"Bulag"

Reads: 918  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 2

More Details
Status: Finished  |  Genre: Literary Fiction  |  House: Booksie Classic
This short story is one of my Filipino short stories I've written. This is only a sample of mine, I have more of it.
To all Filipino subscribers now you can just read some of mine because I know that you're only who can understand this kind of story written in Tagalog or Filipino language.
To those who cannot understand this kind of story, I apologize you for its strangeness. I don't have time to revise it or to make a translation in English, but just hope I'll make a translation so you can enjoy reading of it.
Background of the story:
It's so nice story...
It will touch your heart and mind...
It's about the life of a blind young girl...
Who wishes to die instead to live for long time with no longer happiness because she couldn't see anymore...
She's always crying every time the sun rises and until it fades...
Have a mercy...it's so touching...

Enjoy reading...
If you wish more of mine...just send me message:(marvin_0269@yahoo.com.ph) or just make a note on my account...
thank you!
Hope you'll love this....

Submitted: March 16, 2009

A A A | A A A

Submitted: March 16, 2009

A A A

A A A


“Bulag”

Ni: Marvin Mondero Macatantan

SUMIBOL na naman ang bagong umaga na siyang laging ikinatutulala ng mga maririkit na bulaklak, sapagkat napagkakaitan ng ngiti’t lambing ng araw na nikat kung sa sandaling napapawi ang lamig at hamog. Ang tuwinang umagang Ikinaluluoy ng mga dahon ng halaman, sapagkat ang sumasalubong na umga’y may lumbay na inililihim at ipinipitas sa mga nangasisibangong dilag.

Madalas ang pigil na pagluha ng isang dalagita sa tuwing aangat ang araw na nagsasabog ng mga nangagsisiluksaang banaag na siyang lalong nagpapalumo sa mga matang di makaaninag ni kahit isang silahis ng araw.

Sa walang kibong pagkakaupo niya sa pagpanhik ng hagdanan ay matamang inaaninaw ang bagong sibol na nikat na araw, subalit walang makita ni isang kurap ng liwanag kundi dilim at luhang humuhugas sa kanyang balintataw. Ilang oras, ilang araw, ilang lingo, ilang buwan at ilang taon ang lumipas subalit walang pinag-iba ang mga panahon: malamig, mainit, malungkot at madilim. Walng ipinag-iba’t pinagbago ang tuwina niyang paghikbi, ang pagpatak ng sariwang luha’y di masukat mabilang. Angaw-angaw, labis-labis ang pumapak na luha sa lupa. Ilang bilang din ng malim na paghinga ang sumumpa sa walang siglang hanging humihihip na bagay na gumugiyagis sa loob ng kanyang dibdib. Pumipintas din ang ingay ng mga daluyong sa dagat., subalit ang ingay na yao’y siyang nagpapaligaya sa kanyang pandinig ; ngunit di mawari. Ang mga ibong nagsisilipara’t umaaligid ay umaawit din sabay sa pagluha ng bagong umaga, ngunit ang mga awit na iyo’y malulungkot na awitin.

Mula pagsilang ay ipinagkait sa kaniya ang liwanag. ‘di niya matanggap ang mundong sinapit. Hanggang ngayo’y di mailarawan ang mga ng mga magulang. Lahat ng bagay ay Malabo at madilim. Sa ganagkanya’y wala ng silbi ang buhay. Bakit pa nagpapatuloy ang paghinga kung di naman namamalas ang ganda ng daigdig? ‘Di niya masariwa ang mga bagay sa paligid. Kay-dilim! Walang kasing dilim ang bumabalot sa kanyang paningin , walang kasing salimuot ang kinalalagyang panahon. Waring ang nararamdaman lang ay ang kasungitan ng umaga, haponat gabi, sapagkat naglalaho ang init, lamig at mga sarisaring tinig na siyang lalong madalas niyang ipagtangis.

Nauulinigan niya ang mga boses ng m,ga batang naglalaro sa pampang. Naghahabulan, at ang mga tawanan nila ay siyang nagpapahinahon sa loob ng isang bulag, at ito rin ang madalas niyang sinasalubong: ang mga matitining na tinig ng mga masasayang bata. At sa pagkakataong yao’y gumuhit sa kanyanhg mapuputlang labi ang ngiting nais masilayan ng butihing ina. At sa pagngiti niyang yo’y sabay sinalat ang mga luha sa mga mata’t pisngi.

“Inay, Inay!” tinig ni Emie, habang tumatayong paakyat ng hagdanan.

“Sandali! Kumapit ka’t humawak, baka ika’y mahulog, sandal!” tinig naman iyon ni Aling Emilie, ang kanyang ina. At sa sandaling pagpanhik ng anak ay agad niyang anakay ang mga kamay na kumakapang walang-ingat.

“Sinabi ko na sa’yong h’wag papanhik ng mag-isa.”

Nakalantad ang mukha ni Aling Emilie sa mga mata ni Emie, subalit malabo’t walang liwanag. Malungkot ang mukha ng ina. Napansin na naman niya ang pinagtuyuan ng mga lugha sa mga pisngi ng anak.

“Bakit?” marahang tanong ng ina, at sa pagbuntunghininga’y waring sumusungaw ang kumikinang na tubig sa dalawang mata.

“Inay,” at inilahad ang isang kamy na naghahayag na hawakan ng inang nasa harap, “hawakan po ninyo ang aking mga kamay, gusto ko pong maramdaman ang init sa inyong palad…”

Sa pagkakatalastas niyang ‘yon ni Emie’y tumagistis nang gayon na lamang ang luha ni aling Emilie. Kanyang hinawakan ang mga kamy ng anak, at sa pagkahawak niyang yao’y siya ang nakaramdam ng init ng palad ni Emie.

“Ano bang sinasabi mo?”pigil ang tinig.

“Maliwanag na po bas a labas? Si Kaloy, ang kapatid ko, naririnig kop o ang boses niya, sa may malayo, may mga kasama po siya, masasaya po silang lahat, Inay!”

Muling dumaloy ang mainit niyang luha. Magkahalong lungkot at saya ang ipinaghihinagpis. ‘Di mapigilan ng ina ang sumabay sa pagluha ng anak. Isang patak, dalawa, hanggang lumabis ang luhang pumapatak.

“Oo, anak, maliwanag na maliwanag na sa labas. Matamis ang ngiti ng araw…”hinagod niyang marahan ang dalawang kamay na hawak.

“Nakita ko po, Inay. Nakikita ko rin ang amga bata sa pampang sa buhanginan, at si Kaloy, masayang-masaya po! Naririnig ko ang paghampas at pagbagsak ng mga alon sa dagat, at ang dalisay na pag-awit ng mga ibon, masasayang awitan po ang kanilang inaawit!”

Walang kabalintunaan ang mga bigkas niyang ‘yon; subalit sa loob-loob niya’y masalimuot. Totoong nakikita niya nag mga masasayang bagay, subalit walang hugis ni kulay. Masakit. Waring tinig lamang ang nagbibigay ng buahy sa kanyang mga nakikita, dahil ‘yon sa kanyang imahinasyon. Sa kanyang malawak na imahinasyon nagkakabuahy ang isang bagay: ginagawan niya ng sariling anyo, subalit ‘di nioya tiyak kung magkapara nag mga bagay na kanyang nakikita sa kadiliman sa tunay.

“Nalulungkot ka ba, anak?”

“Hindi ho, masayang-masaya nga po ako kasi naririyan kayo sa tabi ko. Naririnig kop o ang inyong tinig. Kayo po ang nagbibigay sa’akin ng liwanag, sa pamamagitan po inyong mga mata’y nakikita ko ang kagandahan ng Daigdig!”

Walang tigil ang pagdalaoy ng luha sa kanyang mga mata. Ang mga mata niyang yao’y nakabukas, nakatitig sa mukha ng ina, subalit ay madilim!

“H’wag kang magsinungaling, anak, itinatago mo ang iyong lungkot. H’wag mong sabihin sa’akin na ika’y Masaya, sapagkatnakikita ko ang mga luha sa ‘yong mgas mata. H’wag mong gawin, anak, nakikita ko, ayokong ika’y nagkakaganyan. Kasalana ko, oo, kasalanan ko ang kawalan mo ng paningin, ngunit iya’a di ko kagustuhan, anak. ‘Di ko kagustuhang iluwal ka nang walang paningin, ang iluwal ka sa madilim na daigdig!”

Lumalakas, pabugso-bugso ang paghikbi, malalim at masakit sa dibidb sapagkat naninikip, bumabara at pumipigil sa pintig ng puso.

“Kayo po ang nagsasabi niyan, Inay, lumuiluha po ako dahil iyon sa kaligayahan..”

“H’wag mong sabihin ‘yan, h’wag mo kong gawing bulag sapagkat nararamdaman ko’t nakikita ko ang iyong dalamhati, ang lungkot at poot sa ‘yong mga mata, tanggapin mo na lang anak, patawarin mo ako…”

“Inay naman bulag na nga ako’y di niyo pa mainitndihan. Totoo po, nalulungkot po ako’t napopoot, pero ‘yon po’y dahil sa karimlan sa akingpanaginip, nginit kayo rin naman po ang nagbibigay ng liwanag sa’kin, masaya na po ako, Inay!” lumalakas ang tinig ni Emie.

“Kasalanan ko, kasalanan ko…” tumayo ang ina’t dumungaw sa bintana. “hinihiling kong sana’y ako na lang ang nagging bulag, kaysa ikaw! Masakit atni walang kasing sakit ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang ganyan, lalo pa’t ikinukubli mo ang iyong pagdaramdam, ayokong habambuhay kang maging ganyan!”

Walang silbi ang pagpunas sa dumadaloy na luha sapagkat walang tigil ang kanyang pag-iyak.

“Hirap na po ba kayo, Inay? Sabihin po ninyo, at handa na akong mamatay sapagkat wala naring silbi ang aking buhay!”

“Bakit mo sinasabi ‘yan? H’wag mong ipintas sa akin, anak, mahal na mahal kita, ngunit wala akong magagawa, ‘yan ay kagustuhan ng Diyos. Ang magagawa ko lamang ay tanggapin ang kapalaran mo, at ikaw lamang, anak, ang pwedeng tumanggap sa sarili mo upang pumanatag na ang kalooban mo, anak, manalig ka sa’kin at mismo sa Diyos! H’wag kang mawalan ng pag-asa, anak ko!”

“Bakit ba, Inay, ang parating tama, at mabuti ay ang kagustuhan ng Diyos, na kahit na ito’y masama sa kanyang nilikha, bakit?”

Hindi lang ito ang umagang pinagtalunan ng mag-ina. Ang tungkol sa kapansanang higit na mahirap at masama sa anumang uri ng kapansanan. Ito’y ‘sang kapansanang higit pa sa lumpo, higitm pa sa naputulan ng kamay at paa, ang maging isang bulag!

“Hindi ko masasagot, sapagkat ni akoma’y pulos sa maraming katanungan sa Maylikha! Bakit ka nagkakaganyan, anak, bakit?”

“Hindi ho,” tulala paring ‘di maikurap ang mga mata,” mas mabuti pong wakasan na ang buhay ko kaysa habambuhay na magiging ganito. Sapat na ho, Inay, ang ilang taong pamamalagi ko sa madilim na mundong nakikita ko, gusto ko na pong mamahinga nang tuluyan upang ‘di na mamalas ang kapintasang idinudulot sa’kin ng marami, at ‘di ko narinnaman naranasang may umibig sa aki’t ilayo sa inyo nang kayo’y guminhawang wala nang inaalala.” Mahapdi na ang kanyang mga mata dahil sa walang humpay na pagtangis.

“Ano bang gusto mong gawin ko? Hindi mo ba nadadama ang pagmamahal naming ng amo mo, ng kapatid mo’t akong mismong ina mo? Sa tingin mo ba’y walang silbi’t halaga ang paghihirap naming nakikita kang ganyan? Wala na bang silbi ang pag-ibig ng Diyos sa’yo? Anak, tanging ang Diyos lamang ang magbibigay ng ‘yong buhay sa mundong ito, at ang naghahari sa ‘yong puso upang ika’y ‘di mapahamak. Pagtanggap lamang ang tangi mong magagawa, h’wag kang bumitaw! ‘Di hadlang ang kawalan ng paningin upang mabuhay, anak, ‘yan ay isang pagsubok lamang.”

Muling humarap si Emilie sa anak at lumuhod. Naroroon parin sa kanyang mukha ang pag-aalala, takot at awa sa anak na tulalang nakatitig sa kanyang mga mata. Muli niyang hinawakan ang mga kamay ng anak. Naramdaman ‘yon ni Emie at sa sandaling pagbuntunghininga’y muling tumagistis ang luha.

“Nasa’n na po ang sinasabi n’yong pag-ibig ng Diyos? Inay, oo’t bulag ako, ngunit ako’y may pakiramdam at marunong umunawa, h’wag niniyong sabnihin na ang Diyos ay umiibig sa aking ako po ang saksi mismo sa aking sarili, wala po akong makitang liwanag kundi dilim; nayon ho, sabihin n’yo kung nasaan ang pag-ibig ng Diyos? ‘Di ho sapat ang aking puso, sapagkat ni larawan ninyo’t Kanya’y ‘di ko maanino; mula pagsilang ay walang liwanag kundi karimlan ang bumabalot sa aking Mundo!”

“Ba’t ka ba nagkakaganyan? H’wag mong isumbat sa Panginoon ang sinapit mo, ‘di lang ikaw ang may ganyang kapansanan, manlig ka anak, manalig ka’t h’wag bumitaw. Hirap ka na anak, hirap ka na…”

Dumadalas at lumalakas ang walang tigil na paghhikbi. At sa walang tigil na pagpupuyos ni Emie ay idinampi’t sinala-salat ni aling Emilie ang luha nito, subalit si Emie’y sumusumbat parin.

“Inay, wala na hi akong pag-asa, alam ko hong ‘di panghabangbuhay ang ganoon, ayaw ko lamangpo na kayo’y nahihirapan at nakikibahagi sa aking paghihirap.”

“H’wag mo nang dagdagan pa, tama na, tama na!”

“Bayaan n’yo lang po ‘kong magsalita sapagkat dito ko lamang nalalabas ang kaligayahan ko, ang tumangis at magsalita nang marahas! Inay, kamatayan lamang ang tanging hinihintay ko upang magtapos na ang aking pagdurusda, sapagkat wala na ‘kong mararating kundi ang Kamatayan! Alam kong ganito rin ang ibig ng mga may kapansanang tulad ko, ang kanilang kamatayan! Sapagkat, sila’y mga inutil, kami’y mga inutil!

Kagyat na niyapos nang mahigpit ni aling Emilie ang anak, at sa pagluha parin niyang walang tigil ay sumubok paring magsalita upang ilayo ang anak sa dilim na kinalalagyan at ang inaasal na ‘di karaniwan sa kanya.

“H’wag kang magbiru! Ikaw ay mahalaga sa amin, ikaw ay isang anghel na ibiniyaya ng Diyos, ano ba, ba’t ka nagkakaganyan? ‘Di mo ba kami iniisip? ‘Di mo ba kami mahal? Iyan sana ang pagkaisipin mo, Emie. Ang mga mata naming ang magsisilbi mong liwanag, anak, magpakatatag ka, h’wag kang patalo sa dilim, ‘di mo lang natatalos at nakikita na ang liwanag ay nasa paligid mo lamng.”

At sa mga oras na yao’y yumakap naring mahigpit si Emie sa ina at lumuha nang pagkasakit-sakit. Bumabakbak ang himutok niya sa dibdib ng ina sapagkat ramadam na ramdam ni aling Emiliem ang salimuot at init ng damdamin ni Emie.

“Tama na, tama na. H’wag ka nang mag-isip ng gayong mga bagay, muli kang tumawag sa Diyos at isuko muli ang sarili mo at ituloy ang pananampalataya at h’wag mong pabayaan na sirain ng dilim ang ‘yong pananalig, anak ko.”

Natauhan ang dalaga sa mga asalitang yaon ng ina.

“Inay, Inay, salamt pos a inyong pagmamahal at ipagpatawad ninyo ang aking mga in=biigkas,” nasasalat parin ang mainit na luha.

“Hindi, wala kang kasalanan, Emie, anak, mabuti’t nalaman ko ang iyong nasasaloob, at h’wag ka nang malungkot, hanggat kami’y nabubuhay ng ama’t kapatid mo’y di ka naming pababayaan, ipagtatanggol ka namibn kaniniuman kahit sa dilim!”

“Salamt pos a liwanag ng inyong puso, ako po’y natauahan.”

At sa pagtahimik nilang pinawi ang pagluha’t paghikbi’y pumanhik ang kapatid niyang si Kaloy. May dalang isang maliit na hawla. May isang ibon doong nakakulong.

“Inay, ate,” tinig ni Kaloy.

Hinawakan iyon ni aling Emilie ang hawlang kinalalagyan ng bulag na ibon.

“Bulag nga siya…pero buhay na buhay!” ani aling Emilie.

Umaawit-awit ang ibong iyon, ata ng kanyang tinig ay pinakikinggan mabuti ni Emie, at isang, sandali’y napangiti…

(Pagpasensyahan nyo na, hindi ko masyadong naayos ang pagtytype...yaan nyo...aayusin ko kung meron akong sapat na oras...maraming salamat ulit sa pagtangkilik)


© Copyright 2018 Libru. All rights reserved.

Add Your Comments:

Comments

More Literary Fiction Short Stories