Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 31

Reads: 842  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Marly arrived in Manila for the first time. Just seeing around Manila Bay, she already wanted to go back home. How bad was the air she inhaled. But then she realized why not go on trying.

Submitted: May 26, 2009

A A A | A A A

Submitted: May 26, 2009

A A A

A A A


LABAS - PORCH NG BARKONG SULPICIO LINE - GABI

Nakatindig si Marly sa may gilid ng barko.Nakatingin siya sa mga tao na nasa pier. Papaalis na ang barko.Tumutulo ang mga luha niya.

MARLY:(V.O) Paalam na mahal kong Neil. Hindi na kita pinaalam sa gagawin kong paglisan dahil ayokong mag-iiyakan pa tayo. Segurado akong tutol ka sa desisyon kong ito pero wala na akong magawa kundi susundin ang agos ng aking buhay. Wala nang urungan kundi harapin ang kasalukuyan at hinaharap. Alam kong ang paglisan kong ito ay sadyang kalooban ng Diyos dahil lahat ng mga kinailangan ko ay kusa Niyang ibinigay nang walang kahirap-hirap. Ano kaya ang maging patutunguhan ko sa pakipagsapalaran kong ito. Tayong dalawa kaya ang magkakatuluyan sa huli, lalo na ngayong nasa napakalayong lugar na ako.(malalim ang hininga) Huwag na nga akong mag-isip, alam kong nasa kamay ako ng Diyos kaya there’s nothing to be worried.

Pumasok siya sa loob.

SA COTTAGE NIYA

Umupo si Marly. Lumikha ng Tula para sa mahal niyang si Neil.

ANG AKING PAGLAYO

Labag man sa ‘king puso at isipan

Na tayo’y magkalayo, my dearest one

Ngayon ako'y nasa malayong karagatan

Hinahangad ang magandang kapalaran.

*********

Mga matatamis nating mga ala-ala

Ang siyang lagi kong ginugunita

Sa hirap at ginhawa ay magkasama

Makamit lamang ang ating mga inaasa.

**********

Kasalukuyang may trabaho ka na

Samantalang ako’y naghahanap pa

Pagiging topnotcher ko’y binaliwala

Sa mga inapplyan kong kompanya.

***********

Kaya ako’y nagpasyang lumayo muna

Kahit puso ko’y labis na nagdurusa

Sinadyang di magpaalam sa ‘yo Sinta

Baka di mapigilang mag-iiyakan pa.

***********

Sana tayong dalawa ang magkatuluyan

O anong langit sa aking puso, Mahal

Ngunit kapag sa Diyos ito’y di kalooban

Masakit man ngunit tanggapin na lamang.

PORCH NG BARKO - BANDANG HATINGGABI

Nakatindig at nakatanaw si Marly sa malayo, sa maitim na karagatan. Maliban sa barkong sinakyan nila ay napakadilim.

MARLY: (V.O)Napakaitim ng kulay sa buong karagatan at sa buong paligid. Parang mailarawan ko sa buhay ng tao na tila isang barkong lumalayag sa malawak at malalim na karagatan. Minsa’y hinahampas ng mga bagyo’t malakas na ulan at hangin. Kaya kapag ang isang tao ay walang Panginoon sa buhay niya na nagsilbing Ilaw sa kanyang mga landas, ay maihahambing sa isang barko na walang liwanag, at madilim ang paligid.

Marahan siyang naglalakad sa kabilang porch. Napakaginaw.

MARLY: (V.O) (tulala) Ano kaya ang maging kapalaran ko sa Maynila? Makakahanap kaya ako ng trabaho? Ano kaya ang mangyari sa relasyon namin ni Neil ngayong malayong-malayo na ako sa kanya? Mananatili pa kaya ang labis naming pagmamahalan? (umiiling) Tila Diyos lamang ang nakakaalam.

LOOB - SA ECONOMY CLASS NG BARKO- MADALING-ARAW

Nagising si Marly sa annnouncement ng barko.

DESK OFFICE:(OFFSCREEN) To all passengers on board, we are now approaching Manila Bay. Please pack up all your luggage and wait for our further announcement.

Tiningnan niya ang kanyang relo. Mag-aalas dos ng umaga. Binitbit niya ang kanyang mga gamit. Lumabas siya kaagad papuntang porch ng barko at excited na excited na makita ang Manila bay.

SA PORCH NG BARKO

Tumingin siya agad sa pier. Bigla niyang nalanghap ang mabaho’t umalingasaw na amoy rito . Tinakpan niya ang kanyang ilong.

MARLY:(V.O.)(kumunot ang mukha) Ang baho! Ang dami kasing basuhang lumulutang sa tubig. Naku ganito pala kabaho ang look ng Maynila. Babalik na lang kaya ako sa probensya, napakapresko pa ng hangin doon. (lumingon sa kabila) Ay, hindi puede, kailangan ko paring sumubok. Malay ko baka dito pa ako swertehin. Andito lang naman ako, di, itutuloy ko na ang aking pakikipagsapalaran sa lugar na ito no matter what it caused.

Tumigil na ang barko.

DESK OFFICER: (OFFSCREEN) “We are now in Manila Bay. Enjoy your stay in Manila”.

Pababa si Marly sa hagdanan nang sinalubong siya niBert.

BERT:(tumuturo) Ikaw si Marly, iyong pamangkin ni Betty?

MARLY: Opo. A, ikaw pala si Mang Bert.

BERT: Oo, dating kabitbahay namin si Ate Betty mo noon, pinakiusapan niya akong sunduin ka rito. Sumunod ka nalang sa akin.

MARLY: Okay po ty.

Binitbit ni Mang Bert ang maleta. Sumunod siya sa kanya palabas. Kasama ang kanyang asawa’t dalawang boarder.

SA LOOB NG BOARDING HOUSE NILABERT SA TONDO

Pumasok sila sa loob.

BERT:(binaba ang bitbit na gamit) Marly, boarding house namin 'to. Maraming mga boarders dito na nag-aaply para abroad. Sa tapat diyan sa kabilang kalsada ay makikita mo ang Smoky mountain. Makitid lang iyong kwuarto sa itaas kaya pagtiisan mo na. Makakasama mo ang anak naming babae sa kwuarto. Segi akyat tayo sa taas para makapagpahinga ka na.

MARLY: Salamat po.

Binitbit nila ang mga gamit at umakyat sa hagdanan.

SA LOOB NG KUWARTO

Pumasok sila sa loob. Ibinabaang gamit ni Marly.

BERT: Pasensya ha, maliit lang ito. Segi, dito ka mamamahinga.

MARLY: Okay po, thank you.

BERT: Segi baba na ako, ikaw nang bahala diyan ha. pag may problema, sabihin mo na lang.

MARLY: Opo.

Umalis siBert. Umupo si Marly sa may higaan na yarisa kawayan. Napatingin-tingin sa paligid.

MARLY (V.O.): Ang cute naman ng higaang ito, magkakasya kaya kaming dalawa ng anak ni Mang Bert? Pero mas mabuti na lang ito kaysa wala.

LABAS -PALIGUAN NA NASA LIKOD NG BAHAY- ARAW

MARLY:(V.O)(namangha) Wa, ang baho ng paligid dito, naka-stugnant iyong mga drilling at mga canal sa ilalim. Pa’no kaya namumuhay ang mga tao rito, napaka-unsanitary. Pero seguro nababaguhan lang ako, masasanay rin ako. Huwag nga akong paarte-arte, nakikitira lang ako rito. Naalaala ko tuloy ang pamamahay namin sa probensya. Kahit naghirap man kami pero para akong senyorita dahil may housekeeper lagi, tsaka malinis at presko ang kapaligiran . But I think God has a purpose kung bakit ako napuntang Maynila lalo na sa lugar na ito. Siguro para maranasan ko ang mga bagay-bagay na hindi pa nangyari sa aking buhay.

Nag-igib siya ng tubig para maligo.

Abangan ang Kabanata 32

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED


© Copyright 2018 merrymary. All rights reserved.

Add Your Comments: