Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 33

Reads: 624  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Marly had no other option but to follow the will of the wind. She decided to move to Bataan for the first time.

Submitted: May 26, 2009

A A A | A A A

Submitted: May 26, 2009

A A A

A A A


LOOB - SA KUWARTO NI MARLY - GABI

Nakaluhod si Marly sa may higaan. Nasa kamay niya ang Bibliya.

MARLY: Lord, ano ba talaga ang kalooban mo sa buhay ko, umabot na ako rito ng isang buwan at wala pa akong mahanap na trabaho. Di ko na alam kung ano ang dapat kong gawin kaya turuan mo ako. Please enlighten my path so I may know where I go. P200 nalang ang natira sa wallet ko. Kung uuwi naman ako sa amin sa Mindanao, wala na akong pambili ng ticket sa barko. Kukulangin na ito kahit sa meal allowance ko. So Lord please, I need your help.

Kinuha niya ang Manila Bulletin newspaper.

MARLY:(nagbabasa) SUCCESS UNLIMITED CO. “WANTED! Office Secretary and Field Representative. Three days Seminar with Free lunch and snack. etc..... (natuwa) Okay ito a. Sa tingin ko, puede akong mag-apply rito as secretary. Kung field representative naman ang aapplyan ko, baka sa site ito kaya puede na rin. Wow! Free lunch and snack pa for 3 days. Sa natira kong pera ay talagang kakapusin na ako.Pag-aattend ako rito, malaking tulong ito sa bituka ko. Pagkatapos ng three days, hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay ko.(tumingin sa itaas) Lord, ikaw na ang bahala sa akin.Aattend ako sa training na ito bukas.
LOOB - SUCCESS UNLIMITED OFFICE, TAFT AVE - ARAW

Nasa harapan siya ng secretarya nagfifill-up ng biodata. Nang matapos, ibinalik niya ito sa secretarya.

MARLY: Maam, mga ilan po kaming lahat na dadalo sa seminar?

SECRETARY: So far, mga 150+ na, seguro aabot kayo ng mga 200.

MARLY:(tumindig)Okay, thanks po.

SECRETARY: Upo ka na muna Miss sa loob. 9:00 AM magstart na ang seminar.

Pumaloob si Marly.

SA LOOB NG SEMINAR HALL

Nakalagay sa signboard “SUCCESS UNLIMITED”

START OF SERIES OF SHOTS

Nagsusulat ang conductor ng “SEARCHING FOR SUCESS”.

Nag-eexplain ito sa harap.

Breaktime, nag-distribute ang secretary ng snacks.

Nagkaroon ng IQ test. Tatlo lang ang nakapasa, kasali si Marly.

Pumalakpak.

END OF SERIES OF SHOTS.

LOOB - SEMINAR HALL - ARAW

Nakikinig ang lahat.

CONDUCTOR: Last day seminar na po natin ngayon. Ang gagawin niyong trabaho ay magbenta ng mga libro at diksyonaryo na pinapadistribute ng kompanyang ito. Kung matigaya lang kayo, talagang uunlad ang mga pamumuhay niyo katulad ko. Tingnan niyo,nakapagbili na ako ng magandang bahay,ngayon may bago na naman akong kotse. Ito’y dahilan sa kasipagan kong magbenta ng libro.

MARLY(V.O) (napakunot ang noo) Ha, papano 'to. Hindi ako sanay sa sales talk, lalo na sa public dealing, besides, hindi ito related sa career ko.

CONDUCTOR: Ang lahat na sasali sa sales team ay ililipat sa iba’t ibang lugar, maaring sa Maynila o sa iba’t ibang probensya.

Iba-iba ang reaction ng mga attenders.

CONDUCTOR: Sinuman sa inyo ang gustong sumali bilang new team sales trainee, ay maghanda na ng inyong mga gamit ngayong gabi. Bukas nang umaga, balik kayo rito dala-dala ang mga gamit niyo dahil pupunta ang mga book distributors namin at pagpipilian kayo kung sino ang dalhin nila para i-babased sa kani-kanilang mga lugar. Libre board and lodging, hanggang sa masanay na kayong magbenta ng libro na mag-isa.

LOOB - SA KUWARTO NI MARLY - GABI

Di siya mapakali, hihiga, uupo, tatayo.

MARLY:(malalim ang hininga) Ano ba talaga ang dapat kong gagawin. Sasama ba ako sa kanila? Makakaya ko ba ang ganitong uri ng trabaho? Pero, (umiglat sa itaas) may free board and lodging. Sa natira kong pera, kakapusin na talaga ako kung tatagal pa ako rito sa Manila. Ngayon, makipagsapalaran na naman ako sa ibang lugar. Hindi ko matiyak kung nakakabuti ba ito sa akin o lalong lalala. (napayuko) Lord Jesus, bukas ay aalis ako rito at di ko alam kung ano ang maging kapalaran ko sa ibang lugar. Pero alam kong hindi mo ako pababayaan, ‘yon ang pangako mo sa mga nananalig sa iyo, “I will never leave you nor forsake you”.Kaya Lord, sa panahong ito, sana pagpalain mo ang pakikipagsapalaran ko sa ibang lugar.

Huminahon na siya, inilagay ang lahat niyang gamit at natulog.

LABAS - TAPAT NG BOARDING HOUSE - ARAW

Bitbit niya ang kanyang mga gamit. Hinatid siya ni Bert sa may kalsada.

MARLY: Mang Bert, maraming salamat po sa inyong pagkupkop sa akin dito sa Maynila.

BERT: Segi ingat ka ha, pasyal ka rito paminsan-minsan.

Pinara ni Bert ang dumating na jyep.

MARLY:(umakyat sa jyep) Segi po alis na po ako.

Kumakaway sa kanya si Bert.

SA LOOB NG SUCCESS LTD. OFFICE

Nakaupo si Marly sa may tabi, dala-dala ang kanyang maliit na maleta at shoulder bag. Lumapit ang isang head distributor na si Fe.

FE: Ikaw ba si Marly?

MARLY: Opo Maam.

FE: Sasama ka sa akin sa Bataan ha. Lima kayo lahat. Segi halika na, malayo pa ang biyahe natin.

MARLY:(tumindig) Okay po.

Binitbit niya ang maleta niya at sumunod kay Maam Fe.

Sumabay rin ang apat na trainees na lalaki.

START OF SERIES OF SHOTS

Sumakay sila ng LRT sa Taft Avenue.

Bumaba sila sa Calookan.

Sumakay uli ng bus papuntang Bataan.

END OF SERIES OF SHOTS

LOOB - BUS NA SINAKYAN NILA - ARAW

Nakatingin sa malayo si Marly. Sa bandang probensiya.

MARLY:(V.O) Ang gandang pagmasdan ng mga tanawin dito sa probensya, may mga palayan at taniman sa bukirin. Naalaala ko tuloy iyong lugar namin sa probensya lalo na ang mga mahal ko sa buhay. Miss na miss ko na sila lalo na si Neil. Ako ngayo’y nag-iisang sumuong sa hamon ng buhay. Ngunit di bali na, hindi pa rin ako nag-iisa dahil ang Panginoong Diyos ay lagi kong kasama saan mang lupalop ako mapadpad.

Abangan ang Kabanata 34

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHT RESERVED


© Copyright 2018 merrymary. All rights reserved.