“BEST FRIEND” Characters: Clarisse Jimenez Princess Girl 1 Tracy Rodriguez Abby Girl 2 Steven Bautista Rica Cast 1 Kyle Ms. Arellano Classmate
Scene 1: Mag-kasama ang magbestfriend na sina Tracy at Clarisse, habang naglalakad sa hallway masasalubong nila ang grupo ni Princess, Abby at Rica.
Princess: Look who’s here gurls, ang mga jologs! ( at magtatawanan silang tatlo) Tracy: Anong problema mo Princess? Prinsesa ng mga palaka? Abby: How dare you say that to Princess? Rica: Yah! Wala ka nga sa kalingkingan ng beauty nya noh! Clarisse: Trace wag mo ng patulan! Saying lang oras mo dyan! ( maya-maya magtatakbuhan ang nga babae, may haharangin si Princess na isang babae) Princess: Anong meron? Girl 1: Nagpaskil na sila ng announcement for the Romeo and Juliet audition. Juliet nalang ang hinahanap nila. Princess: Ganun? Sinong Romeo? Girl 1: Si Steven Bautista. Princess: talaga? Sige lumayas ka na sa harap ko!( haharap sa mga friends nya) Girls let’s go!. Tracy: Clarisse narinig mo yun? May audition daw for Juliet! Clarisse:So? Di ba wala ka naming hilig sa theater? Halos isumpa mo nga un nung highschool tayo. Tracy: Hindi yun, it’s not about theater! It’s about Steven! Clarisse: Sabi ko nga, so mag-auaudition ka? Tracy: Oo naman! Eto na ung chance ko na mapalapit sa kanya! Clarisse: O di tara na, baka mahaba ng pila dun! Tracy: Thanks best! Tara! ( at umalis na nga sila papunta sa audition) Tracy: Romeo. Oh Romeo! Where art thou Romeo! Ms. Arellano: Ok! Tracy: Ma’am tapos na? Ms. Arellano: Ok na iha! Next!!! ( bababa na si Tracy sa stage at lalapitan si Clarisse) (Masasalubong ni Tracy si Princess na mag-auaudition din) Tracy: Clarisse di ka ba mag-auaudition? Clarisse: Huh? Bakit? Tracy: Di ba hilig mo ito? Ung mag-act sa play? Clarisse: Wag na, wala akong time dyan e! Tracy: ok sabi mo e! Tara meryenda na tayo.
-Kinabukasan (SCENE 2)
Ms. Arellano: Clarisse! Pwede ka bang makausap? Clarisse: Ah, cge po ma’am Ms. Arellano: Doon tayo sa office ko! ( at nagpunta na sila sa office ni ms. Arellano) Ms. Arellano: Napanood ko yung play nyo nung 1st year ka, and I find you good in acting. Clarisse: Ah, ganun po ba? Thanks po sa compliment. Ms. Arellano:Di na ko magpapaligoy-ligoy pa, I want to be our Juliet, in our play. Clarisse: Po? E hindi naman po ko nag-audition. Tsaka tapos na po ung audition diba? Ms. Arellano: Yah, tapos na nga and sad to say pero wala kaming napili. Clarisse: Po? Ahm si Ms.Tracy Rodriguez po? Magaling po un! Ms. Arellano: Si Tracy, I don’t think so. Oo she’s one of the person na tumatak sa isip ko nung audition, not b’coz she’s good, but b’coz she is one of the worst. Clarisse: Ganun po ba? (malulungkot) Ms. Arellano: Kelangan na namin ng Juliet, malapit na ung competition, I will make this as your final grade sa subj. ko pag di ka pumayag then it means na wala kang final grade. Clarisse: Po? Bakit naman po ganun? Ms. Arellano: Take it or leave it? Clarisse: Opo, pumapayag na po ako. Ms. Arellano: Good! Sige makakaalis ka na,bukas ang start ng practice don’t be late! Clarisse: Yes ma’am. ( Pag-labas ni Clarisse ng office ni Ms. Arellano nakita nya si Tracy) Tracy: Clarisse san ka ba galling? Kanina pa ko hanap ng hanap sayo ah! Clarisse: ha? Ah kinausap ako ni ma’am Arellano Tracy: tungkol saan? Clarisse: Ah, wala naman may inutos lang sya. Tracy: Hilig talaga mang-utos nun! Tara uwi na tayo! Clarisse: Ah cge!
- Kinabukasan naabutan nila Tracy at Clarisse ang kumpulan ng mga babae (SCENE 3) Tracy: Miss anong meron? Girl 2: May announcement na about dun sa napiling maging Juliet! Pati lahat-lahat na ng buong cast na gaganap sa Romeo and Juliet. Tracy: Talaga?(Masaya) Cge salamat ha! Girl 2: Ok! Tracy: Narinig mo yun Clarisse? Tara tingnan natin! Clarisse: Ah, teka Tracy! ( tumakbo na si Tracy at nakipagsiksikan sa kumpulan, ng makasingit, nagulat sya ng Makita ang pangalan ni Clarisse na gaganap as Juliet) Tracy: Di ka naman nag-udition diba? Clarisse: Trace I’ll explain! Tracy: Di na kelangan! Tama na ung pagsisinungaling mo! (aalis si Tracy, hahabulin sana nya ito pero biglang dadating ang isa sa cast) Cast 1: Clarisse,pinapatawag ka na n imam arellano, kelangan k na sa hall! Clarisse: ha? (sasama na sya sa cast member) ( Sa room nandun lahat ng mga cast.) Ms. Arellano: Let’s all welcome our Juliet, Ms. Clarisse Jimenez! ( nagpalakpakan ang mga cast) Ms. Arellano: Ms. Clarisse dun ka na maupo sa tabi ni Steven. ( pag-upo ni Clarisse naki-pag kilala agad si Steven sa kanya) Steven: Hi I’m Steven! Nice to meet you Clarisse! Bakit parang di kita nakita nung audition? Clarisse: Ah, kasi ano….. Cast 1: Kasi personal choice lang sya ni Ma’am Arellano! Steven: Ah ganun ba? Parang ako. E bakit pa kaya sya nag-pa audition? Cast 1: Wala lang pakitang ewan (tatawa) Steven: Ah Clarisse, diba kaibigan mo si Tracy Rodriguez? Clarisse: Oo, bakit mo natanong? Steven: Ah kasi ano eh. Ano kasi, ahhmm Clarisse: Kasi??? Steven: Gusto ko kasi sya eh. Baka pwede mo naman akong ilakad sa kanya? Clarisse: Oo ba un lang pala e! Steven: talaga? Salamat ha! (pag-katapos ng meeting nila) Steven: Clarisse sabay ba kayo ni Tracy ngaun? Hatid na kita, para maka-sabay ko din sya! Clarisse: Kaw talaga, paraparaan ka din ano? ( biglang makikita ni Clarisse si Tracy) Clarisse: Trace! (kakawayan nya ito, mabilis na aalis si Tracy) Teka! Trace! Steven wait lang ha! Steven: Ah cge.. ( hinabol ni Clarisse si Tracy) Clarisse: Trace! Sandali! Tracy: Ang galling mo din noh? Kunwari ka pa na ayaw mo mag-audition un pala palihim ka ng gumagawa ng move mo! Clarisse: No! hindi yan totoo! Tracy: Tapos ngaun inaagaw mo naman si Steven! Siguro may gusto ka din sa kanya noh? Clarisse: Hindi totoo yan! Sa tingin mo ba talaga magagawa ko yun? Tracy: Oo! Dahil pasimple ka lang pero malandi ka rin! ( masasampal ni Clarisse si Tracy) Clarisse: Tracy I’m sorry, nabigla lang ako! Tracy: Hindi mo na kelangan mag sorry, dahil simula sa araw na ito wala ka ng bestfriend! ( aalis na si Tracy) Clarisse: Trace wait!
- Kinabukasan nakasalubong ni Clarisse sina Princess, Abby at Rica. (Scene 4) Princess: Well look who’s here girls! Abby: Si Juliet( tatawa) Rica: Asan ang best friend mo? Princess: Wag mo ng tanungin Rica, alam mo naman e kung nasan ang best friend nya! Clarisse: Anong ibig nyong sabihin? Princess: you want to know where is your best friend? ( Dadating si Tracy at sasama kina Princess) Clarisse: Trace? Princess: Nagulat ka ba? Yan ang napapala ng mga mang-aagaw na gaya mo! Nawawalan ng kaibigan! Girls let’s go! Abby: See yah! ( Dadating si Steven) Steven: Di ba si Tracy yun? Clarisse: (malungkot) Oo! Steven: Nag-away ba kayo? Halika ka nga mag-usap tayo!( naupo sila sa isang bench) Steven: Anong nangyari? Bakit kayo nag-away? Clarisse: Nagalit sya nung ako ung naging Juliet. Steven: Bakit naman? Kung kaibigan ka talaga nya matutuwa sya para sayo diba? Clarisse: Hindi naman kasi ung play ung reason nya e Steven: E ano? Clarisse: Ikaw! Steven: Ako? Anong ibig mong sabihing ako? Clarissa: Kasi, gusto ka din nya nng 1st year pa! Nung malaman nya na ikaw ung gaganap as Romeo nag-audition sya agad para mapalapit sayo! Steven: talaga? Gusto rin pala nya ko? Clarisse: Tapos ngayon iniisip nya na may gusto ako sayo! At inaagaw kita sa kanya. Steven: Pero hindi naman un totoo, ang totoo nga gusto ko rin sya diba? Clarisse: Yun na nga, kaso ayaw nya na kong pakinggan. Steven: Ano kaya kung magtapat na ko sya? Clarisse: Gagawin mo yun? Magtatapat ka na sa kanya? Steven: Para mag-kaayos na din kayo! Clarisse: Salamat Steven! Steven: Wala yun!, tara hatid na lang kita..wala ka namang makakasabay eh! Clarisse: Sige!
-kinabukasan hinintay ni Steven lumabas si Tracy sa klase nya. (SCENE 5) Seven: Tracy! Tracy: Steven? Steven: Pwede ba kitang maka-usap? Tracy: Oo naman. Steven: Tara, sa canteen nalang tayo mag-usap! Tracy: Ok! ( sumama na si Tracy kay Steven sa canteen) ( Pag-dating sa canteen) Steven: Anong gusto mong kainin? Tracy: kahit ano. Steven: Ok na ba sayo ang burger? Tracy: Ahm ok Steven: Sige bibili lang ako, saglit lang ha! (pag-balik ni Steven) Steven: O eto ng pagkain mo. Tracy: Salamat! Steven: Alam kong mag kaaway kayo ni Clarisse ngaun. Tracy: Sinabi ba nya yan sayo? Close na talaga kayo noh? Steven: Tracy, walang namamagitan sa amin ni Clarisse, kelangan lang talaga minsan na magkasama kami dahil sa play. Tracy: Bakit ka nag-eexplain sa ken? Steven: Kasi ang totoo gusto kita. Wag mo sanang sayangin ung friendship nyo ni Clarisse dahil sa isang bagay na wala namang katotohanan. Tracy: Anong sabi mo? Gusto mo ko? Steven: Oo, gusto kita! ( Dadating si Cast 1) Cast 1: Steven hinahanap ka na sa rehearsal! Steven: Sige susunod na ko! Cast 1: Sabi ni ma’am wag daw kitang lulubayan! Kelangan kasama kita pag balik ko dun! Steven: Sige, saglit lang! Ah Tracy, mamya nalang ulit. Bye! Tracy: Sige! ( mangingiti si Tracy) (makikipagkita sya sa grupo nila Princess sa isang bench.) Princess: Anong sabi mo? Nagtapat na sayo si Steven? Tracy: Oo, sabi nya gusto nya din ako! Princess: Sigurado ka? Ginagamit lang sya ni Clarisse para magkaayos kayo, nagpaloko ka naman! Tracy: Hindi un magagawa ni Clarisse! At ni Steven! Princess: Tingnan natin kung tama ka sa sinasabi mo! -Kinabukasan gumagawa ng project nya si Clarisse biglang dadating si Steven. (SCENE 6) Steven: Clarisse, pinapatawag ka ni Ma’am Arellano. Clarisse: Huh? Ah sige wait lang. Tara! (Pag-labas ni Clarisse at Steven dadating si Rica at papasok sa loob ng classroom, kukunin nya ang project ni Clarisse at lalabas na ng classroom, agad naman itong pupunta kay Princess)
Rica: Princess, eto na yung pinapakuha mo! Princess: Very good Rica! Maaasahan ka talaga! Abby: Anong plano mo? Princess: Akala ni Tracy, makikipag kaibigan ako sa kanya? Sisirain ko sya kay Clarisse at pati na kay Steven. At magiging akin si Steven! Rica: Ang bad mo talaga! Princess: Bad ako, sa mga bad din sa akin…Just watch girls and learn! ( magtatawanan sila) ( pag-balik ni Clarisse sa classroom) Clarisse: Asan na un? Nandito lang un ah! ( hahagilapin ang project nya, dadating si Steven) Steven: Anong hinahanap mo? Clarisse: Ung project ko! Iniwan ko lang un dito e! Steven: Ano? E nasaan? Clarisse: Di ko nga alam e! dito ko lang yun naiwan e! Classmate: Clarisse, asan na ung project mo? Clarisse: Hindi ko nga alam e, nawawala, dito ko lang yun iniwan eh! Classmate: Pano yan? Ipapasa ko na ito e..Malapit na ung deadline.. Clarisse: Please naman, hahanapin ko lang, pag di ako nagpasa nun babagsak ako kay ma’am! Classmate: Sorry talaga gusto ko man pero hindi ko pwedeng i-sacrifice ung gawa ng iba. Mag-pasa ka nalang, aalis na ko, sorry talaga! ( aalis na ung classmate nya, iiyak nalang si Clarisse sa kawalan na ng pag-asa) Steven: (icocomfort sya) Tama na yan! Kausapin nalang natin ung prof mo! Clarisse: Hindi un makikinig, anong gagawin ko, ayaw ko bumagsak. ( papasok sa classroom si Princess) Princess: Clarisse (lilingon si Clarisse at Steven, makikita ni Clarisse na dala ni Princess ang project nya) Clarisse: Ang project ko! (kukunin nya agad ito kay Princess at tatakbo palabas ng rum para ihabol ang project nya) Steven: Bakit napunta sayo ung project ni Clarisse? Princess: Mamya ko na sasabihin kapag dumating na si Clarisse! (pag-balik ni Clarisse) Clarisse: Bakit na sa iyo ung project ko? Princess: Alam kong di ka maniniwala pero,si Tracy ang kumuha nyan. Clarisse: Hindi nya un magagawa sa kin! Princess: Pinagplanuhan nya at inutusan nya si Rica na kunin ito dito sa classroom nung umalis ka! Galit na galit sya sayo, dahil ginamit mo pa daw si Steven para mapatawad ka lang nya. Kaya un ginawa nya ito para makaganti! Sa tingin ko hindi yun tama dahil maaaring ikawala ng scholarship mo un kya nagdecide ako na ibalik ko yan sayo! Clarisse: Pano nya un ngawa sa kin? Best friend ko sya! Princess: Aalis na ko. Steven: Wag ka ng umiyak… Clarissa: Hindi ko akalaing magagawa nya un sa akin. (matatapos ang scene sa pag-cocomfort sa kanya ni Steven)
(SCENE 7) - Kinabukasan sa School nila makikita ni Tracy na nagrerehearsal sila Clarisse. Tracy: * Kakausapin ko na si Clarisse wala namang dahilan para magalit ako sa kanyaeh, ngaung alam ko na , na gusto gusto din ako ni Steven*(narration) (makikita ni Tracy si Clarisse) Tracy: Clarisse! ( lilingon si Clarisse pero nang Makita nyang si Tracy iyon di nya ito papansinin) Tracy: *bakit di nya ko pinansin?* (makikita nya si Steven at lalapitan nya ito) Tracy: Hi Steven! ( pero iiwasan sya nito) Wait! Bakit mo ko iniiwasan? Steven: Tinatanong mo kung bakit? Ikaw paano mo nagawa un kay Clarisse?Di ba bestfriend mo sya! Tracy: Ang alin? Di kita maintindihan! Steven: Napaka sama ng ginawa mo! Gusto kita noon kasi akala ko mabuti kang tao! Pero sobrang sama ng ginawa mo kay Clarisse! Ayaw kong maging bastos sayo kaya ikaw nalang ang umalis. Tracy: (tutulo ang luha, tatalikod at maglalakad na papalayo samantala nakatitig lang si Clarisse sa kanya, sa malayo nakatitig din sa kanya si Kyle. Lalapit si Steven kay Clarisse) Steven: Ok ka lang ba? Clarisse: Ok lang…
Scene 8 – Papunta si Tracy sa grupo nila Princess for comfort, susundan sya ni Kyle. Pagdating nya ng classroom di nya inaasahang marinig ang usapan nila Princess, Abby at Rica.
Princess: Hahaha, galit na galit si Steven kay Tracy! At si Clarisse iniiwasan na din sya. Tagumpay ang mga plano ko. Abby: Ang galing mo talaga Princess! Princess: Naman!, sabi ko naman sa inyo, gagawin ko lahat ng paraan para masira silang dalawa. Rica: Ang galling ng plano mong yun! Panalo! Na nakawin ang project ni Clarisse para masaktan sya ng husto ang tuluyang magalit kay Tracy. Abby: At sabihin sa kanila ni Steven na si Tracy ang gumawa nun! Saan mo ba napupulot ung mga evil plans mo na yan? Princess: It’s an inborn talent! (tatawa) (Papasok si Tracy sa loob ng classroom, at susugurin nya si Princess) Tracy: Walang hiya ka! Napaka sama mo! Princess: wag mong ipasa sa akin ang kasalanan mo Tracy! Tracy: Oo kasalanan ko nga! Kasalanan ko na nakipagkaibigan ako sa mga demonyong kagaya nyo! Princess: Yes, evil na kami kung yan ang gusto mo! Pero huli na ang lahat, di mo na maibabalik ang friendship nyo! And I win! Sorry Loser! Tracy: Walang hiya ka! (sasabunutan nya si Princess, pero pagtutulungan sya ng mga kaibigan nito) Princess: Wala ka ng magagawa loser! ( magwawalk-out sila na mga magbabarkada) ( Maiiwan sa loob ng kwarto si Tracy na umiiyak, Samantala na sa labas lang pala si Kyle ng room at narinig nya lahat ng mga usapan nila, papasok sya sa loob at aabutan ng panyo si Tracy, pero di sya papansinin ni Tracy)
Kyle: tanggapin mo na, kanina pa tumutulo ang sipon mo e! (lilingon si Tracy sa kanya at agad kukunin ang panyo pra punasan ang luha nya) Kyle: Sumama ka sa akin alam ko kung anong mag-papagaan ng pakiramdam mo! Tracy: Bakit ko un ggawin? Hindi nga kita kilala noh! Kyle: Wag kang mag-alala di naman kita kikidnapin eh! (hinatak ni Kyle ang kamay ni Tracy)
Scene 9 Nakaupo sa isang bench si Tracy, dadating si Kyle.
Kyle: ( itatapat ni Kyle sa mukha ni Trace ang isang twin popsicle) Oh! Tracy: Ano yan? Kyle: Edi ice cream! Ano pa ba ito sa tingin mo? Kunin mo na! Tracy: Ayaw ko nyan! (kukunin ni Kyle ang kamay ni Tracy at ipapahawak ang isang popsicle, pagkahawak ni Tracy, hihilain naman nya ang kabilang popsicle at mahahati ito sa dalawa) Kyle: Hati tayo ha! Wala na kasi akong pera e! Tracy: ( mapapangiti at kakainin na ang ice cream) Kyle: Yan! Dapat lagi kang ganyan nakangiti para maganda ka! Oo nga pala ako nga pala si Kyle! (iaabot nya ang kamay) kamayan mo naman ako oh! Tracy: Ako si Tracy (kinamayan nya si Kyle) nice to meet you Kyle. Kyle: (mapapangiti) (Maya-maya biglang tatayo si Tracy) Tracy: Aalis na ko. Salamat sa ice cream. ( at aalis na ito) Kyle: Teka! ( pero di na nya mapipigilan ito, makikita nya na naiwan nito ang kanyang libro, ibabalik sana nya ito pero di nya na makikita si Tracy, mabibitawan nya ang libro at makikita nya doon ang isang sulat na gawa ni Tracy para kay Clarisse)
Scene 10 ( Moment ni Tracy-Flashback ng masasayang moments nila ni Clarisse) Scene 11 ( Moment ni Clarisse- Flashback ng masasayang moments nila ni Tracy)
Scene 12 –Kinabukasan sa rehearsal, makikita ni Kyle na parating si Tracy…
Kyle: Pare break muna ko! Cast 1: Ah sige, balik ka agad baka hanapin ka ni Ma’am alam mo naman yun masungit! Kyle: Oo sige, salamat ( pupuntahan nya si Tracy) Kyle: Tracy! Tracy: O! Kyle, bakit? Kyle: (Ibibigay ang libro nya) Eto oh, naiwan mo kahapon! Tracy: Na sa iyo pala ito, salamat ha sige mauna na ko! Kyle: Ah, Tracy sandali! Ah kumain ka na? Kakain na din kasi ko, sabay na tayo! Tracy: Libre mo? Kyle: (mapapalunok) Oo ba! Tracy: ( mangingiti) Joke lang kabado ka naman agad! Tara. (naglakad na sila papuntang canteen) Kyle: Miss mo na siguro ung best friend mo noh? Tracy: Oo sobra, alam mo bata pa lang magkaibigan na kami, magkaklase din kami mula elementary hanggang ngaung college. Dami naming kalokohan nun (ngingiti) Ako yung matapang sa aming dalawa, ipinagtatanggol ko sya parati kapag may nang-bubully sa amin! Kyle: Matapang ka pala. Tracy: Oo, pero ang totoo matapang lang ako kapag kasama ko sya. Kyle: bakit di mo sabihin sa kanya ung totoo? Tracy: Huli na ang lahat wala na kong magagawa. Kyle: Hindi pa huli ang lahat Tracy. Tracy: Hindi Kyle, ayaw nya na ko kausapin o pansinin man lang, Hindi ko naman sya masisisi, pinagbintangan ko sya sa isang bagay na di naman totoo, tpos kumampi pa ko sa pinaka kinaiinisan namin. Kyle: Wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat, magiging masaya ka din. Tracy: Huh? ( Flashback- naalala ni Tracy nung highschool sila ni Clarisse may nagbigay s kanya ng luv letter galing sa isang secret admirer, na ganun din ang sinasabi) Kyle: Tracy? Ok ka lang? Tracy: Huh? Ah oo ok lang ako. (Ngingiti lang si Kyle)
Scene 13 – Sa rehearsal ng play nila, lalapit si Kyle kay Clarisse. Kyle: Clarisse, pwede ba kitang makausap? Clarisse: Oo naman tungkol saan ba yan? Kyle: ( ibibigay ang sulat na nakuha nya sa libro ni Tracy) Clarisse: Ano to? Kyle: Basahin mo! Clarisse: (Babasahin ang sulat) Dear Clarisse, Kamusta ka na? Alam mo best miss na miss na kita! Sorry sa nagawa ko, napagbintangan kita na ginagamit mo ung play para makuha mo si Steven. Sana mapatawad mo ko! Naliwanagan ako nung nagtapat sa akin si Steven. Sana bigyan mo ko ng chance na maka-pagusap tayo!. Your Best friend, Tracy
Clarisse: Para san to? Pinabigay nya sayo? Ginagamit ka din ba nya para makaganti sya? Di pa ba sapat ung ginawa nya sa ken? Kyle: Hindi, nakita ko lang yan na nakaipit sa libro nya kaya kinuha ko. Clarisse: Siguro karugtong ito ng plano nya, kaso hindi na natuloy kasi binuko na sya ni Princess. Kyle: Dyan ka nagkakamali! Nung araw na tinawag ka nya sa tingin ko makikipag-ayos na sana sya nun sayo, pero bago nya yon nagawa naunahan na sya ni Princess sa paggawa ng maling kwento. Clarisse: Anong ibig mong sabihin? Kyle: Sinundan ko sya nun at narinig ko lahat ng mga kasinungalingang ginawa ni Princess. Sya yung nagplano na ipakuha ung project mo at ibintang un kay Tracy. Clarisse: Hindi naniniwala sayo. Kyle: Gusto mo hulihin natin si Princess sa sarili nyang bibig? Clarisse: Paano mo yun gagawin? Kyle: Ako ng bahala dun! Clarisse: O sige pumapayag ako!
Scene 14 Inabangan ni Kyle si Princess sa may hallway..
Kyle: Hi Princess! Princess: Sino ka? Kyle: Admirer mo.. Princess: Well sorry pero wala akong time sayo! Abby: Princess ano ka ba! First time yan na nagkaroon ka ng admirer, palalampasin mo pa? Princess: Shut up!(titingin kay Kyle) Ano bang kelangan mo? Kyle: (Aakbayan si Princess) Alam kong galit ka kay Tracy, gusto mo tulungan kita sa kanya? Princess: No thanks! Dahil tapos na akong kumilos, Napag away ko na sila ng best friend nya. Hindi na kita kelangan and besides si Steven ang gusto ko at hindi ikaw! Ngaung ayaw nya na kay Tracy, makukuha ko na sya! Rica: At lahat ng yun ay dahil sa galing ng mga plano ni Princess. ( biglang lalabas mula sa classroom sina Clarisse at Steven) (Magugulat si Princess, at haharapin si Kyle) Princess: How dare you! Niloko mo ko! Clarisse: (lalapitan si Princess at sasampalin ito, papalag ang mga kaibigan nya peropipigilan sila ni Steven at ni Kyle) Yan ang bagay sayo, napaka sama mo! ( tatalikod at aalis na si Clarisse, susunod naman si Steven at Kyle sa kanya) Princess: (haharapin sina Rica at Abby) Wala kayong kwenta!!
Scene 15 Mag-kakasama sina Clarisse, Kyle at Steven na nakaupo sa isang bench sa School nila.
Steven: (nakaharap kay Clarisse) Anong gagawin mo ngayon? Clarisse: Hindi ko alam… Kyle: Bakit di mo kausapin si Tracy? Clarisse: Kaya lang kasi baka galit na din sya sa akin. Kyle: Hindi sya galit sayo! Clarisse: Sige kakausapin ko sya, pero kakailanganin ko ang tulong nyo. Kyle: Oo ba! Steven: Ano bang klaseng tulong? Clarisse: (ngingiti) tara! (Magtitinginan sina Steven at Kyle) Clarisse: Ano diba kayo sasama? Kyle: Eto na nga sasama na! ( at tatayo na sila at sasama kay Clarisse)
Scene 16 Dinala ni Kyle si Tracy sa secret place nila ng best friend nyang si Clarisse.
Tracy: San mo ba ko dinala Kyle? Bakit kelangan mo pa ko i-blind fold? Kyle: Basta magtiwala ka lang, syempre surprise nga ito kya kita nilagyan ng blind fold. Tracy: Pa-surprise surprise ka pang nalalaman dyan e! Pinapakaba mo tuloy ako! Kyle: O ayan nandito na tayo! Tracy: Pwede ko na bang tanggalin yung blind fold ko? Kyle: Ako na, tulungan na kita. (Tatanggalin ni Kyle ang blind fold ni Tracy) (Pagtanggal ng blind fold magugulat si Tracy ng makita nya ang lugar) Tracy: Paano mo nalaman ang lugar na ito? Secret place lang naming to ni Clarisse ah! (Biglang may tutug-tog at kakanta si Clarisse ng team song nila ni Tracy na one friend) Pagdating sa last line na “if I had only one friend left I want it to be you!” lalapit si Clarisse kay Tracy)
Clarisse: Trace! Tracy: Cla-cla! Clarisse: Bakit mo ko tinatawag sa ganyang pangalan! Alam mo naman ayaw kong tinatawag akong Cla-cla e! (sabay tatawa silang dlawa ni Tracy at magyayakap) Tracy: Sorry Clarisse! Clarisse: Sorry din Trace! Tracy: Sorry kung pinag bintangan kita at di ako nagtiwala sayo! Clarisse: Sorry din kung pinagdudahan kita at mas pinaniwalaan ko pa si Princess. Best friend mo pa din ba ako? Tracy: Ano ka ba! Hindi na yon mawawala! Bahagi na yon ng pagkatao ko…ang maging bestfriend mo! Clarisse: I miss you best! Tracy: I miss you too! ( at magyayakap ulit sila) Clarisse: Oo nga pala, kasama ko sina Steven at Kyle, tinulungan nila ako para ihanda ito! Kelangan din pala natin mag pasalamat kay Kyle, sya kasi yung gumawa ng paraan para magkaayos tayo! Tracy: Talaga? (lalapitan ni Tracy si Kyle, habang ihahanda naman nila Clarisse at Steven ang konting Salo-salo) Kyle salamat ha!, marami ka ng nagawa para sa ken! Kyle: Wala yun! Lahat gagawin ko para sayo dahil…. Clarisse: Tracy, Kyle tara kain na tayo! Tracy: Ah sige! Tara Kyle!, at aalis na si Tracy. Kyle: Wrong timing naman! Nandun na eh! (pupunta na din sya sa mesa para kumain)
Scene 17 –Sa rehearsal ng play.
Clarisse: Steven ngayong alam mo na hindi naman pala si Tracy ung gumawa nun, pwede mo ng ituloy ung panliligaw mo sa kanya! Steven: Yun na nga Clarisse, gusto ko nun si Tracy kasi maganda sya, tapos mabait. Kaso iba pala yung gusto mo lang sa mahal mo…At hindi ko sya mahal e! Clarisse: Ano e paano yun? Di ba nag tapat ka na sa kanya? Steven: Ginawa ko yun, hindi pala dahil sa kanya, kundi ayaw ko na nakikita kang nasasaktan. Clarisse: Anong ibig mong sabihin? Steven: Clarisse, sa tingin ko mahal na kita… Clarisse: ( iiwasan ang tingin ni Steven) Sorry pero hindi kasi yun pwede! ( tatayo na si Clarisse at aaktong paalis) Steven: Si Tracy ba? Wag kang mag-alala maghihintay ako! ( at aalis na si Clarisse at babalik sa rehearsal) Cast 1: Ok lang ba kayo ni Steven? Clarisse: huh? Ah oo ok lang.. Cast 1: Para kasi kayong nag-aaway. Lovers quarrel ba yan? Clarisse: kaw talaga tsimoso ka din noh? Practice na tayo! ( pag katapos ng rehearsal nila, nagkita na sina Tracy at Clarisse)
Tracy: Clarisse, may tatanong sana ko sayo eh, ok lang ba? Clarisse: Ano ka ba? Bakit nagtatanong ka pa! Tracy: Tungkol sana kay Steven. Clarisse: A yun ba? Di ba nagtapat na sya sayo, so ngayong alam nya ng hindi ka naman masama, siguro ok ng ligawan ka nya diba? Tracy: Clarisse, hindi yon hindi tungkol sa akin!, kundi sa inyo! Clarisse: Sa amin? Wala namang sumthing sa min diba? Yan nanaman ba tayo? Tracy: Mahal mo na sya diba? Kung ako yung inaalala mo dahil gusto ko sya, wag mo na yung isipin kasi ang totoo, may iba na akong gusto, hindi! hindi ko lang sya gusto mahal ko na sya Clarisse. Clarisse: Sino? Si Kyle bang tinutukoy mo? Tracy: Oo, malakas yung kutob ko na siya si number 15. Clarisse: Yung secret admirer mo nung high school tayo? Tracy: Oo Clarisse: paano mo nasisigurong sya yun? Tracy: Lahat ng kinikilos nya at sinasabi nya parehong pareho sa ginagawa at sinasabi ni number 15…at diba number 15 ang number ng jersey nya sa basketball? Clarisse: Talaga sya yun? Naaalala ko pa sya yung laging nagcocomfort sayo kapag malungkot ka! Tracy: Tama ka, hanggang ngayon ginagawa pa din nya ang lahat para tulungan ako, sya pa nga ang gumawa ng paraan para mag kaayos tayo diba? Clarisse: Tama ka! Puntahan mo na sya! Tracy: Oo kakausapin ko sya! At ikaw kausapin mo na din si Steven ok? Clarisse: Ok
Scene 18 - Clarisse and Steven
Clarisse: Steven! Steven: Clarisse? Clarisse: Ah, itatanong ko lang sana kung open pa ba ung tanong mo kanina sa akin? Steven: Yng kung pwede ba kitang ligawan? Clarisse: Oo, yun na nga. Steven: May sagot ka sa tanong ko? Clarisse: Oo Steven: Ano yung sagot mo? Clarisse: Oo Steven: Oo, as in payag ka ng ligawan kita? Clarisse: Oo Steven: (mapapangiti si Steven) Talaga? Di ka ba nagbibiro? Clarisse: Ayaw mo ba? Steven: (yayakapin nya si Clarisse) Clarisse: O teka lang! Ligaw pa lang diba? Hindi pa girl friend wag ka munang magcelebrate dyan! Steven: (bibitaw sa pagkakayakap kay Clarisse) Ah sorry, nabigla lang! Pero baka naman pwede e yakap lang naman. Clarisse: Sige na nga! (tatawa silang dalawa at magyayakap,,, dun na matatapos ang scene)
Scene 19 -Tracy and Kyle
Tracy: Kyle! Kyle: Hi Trace! Kamusta? Tracy: May gusto sana akong tanungin sayo e, wag kang magsisinungaling! Kyle: Oo ba, ano ba yun? Tracy: Ikaw ba si Number 15? Kyle: Number 15, saan sa basketball? Tracy: Kyle!! Alam kong alam mo kung anong sinasabi ko! Kyle: O pumapangit ka nanaman! Oo inaamin ko na, ako nga yon! Yung secret admirer mo! Tracy: Hindi na noh! Kyle: Ano? Tracy: Alam ko na kasi! kaya hindi na yon secret Kyle: (tatawa) Oo nga naman, bakit di ko naisip un? Ngayong alam mo na, edi pwede ko ng gawing pormal ang panliligaw ko? Tarcy: Hay sa wakas sinabi mo din! Oo oo at oo lang ang sagot ko dyan! Kyle: Excited? Halika ka nga dito! Kaw talaga! (tatawa at yayakapin si Tracy)
Scene 20 – After party ng Play nila
Ms. Arellano: Every one, I proposed a toast for the success of our play! ( at nag-toast silang lahat, nag toast sina Clarisse at Tracy, pati na sina Steven at Kyle)
Tracy: Congratulations best! Nanalo yung play nyo sa international competition magaling ka kasi e! Clarisse: Hindi ako makakapag-act ng maayos kung hindi tayo nagkabati noh! (magyayakap silang mag best friend. Steven and Kyle: Oy Sali nyo naman kami dyan! ( magtatawanan ang mag best friend) Clarisse: Para sa success ng play natin at para sa pagkakaibigan nating lahat! Cheers!! Lahat ng Tauhan: CHEERS!!!! ( at lahat sila ay sabay-sabay itataas ang baso nila)
--------------------------------------END--------------------------------------
Submitted: March 06, 2010
© Copyright 2023 imang. All rights reserved.
Facebook Comments
More Young Adult Scripts
Discover New Books
Boosted Content from Other Authors
Short Story / Romance
Book / Thrillers
Book / Thrillers
Book / Science Fiction
Boosted Content from Premium Members
Book / Non-Fiction
Book / Fantasy
Book / Other
Book / Fantasy
Other Content by imang
by imang
Script / Young Adult