Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 41

Reads: 564  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Marly felt so mad at Nel when the boy told her that somebody is getting crazy about him, even wanted to get suicide when the later knew that the boy has a long time lover in Manila. What is Marly's reaction about this? Better read it.....

Submitted: June 01, 2009

A A A | A A A

Submitted: June 01, 2009

A A A

A A A


LABAS - BAGONG CONSTRUCTION SITE - ARAW

Nagpipintura si Marly sa isang malaking beam. Kumaway si Engr. Lerry sa kanya sa malayo. Lumapit siya rito.

LERRY:(napakunot ang noo) Marly, why did you do painting there ,that is not your job here in Manila, you are an engineer so you must know your tasks here.

MARLY: (ibinaba ang bitbit na brush)A... I’m sorry Sir Lerry. I really don’t know what’s my work here.

ENGR. LERRY: Our project involves Rhoro shoring from Indonesia. I don’t know also, we all don’t know.(lumalakad sila) That’s why we must learn and take a thorough research about these materials and how to apply these on site.

MARLY: Okay Sir Lerry.

SA LOOB NG BAGONG TIAN-HEIR OFFICE - GABI

Pinatingin ni Lerry kay Marly ang mga plano .

LERRY: Nobody will teach you about this project except yourself, so you must study more and learn how to do it.

MARLY:(V.O.)(mukhang-inis) Ganyan naman talaga ang sinasabi mo lagi sa akin, “Study by yourself”. Palibhasa'y hindi mo rin kasi alam kaya ipinapasa mo sa akin.

Ibinigay ni Lerry ang iba pang mga plano at detalye.

LERRY: We’ll start the project next three days so you will be the one to handle the supervision.

MARLY: Okay, Sir.

SERIES OF SHOTS

Nag-iisang nag-aaral si Marly sa mga drafting plans. Binigyan siya ng cafe ni Kim. - gabi

Sa field,tinitingnan niyaang plano at actual site .- araw

Sumasali siya sa meeting ng head contractor- araw

Nag-oobserve siya sa ibang sub-contractors sa site. - araw

Nagsusupervise siya sa mga workers - araw

Gumagawa siya ng reporting at ipinasa sa head nila. - araw

Naghahandle siya ng surveying.- araw

Inaantok at pagod na siya.- gabi

END OF SERIES OF SHOTS.

GABI - BASKETBULAN SA LIKURAN NG COMPOUND - GABI

Nanunuod si Marly sa mga Pinoy workers. Tumabi si Kim. Maya-maya’y lumapit sa kanila ang overall project head na Tsikwa na si Mr. Wang.

MR. WANG:(hirap sa pag-eenglish) Marly, you, very good. Kim, also good. (nagthumb-up) You too, sweetheart, okay.(nagsasign sa kamay)

Napangiti nang alanganin si Marly.

MARLY:(umiiling at nagsign-language) No no no, I have a boyfriend already.

MR. WANG: No no no, changee, changee. Kim, very good boy. You two, very okay.

MARLY: No no no, Kim, only friend.

MR. WANG: Me, “wo xihuan ni, buko, wo hen lao le”(Chinese).

Lumingon si Marly kay Kim.

MARLY: What did he say?

KIM: He said he likes you but he’s already very old na.

Hinila ni Mr. Wang si Kim palapit kay Marly.

MR. WANG: Kim,is very good for you, okay.

Nagngitian na lang sina Marly at Kim.

LOOB - SA KUWARTO NI MARLY - GABI

May kumatok sa pintuan. Binuksan ni Marly.

PINOY WORKER 1: (inabot ang sulat) Engr.Marly sulat para sa iyo.

MARLY:(tinanggap ang sulat) Thanks ha.

Isinara ni Marly ang pintuan. Umupo siya sa higaan at mabilis na binuksan ang sulat.

MARLY:(tuwang-tuwa) Kay darling Neil pala ito galing, napakathoughtful talaga nitong darling ko, ang bilis magresponse. Basahin ko nga.

Binuksan niya ang sulat at binasa.

MARLY:(nagbabasa) “My Dearest Marly, How’s my loving sweetheart. I hope you’re fine.Kumusta ka na aking mahal. Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan....... Mayroon sana akong ipagtapat sa iyo, ayoko kasing magtago ng anumang lihim sa iyo. I hope you don’t get mad at me. I am just being honest to you. Someone is crazy about me, malapit lang sa amin dito. Medyo maganda rin siya at makinis ang balat. Muntik na siyang mag-suicide nang ipinagtapat ko sa kanyang may girlfriend ako sa Manila na mahal na mahal ko at di ko maiwan kailanman. Ikaw ang tinutukoy ko Marly. I explained to her na mag-three years na tayong magkasintahan. ............But wherever we go together, you’re still always on my mind…... Love, Neil”.

Umasim ang mukha ni Marly, lubusang nagseselos ang dalaga.

MARLY: Tiyak kong may relasyon na itong dalawa dahil nagdadating na kahit saan. Sabi pa wherever we go together, you’re still always on my mind. Puede ba 'yon, iba ang ka-date niya, pero ako ang nasa isip niya. Impossible naman siguro iyon. Sinungaling ka Neil, napaka-unfaithful mo sa akin. Ako nga rito, pinipigilan ko ang sarili na magkagusto sa iba dahil gusto kong manatili pa rin ang pagiging faithful ko sa iyo. Pero, (umiiling), ikaw itong....huhuhuh (pumapatak ang mga luha).

Humiga si Marly at patuloy na nag-iisip. Takatutok sa itaas.

MARLY: Ano ba kaya ang feeling pag may dalawang sweetheart, is it interesting? Bakit parang madaling gawin ito ni Neil. Bakit hindi siya makaiwas sa mga tukso? Iyon ba’y dahil lalaki siya kaya hindi makatanggi sa mga babaeng magkagusto sa kanya. How about me? Do I have no freedom to do it also. Bakit napakafaithful ko sa kanya, where in fact, hindi naman siya tapat sa akin.Ganito ba talaga ang karamihan sa mga lalaki?

Kumuha siya ng stationery at ballpen at sumulat ng liham.

INTERCUT - LOOB - KUWARTO NI NEIL - ARAW

Nakaupo si Neil. Bitbit ang sulat ni Marly.

NEIL:(nagbabasa) ”Dear Neil, ……Whycan't you resist the temptation. 'Yon ba’y nangangahulugang may gusto ka rin sa kanya at dini-date mo siya kahit saan. In your letter,I fully understand na may relasyon kayong dalawa.

MARLY:(V.O.) You know Neil, ayokong maulit na naman ang mga pangyayari noon, this thing was really disgusting to me. I don’t wanna cry anymore dahil naubos na ang mga luha ko. But you surely know me, ayoko ng may karibal. Masakit man para sa akin na mawala ka sa aking buhay, pero hindi ko rin matiis na may kaagaw ako sa puso mo. It just shows na hindi tapat ang pag-ibig na inaalay mo sa akin.

NEIL:(patuloy sa pagbabasa) ………Now, if you can do it, why can’t I. And remember, if this thing really happens, please never feel regret with all your life. Love, Marly”

Di mapakali si Neil.

NEIL: (huminga nang malalim) Marly, sana huwag kang magalit sa akin. Honest lang naman ako sa iyo, di ba sabi mo maging tapat ako sa iyo.

Sumulat uli si Neil ng liham.

INTERCUT - LOOB- KUWARTO NI MARLY - GABI

Nakahiga siya habang binabasa ang kasunod na liham ni Neil.

NEIL:(V.O) “Marly dear, sana huwag kang magtampo sa akin.Mahal kita higit kaninuman. Please forgive me a hundred times. Namimiss lang kasi kita kaya nililibang ko lang ang sarili ko. Hayaan mo, hindi ko na siya papansinin kung iyon ang iutos mo sa akin. Huwag ka lang humanap ng iba dear. Please..forgive me once again. Love, Neil”

Ibinaba ni Marly ang sulat.

MARLY:(V.O) (inuunan ang kamay) Para kang si Val noon. Pare-pareho lang iyong mga alibi niyo. Bibigyan kita ngayon ng leksyon. Hindi muna kita susulatan at tatawagan. Tingnan natin kung anong mangyari. Sumusubra ka na a.

Sumulat uli si Marly ng tula.

“HAPDI NG PUSO”

Patuloy mo pa rin ba akong sinasaktan

Puso ko’y lagi na lamang nasusugatan

Pakikipagsuyuan mo sa ibang nilalang

Siyang bagay na lubos kong kinamumuhian.

******

Nilimot mo na ba ang ating mga lambingan

Hawak-kamay na magkasama sa lansangan

Pumapasyal-pasyal pa sa tabing karagatan

Na siyang saksi ng ating matinding sumpaan.

******

Papano na lang ang buhay ko kung mawala ka

Hayaan mo na ba akong malungko't magdurusa

Pag-ibig natin ay bigyan mo naman ng halaga

Pangako'y tuparin at huwag nang magtaksil pa.

******

Huwag mong antaying maubos ang aking pasensya

Baka sa subrang tampo, ako'y makahanap ng iba

Pinipigilan ko lang ang sarili dahil mahal kita

At sa habambuhay, ikaw ang nais kong makasama.

Abangan ang kabanata 42

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHT RESERVED


© Copyright 2018 merrymary. All rights reserved.

Add Your Comments: