Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 2

Reads: 10872  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 4

More Details
Status: Finished  |  Genre: Commercial Fiction  |  House: Booksie Classic
Marly accepted Val as her lover inspite of her father's warning not to engage in love affairs while still studying. How she manage this issue, you better read the whole story.(Only Tagalog version)

Submitted: May 20, 2009

A A A | A A A

Submitted: May 20, 2009

A A A

A A A


LABAS - SA DAGAT -ARAW

Hinihila ni Val si Marly papunta sa medyo malalim na tubig. Tinuturuan siya kung papano lumangoy.

Maya-maya’y,

VAL: Marly, alam mo ba, enjoy na enjoy ako sa pagsasama nating dalawa ngayon. Gusto ko sanang ipagtapat sa iyo na mahal kita at nais kitang maging kasintahan.

MARLY (tinatampal ang tubig) Val, hindi ko talaga inakala na magkagusto ka sa akin. Alam mo, pinagbawalan kami ng Papa ko na makipagrelasyon sa lalaki habang nag-aaral pa.

VAL: Mag-aantay naman ako Marly.

MARLY: Tingnan mo, hindi ako maganda di katulad sa ibang kababaihan diyan. At sa dami ng nagkagusto sa iyo, ba’t ako pa ang pinili mo.

VAL: Oo nga, ang daming babae diyan pero iwan ko ba, ikaw ang napusuan ko. Para sa akin Mar, hindi mahalaga ang panlabas na anyo kundi ang laman ng loob.

Tiningnan ni Val si Fel sa malayo.

VAL: Noong una, nagandahan ako kay Fel dahil sa beauty niyang ala-Espanya pero dahilan sa ugali niya, nawalan ako ng ganang ligawan siya. At habang pinagmasdan kita, ibang-iba ka sa kanya. Iyang ugali mo, pananalita mo, nasa iyo lahat ng katangiang hinahanap ko sa isang babae. Kaya sana Mar, huwag mo akong bibiguin.

MARLY: Puede ba Val, bigyan mo ako ng pagkakataong makapag-isip-isip. Nabigla lang ako.

MARLY: (V.O)(tinitigan si Val) Gustong-gusto na kitang sagutin Val dahil crush din kita pero ayokong masabi ng tao na “Easy to get” ako kaya pasensya na.

Mukhang naiinggit ang iba nilang kasamahan. Si Sun (nakaupo sa tabing-dagat) na may gusto kay Marly. Si Emy naman (nakikinig sa usapan nila) na may gusto rin kay Val.

Lumalapit si Emy sa kinaroroonan nila. Nagpapa-pay attention ito kay Val.

MARLY: (mahinang boses) Tingnan mo si Emy, may gusto rin iyan sa iyo.

VAL: (umiiling) Ayoko sa kanya, ikaw ang gusto ko Mar.

Lumuwas silang dalawa sa tubig.

LOOB- SA JYEP NA SINASAKYAN NILA - HAPON

Bumabiyahe ang jyep pauwi. Tahimik lang si Marly na nakaupo sa gilid. Nasa bandang dulo siVal, tahimik din.

FEL: O Mar, anong nangyari sa iyo, ba’t ang tahimik mo diyan.

MARLY:Ha, a...wala, pagod lang ako at inaantok.

SUN: (nagseselos) Kunwari pa ito. Kung alam ko lang, ang saya-saya niyo ni Val sa dagat kanina.

MARLY: Sun, huwag ka namang ganyan. E, bakit ka galit sa akin kanina, hindi mo ako pinansin.Umiinom ka pa ng beer at naninigarilyo sa harapan ko. Ayoko pa naman sa close friend ko na ganyan.

FEL: (pataray) Sun, huwag ka ngang magselos kay Marly. May girlfriend ka na nga at gusto mo pang dagdagan.

SA TAPAT NG BAHAY NI MARLY

Huminto ang jyep sa tapat ng bahay nila Marly. Bumaba sila ni Fel.

MARLY at FEL:(Kumakaway) Byebye!

Kumakaway ang lahat pati na rin si Val. Umalis na ang jyep.

MARLY: Bye Fel.

FEL: Bye.

Naghiwalay sila ng landas.

LOOB - KWUARTO NI MARLY - HATINGGGABI

Nakahiga si Marly, di mapakali.

MARLY (V.O): Tunay ba kaya ang ipinagtapat na pag-ibig ni Val sa akin? Sa dami ng babae, at magaganda pa, bakit ako pa ang nagustuhan niya. Hindi kaya siya nagbibiro at pinaglaruan lang ako?Sa kapugihan niya, hindi kaya ako ma- insecure pag maging bf ko siya? Kung sagutin ko naman siya, papano nalang pag malaman ng Papa ko, hindi kaya ako tatamaan ng suntok nito? Diyos ko, tulungan mo akong makapagdecide tungkol dito.

LOOB - 4TH YEAR CLASSROOM - ARAW

Exam nila sa science subject. Pinamigay ni Maam Ver, Science teacher nila ang questionnaires sa bawat isa.

MAAM VER: Please avoid cheating. I’ll give you 30 minutes to answer the questionnaire.Okay, start now.

Binabantayan niya ang mga estudyante. Maya-maya’y,

MAAM VER: Class, punta muna ako sa Faculty room sandali.

Umalis si Mrs. Ver. Napansin ni Marly si Sunna napakunot ang nuo at nahirapan sa pagsagot ng questionnaire. Sumulat siya ng ilang sagot sa isang pirasong papel. Ipinasa niya kaagad ito kay Sun na nasa likuran niya.Nakatindig na pala si Maam Vergie sa may pintuan. Sa katataranta ay naitapon niya ang papel sa sahig. Lumapit agad si Maam Ver sa harapan niya.

MAAM VER:(galit) Saan na ang papel. Hanapin niyo.

Hindi ito natagpuan dahil agad pala itong inapakan ni Sun sa sapatos. Namutla si Marly sa takot. Mabilis niyang tinapos ang questionnaire. Ibinigay kaagad ito sa nasabing guro at mabilis na lumabas.

SA MAY HAGDANAN NG SCHOOL

Dumadaloy ang luha ni Marly habang tumakbo papuntang porch sa 2nd floor.

SA PORCH NG SCHOOL

Patuloy siya sa pag-iyak habang nakaupo.

MARLY: (umiiling) Ayoko nang tumulong sa kapwa, ako tuloy ang nadidiin, kasalanan ko naman kasi. Mali rin ang ginagawa ko.huhuhuhuh

Lumapit si Val.

VAL: (tumapat kay Marly) Marly, tumigil ka na sa pag-iyak, namumula na iyang mga mata mo.

MARLY:(tumitingin sa langit). Nahihiya kasi ako sa sarili ko.

VAL: Hindi naman natagpuan ni Maam Ver ang papel na pinasa mo kay Sun kaya kalimutan mo na ang lahat.

Binunot ni Val ang kanyang panyo sa bulsa. Ipinahid sa mga luha ng dalaga. Amoy AVON ito, napakahalimuyak.Agad natigil si Marly sa pag-iyak nang naamoy ito.

MARLY: (biglang napangiti) Ang bango naman nito.

VAL: A iyan, nilagyan ko kasi iyan ng perfume. Iyan, mas maganda pag nakangiti ka.

MARLY:(tiniklop-tiklop ang panyo) Nakakahiya kasi, kailanma’y hindi na iyon mauulit pa.

VAL: Alam kong napakamatulungin mo sa kapwa kaya lang bawal kasi ang mamimigay ng answers tuwing exam.

MARLY: Oo nga , inamin kong kasalanan ko talaga.

VAL: Pero at least aware ka na ngayon, di ba. Smile....

Natahimik ang dalawa ng isang minuto.Nagmamasid sa paligid.

VAL: Siya nga pala Mar, mag-iisang buwan na, wala pa akong narinig na kasagutan mo tungkol sa inalok kong pag-ibig sa iyo. Sana Mar sagutin mo na ako ngayon.

Napaiglat si Marly sa langit.

MARLY: O segi na nga, sinagot na kita.

Napalundag ang binata sa tuwa.

VAL: Wow! thanks Mar, I promise, mamahalin kita nang tunay at tapat. Segi uwi na tayo, mag-aalas 5 na ng hapon.

MARLY: Mauna ka na.

VAL: Okay, honey bye.

Umalis si Val na subrang laki ng ngiti, mukhang tinamaan ng lotto. Napatitig si Marly sa binata habang ito’y naglalakad pauwi.

MARLY:(huminga ng malalim) Magsaya ba ako dahil sa pagkaroon ng boyfriend na napakacharming at napakagentleman,o kaya’y maging malungkot dahil tiyak na lagot ako pag nalaman ito ng mga magulang ko.Pero papano ko mapigil ang sarili ko lalo nang may gusto rin ako kay Val. So come what may na lang.

LOOB - 4TH YEAR CLASSROOM - ARAW

Nakaupo sa harap si Mrs. Lida, School head, guro sa English at ina ni Marly.

LIDA: Okay class, last week I have told you to make your own poem for today’s recitation. Those who have now, kindly raise you hands up.

Apat ang tumaas ng kamay.

LIDA: (napakunot ang noo) O apat lang ba? Okay, Marly. You come here in front and recite your own poem.

Tumindig si Marly sa gitna. Medyo kinakabhan, napatitig siVal sa kanya.

MARLY: Good morning to all, the title of my poem is:

“MY TEENAGE LOVE”

You've been my love and earthly inspiration

Cherished each moment with sweet passion

Wond'ring if it is real or just mere infatuation

How hard to stop this feeling of mine affection.

*********

My heartbeats run so quick and so fast

Like a splashing waves in the great ocean

Rushing through the seashores beyond

Swinging and dancing with joy and fun.

*********

Along the meadows of oceanic green parks

Being with you there is joy in my heart

In laughter and tears you stand by my side

To share our tremendous feelings of love.

***********

Each day I take you're always in my mind

Such person like you is so rare to find

God surely knows the secret of my heart

And understand this crazy feeling of mine.

Laki ng ngiti ni Val. Pumalakpak ang lahat matapos.

MAAM LIDA: What a nice poem Marly, very inspired ka ata a.

Tinutukso sila Marly at Val ng mga kaklase nila.

Abangan ang Kabanata 3

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED


© Copyright 2018 merrymary. All rights reserved.

Add Your Comments:

Comments

avatar

Unknown

avatar

Author
Reply

avatar

Unknown

avatar

Author
Reply

avatar

Unknown

avatar

Author
Reply

avatar

Unknown

avatar

Author
Reply