Nadine's Story

Reads: 114  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 2

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
hillarious love story! romantic but full of comedy!

Submitted: October 29, 2010

A A A | A A A

Submitted: October 29, 2010

A A A

A A A


NADINE’S S TORY-V

 

So here I am again, matapos ng lahat ng kabiguan ko sa pag-ibig ay patuloy parin ako sa kahibangan kong ito. Almost a half year na akong walang luvlife, pano ba naman kz natakot narin ako baka bandang huli masaktan na naman ako.

 

Isang umaga ng pumunta akong palengke eh may nakabungguan akong isang binata, oh my gosh! Isa  syang hunk! Ganda ng katawan at may abs pa! yummy! Jejeje

So dineadma nya ko, na parang walang nangyari, bastos nga eh di man lang nag sorry, so hinayaan ko na lang. As I got home, may bisita pala akong naghihintay kanina pa sakin former classmates ko nung highschool may grand reunion daw! So excited naman ako!

 

As the reunion day comes, I finally see them again grabe laking pagbabago nila, yung dating mukhang nerdy kong mga classmates aba’y hunky na ngayon! Sa isang grupo ng mga payatot at mala unanong nerdy may isa akong super close friend sya si Bladimeer, Badong ang palayaw namin sa kanya sa lahat ng pinaka nerdy sya ang leader kumbaga! Pero close friend ko sya pano ba naman sya kasi ang katabi ko every exams at take note tinutulungan pa nya ako sa paggawa ng project ko! Kaya naman mizz ko na si Badong san kaya sya?

 

Hanggang sa nabaling ang attention ko ng makita kong muli yung hunky guy na bumunggo sakin! I wonder why nandito sya! Hanggang sa magsalita yung isa naming kaklase na nag-organize ng reunion na ito! Sabi nya! “ Hey! Guys guess who’s here! Isang baigating business man na kauuwi lang galing abroad, remember nyo na kung sino sya?

Dating leader sya ng nerdy group ng batch natin! Jeje just kidding pare! Pls welcome “Badong” I mean Bladimeer pala! Welcome back pare!....whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!!! pumilintik ang tenga ko ng nireveal na sya si badong! Grabeh laking pagbabago! Ang dating super nerd eh isa ng hunk! Daaaaah! Hek! And then nagsalita sya sabi nya..

“ guys! Wait lang hindi na badong ang name ko! From now on call me Badz!”

 

Avah! Badz pang nalalaman nito! Pinasosyal pa ng  mokong, so yun na nga nagkwento sya about sa mga experience nya sa abroad, echetera-echetera! Hanggang sa lumapit sya sakin finally napansin nya rin ako..Kinamusta nya ako, then sabi ko fine, hanggang sa nag smile sya skin, I wonder kung bakit, then sabi nya, na mizz nya daw ako! Gosh! Why naman?? Tanong ko, sagot nya, dahil daw nung highschool kami ako lang daw yung always na kumakausap sa kanya, then natahimik sya ng nagsmile back din ako, hanggang sa na-open ko yung nangyari sakin nung isang araw, bigla ko syang hinampas sa braso,

 

Ouch” sabi nya! He asked me why? Sabi ko naman bawi yun sa pagbanga nya sakin and then pinaalala ko yung nangyari that time, AAAAAAAAh! Ikaw pala yun” ang sagot lang nya! Langya di parin nag-sorry!, And so nagkwentuhan na kami ng kung ano-ano mga past memories, tawanan, biruan, asaran,tulakan,kurutan,hampasan pingot sa ilong, sa bil-bil ko at sabunot sa mala f4 nyang hair. Hanggang sa di namin napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga dati naming classmates masyado daw kasi kaming maingay at naghaharutan! Hmmp! Inggit lang sila jejeje hanggang sa may nagsalita.

 

“ Hmmp! Kayo ah! Baka iba na yan! Kanina pa kayo magkasama at magkaharutan baka nadedevelop na kayo sa isat-isa ah!! Uuuy!” at may nanggatong pa..

 

“OO nga naman! Bagay naman sila, parehas silang single, at dating close friends sila, at tanda ko pa that time si Badong eh may crush kay Nadine! UUUyyyy! Bat hindi nio na lang ituloy ngayon ang naudlot niong pagmamahalan” Yeaaaaah! (naghiyawan ang lahat)

 

Syempre blush ako! Jeje tanda ko pa nung JS prom noon  ako daw ang first dance nya, and then sabay abot nya ng red rose, tez nagreveal sya ng feelings nya sakin, crush nya daw ako and tanong din nya if pwede syang manligaw abah syempre sabi ko hindi pwede kz parang kapatid lang ang turin ko sa kanya, jejeje but to be honest yoko lang talaga sya that time nerdy pa kz sya eh, peo kung  ngayon nya ako tatanungin abah! Why not sagutin ko agad sya! Hekhek!

 

Nung oras na tinutukso kami sa isat-isa eh wala lang syang imik, I tried to look at him kung anong reaction nya. Hanggang sa magsalita sya, “” ano ba kau!!! Hindi pwede noh! Parang kapatid ko nga lang itong si Nadine eh, sabay akbay at pingot sa ilong ko!

When I heard that nalungkot ako I don’t know why, para bang kinurot ng kaunti ang heart ko, well siguro nasaktan ako, ewan ko ba! Ang bilis ko ma-fall sa isang tao! So nung sinabi nya yun, nagpretend akong balewala lang, nag-agree pa ko ng “OO nga naman, magKAPATID lang ang turingan namin, nothing more than that!! At nag-aya na akong uminom, tinanggal ko yung braso nya sa balikat ko at medyo nag-space ako ng slight sa kanya, dinaan ko na lang sa inom yung nararamdaman ko that time, medyo lasing na ako! I felt dizzy na kz, hanggang sa nilapitan nya ako and asked me kung ok lang ba ako, so sabi ko yes, “im ok!” peo hindi ko sya tinignan, at nang lalak-lakin ko na ulit yung isang basong pulang kabayo agad nya akong pinigilan, he grab my hand at inilayo ang baso ko, ang higpit ng hawak nya, hindi nga ako makapalag eh, so medyo windang na ang lola nyo, pumipikit-pikit narin kz mga eyes ko, kaya naman inakay nya ko papuntang kwarto tanda ko pa, may girls din na nag-aasist sakin, hindi ko man sila nakikita kung anong ginagawa nila sakin pero naririnig ko sila, hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

 

Kinabukasan ang sakit-sakit ng ulo ko, then diretso ako sa kitchen nakita ko si Jena yung may-ari nung bahay at naghahanda sya ng almusal, hanggang sa tinanong ko sya kung ano bang nangayari sakin kagabi , peo natatawa lang sya. Tanungin ko na lang daw si Badz, so hinayaan ko na lang. Hanggang sa almusal tahimik parin ang lahat, they are all looking at me, I wonder why? Ano bang kahihiyan ginawa ko kagabi? Waaaaaaah!

So I was curious about it kaya tinanong ko na si Badong. Lumapit ako sa kanya at nag tanong kung ano bang nangyari kagabi?

Sumagot naman sya,at natawa then he said. It was fun but hindi magandang gawin natin ulit yon..(sabay titig sa mga mata ko) Para bang gumulo isip ko that time at iba ang nasa isip ko. May nangyari ba samin kagabi?? Whaaaaaaat! Hindi pa ako handa isuko ang bataan ko! Oh my gosh! Napasigaw ako at patuloy sa pagsabi ng hindi hindi hindiiiiiiiiii! Then lumapit sakin si Jena, binatukan nya ako.

“Hoy! Anong inaarte mo jan?

Hinawakan ko si Jena sa balikat nito at tinanong ko sya. Jena! What happen last night?!!!!!(freak ang face ko kaya na gets nya what I mean. At bigla syang natawa)

 

Hahahahaha! Gaga ka talaga Nadine, what do you mean?? Hehehe mali ang iniisip mo, kagabi ganito ang nangyari.

Nang dalhin ka namin ni Badz sa kwarto eh bigla kang sumuka sa kanya at nung ihihiga ka na nya sa kama eh bigla mo syang tinadyakan sa teeeeet nya!

Napaluhod sya sa sakit at ikaw mukhang sinapian ka ata habang tulog eh biglang nagsalita at sabi mo pa!

I love u! pero ewan lang kung sino sinasabihan mo ng ganun, pero I think si Badz yon…UUUUy!! Sya lang naman kasama mo kagabi eh alangan naman ako ang sabihan mo ng ganun diba?? hehehe oh! here breakfast ka na, yung mga ibang classmates natin umuwi narin kagabi kayong mga lasenggero at lasenggera lang ang natulog dito, buti na lang tinulungan ako ni Badz to fixed everything kagabi kaya dito narin sya natulog.

As Jena said medyo nahiya ako, pano ba naman kasi sa dinami-dami ng pwede kong tadyakan eh yung balls pa nya! Pano kung nabasag yun eh di sira na kaligayahan nya! Hekhekhek! So after kong nagbreakfast lumapit ako kay Badz then humingi ako ng sorry..pero nag smile lang sya!so tingin ko ok na yun.. Natapos ang reunion namin ng masaya, magulo at puro kahihiyan ko. ng im ready to go na at nakapag bobye na sa lahat eh tyaka na naman umeksena itong si Badong hinabol nya ako sa labas at hinarang yung pinapara kong taxi.

 

Wait!!!!Nadine!..(sabay hawak sa kamay ko)thanks ah kasi nakita kita ulit sana maulit pa toh, am nga pala kunin ko # mo para txt txt na lang kung ok sayo..

“”OO ba””sagot ko kaya binigay ko agad, at tuluyan na nga akong umalis..Ilang days pa ang nagdaan eh hindi parin ako tinetxt ni Badong..Bakit kaya?

Hanggang sa nakita ako ni Mother na nakatutok ako sa cp all the time na halos hindi ko na alisin sa katawan ko yung cp, sinigawan ako ni mother, may parang inuutos ata, pero hindi ko sya gaanong narinig kaya hinayaan ko na lang ng mga ilang sandali pay may lumipad na plastic na baso sa himpapawid at lumanding sa ulo ko! Pok! Ang sakit!! Ito talagang si Mother kahit kelan kala mo nakikipag batuhan all the time, sakit kaya!  Kaya naman binitawan ko muna ang cp ko at ginawa ang utos ni Mudra…

Makalipas ang ilang araw ng paghihintay na magtxt ang Badong na yun ay namuti na ang mga mata ko, ilang gabi narin kasi akong puyat kahihintay na sya ay magparamdam, kung bakit naman kasi isat-kalahating tanga ako at hindi ko kinuha that time yung # din nya eh di sana ako na lang ang unang nagtxt, haaay! Kaya naman naazar na ako sa kanya at hindi ko na inasahan pang magtxt sya.

 

“”Ngayon lamuerda ako again lage ulit sa mall, tambay at palipas oras lang nagpapalamig kasi maiinit sa labas jejeje hanggang sa makita ko ulit si Jena, kamustahan ulit kami at tinanong ko rin sya kung alam ba nya # ni Badz, so sabi nya wala din daw.

 

So I decided to give up na, siguro hindi lang talaga sya ang para sa akin! So sa mall ikot-ikot kami ni Jena, tingin ng mga fashion clothes hanggang sa mapadaan kami sa jobbee, at hinila ko si Jena kasi naman Im so hungry na that time, sa jobbee kami kasi mura hekhek sa tapat naman ng jobbee is Kenny Rogers so umupo aq malapit sa glass wall hanggang sa may napansin ako sa may Kenny Rogers at yun nga!

 

Sinasabi ko na nga ba si Badz yun kasama ang isang girl, kaya naman tinuro ko kay Jena ang nakita ko at niyaya ko syang punatahan namin si Badong!I was so mad that tine ewan ko kung bakit pero tuloy parin ako sa  kanila.

 

“:Hoy girl! Bakit naman parang irita ka jan?”ask ni Jena pero hindi ako kumikibo..”:Hoy babae! Wag mo sabihing susugurin mo si Badz at yung kasama nya! Hoy mahiya ka naman!:” Pilit akong hinihila ni Jena pabalik sa Jobbee pero sadyang malakas ako kayat hindi nya ko napigilan at ng makarating na ako sa harapan nila Badong ay dahan-dahan kong tinitigan yung girl na kasama nya at bigla kong hinampas ng bag itong si Badong.

 

“:Ouch!! Ei Nadine! Anong ginagawa mo dito at bakit mo ako hinampas?(gulat ang mokong)

“::I hate you! Ang kapal ng mukha mong kunin ang # ko at hindi mo naman pala ako tatawagan or itxt man lang! tapos ipagpapalit mo ko dito sa mukhang hito na toh! (sabay duro sa girl)”: Ei! What are you talking about? Bakit ka nagkakaganyan!! (medyo pikon na sya):pero patuloy parin ako sa pagtalak sa kanya hanggang nagsalita na yung girl,

 

“:Kuya! Sino ba tong babaeng toh! Is she your girlfriend?:

(Whaaaat! Kuya daw ang sabi!! )

“;Nope! Ewan ko nga bat biglang nag kaganyan yan eh! They are my highschool friends..:”ahmm kapatid mo?(tanong ni Jena) “”Nope, pinsan ko galing states din, nandito sya para magbakasyon.””

“’’hehehe pinsan mo pala..Ei pasensyahan nyo na kami ni Nadine nag practice lang kami ng role play eh saktong nakita ka namin ni Nadine kaya we thought na isurprize ka namin! Di ba Nadine!(sabay siko sakin ni Jena)

“;Surprize!!(arms open wide) yeah play lang yun hehehe ako pa sasaktan ba naman kita! (ngiting aso)..OOH! kasama mo pala pinsan mo! Hi!...

(sa isip ko..OMG! ano ba yung ginawa ko!)

 

“”Ganun! Play lang yun? Bakit sang theater ka ba kasali? At ako ang napagdiskitahan nyo?”tanong ni Badz…

“”Kuya! Tara na!””aya ng pinsan ni Badz na parang may ibinubulong..

Kaya naman umeksena muli ako!

“”Ei! Yaman din lamang na nandito kayo..tara join us, trip tayo.”aya ko syempre para makabawi man lang.

 

“”Ha? Ah eh! Ok sige, ok lang ba Mica kung maya na tayo uwi?”

“”emmp! Ok! Fine! Sagot naman nito!(kaya nagbalak ako agad ng paraan kung pano ko ba mapapasaya yung pinsan nya..So dinala ko sya sa may worlds of fun! At duon niyaya ko syang maglaro..)

 

“’’tara! Mica laro tayo, anong gusto mong ride? Sagot ko!”” sabay hawak ko pa sa kamay nito.

“”dah! Ano ako bata! Im already 18 at hindi ako mahilig sa ride!(biglang bitaw sa kamay ko!)Tara na nga kuya! Uwi na tayo!”(aya nito kay Badz, ang arte! Pasalamat sya at pinsan sya ni Badz! Naku kung hindi,binawasan ko na yung buhok nya sa kili-kili! Kaimbyerna! Kung maka spaghetti na damit kala mo kakinisan ng kutis! Eh kung itaas naman ang kili-kili, mukhang kailangan ng gapasin ang mga damo!)

 

AAhy! Ayaw mo ba ng ganito? Pasensya ka na ha, ahmm gusto mo bili na lang tayo ng dress na babagay sayo,”trying hard ang lola nyo!:”

Pero mukhang badtrip na talaga itong si Mica! Buti na lamang at…

 

“”Ate Nadine!..(biglang may tumawag mula sa aking likuran at biglang may humampas sa braso ko! Pag lingon ko!) “”Tae kang bata ka! Kelan ka pa lumuwas dito ha? Kamusta na sina tita duon sa province natin? Ayy, sya nga pala guys! Pinsan ko si Mark!..inzan mga friends ko, at nga pala si Mica pinsan ni Badz.”

 

Hi! I’m Mark, (sabay abot sa hands nito kay Mica na para bang wala kami sa paligid nila! Ahemm! May ganun!)

 

Hello! Im Mica!(sabay shakehands)”

(Aha! Nakakuha ako ng idea kung pano ako makakabawi kay Badz at sa pinsan nya.)

 

“”Ahmm..tara laro tayo” yaya ni Mark kay Mica.””Oh sige baH!; sagot naman nito.. emmm mukhang maganda ang kalalabasan nito! Muwahahahahaha!

“”uuy! Biglang hampas sakin ni Badz, “”ano yang ngingiti-ngiti mo dyan?

“”Ah! wala, nacucutan lang ako sa kanila..diba Jena!” ngiting aso.

“”OO nga! Hehe oh san tayong tatlo mukhang nag-eenjoy mga bagetz tayo san tayo? Tanong ni Jena..agad kong tinignan si Jena at gumagawa ng senyas.””Ei, diba Jena may kailangan ka pang bilhin?(freaky face)

“”ha? Wla naman!(biglang siko ko sya!)””ayy! Oo nga pala meron nga pala! Echuserang frog ka talaga Nadine, buti na lang at pinaalala mo sakin, oh! Sya! Ingatz na lang kayo ha! mauna na ko..

“”ha! uwi ka na, wag muna!:ask ni Badz.”” Hindi kailangan na talaga heto nga oh! May nagtxt! So bye na guys, kitakits na lang ulit soon, oh sya ingatz,””sabay beso sakin ni Jena at may ibinulong”:Bruha ka! gooddluck!, at sabay alis na nito, ang galing talaga ni Jena umacting pang award! Oh yeah! So yan na nga at may moment narin kami ni Badz sa wakas.

 

Until nagsalita sya..i was looking at him na para bang may nais syang sabihin.na hindi nya masabi.

 

“”Ahmm, Nadine..”:

Yezzzzzz”???

“:tara sakay tayo sa mga rides, want mo?..at yun lang ang sinabi nya kaya naman agree na lang ako.

OO naman! Gustong-gusto ko, tara sa horror train, saya don daming mumu, (pabulong na sabi ko wahaha)

Hindi  ka takot? Tanong ni Badz.

Ako?? Hindi ah! mga tao lang yan eh, gusto ko lang sumakay para makakita ng mga nakakatawang tao na trying hard na manakot hahaha! Baka ikaw jan ang takot?? Emmmmmmmm??

Ako! Huh! Tara sakay na tayo, (tapang ng fafa ko!)

At yun na ngat nakasakay na kami, first round, nagpakita lang yung mga multo, tawa ako ng tawa, wahahah walang kwenta, 2nd round medyo nagstop na yung train sa gitna at biglang may bumulaga sa gilid ko, sa gulat ko ay napayakap ako kay Badz, at buti na lang umandar na ulit yung train. Grabeh! Sira ang ganda ko don, tinatawanan tuloy ako ni Badz, nang asar pa!

 

Oh! kala ko ba matapang ka? Eh bakit kung makakapit ka sakin eh para kang tuko dyan, takot ka noh? Wahahaha (pang-aasar pa ng unggoy na toh! Buti na lang mabango sya kaya sulit ang pag yakap ko, matry nga ulit sa 3rd round!

Muli huminto ulit sa gitna, at this time mas matagal, oh my gosh, napatili na ako sa gulat, mga nagliliparan ba namang putol na katawan ang tatambad sa harap mo hindi ka ba mapapasigaw doon, tingin ka sa kaliwa may tyanak na humihila sa damit ko,sa likod naman my zombie, sa harap naman yung putol na katawan na papalapit na sa amin, kaya naman super major kapit at siksik ako kay Badz, yakap to the max na para bongga! Takot man atleast happy naman, oh ang saya!, pAti narin sya eh medyo napapayakap narin sa akin ramdam ko ang yapos nito, Haaaaaay! Kaloka, at muli umandar na ang horror train, pagkababa namin ay nakatitig sa akin si Badz,…kaya naman nakipagtitigan din ako mga 10 sec. din siguro yon, habang nakatitig sya sa akin ay unti-unti rin lumalapit ang face nya sa akin, O.M.G! is he going to kiss me?? Di pa ako ready.. pero sige na nga…

Hindi ako gumagalaw, at pumikit na ako, pero napansin ko bat ang tagal? Hanggang sa may bumulong sa ears ko.! (damn! Bumulong lang pala, at ang bulong pa nito. “ grabeh! Ang pula ng mukha moooooooo)” hiyang-hiya tuloy ako.. lokong hinayupak na toh, nabitin tuloy ako.! So..napagdesisyunan naming magkantahan na lang sa may karaoke doon na hinuhulugan ng token per song, so busy sya na pumipili ng song, at kinukulit ko sya,

“ wahaaaay! Marunong ka bang kumanta? Baka masayang lang yang token mo at maging 75 lang ang score mo! Sus! Kakahiya to madlang people! (pang-aasar ko) “abah! Naghahamon ka ba? gusto mo pataasan pa tayo ng score eh! Ang matalo magiging slave ng 3 hrs. gagawin lahat ng gusto, pwera angal oh! (hamon nito) avah! Syempre dahil sa mayabang ang lola nyo eh pumayag ako, magaling din naman ata akong kumanta, para saan pa ang pagiging member ko ng tropang awit pasko, ang pangangaroling tuwing pasko hehehe! Mapakitaan nga ng galing!

 

To be continued….

 


© Copyright 2017 capzlocknevz. All rights reserved.

Add Your Comments:

Comments

avatar

Unknown

avatar

Author
Reply

More Romance Short Stories

Booksie 2017-2018 Short Story Contest

Booksie Popular Content

Other Content by capzlocknevz

Nadine's Story

Short Story / Romance

Popular Tags