Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 12
Reads: 659 | Likes: 0 | Shelves: 0 | Comments: 0
Script by: merrymary
"APAT NA TAONGLUMIPAS” (on-screen)
LOOB - CIVIL ENGINEERING CLASSROOM - ARAW
Bagong bukas ng klase. Katabi ni Marly si Sela, isang bestfriend niya sa kolehiyo. Napatingin si Sela kay Neil,bagong transferee, na kakapasok lamang sa loob.
SELA: (na-excite) Marly, tingnan mo iyong bagong kaklase natin, ang guwapo , mukhang Spanish. Neil ata ang pangalan niya.
MARLY: (pataray) Hay naku, hindi ako mahilig sa guwapo dahil papaiyakin lang tayo niyan.
SELA: O, kunwari pa 'to. Alam mo, galing iyan siya sa Cebu University, sikat di ba.
MARLY: Hay naku Sela, puede ba, huwag natin siyang pag-usapan. I’m not interested with him.
SELA: O segi na nga, talagang napakakill-joy mo. Seguro na-love hurt ka na ano.
MARLY: Matagal na iyon, four years ago pa. Kaya may sakit na ako sa phoebea pagdating sa mga love affairs na iyan.
SELA: Pero may kasabihan tayo, “Love is sweeter on the second time around".
MARLY: Sana nga pero huwag muna ngayon dahil gagraduate na tayo, baka maka-distract sa pag-aaral natin.
SELA: Kung sa bagay, may punto ka rin.
LABAS NG SCHOOL GATE - GABI
Pauwi na si Marly kasama ang kanyang tatlong barkada. Kumakanta pa sila ng “25 minutes too late”. Papasok si Neil sa kotse na minaneho nito.
SELA: (palapit kay Neil) Wow, bagong pintura a, sa iyo ba iyan.
NEIL: (umiiling) A hindi, nirepaint ko lang ito, nagpa-part time job kasi ako sa isang Welding Shop na malapit sa amin. Gusto niyong ihatid ko kayo pauwi, segi, sabay na tayo.
MAGKABARKADA: (pumalakpak) Yeheyyyyyy
SELA: (umaarte)Mas mabuti pa, at least libre na tayo ngayon sa pamasahe, sosyal pa ang dating.
Binuksan ni Neil ang isang pintuan ng kotse sa likod.
NEIL: Segi, umupo na kayo sa loob.
Nagtutulakan ang tatlo maliban kay Marly na nakatulala. Nakatindig lang siya sa labas habang nakatingin sa tatlong nag-aagawan ng upuan sa may bandang likuran.
SA LOOB NG SASAKYAN
SELA: (tumuturo) O Marly, doon ka na sa front seat, ikaw ang first lady ni Neil.
Umupo si Marly sa frontseat at si Neil sa driver’s seat.
JOY: O Neil, sino kaya ang magustuhan mo sa aming apat na magbestfriend.
NEIL: (napangiti sa tatlo) Pag-isipan ko munang mabuti ha.
Nag-umpisang nagmaneho si Neil.
ARLY: Akin lang siya ha.
SELA: Hindi, sa akin siya ano.
Lumingon si Marly sa likuran.
MARLY: (pabiro) Naku! tumahimik na lang kayong tatlo diyan, sa umpisa sa inyo nga siya, pero sa bandang huli, mapasaakin din siya ano.Nagtatawanan na lang silang lahat. Umandar na ang sasakyan.
NEIL: Baka gusto niyong mag-strolling muna tayo sa Montebird mountain resort kasi maaga pa, sabi super ganda raw ang view doon.
SELA: (pumapalakpak) O segi, maggala muna tayo total wala pa namang10:00 ng gabi.
JOY: Okay, let’s go baby.
SA ISANG MAKITID NA DAANAN (BUNDUKIN)
Road end na ang unahan nito.
SA LOOB NG SASAKYAN
ARLY: (napatingin sa paligid) Naku! ang dilim parito sa kinaroroonan natin saka halos mga damuhan ang nakapaligid.
JOY:(niyakap si Arly) Ha, may mga aso pang tumatahol na nakakapanindig ng balahibo.
SELA: Lord, tulungan niyo po kami.
NEIL: (tumingil sa pagdrive) puede ba mga girls magsibabaan muna kayo, i-tuturn back ko muna tong kotse. Pakitingnan na rin ang gulong baka susubra ako sa pagliko at maaring mahulog pa ako sa bangin.
SA LABAS NG KOTSE
Nagsibabaan ang mga babae maliban kay Marly.
SA LOOB NG KOTSE
MARLY: Ayokong bumaba, dito nalang ako.
NEIL:Segi Marly, till death do us part ha.
Dahan-dahang pinaikot ni Neil ang kotse pabalik. Bumalik na ang mga babae sa pag-upo.
SELA: Kayo ha, till death do us part, iba na yan a.
JOY: Naku! kayo na nga siguro ang magkakatuluyan.
ARLY: Imbitahan niyo kami sa kasal ha.
MARLY: (lumingon sa likuran) Huwag kayong magbiro ng ganyan, baka magkatotoo pa at iiyak pa kayong lahat diyan.
NEIL: (nagdadrive) O segi Mar, mas maganda nga kung ituloy nalang natin.
Napangiti nang alanganin si Marly, di na makaimik. Parang nabulunan ng laway.
NEIL: Segi, next time nalang tayo mag stroll sa resort dahil medyo mahaba na ang gabi, mag-aalas dyes na ata, baka masermonan na kayo.
MARLY: Mas mabuti pa nga.
SA LABAS NG KOTSE
Bumalik nalang sila sa daan pauwi.
Abangan ang Kabanata 13
© Copyright 2019 merrymary. All rights reserved.
Booksie Popular Content
Other Content by merrymary
Script / Commercial Fiction
Script / Commercial Fiction
Script / Romance