa Katipunan. Mainit at tirik ang araw sa buwan ng Mayo. Abala ang Supremo sa pag-aayos ng kanyang mga libro sa maliit na library sa maliit sa hide-out ng KKK. Nang may biglang tumawag sa kanyang cellphone.

“Hello?” tanong ng Supremo sa tumatawag. Hindi sina-save ng mga katipunero ang contact number ng kanilang mga kasama sa KKK para maiwasan ang pagkakakilanlan ng ibang kasama kung isa man sa kanila ang sumabit. Binibigkas lamang nila ang kanilang pan-simbolong pangalan para sa kanilang pagkakakilanlan.

“Kapayapaan” inihayag ng nasa kabilang linya ang kanyang pan-simbolong pangalan.

“Chief Director Leonardo Martinez” nakilala agad ng Supremo ang kausap, “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”

“Hindi mapagkakatiwalaan si Inocencio” deretsong sinagot ni Martinez ang Supremo.

Naguluhan ang Supremo sa inihayag ng Hepe sa pagkakaalam na matalik na magkaibigan ang dalawa.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ng Supremo.

“Nakikipag-ugnayan siya sa Administrasyon” sagot ni Martinez.

“Iniutos ko sa kanya na maging ispiya ko sa loob ng Malakanyang”

“Hindi mo naiinitindihan Supremo” tugon ng PNP chief, “Siya din ay isang ispiya ng Malakanyang”

Hindi alam ng Supremo ang kanyang sasabihin.

“Mahirap mag-alaga ng ahas Supremo, dapat tapusin na natin siya” dagdag ni Martinez, “Nahuli kong kinakausap niya ang isang kawani ng Administrasyon, si Senato Cruz . Pagkatapos nilang mag-usap sinudan ko si Senator. Hindi na ako nagdalawang isip na tapusin siya dahil sa may pakiramdam akong may ginagawang kakaiba sila ni Inocencio. At nakita sa bulsa ng pantalon niya ang iyong litrato. Malamang sinabi ni Inocencio kanya na ikaw ang Supremo.”

Huminga ng malalim ang Supremo, muntikan nang kumalat ang kanyang pagkakakilanlan, at gumawa ng desisyon. Ginawa niyang pain si PNP chief Martinez at sinabi niya kay Inocencio na may ginagawang anomalya ang naturang hepe kontra sa kapatiran, at agad naman itong kinagat ni Inocencio sa pag-aakalang tumiwalag na ang kanyang matalik na kaibigan. Itinalaga ng Supremo si Police Senior Officer Reynaldo Magdael para maging ispiya kay Inocencio. Pinapatay na din ng Supremo ang informant, na ipinakilala ni Inocencio na tanging siya at ang Supremo lamang ang nakakaalam, sa araw ding iyon kung saan pinatapos niya din ang mga nalalabing araw ng matandang congressman.

 

 

 

Kabanata 6.

Ibinaba ni Ricky ang kanyang cellphone at ibinalik ang atensyon kina Jane at Francis.

“Parehas ang baril na ginamit sa pagpatay kay Cong. Inocencio sa mga naunang pulitiko” agad na sinabi ni Ricky ang nabalitaan kay Francis.

“Malamang kung ito man ay pakana nga ng Katipunan, marahil binabalak nga nilang ubusin ang mga pulitikong alam nilang may sabit sa ilang anomalya” sagot ni Francis.

Biglang may tumunog na bell at kinuha nito ang atensyon ng tatlo. Hinanap ni Ricky ang pinang-gagalingan ng tunog, tumayo siya para hanapin ito ngunit bigla siyang hinatak ni Jane papunta sa kanyang kina-uupuan.

“Masyadong malalakas ang boses niyo, nakalimutan niyo na bang nasa library tayo?” sinabi ni Jane.

Umupo ng maayos si Ricky.

“Ngayo’y nakakasiguro na tayo na Katipunan nga ang organisasyon na gumagawa nito, sabihin na natin ito kay Chief” sinabi ni Francis

“Hibang ka na ba, tingin mo ba maniniwala sa iyo yun?” agad na pagkontra ni Ricky sa mungkahi ng kasama.

“Tama siya, tulad ng sinabi ko, pinaniniwalaang na-ubos na ang KKK noong panahon ng mga Amerikano.” Pagsang-ayon ni Jane kay Ricky.

Nagkaroon ng pagkadismaya si Francis, “Kung ganun pala, tayong dalawa nalang pala Ricky ang lulutas nito simula ngayon”

“Hindi ako kasama?” agad na apela ni Jane.

“Police matters na ang isang ito, masyadong mapanganib kung sasama ka sa amin” tugon ni Francis.

“Teka hindi niyo malulutas ang isang ito kung wala ako”

“Tapos na ma’am ang trabaho mo”

Sa gitna ng pagtatalo ay bigla nanamang tumunog ang bell pinipindot ng librarian.

“Ricky magdesisyon ka kung papasamahin niyo ba ang isang tulad ko na maraming nalalaman tungkol sa kaso ninyo o hindi?” pagdedemand ni Jane.

“Ricky, mapanganib para sa kanya ang gagawin natin, at tsaka” muling tinignan ni Francis ang nag-aalburtong maestro, “baka maging pabigat siya sa atin”

“Bale lumabas din ang totoo, iniisip mong magiging pabigat ako sa inyo!” galit na sinabi ni Jane.

Hindi agad nakapag-desisyon si Ricky pero dahil sa takbo ng imbestigason, tumanto sa kanya na kakailanganin nila si Jane dahil sa marami siyang nalalaman na makakatulong sa imbestigasyon. Kaya pinili niyang isama si Jane.

“Yes!” masayang sinabi ni Jane, “first time kong makakasama sa isang NBI mission.”

“Ricky, pre, magiging pabigat lamang siya sa atin”

“Francis, Malaki ang maitutulong ni Jane sa atin” tugon ni Ricky, itinuon niya ang pansin kay Jane, “At Jane, may isa pa pala tayong problema.”

Napakamot sa bangs si Francis ng marinig niya ang salitang tayo na kasama si Jane sa pang-hahalip ni Ricky.

“Paano pala ang mga klase mo?”

“Madali lang yan, UP ito, pwede akong hindi na muna magklase dahil panay skolar naman ang mga estudyante dito” tugon ni Jane.

Lumabas na silang tatlo ng library, sila ay nagtungo at sumakay sa sasakyan ni Ricky.

“Bale saan na tayo ngayon?” tanong ni Francis.

“Sa Tondo nabuo ang Katipunan, sa tingin ko doon tayo unang maghahanap” mataray na sagot ni Jane, “Magbasa ka naman ng kasaysayan ng bansa mo”

Nainsulto si Francis sa sinabi ni Jane, pero hindi nalamang siya umimik dahil ayaw naman talaga niya ng history. Pinaandar ni Ricky ang makina ng kanyang sasakyan at pinatakbo ito.

Habang nakatigil dahil sa trapik ng Taft Avenue, biglang nag-ring ang cellphone ni Ricky. Baka bagong lead galing sa Forensic team. Ngunit nang tinignan ni Ricky ito, number lamang kanyang nakita, dahil sa kuryusidad sinagot niya ang tawag.

“Hello, Ricky Cellado speaking” nanatiling nakatuon ni Ricky ang mata sa daan.

“Alam mo na pala Cellado” sagot ng tao sa kabilang linya.

Nagtaka si Ricky sa sinasabi ng kausap, “Ha? Sino to?”

“Alam mo ang sinasabi ko Cellado . Ang salitang Kanser!”

“S-sino ka?” bumilis ang tibok ng puso ni Ricky paghihinalang kausap niya ang taong posibleng pumatay kay Cong. Inocencio.

“Hindi mo kailangang malaman kung sino ako”

“Anong nangyayari Ricky?!” pag-aalala ni Jane.

“Wag mo akong susubukan, sino ka?!” sigaw ni Ricky sa kausap.

“Ako ang wag mong subukan!” sagot ng kausap nito.

“Kung ganun, bakit mo inilagay ang salitang iyon sa pinangyarihan ng krimen?” tanong ni Ricky kahit hindi pa siya nakakasigurado kung ang kausap niya ba talaga ang pumatay kay Cong. Inocencio.

“Simple, para malaman mo kung anong klaseng organisasyon ang kalaban mo” tugon ng kriminal, “At bilib din ako sa iyo at nakuha mo ang gusto kong sabihin. Hindi na masama para sa Topnotcher ng PMA”

“Hindi ako natatakot sa isang organisasyon na pinaglumaan na ng panahon”

Narinig ni Ricky na tumawa ang tao sa kabilang linya, “Kung ganun pala ay simulan na natin ang ating munting laro, tingnan natin kung gaano ka tatagal sa kasong ito. Para sa kaalaman mo Cellado, nakikita kita ngayon dito bintanang kinatatayuan ko, kasama mo ang isang history professor at ang ka-partner mo”

Tumulo ang pawis ni Ricky sa kanyang pisngi, hindi lamang buhay niya ang nanganganib pati din ang kanyang mga kasama. Umilaw na ang go signal pero mabagal na umandar ang mga katabing kotse nila Ricky.

“Huwag kang aandar, hawak ko ang buhay mo” pagbabanta ng kriminal, “kakaunting galaw lang pupuntiryahin ko ang bintana ng sasakyan mo”

Ngunit hindi nakinig si Ricky, sinubukan niya pa din umandar, sa pag-aakalang hindi sila kayang puntiryahin ng kriminal sa kabila ng maraming sasakyan ang umaandar. Pero nagkamali si Ricky biglang nabasag ang kanang bintana ng sasakyan ni Ricky sa front seat at nasira din kanang umupuan nito. Nabigla ang tatlo sa nangyari lalo na sina Francis at Jane na walang kasiguraduhan sa kung sino ang kausap ni Ricky. Hindi makapaniwala si Ricky kung gaano ka sharp-shooter ang kausap.

“Anong nangyayari Ricky?!” tanong ni Jane at nagsisimula na itong mag-panic.

“Yumuko kayo!” utos ni Ricky sa dalawa, “ang Katipunan……..tayo ang puntirya nila!”.

Sumunod ang dalawa sa utos ni Ricky at nagdesisyon siya na sundin ang hinihiling ng kausap.

“Magaling” sabi ng tao sa kabilang linya, nagsisimula nang magkumpol-kumpol ang mga sasakyan sa likod ng sasakyan ni Ricky at sunod-sunod din ang maiingay na busina na mga ito, “Ngayon, lumabas kayo sa kinasasakyan ninyo”

Sumunod si Ricky, at sinabihan ang mga kasama na bumaba ng sasakyan. Sabay-sabay nilang binuksan ang pinto nito at lumabas nang nakataas ang mga kamay. Tiningnan ni Ricky ang posibleng pinagalingan ng balang tumama sa sasakyan niya, pero hindi niya magamit ang kanyang mga mata ng maayos dahil sa taas ng sinag ng araw.

“Ano bang gusto mo” desperadong tanong ni Ricky para makakuha ng oras sa pag-gawa ng paraan para makalusot sa kamay ng kriminal.

“May gusto akong ipahanap sa  inyo ng mga kasama mo Ricky” sagot ng kausap.

 

­­Mula sa bintana ng isang gusali sa UN avenue ay may isang lalaki ang nakatutok ang rifle nito sa dibdib ng isang NBI agent.

“Iwanan ninyo ang inyong sasakyan” utos ng lalaki sa kausap sa cellphone.

Sumunod sila Ricky at nagtungo sa harapan ng isang fast-food chain. Nagsisimula nang maging kritikal ang trapik at may lumapit na isang trapik enforcer sa binatang NBI agent. Tila nagagalit ito at itinuturo ang ginawang trapik nila Ricky. Dahil sa nakaka-abala ang enforcer sa pinaguusapan ng lalaking nakarifle at ni Ricky, binaril ng misteryosong lalaki sa dibdib ang enforcer gamit ang hawak na rifle. Napa-yuko sila Ricky at kasama mga ito at bumulagta naman ang duguang enforcer sa kalsada.

“Mabalik tayo sa ating pinag-uusapan, may nais kong ipagawa sa inyong tatlo.”

“At ano naman iyon?” tanong ni Ricky at patuloy sa pagtingin sa paligid na tila ay hinahanap nito ang kanyang kinakausap sa cellphone.

“Nais kong hanapin ninyo para sa akin ang labi ng yumaong si Andes Bonifacio” sagot ng misteryosong lalaki.

“Ang labi ni Bonifacio?!” pagtataka ni Ricky.

“Oo, ang nawawalang buto ng Supremo ng Katipunan” tugon ng misteryosong lalaki, “bibigyan kita ng hanggang bukas para hanapin ang pinahahanap ko sa iyo, kung wala kang maipapakita sa akin. Papasabugin ko ang buong Metro Manila”

“Niloloko--”

Pinindot ng misteryosong lalaki ang detonator ng isa sa mga bomba itinanim niya sa plaza sa kanto ng Kalaw st..

“Hindi ako nakikipag-lokohan! Kung ako sa iyo kikilos na ako para wala akong masayang na oras!” banta ng lalaki sa kausap sa cellphone at ibinaba ang cellphone nito.

 

Kabanat 7.

Naalarma ang mga taong nasaksihan ang pagsabog. Ang ilan ay nagtakbuhan palayo at ang ilan naman ay lumapit para makiusyoso.

Anak ng!

Hindi makapaniwala si Ricky sa kanyang nasasaksihan gayon din ang kanyang mga kasama. Nakita niya kung ano ang kayang gawin ng kausap kanina, ang una ay ang pagpatay kay Cong. Inocencio at ngayon naman ay ang pagpapasabog at banta ng terorismo.

“Tara na, kailangan na nating umalis” sinabi ni Ricky.

“T-teka, nakita mo nang may-sumabog bakit tayo aalis?” tanong ni Francis at naguguluhan sa iniisip ni Ricky.

“May mas importante at mas malaking bagay ang nakasalalay dito” sinabi ni Ricky na nagmamadali na.

“Ano pa bang mas importante dito?” tanong ni Francis at nauubos na ang pasesnsya sa kasama, “Marahil isa itong akto ng terorismo kailangan natin magreport kay chief!”

“Mamaya ko na ipapaliwanag hindi pwede dito!” sinabi ni Ricky at hinawakan ang kamay ni Jane, “Tara na! That’s an order!”

Walang nagawa si Francis kung hindi sundin ang senior niya, tumakbo sila patungo sa sasakyan ni Ricky. Pinaandar niya ito at humarurot palayo sa pinangyarihan ng pagsabog.

Hindi na makontrol ni Francis ang kanyang nararamdamang dismaya sa pinakita ng kasama kanina, “Ricky! Ano bang nangyayari sa iyo?!”

“Yung kausap ko kanina, binantaan niya ako na pasasabugin niya ang buong Metro Manila kung hindi ko mahahanap ang labi ni Bonifacio” nanatiling nakatuon ang atensyon sa kalsadang tinatahak nila, sinusubukan niya kolektahin ang kanyang sarili.

“Ang labi ni Bonifacio?” nakisali sa usapan si Jane, “Imposible na itong mahanap”

Napatalikod si Ricky sa sinabi ng propesora, “Ano?”

“Matagal nang nawawala ang labi niya.” Pagpapaliwanag ni Jane.

“Siya ay isa sa mga bayani natin, bakit naman hindi na nila ito hinanap?” tanong ni Francis.

“Sa totoo lang, may ilang labi niya ang nahanap, at sinasabi nilang inilagay ito sa National Museum” pagpapaliwanag ni Jane, “pero nasira ito noong nangyari ang Battle in Manila noong 1945.”

“Akala ko ba nasa Libingan ng mga bayani nakalibing si Bonifacio?” tanong ni Francis.

Napa-iling si Jane kay Francis, “Hindi, may mga history teacher lang talaga na hindi nila alam ang isasagot sa tanong sa kanila ng mga estudyante nila kaya ang Libingan ng mga Bayani ang sinasagot nila.”

“Kung ganun san tayo magsisimulang maghanap?” tanong ni Ricky. Nagsisimula nang mamuo ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa halos imposible ang pinapagawa sa kanya ng misteryosong lalaki na tumawag sa kanya.

“May kilala akong maaaring makatulong sa atin” sagot ni Jane.

 

 

Sa isang malaking mansyon sa Mckinley Hills Subdivision sa Taguig ay kasalalukuyang binabasa ni Benjamin Estrada ang isa sa mga libro sa kanyang malawak na library na matatagpuan sa 2nd floor ng kanyang mansyon.

Ang matanda na nasa edad 80 na taong gulang na ay mahilig sa pagbabasa at ungkatin ang kasaysayan ng kanyang bansang kina-titirhan. At dahil sa pagmamahal sa kasaysayan nito at pagiging mag-isa sa buhay, naghanap siya ng isang bata na pagmamanahan niya ng kanyang talino, hindi nagtagal ay nahanap niya ito. Ang batang iyon ay si Jane, pinag-aral siya Benjamin hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo.

Habang abala sa pagbabasa, bilang tumunog ang kanyang cellphone. Mula sa la mesang pinagbabasahan niya, dinampot ni Benjamin ang cellphone at tiningnan kung sino ang nagtext sa kanya. Laking tuwa niya nang makita ang pangalan ng dalaga.

Tay, kailangan ko po kayong makausap. Nasa labas po ako ngayon ng mansyon.

Tumaas ang kilay ng matanda, tumayo ito at nagtungo sa bintana kung saan pwedeng matanaw dito ang lagay sa harapan ng kanyang malaking mansyon. Nakita niya ang isang kotse at may tatlong tao ang nasa labas nito, isa ditto si Jane.

“Linda!” sigaw ni Benjamin.

Ilang sandali lang ay isang dalaga na nakabihis pangkatulong ang pumasok sa silid-aklatan ni Benjamin.

“Ano po iyon Sir?” tanong ng dalagang kasambahay.

“May mga bisita tayo, papasukin sila at bigyan ng makakain” mahinahon na utos ni Benjamin kay Linda.

 

 Halos 15 minutes nang nag-aantay sila Jane, Ricky at Francis sa labas ng isang Mansyon, kung saan ditto nakatira ang isang tao na tumulong kay Jane para makapag-aral. Sa wakas ay bumukas din ang pinto ng Mansyon, galing sa labas natanaw nila ang isang kasamabahay na binubuksan ang higanteng gate.

Sinenyasan sila ng kasambahay na pumasok sa mansyon. Sumunod ang tatlo sa kasambahay, at nang makapasok sa mansyon, tumambad sa kanila ang isang napaka-elegantang tanawin sa loob ng mansyon. Tila ay parang nasa loob sila ng isang museum. Kahit si Jane na ilang beses nang nakatapak dito ay gandang-ganda pa din sa mala-espanyol na tema ng mansyon.

“Jane?” mula sa isang eleganteng hagdan, ay may isang matanda ngunit makisig pa din ang pangangatawan ang naglalakad pababa dito.

“Tay!” agad na nagtungo si Jane kay Benjamin para magmano, “Sila Ricky at Francis po, mga kasama ko”

“Ricky Cellado Sir, NBI agent” kinamayan ni Ricky ang matanda, gayon din si Francis.

“Ikinalulugod kong makita ang mga kaibigan ng aking anak, bale sino sa inyo ang nobyo niya?” pagbibiro ng matanda.

Namula at nahiya bigla ang si Jane at agad na dinepensahan ang sarili, “Tay, wala pa po akong nobyo”

Tumawa ang matanda, “Siya nga pala ano ang sadya niyo dito? Ano ang magagawa ng isang matanda para sa inyo mga bata?”

Mula sa masaya nagging seryoso ang kapaligiran sa loob ng mansyon ni Benjamin.

“Tay, may nais po kaming itanong sa inyo.” Sagot ni Jane sa umampon sa kanya, “nakasalalay dito ang kinubukasan ng buong Pilipinas”

Nanlaki ang mata ng matandang historian dahil batid sa tono ni Jane, ito ay hindi nakikipagbiruan.

“Sumunod kayo sa akin” sabi ni Benjamin.

Umakyat sila sa parehong hagdan kung saan nang galing si Benjamin, binagtas nila ang isang malawak at mahabang hallway sa gawing kaliwa. Sa pinakadulo nito, ay pumasok sila sa isang kwarto.

Mas lalong namangha sila Ricky, Jane at Francis sa disenyo ng kwarto kanilang pinasukan. Punong-puno ito ng mga historical artifacts at ang pintura sa pader ay panay pinta na may relasyon sa pagiging makabayan ni Benjamin.

Sa gitnang bahagi ng kwarto ay umupo si Benjamin sa isang upuan katabi ng kahoy na la mesa, gayon din ang tatlong bisita.

“Ano ang katanungan ninyo sa akin?” tanong ng matanda.

Nagtinginan sa mata ang tatlong bisita, at nagsalita si Jane, “Gusto ko pong malaman kung asan ang mga labi ni Bonifacio”

“Hmmmm… Labi ba ni Bonifacio kamo?”

“Alam ninyo kung saan ito makikita?” bumilis ang tibok sa dibdib ni Ricky.

“Hindi sa alam, pero kung susundin natin ang mga bakas kasaysayan, pwede tayong gumawa ng teorya” tugon ni Benjamin.

Nanghinayang si Ricky sa sagot ng matanda, “Sir, ang kailangan po namin ng matibay kasagutan hindi ng isang teaorya”

“Anak” nanatiling mahinahon ang tono ng matanda sa kabila ng pagdududa ni Ricky sa kanya, “Bago mabuo ang isang perpektong kasagutan, dumadaan muna tayo sa pag-gawa ng teorya. Scientific Method kung baga”

Pinilit ni Ricky na maging kalmado, pero hindi pa din maaalis sa kanyang isip ang posibleng mangyari kung hindi niya magawa ang ipinagagawa ng misteryosong lalaki sa kanya. Pwedeng mabura sa mapa ang buong Maynila.

“Bueno, magsimula tayo sa pagpatay sa Supremo” sinimulan ni Benjamin ang diskusyon.

“Pinatay siya sa Mt. Nagpatong, basic history na yan” dugtong ni Jane.

Ngumiti lamang si Benjamin at nagpatuloy sa pagsasalita, “Tama, at pinapatay siya ng unang president ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo.

“Makalipas ang halos dalawampung taon, ang mga kamag-anak ng kawawang bayani ay hinanap ang mga labi ni Bonifacio. May ilan lamang dito ang nakita at inilagay ito sa national museum.”

“Teka, nasa National Museum ang labi ni Bonifacio?” paniningit ni Francis.

“Dati” tugon ni Benjamin, “Ninakaw ito ng hindi kilalang salarin. At hanggang ngayon, hindi pa ito nahahanap”

“Ninakaw? Ang alam ko, kasama ito sa mga nasunog noong nasira ang National Museum noong panahon ng mga hapon?” tanong ni Jane.

“Iyon ang isa pang istorya, pero kung iisipin natin 1945 nasira ang National Museum pero sa kabilang kwento, 1926 napabalitang nanakaw ang buto ni Bonifacio” sagot ni Benjamin.

“Sa madaling salita, hindi lugar ang ating hahanapin, kung hindi tao” sabi ni Ricky. Mas lalo pang naging Malala ang sitwasyon para sa kanya.

“Bakit naman kaya ito ninakaw?” tanong ni Francis.

Muling ngumiti ang matanda at hinimas ang puting maninipis na balbas, “Hmmmm… Bakit nga ba? Magandang katanungan nga iyan”

Tumayo ang matanda, at nagpunta siya sa isa sa mga naglalakihan niyang shelves, noong una ay inakala ni Ricky na isang libro ang kukunin ng matanda, ngunit nagtaka siya nang imbis na libro ay isang piraso ng papel ang kanyang kinuha.

“Ilang taon na akong nagsaliksik, at hanggang ngayon hindi ko pa din makuha ang ibig ipahiwatig ng papel na ito” inilapag ni Benjamin ang piraso ng papel sa la mesa, “Isa din ito sa mga dahilan kung bakit naniniwala akong naniniwala akong nanakaw ang labi ni Bonifacio, hindi nasira noong 1945”

“Ano naman ang kinalaman nito sa magnanakaw?” tanong ni Ricky, dinampot niya ang papel sa ibabaw ng lamesa.

Sinubukang intindihin ni Ricky ang nilalaman ng papel ngunit wala siyang ideya sa nakasulat dito.

“Iyan ang iniwan ng magnanakaw nung gabing kinuha niya ang labi ni Bonifacio” sagot ni Benjamin.

Nanlaki ang mga mata ni Ricky sa sinabi ni Benjamin, “Bakit niya ito iniwan?”

“Iyon ang hindi masasagot, pero nakakasiguro ako na may gustong ipahiwatig ang salarin kung bakit niya ito iniwan.”

Muling itinuon ni Ricky ang kanyang mga mata sa lumang papel. Tinignan niya ang mga letra.

 

NPMAMPNGM

 

Kailangan naming i-decode ang isang ito. Pero paano?

 

 

Kabanata 8.

Isa-isa nang nag-aalisan ang mga katipunero sa loob ng kanilang hide-out, lahat sila ay lumalabas sa iisang pinto ng kwartong pinagdarausan ng kanilang munting salu-salo.

Habang pinagmamasdan ng Supremo ang kanyang mga kapatid na lumabas ng kwarto, ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito galing sa kanyang bulsa at nakita na may nareceive itong text message.

Supremo, inuumpisahan na ang paghahanap sa buto ni Bonifacio.

  • Dimasalang

Ngumiti sa pagkagalak ang Supremo at muling isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa.

 

 

Ang lalaking tinatwag ang sariling ‘Dimasalang’ ay kasalaukuyang nasa loob ng isan sa mga kwarto ng UN hotel. Isinilid niya ang kanyang rifle sa isang sports bag at inilagay niya ito sa ilalim ng kanyang kama. Ang Dimasalang ay ang tanging tao na pinakikinggan ng Supremo, lingid sa alam ng mga katipunero ang Dimasalang nagbibigay ng mga abiso sa Supremo kung ano ang susunod na hakbang ng KKK sa kasalukuyan.

Parte ng kanyang plano ang panlilinlang kay Ricky tungkol sa pagpatay kay Cong. Inocencio, na si Magdael ang tunay na gumawa. Siya din ang may gawa ng pagsabog sa isang plaza sa Kalaw Ave. Ang lahat ng ito ay nakaplano para sumunod si Ricky sa kanyang kagustuhan. Ngayon, hawak na niya si Ricky sa leeg at umaasa itong susundin ang lahat ng ipag-uutos nito.

 

 

“Ano ba kasing mayroon sa buto ni Bonifacio?” tanong ni Francis, “Bakit handa niyang pasabugin ang buong Manila para lang doon?”

“Kahit ako hindi ko din alam, wala akong mahanap na dahilan para gawin niya iyon” sabi ni Jane.

Ang lahat ay naka tingin sa piraso ng papel na nakapatong sa la mesa. Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng opisina ni Benjamin. Habang payapa ang paligid, biglang nag-ring ang cellphone ni Ricky. Nanlaki ang kanyang mata nang nakita na si NBI Chief Bernabe ang natawag sa kanya.

Nanlamig ang buong katawan ni Ricky pero napilitan siyang sagutin ang tawag, “Sir, Ricky Cellado”

“Ricky, nagkaroon ng malaking pagsabog sa UN” sagot ni NBI Chief Bernabe.

Hindi alam sasagutin ni Ricky ang kanyang sasagutin, kaya naman napilitan siyang magsinungaling, “Sir, wala po akong balita”.

“Pero may nagsabi sa akin na nakita ka daw nila kasama si Agent Mabulac at isang kinilalang UP professor dun sa pinangyarihan?”

Tumiklop ang dila ni Ricky, tulo ang malamig na pawis sa kanyang pisngi at tila tumigil ang kanyang mundo.

“Hindi ka yata makasagot Agent Cellado? It seems na tama nga ang sinasabi ng source ko.”

Nag-iisip si Ricky ng pwedeng palusot pero hindi siya makaporma sa mga sinabi ni Bernabe.

“I want you to come to my office now!” galit na sinabi ni NBI chief Bernabe at ang sunod na narinig ni Ricky ay ang beep ng cellphone.

Napatayo si Ricky sa kanyang kina-uupuan, dahil sa hindi niya alam ang i-rarason kay Bernabe. Hinawi niya ang kanyang buhok palikod at nag-iisip ng susunod na hakbang.

“Ricky, sino yung tumawag” tanong ni Jane.

“Si Chief Bernabe” sagot ni Ricky sa nanlulumong tono. Nasa panganib ang trabaho ko.

“Anong sabi?!” halatang dinapuan na din ng kaba si Francis nang marinig ang sagot ni Ricky.

“Pinapapunta niya tayo sa opisina niya” sagot ni Ricky.

“So anong plano? Babalik ba tayo?” tanong ni Francis na umaasang oo ang isasagot ng kabaro.

Hindi alam ni Ricky ang isasagot sa katanungan ni Francis, sa unang beses sa buong buhay niya, naranasan niyang pumili sa dalawang bagay na babago sa kanyang buhay.

“Teka, hindi kayo pwedeng umalis, nakalimutan niyo na bang nakasalalay ang buong Manila sa kapag ginawa niyo iyon?” biglang nakisabat si Jane.

“A-anong mayroon sa Manila?” tanong ni Bemjamin na walang alam sa nangyayare.

“Maaaring mawala sa mapa ang buong Metro Manila kung hindi naming magagawang hanapin ang labi ni Bonifacio” sagot ni Ricky na hindi pa din mapakali.

Nanlaki ang mga mata ni Benjamin at tumindig ang mga balahibo nito, “Totoo ba iyang sinasabi ninyo? Bakit hindi kayo magsumbong sa mga pulis?”

“Uhm… Hello.. Pulis na po kami” sarkastikong sagot ni Francis habang kumakaway.

Tumawa lamang si Benjamin sa pang-aasar ni Francis, habang si Ricky naman ay patuloy sa pag-iisip ng paraan para lusutan ang sitwastyon na ito, pero wala siyang makitang daan at mauuwi ang lahat sa pagpili sa dalawa.

Ang bumalik sa Manila at umasa na maniniwala ang aking hepe sa aking mga nadikubre o ipagpatuloy ang misyon.

Habang nasa kailaliman pa si Ricky ng kanyang isipan, biglang may umakbay sa kanya. Muling bumalik si Ricky sa realidad.

“Ricky”

Mula sa isang malalim napag-iisip, tila umahon dito si Ricky at nakita ang mukha ni Benjamin.

“Sir”

“Ricky, payong kaibigan lamang” nakangiting sinabi ni Benjamin kay Ricky,”Nawa’y makatulong ang aking sasabihin.”

“Ano po ba iyon?” tanong ni Ricky.

“Parehong malaking obligasyon ang iyong pagpipilian. Parehas mas negatibong aspeto ang dalawang ito. Pero Ricky, think of the lesser evil”

Tumango si Ricky sa ipinayo ni Benjamin sa kanya, at ngayon bahagyang naliwanagan ang kanyang kaisipan at handa na siyang pumili sa dalawa.

 

 

 

 

Kabanata 9.

Ilang oras na ang nakakalipas ngunit walang Ricky Cellado ang humarap kay NBI Chief Procorpio Bernabe. Hindi rin nito sinasagot ang lahat ng tawag niya sa kanyang agent. Kaya naman naisip niya na kinalimutan na ni Ricky ang pagpapakita sa kanya. Mula sa drawer, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa nitong agent.

“Hello…. Yes.. This is NBI director Procorpio Bernabe…. Pumunta ka ngayon dito sa office ko ngayon din.. Thank you”

Binaba ni Bernabe ang kanyang cellphone at binalik ito sa drawer na nakakabit ilalin ng kanyang table. Ilang sandali lang ay mayroong kumatok sa pinto ng kanyang opisina.

“Come in” sabi ni Bernabe sa kanyang di kilalang bisita.

“Sir, pinapatawag niyo daw po kayo” isang lalaki ang pumasok sa kanyang opisina at sumaludo ito kay Bernabe.

Sumaludo din si Bernabe sa lalaki at binaba ng bisita ang kanyang nakasaludong kamay, “May nais akong ipagawa sa iyo. Mangalap ka ng ilang mga tauhan at hanapin si Ricky Cellado”

“Yung bata niyo Sir?” tanong ng lalaki.

“Dati… ngayo’y binali wala niya ang aking utos kaya bali wala na din siya sa akin” sagot ni Bernabe, “As much as possible ibalik niyo siya dito ng buhay, pero kung manlaban ito, pwede na kayong gumawa ng dahas. Alam mon a siguro ang ibig sabihin nun NBI agent San Jose.”

“Yes Sir!” pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay agad na lumabas ng opisina si San Jose at naiwang mag-isa si Bernabe sa kanyang opisina.

 

 

“Itutuloy natin ito.” Sabi ni Ricky sa kanyang mga kasama.

“Ricky!” agad na umapela si Francis sa desisyon ni Ricky, “Breach of Duty itong ginagawa natin!’

“Francis, kung ayaw mong tumuloy, ayos lang. Pero itutuloy ko ito. Hindi pwedeng isaalang-alang ang kinabukasan ng buong Manila dito o kaya naman ng buong Pilipinas! Dahil ito talaga ang trabaho natin!”

Hindi na muling nakasagot si Francis sa salaysay ng kanyang ka-partner, dahil may punto ang mga sinabi nito sa kanya.

“Kung ganun, saan tayo magsisimula?” tanong ni Jane.

“Hmmmm…. Mas mabuti kung maghahanap kayo sa lugar kung saan huling nakita ang sinasabing labi ni Bonifacio” sagot ni Benjamin habang hinihimas ang balbas nito.

“Sa National Museum” agad na sinabi ni Ricky.

Tumango sa pagsang-ayon si Benjamin at kinuha ang pirason ng papel sa ibabaw ng la mesa.

“Ricky, dalhin ninyo ito sa paghahanp niyo, malaki ang maitutulong nito sa inyo.” Inilagay ni Benjamin ang papel sa palad ni Ricky at sinarado niya ito.

“Salamat” sabi ni Ricky.

“Walang ano man, malugod akong makatulong sa paghahanap ng isa sa mga pinakaimportanteng artepakto sa ating bansa.” Sagot ni Benjamin kay Ricky at itinuon nito ang atensyon kay Jane, “At Jane, masaya akong parte ka sa magandang ekspedisyon na ito, marami kang matutununan dito, at Malaki ang maitutulong mo kina Ricky at Francis”

Hinalikan ni Benjamin ang noo ng dalaga, pagkatapos, kinamayan niya isa-isa sina Ricky at Francis. Ilang minute ang nakalipas, nakalabas na ng malaking mansyon sina Ricky, ngunit galing sa kanilang likuran ay may pamilyar na boses ang tumawag sa kanila. Lumingon si Ricky at nakita ang matandang si Benjamin na hawak-hawak na susi.

“Ricky, mukhang bugbog na iyang sasakyan mo. Hayaan mong pahiramin kita ng isa sa mga koleksyon ko” itinutukoy ni Benjamin ang sasakyan ni Ricky na basag ang salamin. Lumapit ito sa binatang NBI agent at iniabot ang susi.

“Hayaan ninyong samahan ko kayo sa bago ninyong sasakyan” masayang sinabi ng matanda.

Pinamunuan ni Benjamin ang apat nitong bisita sa garahe ng kanyang mga luxury cars. Isa-isa nila itong nilagpasan hanggang sa huminto sila sa harapan ng isang sports car na kulay dilaw. Napasipol si Francis sa ganda ng sasakyan.

Sumakay dito sina Ricky at isinuksok ang car key sa susi-an nito at binuhay ang makina. Swabe ang tunog nito at pakiramdam ni Ricky ay isa siyang professional racer. Ibinigay ni Ricky ang huling pasasalamat nito kay Benjamin sa mga bagay na naitulong nito sa binata at pinaandar na niya ang bagong sasakyan.

 

 

Nagtungo si NBI agent Protacio San Jose at ang kanyang mga kasama sa tracking unit ng NBI headquarters para alamin ang lokasyon ni Ricky. Ito na ang tsansa ko para magpakitang gilas kay Chief Bernabe.

“Agent San Jose, ito po ang lokasyon ni Ricky noong siya’y tinawagan ni Chief Bernabe” sinabi ng isa sa mga staff ng Tracking unit.

Mula sa isang malaking monitor, itinuro ng staff kay San Jose ang lokasyon.

“Mckinley hills. Let’s go team!” sigaw ni San Jose sa kanyang mga ka-tropa.

Bitbit ang mga baril na may matataas na kalibre, agad silang nagtungo sa kani-kanilang mga police cars.

 

 

 

 

Kabanata 10.

Si Ricky kasama sina Jane at Francis ay patungo sa National Museum para simulan ang paghahanap sa labi ni Bonifacio. Tiningnan ni Ricky ang kanyang relos para alamin ang oras, at malaman ang kanyang nalalabing oras. 12:30 ng tanghali.

Habang nasa gitna ng byahe, galing Taguig papuntang Manila, nakasalubong nila ang limang police mobil na pasalungat sa kanila daan. Nagkatingin ang tatlo dahil sa kanilang nakita.

“Na-trace tayo ng NBI!” dumaloy ang panic sa utak ni Francis.

Shit! Agad na kinuha ni Ricky ang kanyang cellphone sa bulsa at binigay kay Jane, “Tanggalin mo yung sim card ko, tapos sirain at itapon mo na din sa labas yung phone ko.”

Hindi na nag-atubili si Jane at sinunod ang sinabi ni Ricky. Gayon din ang ginawa ni Francis sa kanyang cellphone.

“Mukhang hinahanap na kayo ng boss ninyo” sinabi ni Jane.

Mula sa bulsa ni Ricky, kinuha niya ang piraso ng Papel na may nakasulat na NPMAMPNGM,“Heto, subukan ninyong alamin ito”

“Ano ka ba Ricky, kanina pa natin ito inaalam pero wala tayong clue kung paano alamin ito” sagot ni Jane.

Hindi na pinansin ni Ricky ang sinabi ng dalagang propesora, sa halip nagpatuloy siya sa pagmamaneho at mas lalo pang binilisan ang pagpapaandar dito.

“May kinalaman malamang ang katipunan dito, mayroon ka bang alam na kahit na anong relasyon ng code na ito sa KKK?” tanong ni Francis kay Jane.

“Wala akong maisip na relasyon nito sa katipunan, dahil ang code na kanilang ginagamit ay Filipino” tugon ni Jane.

“ahhhhhhh!” nagsisimula nang madismaya ni Francis, “Bakit ba kasi tayo napasok dito!?”

“Ano ka ba? Nagtaka ka pa, nakalimutan mo na bang Topnotcher si Ricky sa kanyang batch?” sinabi ni Jane, “Natural lang na siya ang kunin ng misteryosong lalaking iyon”

Pagkatapos ng halos isang oras na byahe dahil sa pakikisama ng trapik, narating nila Ricky ang National Museum. Muli niyang tiningnan ang kanyang orasan.  1:15pm

Mabilis na lumabas ang tatlo sa bagong dilaw na sports car na ibinigay ni Benjamin sa kanila.

“Ang laki nitong National Museum, saan tayo maghahanap dito?” tanong ni Francis.

“Tulad ng Noli Me tangere at ilang likha ni Rizal, top security din ang pagbabantay sa


© Copyright 2017 indiomatiko. All rights reserved.

Chapters

Add Your Comments:

More Historical Fiction Books

Booksie 2017-2018 Short Story Contest

Booksie Popular Content

Other Content by indiomatiko

Revolucion

Book / Historical Fiction

Popular Tags