That Girl Is...

Reads: 584  | Likes: 1  | Shelves: 0  | Comments: 0

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
That girl is.. EXTRAORDINARY?! WEIRD?! INLOVE WITH YOU?! BEAUTIFUL?! Woah, just read this story to find out what word would complete the sentence THAT GIRL IS...

( Tagalog )

Submitted: April 15, 2012

A A A | A A A

Submitted: April 15, 2012

A A A

A A A


 

 

 

" Guys guys! Andyan na si Alex! "- Voice 1

 

 

" Alex you're so hot! " - Voice 2

 

 

" Alex please be mine! " - Voice 3

 

 

Hays eto na naman ang mga estudyante. Nagkakagulo dahil kay Alex. Hindi naman sila ganyan dati kay Alex eh ni hindi nga nila ata alam na nag eexist sya.

 

 

Nagtataka ba kayo kung sino pinag kakaguluhan nila?

 

 

Siya si Alex...

 

 

Alexandra Marie Encarnation, akala nyo lalaki noh?  Hindi babae sya.. 

 

 

Isang babae na napaka simple pero maganda. Mala anghel ang ngiti, mala dyosa ang mukha at ang ugali? Kasing ganda niya. Nakapa bait nya na tao, matulungin, matalino at napaka down to earth.

 

 

Katulad nga ng sabi ko kanina hindi sikat noon si Alex normal na estudyante lang siya. May pagka nerd nga yan eh, laging naka pony tail at laging suot ang eye glasses nya na nagtatago ng totoo nyang ganda. Tahimik lang yan laging naka tambay sa library kasama ang mga kaibigan nya. In short she's just a commoner nerdy student.

 

 

Pero one day nag bago ang lahat kay Alex. Ang dating commoner nerdy student ay naging isang *BAM* instant celebrity ng campus.

 

 

Ang dati laging naka pony tail at naka eye glasses ay naging mukhang artista na. Yung buhok nya na dati rati ay naka pony tail ngayon lagi ng naka lugay at medyo kulot, kung dati black ang buhok nya ngayon reddish naman. Hindi na rin nya suot ang eye glasses nya. Lumabas ang totoo nyang ganda na matagal nyang tinatago.

 

 

Ang dami nga nagulat sa transformation ni Alex sino nga naman mag aakala na ang dating COMMONER NERDY STUDENT ay ganito pala kaganda pag nag ayos?Sabi nga iba perfect na sya. Ideal girl daw ng mga kalalakihan.

 

 

Lalong naging sikat si Alex noong nanalo sya bilang Ms. Westcoast University isang big pageant dito sa school namin. Ang dami nya agad naging fans. Mas bumilib sakanya ang mga tao pag dating sa question and answer portion.

 

 

 

 

FLASHBACK

 

 

 

Si Alex ang huling contestant, siya na ngayon ang nasa center stage para sa question ang answer portion. Bumunot siya kung sino ang magtatanong sakanya at ang nabunot nya ay ang teacher namin sa History si Sir. Tyron.

 

 

" Hi Miss Alexandra Marie Encarnation magandang gabi sayo!- Sir Tyron.

 

 

" Magandang gabi din po :smile: - Alex

 

 

" Kinakabahan ka ba iha?- Sir Tyron

 

 

 

" Sobra po..- Alex

 

 

 

" Dahil kinakabahan ka eto ang tanong ko sayo.. What is the essence of being a woman?- Sir Tyron

 

 

Tahimik kaming mga audience na nagiintay sa sagot ni Alex.

 

 

" First of all good evening everyone and thankyou Sir Tyron for your question. For me the essence of being a woman is that WE are capable to carry a child in our womb for 9 months and we are capable to give birth that no man can ever do. " - Alex

 

 

Nagpalakpakan kaming mga tao maikli lang ang sagot nya pero na cover nito yung essential ng tanong.. 

 

 

" That's a nice answer Ms. Encarnation, short enough to arouse but long enough to cover the essentials..- Sir Tyron

 

 

 

" Thank you Sir, and one thing just think of it If there's no woman in this earth would a man have a loving children? Ofcourse not right? :smile: " - Alex

 

 

Napaka talino talaga nya.

 

 

After nyang sumagot rumampa ulit silang 5. Yung attention ko naka focus lang kay Alex hindi ko maialis ang mga mata ko sakanya. After ilang minutes inanunsyo na nila ang nanalo at si Alex nga ang Ms. Westcoast University. 

 

 

 

 

END OF FLASHBACK

 

 

 

 

Pero hindi alam ng mga tao na sa likod ng pagbabago ni Alex ay may isang pangyayari na malamang gusto na nyang makalimutan habang buhay.

 

 

Isang pangyayari na halos ikasira ng buong mundo nya. Isang pangyayari na nagpakasakit sakanya at iniyakan nya ng sobra. Halos masira ang buhay nya dahil sa pangyayari yun. 

 

 

Kahit naman kasi isang commoner nerdy student lang si Alex noon nagkaron sya ng boyfriend, first boyfriend. Sino ba naman kasi hindi maiinlove sakanya? Kahit may paka " geek/nerdy " siya nakakainlove naman kasi yung ugali niya napaka bait, sweet, thoughtful at higit sa lahat maalagain. 

 

 

John Andrew Lee ang pangalan ng first boyfriend ni Alex, player ng volleyball team ng Westcoast. As usual sikat si Andrew sa buong Westcoast kasi nga Varsity at magaling din naman kasi na player si Andrew. 

 

 

Nung nalaman ng mga kaibigan ni Alex na si Andrew ang first boyfriend nito yung iba sakanila tutol yung iba naman masaya. Bakit tutol? Kesyo sasaktan daw at lolokohin lang si Alex eh natatakot kasi sila sa pwedeng mangyari kasi first boyfriend ito ni Alex. 

 

 

Kahit tutol yung ibang mga kaibigan ni Alex sa relationship nya hindi nya ito pinansin, hinayaan lang ni Alex ang mga ito. Sinabi din kasi ni Andrew na inggit lang yung mga yun kasi si Alex ang pinili nya. Umabot pa nga si Alex at ang mga kaibigan nya sa pinapapili nila si Alex kung barkada or si Andrew syempre bilang first relationship ni Alex si Andrew pinili nya ito. Tinalikuran nya mga barkada niya at pinaglaban si Andrew. 

 

 

Naging ayos naman relationship nila, ni hindi nga alam ng tropa at ka team ni Andrew na girlfriend nya si Alex eh. Sinisikreto kasi nila. Nung una okay lang kay Alex pero nung tumatagal na nagtataka na siya kung bakit ayaw pa din ipasabi ni Andrew. 

 

 

At si Andrew naman puro alibi kesyo ayaw nya masira yung relationship nila, pinoprotektahan niya si Alex sa mga tao. Etc.. At si Alex? Naniwala sa mga sinabi ni Andrew kaya hinayaan na lang niya ito at pumayag siya na S.R ( Secret Relationship ) .

 

 

Habang tumatagal lalong nahuhulog ang loob ni Alex kay Andrew lagi kasi nitong sinasabi na si Alex na ang huling babaeng mamahalin nya kung  minsan nga pinag uusapan na nila ang future kaya naman si Alex tinatak nya sa utak nya na si Andrew na ang UNA'T HULING lalaking mamahalin nya. 

 

 

Pero sa likod ng sweetness ni Andrew hindi alam ni Alex na hindi lang sakanya ginagawa yun ni Andrew, may isang girlfriend pa si Andrew at hindi toh alam ni Alex. Nasa ibang school kasi ang totoong girlfriend ni Andrew kaya naman pala ayaw ipaalam ni Andrew na sila ni Alex kasi may totoong girlfriend siya. 

 

 

Ginagamit lang pala niya si Alex ti-nake advantage ni Andrew ang kabaitan ni Alex, kung minsan kasi si Alex na ang gumagawa ng mga homeworks at project ni Andrew. Pero ayos lang yung kay Alex mahal na mahal naman kasi niya si Andrew. 

 

 

January 3, 20** ang dapat sobrang MEMORABLE na anniversary ay ang naging pinaka kasumpa sumpa na araw kay Alex..

 

 

Anniversary ni Alex and Andrew ang araw na yan, sa kagustuhan ni Alex na ma surprise si Andrew napag desisyunan niyang puntahan si Andrew sa bahay nila. 

 

 

Nung dumating si Alex sa bahay nina Andrew nabaligtad ang sitwasyon, ang dapat na si Andrew ang ma bibigla ay naging si Alex. Naabutan kasi ni Alex si Andrew na may kayakap na babae habang nanunuod ng movie. 

 

 

Nabitawan ni Alex yung dala niyang cake na dapat anniversary gift niya. Nabigla si Andrew nung nakita niya si Alex. Napatayo siya pati yung babaeng kasama ni Andrew. 

 

 

" Uhh babe sino siya?- Girl

 

 

" Ha? Ah eh...- Andrew

 

 

" N--nako (halata sa boses niya na maiiyak na siya) A--andrew so..sorry n--nabi--bitaw--an ko yung c--cake na inorder mo p--para sa girlfriend mo..- Alex

 

 

Pag kasabi niya nun pinulot niya yung cake at tumakbo paalis. 

 

 

Walang official breakup pero gets na naman na wala na si Alex and Andrew. Ilang linggong hindi pumapasok si Alex sa school napabayaan na nga niya pag aaral niya eh. May narinig din ako na balita na titigil na si Alex sa pag aaral dahil sa pag aaral. Halos 3 weeks ko din syang hindi nakikita noon. 

 

 

Pero one day nagulat na lang kaming lahat nung nakita naming pumasok si Alex ang lalong kinagulat namin ay yung itsura niya ibang iba kumpera sa dati. Lalo syang gumanda yung buhok niya iba na, yung eye glasses niya wala na, porma niya ibang iba na din.  Pero yung ugali nya katulad pa din ng dati. 

 

 

Nilapitan ko noon si Alex pero humarang agad mga kaibigan niya.. 

 

 

" Sorry pero ayaw makipag usap ni Alex sa mga boys. Allergic kasi siya eh so better back off.

 

 

Simula nun hindi ko na siya nalapitan o naka usap manlang.. 

 

 

" Hoy pare! "  *PAK*

 

 

Bigla akong natauhan nung sumigaw tong kasama ko at sinapok ako. 

 

 

" Ano ba?! Anak ng! Bakit mo ko sinapok?!- Ako

 

 

" Langya naman tol! Kanina pa kita kinakausap tulala ka na naman diyan! Iniisip mo na naman yung dati? Oh kinikwento mo na naman yung nangyari noon na pinagsisihan mo? HAHAHAHA!

 

 

" Psh! Ano ba kasi yun?!- Ako 

 

 

" Wala! Ayoko na ulitin! Pero pare maiba ako. Tagal mo na siyang hindi nakakausap at nalalapitan ah?

 

 

" 6 months na pare..- Ako

 

 

" Gag* ka kasi pare eh. Pinakawalan mo pa.

 

 

" Oo na ako na gag*!- Ako 

 

 

" Tingnan mo ngayon pareng Andrew hanggang tanaw ka na lang sa malayo hindi mo na siya pwedeng lapitan.." 

 

 

Oo tama kayo ng narinig. Andrew ang pangalan ko.. Ako si John Andrew Lee at yung babae na yun *turo kay Alex*

 

 

 

THAT GIRL IS.... 

 

 

MY EX GIRLFRIEND.. 

 

 

- END -

 


© Copyright 2020 IMSUSHI. All rights reserved.

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

Add Your Comments:

More Romance Short Stories