Pag-Ibig

Reads: 616  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
I believe that if you are meant for that person fate will let you meet again and again, so don't rush things especially when it comes to love

Submitted: October 25, 2015

A A A | A A A

Submitted: October 25, 2015

A A A

A A A


Saan nga ba nag uumpisa ang pag ibig? Hindi ba sa friendship? Lahat ng pag ibig ay nagsisimula sa pag kakaibigan, siguro mula sa tropa o kaya naman sa isang mixer o di kaya sa isang accidente o kaya naman sa iba pang pangyayari. Hindi natin alam kung yung taong inibig natin ay ang taong makakasama natin habang buhay, kaya pag umibig tayo umaapak tayo sa linya kahit alam nating delikado at masakit.


Sa pag-ibig, hindi mawawala ang sakit at saya. Kahit anong iwas mo sa sakit ng pag-ibig may masasaktan, ma pa ikaw man o ang ibang tao. Marami ring takot sa pag-ibig lalo na yung mga first timer, takot sila masaktan o makagalitan ng magulang, eh ano ngayon? Makagalitan kung makakagalitan, masaktan kung masasaktan, wala ka namang magagawa eh nag mahal ka lang naman.


Halimbawa ng pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang professor at nang kanyang istudyante, alam nating lahat na bawal ang relasyon ng guro at ng istudyante pero may magagawa kaba? Wala, nag mamahalan sila, papagitan ka? Bago ka pumagitan sa pag-ibig nila ilagay mo muna ang sarili mo sa lugar nila, alamin mo ang takot na naranasan nila, ang hirap na dinaanan nila, ang sakit at lungkot dahil hindi sila pwede Makita ng iba.


Hindi natin maiwasan umibig kahit alam nating mali ang taong inibig, ano ngayon kung ang inibig mo ay isang gangster? Ano ngayon kung ang inibig mo isang pulubi? Umibig ka diba? Ibig sabihin kahit ano pa sya mahirap o mayaman minahal mo sya hindi dahil sa itsura o sa kung anong meron sya kundi kung ano sya.


Maraming nag hahanap ng gwapo, maganda at mayaman ngayon to the point na nag hahanap sa ibang bansa. Paano naman yung mga naiwan? Yung mga naiwan na kahit hindi gwapo o maganda, ubod naman ng magandang ugali. Naghahanap tayo sa maling lugar at di man lang inisip na baka ang inibig mo sa ibang bansa ay ang mismong papatay sa natitira mong ka inosentihan.


Marami na ang iniwanan at ipinag-palit, may mga nag pakamatay at nag durusa pero pag-ibig lang yan, iniwan ka man dapat tangapin mo dahil hindi nya alam kung sino ka at di ka nya na a-appreciate. Ipinag-palit Kaman tangapin mo dahil hindi nya alam na ang pagpalit sayo ay isang malaking panghihinayang dahil iisa kalang wala kang katulad. Hindi natin kailangang mag hanap dahil darating at darating ang araw na mahahanap mo ang taong nararapat sayo.


Lagi nating sinasabi na mag-isa tayo o kaya wala ka nang kasama dahil iniwanan ka ng minamahal mo, tandaan hindi ka mag-isa, simula ng ipinanganak ka, mula sa mga sekreto at kahihiyan, may isang tao na hindi ka iniwanan. sinubaybayan ka mula sa pag-iyak hanggang sa pag ngiti, mula sa sakit hanggang sa pag galling, mula sa kapanganakan hanggang kamatayan hindi ka nya iniwanan, ikaw lang ang nakalimot. Sana matandaan mo kung sino ang taong iyon, kung ikaw ay nakalimot o naguluhan kung ano nga ba ang pag-ibig. Ang pag-ibig ng taong iyon ay makapangyarihan at kahit sinong tao walang makakatalo dahil sa piling nya hindi ka masasaktan.
 


© Copyright 2019 JaceyM. All rights reserved.

Add Your Comments: