Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 46

Reads: 976  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Marly got pregrant with Kim as the father. But Kim wanted to abort the baby, will Marly agree?

Submitted: June 02, 2009

A A A | A A A

Submitted: June 02, 2009

A A A

A A A


LOOB - SA BANYO - ARAW

Tinitigan ni Marly ang pregnancy tester. Positive na buntis siya.

MARLY:(nanghina ang loob) Buntis ako at si Kim ang ama. Ano kaya ang dapat kong gawin?

Napaupo siya sa isang tabi.

MARLY:(V.O)(huminga nang malalim) Papano na lamang ang mga pangarap ko sa buhay. Byente-tres anyos palang ako, si Kim nama’y byente-kuwatro. Sa tingin ko mga bata pa kami. Papano rin kung ayaw niya akong panagutan na siyang ama ng dinadala ko. Ako ba’y maging isang dalagang-ina? Ano kaya ang sasabihin ng aking pamilya? Ako’y isa na rin ba sa mga babaeng uuwi sa probensya na may dalang anak o kaya’y buntis na walang kinikilalang ama? Makakaya ko ba ang hirap na aking papasanin dahilan sa isang munting anghel na nasa sinapupunan ko? Lord, patawarin mo po ako sa aking pagkakasala. Ang pagsisisi talagang nasa huli. Paano na kaya ang buhay ko ngayon, ano ang dapat kong gawin, naguguluhan ako.

LABAS - SA CONTRUCTION SITE - ARAW

Nagduduwal si Marly. Lumapit si Kim.

KIM:(hinahaplos ang likod ni Marly) What’s wrong, are you okay?

MARLY: I’m okay.

Bumalik si Kim sa kanyang ginagawa. Parang wala sa sarili si Marly na naglalakad sa site.

MARLY: (V.O) Kailan ko sasabihin kay Kim na buntis ako. Pananagutan kaya niya ako. Sa tingin ko wala rin siyang balak na mag-asawa. Diyos ko, tulungan mo ako.

LABAS - GATE NG DORM - GABI

Nakaupo sila. Tulala si Marly.

KIM: You’re very silent why? What you think?

MARLY: Kim, I’m one-month pregnant na.

KIM:(namangha) Really?

MARLY: (mahinang boses) Yes, I’m positively pregnant.

KIM: (umiiling) But we’re not yet ready for this. You know, the life of being married. I have seven sisters and brothers who still need my help. My parents are jobless. We’re not yet prepared to take this responsibility.

MARLY: (V.O)(kumunot ang noo) Kapareho lang pala ito sa situwasyon ni Neil. Kaya nga umiwas sana ako kay Neil dahil marami pa itong tinutulungan pero napunta rin pala ako kay Kim na ganon din.

MARLY: (tumititig kay Kim) Same to me too. My family needs my help but what shall we do? Can we ignore this problem?

Tumatanaw si Kim sa gilid at sinusuklay sa kamay ang buhok. Parang hirap magdesisyon.

KIM: Can you abort it?

MARLY:(pagalit) No, it can’t be.(tumulo ang luha) If you won’t accept this baby, just tell everyone that you are not his father. But remember, when this baby will be born, we’ll go to a place where you can’t see us anymore. You can’t ever see his face forever.

Di makaimik si Kim, humihinga nang malalim.

KIM: Just think it first. It’s for our own good.I’ll take a rest now.

Pumasok sa loob ng dorm si Kim.

MARLY:(V.O)(nakatingin sa malayo) Hindi ko magawang dagdagan pa ang mga kasalanan ko dahil ako’y may takot sa Diyos, lalo na sa isang kaluluwa na walang kamuwang-muwang sa mundo. Para ko na ring pinapatay ang sarili ko. Totoong mahihirapan ako ngunit kakayanin ko ang lahat. Kahit na professional license ko mareboke , at mawalan man ako ng trabaho, titiisin ko pa rin maisilang ko lang itong munting anghel na nasa sinapupunan ko. Alam kong dahilan sa aking nagawang kamalian,pinapaalala sa akin ng Diyos na huwag maglaro ng apoy at siguradong ako’y mapaso. Nagsisisi man ako subalit wala na akong ibang magagawa dahil andito na at pinapasan ko na ngayon ang bunga ng aking pagkasala. Tanging hangad ko na lamang ay maituwid ang aking buhay. Si Kim ay isang Pagano at kainlanma’y hindi naniniwala sa Diyos kaya kahit anong paliwanag ko sa kanya, hindi pa rin niya ako maiintindihan. Ako’y isang tapat na Kristiyano na laging nananalig sa Panginoon mula pa sa aking pagkabata hanggang ako’y lumaki't tumayo sa sariling kong mga paa. Saan man ako naroroon sa Diyos ako laging umaasa. Ngunit ngayon, ako’y sumusuway na sa mga utos Niya. Dahil sa kahinaan ng loob, sadyang hindi ko malabanan ang mga tuksong dumating sa buhay ko. Kaya ako’y napatangay sa agos ng aking sariling damdamin. Gayon pa man, hindi pa huli ang lahat. Ako’y may pag-asa pang magbagong-buhay kaya kahit anong mangyari, isisilang ko pa rin ang batang dinadala ko. Kung ayaw man akong panagutan ni Kim, hindi ko siya pipilitin.

LOOB - KUWARTO NI MARLY - ARAW

Bukas ang pintuan. Nagsusuot ng medyas si Marly at papunta na sa site. Sumilip si Kim sa pintuan.

KIM: (pabulong)If you go to work there in the field, don’t jump ha. Our baby will fall.

MARLY:(laki ng ngiti) Okay, don’t worry. Thanks.

Kinuha niya ang kanyang safety hat at lumabas sa kuwarto.

SA LABAS NG KUWARTO

Nilock niya ang pinto. Inakbayan siya ni Kim habang lumabas sila sa gate.

SA LABAS NG GATE

Umupo si Kim sa may gilid ng gate at pinaupo siya sa mga hita nito.

KIM: Tonight, you prepare your resignation letter and give it to the secretary. We will also find an apartment that is just near here. I will tell my family in Taiwan to process my documents needed for our wedding.

MARLY: Thank you Kim, you’re really good. (palambing).

KIM: (humalik sa noo) I love you.

Tuwang-tuwa ang dalaga.

MARLY: (V.O) (tumingin sa itaas) Thanks God, alam kong kailanma’y hindi mo ako pinabayaan. Kahit nagkasala man ako, binigyan Mo parin ako ng pagkakataong magbagong-buhay.

KIM: Okay, let’s get in the car.

Pumasok sila sa jeepy.

Abangan ang Kabanata 47

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED


© Copyright 2018 merrymary. All rights reserved.