Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 6

Reads: 1240  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Love is forgiving. No matter what Val did to her wrong, she still learn to love and respect him. Better read the full page.

Submitted: May 21, 2009

A A A | A A A

Submitted: May 21, 2009

A A A

A A A


SA KWUARTO NI MARLY - HAPON

Nakatulog si Marly sa higaan niya.

VAL: (Offscreen) (kumakatok sa pintuan) Tao po,tao po. Marly andiyan ka ba?

Nagising siya agad. Binuksan niya ang pinto.

MARLY: (walang-sigla) Ikaw pala Val, ba’t naparito ka.

VAL: (maamong mukha) Gusto kong makipag-usap sa iyo, puedeng doon tayo sa tindahan, Mar.

MARLY: (huminga nang malalim) O segi, antayin mo ako roon.

VAL: Okay.

Umalis si Val.

SA KUWARTO NI MARLY

MARLY: Nakakainis talaga itong sarili ko. Dapat sana hindi ko siya bigyan ng pansin o kaya’y dapat mumurahin ko siya dahil sa nangyari kanina. Pero bakit hindi ako makatanggi sa alok niya ngayon. Nang makita ko ang maamong mukha niya, ay lumilitaw pa rin ang pag-ibig at respeto ko sa kanya. Segi na nga, puntahan ko muna siya.

Lumabas si Marly.

SA MALIIT NA TINDAHAN

Nakangiti si Val habang papalapit si Marly. Nakahanda na ang meryenda sa mesa. Umupo si Marly na gilid nito, medyo lumayo nang kunti. Walang sigla. Sumiksik si Val sa gilid niya.

VAL: Marly, mag-snack muna tayo, heto o.

Inabot ni Val ang ilang biscuit at isang basong sprite.

MARLY: (walang kabuhay-buhay) Thank you.

VAL: Mar, sorry kanina ha. Ito kasing mga barkada ko, ang tagal makipagkuwentuhan.

MARLY(V.O)(napaismid) Dahilan kaya sa barkada mo o talagang ikinahiya mo ako dahil sa pamumustura ko. Hindi naman kita kayang sumbatan kahit ganon ang ginawa mo sa akin. Swerte ka lang Mr. dahil mahal na mahal at nirespeto kita kahit ganon man ang tinrato mo sa akin.

VAL: (inusog ang pagkain) Segi kain ka pa, marami pa o.

MARLY (V.O) (ngiting alanganin) Siguro nakonsensya ito kaya biglang nagbago ang hihip ng hangin.

VAL: Ano ba ang iniisip mo.

MARLY: (umiiling) Wala, naaaliw lang ako sa iyo.

LABAS - SA SCHOOLGROUND - ARAW

Graduation day nila. Nagsiupuan sa harap ang mga graduates. Napadaan si Val sa harapan ni Marly.

VAL: Marly, Congratulation sa pagiging Valedictorian mo.

MARLY: Congratulation din, 4th honor ka rin naman.

Nasa harap si Lida bilang announcer.

LIDA: And now, our High school Valedictorian, Ms. Marly Somo will deliver a speech.

Lumapit si Marly sa gitna at nagbigay ng speech. Pumalakpak ang lahat, bilib sa kanyang kagalingan. Matapos ang graduation program, nagshake hands ang lahat. Nakipagkamayan din si Val kay Marly.

MARLY: Punta ka sa bahay maya-maya ha. May hinanda kaming salo-salo. Isama mo iyong mga kaklase natin.

VAL: Okay, promise.

LABAS - SA BAHAY NILA MARLY - ARAW

Nagdaos ng salu-salo. Dumating ang mga bisita at teachers ng school. Dumalo rin si Val at kanilang mga kaklase. Lumapit agad si Marly sa kanila at inabot ang plato at kutsara.

MARLY : (nakangiti) Feel at home lang ha, huwag mahiya.

Kumain sila pagkatapos nagpapicture-taking.

LABAS - SA BASKETBOLAN - ARAW

Maraming nakapaligid na puno ng niyog. Nakaupo sila Marly at Val.

VAL: (humiga) Ang sarap-sarap ano pag lagi na lang tayong ganito, nag-uusap, naglalambingan. Buo na ang araw ko Mar.

MARLY: Nabusog ka ba sa party kanina?

VAL: (umupo pabalik) Oo, lalo na iyong paborito kong Maja Blanca.

MARLY: Ganon ba, ako ang nagluto non kagabi.

VAL: Wow, ang sarap mo palang magluto, puede na kitang asawahin.

MARLY: (pabiro) Ano, baka cook ang kailangan mo hindi asawa hehehe..

VAL: (napatitig) Mar, kung hindi ikaw ang babaeng makatuluyan ko, buti pa’y mamamatay nalang ako.

MARLY: O.Ganon ba? Totoo?

VAL: (umupo uli) Oo nga, out of the millions, ikaw lang ang babaeng napamahal ko.

MARLY:Hindi ka kaya nagsinungaling?

Tumapat si Val kay Marly. Hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga.

VAL: Totoo Mar. I promise, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa habambuhay.

MARLY: Sana Val, sana.

Napatitig siya kay Val.

MARLY (V.O) E, bakit mo ako ikinahiya nang minsan kaya parang ayokong maniwala sa mga matamis mong salita.

VAL: O ano na naman ang binubulong mo diyan.

MARLY: A, wala. Masaya lang ako tuwing makasama ka. Sana tuparin mo ang mga pangako mo.

VAL: Oo naman. Love kita e..

Tumindig silang dalawa at masayang naglakad-lakad sa paligid.

Abangan ang Kabanata7

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED.


© Copyright 2019 merrymary. All rights reserved.

Add Your Comments: