Pag-ibig at Pakikipagsapalaran Kabanata 8

Reads: 946  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Marly finally decided to break her relation with Val though it was so painful for her. A year after,Val decided to go back to Singapore for work reason, thus made Marly's heart groaned much in pain. Before the guy left, he begged her to go with him. Will she agree or refuse, better read the whole story.

Submitted: May 21, 2009

A A A | A A A

Submitted: May 21, 2009

A A A

A A A


LOOB NG CLASSROOM SA SCHOOL NI MARLY - ARAW

Naging kaklase ni Marly si Rolan, kabitbahay ni Val.Tumabi ito sa kanyang upuan.

ROLAN: Marly, alam mo iyong darling mong si Val, gabi-gabi bumibisita kay Jane. Nagdadate pa sila sa labas, naku! talo ka talaga.

MARLY: (pakunwari) Hayaan mo siya kung anong gawin niya, malaki na siya. Mag-ingat lang siya baka ma-corner pa siya at mapaaga sa pag-aasawa.

LOOB - BAGONG BOARDING HOUSE NI MARLY - GABI

Sumusulat ng liham si Marly.

MARLY: (V.O) (nagsusulat) “Dearest Val, Siguro sa panahong ito, bibitawan na kita.Tuluyan na kitang hihiwalayan dahil tingin ko hindi hahantong sa magandang kalalabasan ang ugnayan nating ito. Binibigyan kita ngayon ng kalayaan na humanap ng iyong magugustuhan. Ayokong maging martyr, paiyak-iyak lagi dahil sa paulit-ulit mong pagpapasakit sa aking damdamin.So let’s just be friends now. Bye, Marly”

Tiniklop ni Marly ang sulat at nilagay ito sa envelope. Dumadaloy ang mga luha niya.

MARLY: Huling pag-iyak ko na ito. Kailanma’y hindi na kita iiyakan pa. Balang araw, makakatagpo rin ako ng Mr. Right Guy. Lalo akong magsikap sa pag-aaral ko para makatapos sa kolehiyo. Nang sa ganon, seguro nama’y mga lalaki na ang sasaludo sa akin.

SERIES OF SHOTS

Laging top si Marly sa lahat ng subjects.

Naging bantog siya sa school.

Kasali rin siya sa editor’s team, gumagawa ng mga tula.

May humahanga na mga boys sa kanya pero di niya ito pinapansin.

END OF SERIES OF SHOTS

LOOB - SNACKBAR SA ESKUWELAHAN NI MARLY - ARAW

Kumakain si Marly ng mamon at umiinom ng sprite. Tumabi si Rolan dala-dala ang inorder nitong snack.

ROLAN: Alam mo ba Marly, babalik na si Val sa Singapore at doon na raw ito tutuloy para magtrabaho.

MARLY: Bakit titigil na siya sa pag-aaral?

ROLAN:Oo ata, desperado kasi siya nang nag-asawa sa iba ang girlfriend niyang si Jane. Ngayon, hindi mo na rin siya pinapansin.

MARLY: (pakunwari) Wala na akong pakialam sa kanya kung iyon ang naging desisyon niya.

ROLAN: Hindi mo ba pipigilan? Bakit hindi ka ba masasaktan pag lalayo na siya nang tuluyan?

MARLY: Bakit naman ako masasaktan, friend nalang kami ngayon. Ayoko na siyang isipin dahil sumasakit ang dibdib ko sa kanya.

ROLAN: (nanunukso) Uy, inlove pa rin siya kay bestfriend Val. Pero alam mo, beleb na beleb raw siya sa iyo. Sa lahat ng naging girlfriend niya, ikaw ang hindi niya nahalikan kaya challenge na challenge siya sa iyo. Sila ni Jane kasi, doon pa sila matutulog sa bahay nito. Bigay na bigay ito sa kanya.

MARLY: Aaminin kong mahal ko siya pero may prinsipyo rin akong pinanindigan. Ayoko ng may karibal.At saka kung talagang mahal niya ako, dapat tatanggapin niya ang buong pagkatao ko at ang ugali ko, pati na ang mga does and don'ts ko.

ROLAN: Kung sa bagay, suwerte sana siya dahil nakatagpo ng katulad mo. Alam kong napakabait mong tao.

MARLY: Iwan ko, seguro hindi niya ito napansin.

LABAS - SCHOOLGROUND NG DATING SCHOOL NI MARLY -ARAW

Kasama ni Marly si Pely na naglaro ng badminton. May pasaherong bumaba sa tapat na daan. Nang tumingin si Marly sa tricyle,agad niyang nakita si Val na nakaupoinfront nito, tuwang-tuwa siya. Napatigil siya sa paglalaro ng badminton. Kumakaway si Val sa kanya,gumanti rin siya sa pagkaway. Nagsenyas si Val na babalik sa kinaroroonan niya. Umalis ang tricycle. Tuloy ang paglalaro. Agad nabuhay ang loob niya.

PELY: (ibinaba ang badminton) Ate, uuwi muna ako sa bahay ha, pinagpawisan na kasi akong masyado.

MARLY: Segi, susunod na rin ako.

Umalis si Pely. Dumating naman si Val. Tinatakpan sa kamay ng huli ang mga mata ni Marly. Napalingon siya.

MARLY: (laki ng mga ngiti) Hi Val, long time no see.

VAL: Oo nga, miss na miss na kita. Salamat naman at nagkita tayo ngayon, mayroon sana akong sasabihin sa iyo.

MARLY: Ano iyon?

Umupo sila sa may flower garden.

VAL: Mamaaalam na ako sa iyo Mar, lilipat na ako sa Singapore at doon na maninirahan.

MARLY: (malungkutin) Bakit naman.

VAL: Naghihirap na kasi kami ngayon kaya magtatrabaho muna ako doon para makatulong sa mama, at sa mga kapatid kong nag-aaral sa kolehiyo.

MARLY: Hindi ka na ba babalik dito?

VAL: Siguro mga five years after. Gusto ko munang mag-ipon doon para makabili rito ng jyep na pampasahero.

Nanghihina ang loob ni Marly.

VAL: Pero Mar, bago ako aalis, gusto ko sanang magkabalikan muna tayo.

MARLY: Val, What is time without love and what is love without time. Hindi na kita makikita't makausap dahil ang layo mo na. Ayoko na ring mag-expect ng anuman sa iyo dahil ilang beses mo na akong binigo. Andito ako sa Pinas tapos andon ka sa Singapore, papano pag may iba ka na namang nobya, aasa pa ba ako sa iyo? Antay lang nang antay kung kailan ka babalik sa piling ko. Kaya Val, buti pa’y friends na lang tayo.

VAL (pinagpupunit ang bulaklak) Ano kayang mabuti Mar kung sasama ka nalang sa akin sa Sigapore. I"ll give you anything.

MARLY: (umiiling) Hindi puede. Ayokong tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo. Gusto ko pang makapagtapos.

VAL: Ako na lang ang magpapaaral sa iyo.

MARLY: Lalong hindi puede dahil obligasyon ng parents ko iyan.

MARLY: (V.O.)(napatitig kay Val) Papano kaya kung magbago ka sa pakikitungo mo sa akin pagkatapos makuha ang gusto mo. Hindi kaya ako magmukhang tanga. Ang bata-bata pa natin para mag live-in, iyan ang hindi rin puede. Papano naman kung magkaanak ako sa iyo sa edad na 17,hindi kaya napakabata ko pa. Kaya sorry nalang Mr, hindi ko ipagpalit ang aking kinabukasan dahilan sa iyo kahit lubos pa kitang minahal. I’ll rather use my head this time and not this weak heart.

VAL: (nalulungkot) O segi, ayaw mo man lang makipagbalikan sa akin, huling kahilingan ko sa iyo, puede bang magkita tayo sa pier ngayong Friday night. Bago man lang ako lilisan, gusto kung magkita muna tayo kahit sa kahuli-hulihang panahon man lang.

MARLY: (tumatango) Sure, pupunta ako. magkita tayo roon.

Nagtitigan na lang silang dalawa, tila nanghihinayang sa isa’t isa.

Abangan ang Kabanata 9

UNPUBLISHED EDITION. ALL RIGHTS RESERVED


© Copyright 2020 merrymary. All rights reserved.

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

Add Your Comments: