Almost

Reads: 547  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
This is in Filipino language. But I'll make an English version if you want me to.

This story is about a guy who falls in love to a girl who was once a broken-hearted and is now afraid to love but after some twists and turns, will they be together?

This has a sequel so wait for it. :)

Submitted: January 14, 2016

A A A | A A A

Submitted: January 14, 2016

A A A

A A A


Almost


[1]


"Ang saya saya ko nun. Unang kita ko palang sayo, nasibat na agad ako. Hindi napana ni kupido, nasibat. Matindi e. First few weeks, lie low lang kasi hindi pa naman masyadong kilala ang isa't isa, pero nagttry akong mapalapit sayo, makilala ka pa ng lubos. One time, walang ginagawa, free time kumbaga, lumapit ako sa grupo nyo, nakipagkilala, nakipagngitian.

 

"Hi. I'm Jay. Magkakakilala na pala kayo."

Winelcome nila ako sa grupo to get to know me kasi wala pa ako halos kakilala kase bago lang sa section.


"Hello. I'm Rica. Short for Erica. Oo mga highschool friends ko sila, si Jenica, Camille, Diane, at si Mari."

Camille: Transferee ka?

Jay: oo e. mahirap pala. 

Jenica: sang school ka galing?

Jay: Mapua

Camille: ah nice. Wala ka bang kakilala dito sa section natin?

Mari: Transferee nga diba? Shunga ka? Malamang wala yan kakilala.

Camille: HAHAHA. ay onga. Sorry naman!

Jay: May konti lang akong kakilala na bago lang din. Ayun oh sila mak, at yung grupo ni Kevin.

Ayun, nagkwentuhan saglit about sa buhay. Hanggang sa naging ka close ko yung grupo ni Rica. Makukulit pero masayahin. Natuwa ako nun kasi syempre mas makikilala ko na lalo si Rica kasi kaibigan ko na sila.


So kinabukasan nung break, inaya nila akong kumain tutal wala naman daw akong kasabay kasi umuwi ng dorm sila Kevin non. Kaya pumayag naman ko, kasi why not. Sila Rica yun e....


Rica: Ano? Tara? May alam kaming kainan. Mahilig ka ba sa mga lutong bahay? Masarap dun kila manang fe.

Jay: Oo naman. Sige tara. Hoy Mak! Gusto mong sumama samin?

Mak: Sige kayo nalang tol, pass muna ko gagawa pa ako ng plates e. 

Jay: Sige bro. Tara?

Camille: Tara na gutom nako.

Diane: Lagi ka namang gutom e.
(Tawanan at kulitan habang papunta kilang manang fe)

Jay: ang dami palang kumakain dito.
Sige hanap na muna kayo ng pwesto natin, ako nalang pipila dito para makaorder na tayo.

Rica: dun tayo oh sa dating pwesto natin. Patapos na sila.
Anong order nyo? Para masabi na kay Jay.
(Bigayan ng order)

Jay: ah sige. Wait ah. Nang, eto nalang pong sisig sakin tapos yung kanila po... Salamat.
Eto po bayad.

Manang: Mamaya na bayad nak, kain muna dito bago bayad.

Jay: ay ganun ho. Sige po salamat. :)

Rica: hoy, anong ginagawa nyo jan, ayun na yung order natin oh. Bat si Jay lang kumukuha nun. Grabe kayo. Ako na nga!

Girls: yieee!

Rica: Ano na naman kayo jan! Tumulong kayo. Pinapila nyo na yung tao tapos ginagawa nyo pang waiter. 

Camille: tara na uy gutom nako.

(Kinukuha yung order nila)

Jay: ako na jan Rica. Kaya ko na to. 

Rica: hindi okay lang. Tara.

Jay:  :)

(kumakain, ang kukulit parin nila lalo na si Camille at Mari)


Camille: Ang sarap talaga. 

Rica: Ano Jay? Diba masarap. Sabi sayo e. :)

Jay: oo. Dito ba kayo lagi kumakain?

Rica: dito madalas lalo na kapag nagsasawa na sa fastfood. 

Jay: ah. Uy magtatime na pala. Anong oras next class nyo? Iba kasi sa class nyo yung class ko kapag hapon e.

Rica: hmm. Anong oras nga ba? Ay ayun, 3pm. Hala malapit na pala mag 3. Dalian nyo oy. 

Jay: Sige samahan ko na kayo. Dadaan din kasi ako sa next class nyo, may ipapasa ako kay sir. 

Rica: Okay. Tara na uy. Camille! Lamon pa. 

Camille: grabe ka naman. Nagdadiet ako e.

Diane,Mari: Woooow. Male-late na tayo daliii.

Siguro mga ilang linggo kaming magkakasama na kapag break. Kaya mas nakikilala ko pa sila. 
Hiningi ko number ni Rica. 
Binigay naman niya wala namang issue daw dun e. Kaya nagsimula na yung pagtetext namin sa isa't isa. Yung tipong kami lang nag uusap. Kasi kadalasan kasama yung tropa nya e kaya hindi kami nakakapag usap ng kami lang...


Kinagabihan nung nakuha ko na yung number ni Rica, sinubukan kong magtext baka sakaling mapansin.


Jay: Hi Rica. Si Jay to. Musta?

Rica: oh Jay, napatext ka. Okay lang naman. Eto medyo pagod, andaming assignments. Ikaw ba?

Jay: Mangangamusta lang sana. Okay lang din naman. Ganun ba, sige baka nakakaistorbo ako. Good night.

Rica: okay lang ano ba. Sige good night.


Sobrang nahihiya ako. Natotorpe. Nakakainis. Kaya pinutol ko na muna dun yung usapan namin tutal magkikita naman ulit kami ng mga kaibigan nya.


Kinabukasan, siguro mga alas kwatro ng umaga, gumising nako para magprepare kasi may 7am class ako. Syempre ayaw kong ma-late sa class namin. Naisipan kong itext si Rica.


"Good morning Rica. May kasabay ka ba papuntang school? Gusto mo sabay na tayo?"

Rica: Good morning din Jay!sige tara :) . Salamat.

"Diba malapit ka lang sa may Darwin's? Dun nalang kita antayin. Malapit lang din naman ako dun."

(Kahit hindi, okay lang. Makasabay ko lang siya)

Rica: Sure. Text nalang kita kapag parating nako ha. Magpeprepare pa kasi ako ng breakfast e. bye. 

"Sige bye :)"

So nagbihis na ako para makapunta na dun. Mga 6 am palang andun nako. Buti nalang open na yung Cafe. 6:30 nagtext na siya na parating na siya kaya ako, kontodo pabango at ayos na ng buhok para fresh tingnan.

.....

[2]


Nandito na ako sa meeting place. Buti nalang bukas na ung Cafe kaya may tatambayan na ako habang nag aantay. Di nagtagal, nakita ko nang paparating si Rica. May kasama siyang lalake.


Rica: Jay, kanina ka pa? Sorry ha. 
Jay: hindi naman okay lang. Kasama mo?
Rica: ah oo, si Paulo, boyfriend ko.
Jay: Tol. 

Paulo: musta. Ikaw pala si Jay. Nice meeting you. So pano, una na ako. May practice pa kasi ako e. ikaw na bahala bro. Ingat kayo. 

(Umalis na siya agad. Nagmamadali siya. May practice pa daw sila e kaya iniwan nya sakin si Rica. Paalis na rin kami kasi malapit na mag 7. Male-late na kami.)

Rica: ano tara? Baka ma-late tayo. 
Jay: ....
Rica: jay? Uy jay! 
Jay: ha? Tara tara.


Natameme ako sa nalaman ko. May boyfriend pala siya. Kaya pala napapansin ko minsan na parang may inaantay siya bago umuwi pagkatapos ng klase. May sumusundo pala sa kanya. Sobrang natahimik ako nun habang papunta kami ng classroom nila Rica.


Jenica: [Ri, asan ka na? Hinahanap na ni Sir Perez yung report mo sa Econ.]

Rica: [eto na malapit na ako. Nasa hallway na.]

 

Jay: diba ito na yung room nyo? Ayun si Sir Perez. Pakibigay naman to kay Sir. Pakisabi, project ni Jay ng Section 3A. Salamat. Una na ako ha. May gagawin pa kasi ako.

Rica: ah sige sige. Sure. Thank you ha. Bye!


(Di ko na alam yung nararamdaman ko. Nalulungkot ako na ewan. Naiinggit ako kay Paulo. Ang swerte niya kay Rica.)

Naisip ko nalang na mas makakabuti siguro kung lalayo nalang ako para walang maging issue. Nakasalubong ko sa daan si Kevin tapos si Mak nasa may table gumagawa ng plates niya. 


Kevin: Mak-mak, jay! Gusto nyong magbanda? Diba kumakanta ka Jay? Kulang pa kasi ng vocalist at gitarista e. Gusto nyo ba?

Jay: hmm. Sige tara. Ano mak? Wala din kasing akong pinagkakaabalahan e. okay lang sakin. 


Kevin: tara dun tayo samin. May alam akong studio. Try natin. 


(Ayun, nilaan ko nalang yung oras ko sa pagbabanda. Nawala na sa isip ko yung grupo nila Rica. Naging busy din kasi ako sa bandang MaKenJay.)

After some weeks, nagtext sakin si Kevin na may sasalihan daw kaming contest. Battle of the bands between  aspiring bands in the making sa U-belt. Kaya nagpractice agad kami kasi first competition namin yun. Kadalasan kasi hanggang gigs lang kami kapag weekends.


Lumipas yung panahon at dumating na yung araw ng competition. Ang gagaling ng mga kalaban namin. Kaya kinakabahan kami pero syempre dapat ang kaba hindi dinadala sa stage.

Kevin: Ready na ba kayo? Tayo na susunod ha.

(Kami na next na magpeperform kaya nagseset-up na kami sa stage. Ready to perform na kami.
Sa di kalayuan nakita ko yung grupo nila Rica, nanunuod sila. Hindi ko nalang pinansin kasi gusto kong magfocus sa performance namin. Nung binibigyan na kami ng intro ng emcee, sabi ko sa sarili parang pamilyar yung boses. Si Paulo, yung boyfriend ni Rica. Kaya siguro andito sila Rica kasi nandito sa event si Paulo. 
What a coincidence.)

(Nagsimula na kaming magperform)

Camille,Jenica: uy diba sila Jay yun?!
Mari,Diane: oo nga no! Go Jay!! Kevin! Mak!

Rica: Sila nga. Kaya siguro lagi ng busy si Jay, nagbabanda na pala. Kaya hindi na sumasama satin kila manang fe.

(Natapos din kami. Nakaraos din. Nakakakaba pala talaga magperform sa harap ng madaming tao. Buti nalang everything went well. Mag aannounce na ng winner, nakita kong papalapit samin sila Rica at si Paulo. 

Rica: Ang galing nyo naman pala. Goodluck. 
Paulo: Great job bro. Keep it up. Goodluck. Excuse me, mag aannounce na ng winner.
Jay: thank you. Umaattend din pala kayo ng mga ganto. Sige dun muna ako, iinom lang. 

(Hanggang sa nag announce na nga)

(Our winner for this competition and the band that will make it through the prelims is..... MKJ! Congratulations!")

Kevin,mak: YESSS! Nanalo tayo Jay!! 

Rica: Congrats Jay! Galing. Goodluck sa semis.
Jay: thanks Rica. So pano, dun muna kami. Tinatawag kami e. thank you ulit.

(Pagkatapos ng event, nagpaalam na ako kila Kevin at sa iba pa na uuwi na ako kasi pagod na talaga ako.)

...


[3]


Nung pag uwi ko galing sa event, may tumatawag sa phone ko. Si Rica...
Naisip ko, siguro icocongratulate ulit ako  neto kaya tumatawag.

Jay: Rica! Napatawag ka?

Rica: Congrats ulit Jay! Ang galing mo pala kumanta. Galing nyo talaga kanina.

Jay: Thanks. Ginawa lang namin yung best namin tulad ng iba. Musta naman?

Rica: Ansaya sa event kahit nakakapagod tumayo.  Gagaling ng mga sumali e. Nagulat nga kami nung nakita namin kayo sa stage.

Jay: biglaan lang din yung pagsali namin dun e. Pero okay lang, atleast everything went well. So thankful na may sumuporta samin dun. Kaya thank you sa support, nawala yung kaba ko.

Rica: syempre. Wala yun. Sino sino pa bang magsusuportahan diba. Uy ibababa ko na ha, maingay na kase dito. Nag vivideoke yung kapitbhay namin, text nalang Jay.

Jay: Ah ganun ba. Sige ikaw bahala.


(Ayoko na sanang makipag usap. Gusto ko na munang magpahinga pero wala e.)


Rica: [Uy di ka na namin nakakasama kila manang fe ah. Kala nga namin, umiiwas ka na samin kasi ang iingay nila camille. Pagpasensyahan mo na sila. Ganun talaga yung mga yun.]

Jay: [ha? Hindi. Madalas ko kasing kasama sila Kevin at Mak. Nagpapractice kasi kami kapag break kaya di na ako nakakasama sa inyo. Di naman ako umiiwas. Medyo naging busy lang sa studies tsaka sa banda. Ako nga dapat magsorry e. di man lang ako nagsabi.]

Rica: [Wala yun. Naiintindihan naman namin na may sarili kang pinagkakaabalahan kaya okay lang samin. Naisip nga namin na baka nga busy ka lang talaga kaya ganun. Okay lang.]

....

(Nagtuloy tuloy lang yung pagkekwentuhan namin, hindi na namin namamalayan na mag mamadaling araw na pala nun. Napasarap yung pagkekwentuhan namin. Akala ko nga wala ng tulugan e. pero ako na mismo pumansin sa oras. Ayoko din kasing wala siyang tulog kahit na walang pasok bukas.

Jay: [Hala. 2am na pala Rica. Di ka pa ba matutulog? Napasarap na yung kwento natin. Haha.]

Rica: [ay oo nga no. Sige matutulog na muna ako. Medyo inaantok na rin ako e. Thanks sa time Jay. Goodnight. Bye!]

Jay: [thanks din. Sige goodnight!]


(Mula nun, hindi ako makatulog. Masaya ako, masaya kami nung mga oras na yun. Tapos bigla kong naalala, may boyfriend siya. Dapat alam ko yung limitations ko. Pero hindi ko naman pwedeng pigilan yung sarili kong gawin ang lahat mapasaya lang siya. Yung tipong, kapag kausap niya ako, ayoko ng may drama, gusto ko happy lang siya kapag kausap ako. Gusto ko, magaan yung loob niya sakin kahit alam kong taken na siya. Wala namang masama sa pagiging mabait diba.)

...


[4]


Mga 9 am, naging routine ko na yung nagmumuni-muni sa labas. Tingin tingin sa paligid, lakad lakad. Nagpapahangin ganun. Nakita ko si Rica sa may ministop malapit sa St. Vincent Hospital. Mukha siyang malungkot kaya nilapitan ko na, nag aalala ako e.


Jay: Oh rica. May problema ba? Bat ka umiiyak? Eto oh. Tahan na. Andito ako, makikinig ako. 
*sabay abot ng panyo*

Rica: Jay! *sobs*
Si papa. Nasa ospital. Na stroke siya Jay. 

Jay: Tahan na. Magiging okay din ang papa mo. Magiging okay din ang lahat. Gusto mo samahan muna kita, para hindi ka na malungkot. Ayokong nakikita kang malungkot Rica. Ayokong nakikitang malungkot yung taong mahalaga sakin. Ipagdasal nalang natin na maging okay na papa mo. Andito lang ako, sasamahan kita...

Rica: Salamat ha. Kasi lagi kang anjan kapag kailangan ko ng kausap at kasama. Thank you. Tama ka. Magiging okay din si papa.

(Sa isip ko, asan ba yung boyfriend niya, dapat siya yung nasa tabi ni Rica sa mga times na ganto e. Dapat siya yung nagcocomfort kay Rica kapag malungkot siya.)

Jay: Gusto mo dun tayo sa SV Chapel? Ipagdasal natin na maging okay na ang papa mo. Kapag may problema ka, iiyak mo lang para mabawasan yung bigat ng nararamdaman mo, idaan mo sa dasal para gumaan yung loob mo. Dito ako sa chapel na 'to pumupunta pag may problema ako. Masarap kasi sa pakiramdam yung nailalabas mo yung bigat ng problema. Tara.

Lumipas yung araw, sinamahan ko lang siya para naman mahimasmasan siya hanggang sa pag uwi niya.

Rica: thank you ha. Thank you talaga ng sobra. Sige uuwi na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay. Babalik pa ako ng ospital para macheck yung lagay ni papa.

Jay: Wala yun. Hatid na kita, gabi na oh. Delikado sa daan, mahirap na. Wag ka nang tumanggi. I won't take 'no' for an answer. Tara?

(Gabing gabi na nun nung nakarating kami sa bahay nila, sinalubong ako ng mama niya na sobrang hospitable. In-invite nila akong kumain muna o uminom man lang at nagpasalamat din sakin sa paghatid ko kay Rica. 

Sinabi ko nalang na, "Hinatid ko lang po si Rica, gabing gabi na po kasi. Gusto ko lang pong masigurado na safe siyang makauwi. Aalis na din po ako agad. Salamat nalang po. Una na ako Rica. Goodnight."

Rica: "thank you Jay! Ingat ka sa pag uwi. :)"

(I surely love that parting smile na binigay nya, ramdam na ramdam ko na masaya siya. I'm always happy kapag masaya din siya. Ang mahalaga lang sakin, e yung nakikita ko siyang masaya, okay na ako dun.)


After ilang days, nabalitaan ko na okay na nga yung papa ni Rica. Masaya ako na masaya na ulit si Rica despite what happened. Sobrang thankful din ako nun kasi okay na ang lahat para sa kanya. So ako, back to my life na ako. Back to normal, studies at banda.

.....

Camille: Buti naman naging okay na si tito. Sabi ko sayo e, magiging okay din ang lahat.

Rica: oo nga e. buti nalang anjan kayo kapag may problema. Thank you ha. Thank you din kay Jay. Siya yung nagpagaan ng loob ko nung mga oras na down na down ako. Sobrang thankful talaga ako na may kaibigan ako na katulad niya, katulad niyo.

Jenica: So, alam na ba niya?

Rica: ang alin?

Jenica: Yung totoo. Sinabi mo na ba sa kanya yung totoo?

.....


[5]


(Friday ng hapon palabas na ako ng campus para umuwi. Gusto ko ng magpahinga, nakakapagod 'tong araw na to. Andaming paperworks at research na ginagawa at gagawin pa lang, konti na lang magfa-finals na, may thesis pa. Sobrang pagod na ako. Buhay estudyante e. Kaya nagpahangin muna ako sa may quadrangle tutal maaga naman yung labas ko pag friday. Nagpapalipas ako ng oras, tapos may lumapit sakin. Si Paulo...)


Paulo: Jay. Pwede ba tayong mag usap?

Jay: Oo naman. Anong meron?

Paulo: Alam kong mahal mo siya. Alam kong mahal mo si Rica. Nakikita ko yung efforts mo sa pagpapasaya sa kanya. Salamat. Salamat kasi lagi kang anjan kapag kailangan niya ng kaibigan.

Jay: Kahit naman siguro ikaw, ganun yung gagawin. Yung gagawin lahat para sa kanya, para mapasaya siya. Pero alam ko naman yung limitasyon ko Paulo, alam kong boyfriend ka niya. Alam kong wala akong karapatan para agawin siya. Ang sakin lang, andito ako para sa kanya, bilang kaibigan na handang tumulong anytime. Wala naman akong balak agawin siya. Gusto ko lang makita siyang masaya at ayokong umiiyak siya at nasasaktan. Goodluck sa relasyon nyo tol. Ako nalang iiwas kung gusto mo, kung sa tingin mo yun yung makakabuti sa relasyon niyo. Handa akong umiwas. Basta ipangako mo lang sakin na hindi mo siya sasaktan. Usapang lalake Paulo.

Paulo: Ahm. Jay...
Tingin ko, kailangan mo nang malaman yung totoo....
Hindi niya ako boyfriend. Kuya niya ako...

Jay: ...

Paulo: oo Jay, kuya niya ako.
Ingatan mo siya ha Jay. Usapang lalake. Ingatan mo yung bunso kong kapatid...


(Nagulantang ako sa nalaman ko.
All this time, ang pagkakaalam ko boyfriend niya si Paulo. Kaya siguro andun si Rica sa event, para suportahan yung kuya niya. Kaya siguro wala si Paulo nung umiiyak si Rica dahil na-stroke yung papa niya, kasi nasa ospital si Paulo nung mga time na yun.

Tanggap ko na e, tanggap ko na kuya niya si Paulo. Pero bakit kailangan ni Rica na ipakilala sakin si Paulo bilang boyfriend niya. Bakit...
Bakit ngayon ko lang nalaman...
Andami kong tanong sa sarili ko na si Rica lang ang makakasagot.)


Pagkatapos nun, umuwi na ako para makapagpahinga, may practice pa bukas ang MKJ kasi weekend na naman. Pero hindi parin nawala sa isip ko yung katotohanan na nalaman ko habang pauwi ako. Andami kong iniisip. Andami kong tanong.

...


[6]


Kinabukasan, dating gawi. Lakad lakad kapag umaga. Yun na yung parang exercise ko lalo na pag walang morning class.

(Lumipas ang oras, kailangan ko nang pumunta kila Kevin para sa band practice. Kaya nagbihis na ako para mamayang konti, aalis na din ako papunta sa kanila. Bago ako pumupunta dun, kinaugalian ko nang kumain muna. Bawal kasi mag akyat ng pagkain sa studio e derecho kami dun kapag magpapractice kami kaya dapat nakakain na para pa-tubig tubig nalang sa taas. Kaya ayun, kumain muna ako sa malapit na turo-turo, kila manang fe.)

Pagkatapos nun, umalis na ako. Naglalakad na ako papunta kila Kevin, malamang andun na sila, 1pm na. E madalas 12:30 palang andun na sila kaya ako nalang siguro inaantay.

....

(Nung nakaalis na si Jay, papunta naman sila Rica kila manang fe kasi dun yung meeting place nilang magkakaibigan kapag gusto nilang lumabas magbabarkada.)


Diane: [Huy Jenica! Asan na kayo? Andito kami kilang manang fe.]

Camille: Pati si Mari itext mo din. Tara dun tayo kila manang mag antay Rica. Asan na ba sila Jenica? Manunuod pa tayo ng sine oh.

Rica: Lagi naman late yun diba. Dito nalang tayo kila manang mag antay. Parating na yung mga yun.

Camille: Hi manang! Dito po muna kami ha. Antayin lang po namin yung iba.

Manang: Walang problema nak. Welcome naman kayo dito. Nga pala, galing dito yung kaibigan nyo ah. Yung kasama nyo dati. Kaaalis lang.

Rica: Sino ho? Si Jay?

(Naputol yung pag uusap nila nung marinig nilang maingay sa labas. Akala nila wala lang, kasi parang normal na yung maingay dun sa labas ng kainan. Pero biglang nagkakagulo na sa labas kaya na-intriga na sila. 
Nang biglang may dumating...)


Jenica: Rica! Rica! Si Jay!!!

...


[7]


  ------------------Rica-------------------

Nagkakagulo na nun sa labas.
Narinig ko nalang yung pagsisigaw ni Jenica sa labas, tinatawag ako.

Rica: Bakit?! Anong nangyari kay Jay!

Jenica: Si Jay, naaksidente!

Rica: ano?!


Wala ng ibang pumasok sa isip ko kundi ang puntahan siya. Hindi ko alam ang gagawin, sa sobrang pag aalala ko, dali dali na akong lumabas.

Rica: Jay! Jay! Gumising ka! Jay!
Wag mokong iwan Jay!

(Bumuhos nalang yung luha ko sa takot. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Bakit... Bakit!?)

Rica: Kuya! Ate! Tulungan nyo ako! Dalhin natin siya sa ospital.
Tumawag kayo ng ambulansya, Camille! Dalian nyo!!


(Pinipilit kong magpakatatag. Pinipilit kong magrelax. Pero hindi ko magawa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala habang papunta kami ng ospital. Wala na. Wala akong magawa. Naiinis ako. Bakit kailangang mangyari to. Bakit kay Jay pa.)


Nurse: Sorry miss, pero dito nalang kayo sa labas maghintay.


Rica: Jenica, si Jay... Bakit si Jay pa. Bakit... *sobs*

Jenica: Magpakatatag ka Rica. Di tayo iiwan ni Jay. Wag ka nang mag-alala masyado, ayaw ni Jay na nakikita kang ganyan diba. Magiging okay din siya.

Rica: Sana nga. Sana. Jay...
Samahan nyo ko. Pupunta ako ng chapel. Naniniwala akong magiging okay din siya. Hindi pwedeng hindi. Hindi ko matatanggap kapag hindi. *sobs*


(Wala akong ibang magawa nung time na yun kundi ang mag antay at magdasal. Hindi ko kayang makita siyang ganun. Grabe yung pag-aalala ko kay Jay. Sobra.
Pagtapos naming pumunta sa chapel, bumalik na agad kami para icheck yung kalagayan ni Jay. Naghihintay lang kami ng balita mula sa doctor sa labas ng room.)

.....


[8]


Doctor: Excuse me, kayo ba yung kasama niya?

Rica: opo doc. Ano pong balita? Okay lang po ba siya? Ligtas na po ba siya? Doc!

Doc: He suffered some minor bone dislocation and he also had a small fracture in the skull dahil sa lakas ng impact sa kanya nung vehicle. I'm sorry to say this, but he is currently under a state of coma. Kailangan pa rin natin siyang iobserve to monitor his status. Ang magagawa lang natin for now ay hintayin siyang magising. And by the way, my nurse found this with him so,
If you may excuse me...


Rica: ....

(Isang maliit na notebook yung binigay sakin na may nakadikit na parang sulat)

 

"To Erica,

Nung una palang kitang nakita, napangiti na agad ako. Di ko alam kung bakit pero napapangiti nalang ako kapag nakikita ka, ewan, ang sarap mong titigan. Yung tipong kahit buong araw kong tingnan yang mukha mo, hindi ako magsasawa. Ang aliwalas, simple pero maganda, mukhang friendly. Kahit kelan hindi ko naging impression sayo na masungit ka,mataray. Sobrang friendly mo tingnan. At hindi ako nagkamali. Buti nalang nilapitan ko kayo. Hinding hindi ko pinagsisisihan na lapitan ka at magpakilala. Kahit na para sakin, nakakahiyang lumapit nang basta basta, ginawa ko parin, sinubukan ko parin. Gusto kong mapalapit sayo. Kahit kaibigan lang, kahit kaibigan nalang sana, okay na. Basta ang pumasok nalang sa isip ko e, basta nakikita kitang masaya, okay na yun. Wala na akong ibang hiling kundi ang mapalapit sayo at magkaron ng papel sa buhay mo, yung matatakbuhan mo kapag may problema ka, yung maiiyakan mo kapag malungkot ka, yung malalapitan mo kung wala ka nang mapuntahan. Masaya na ako ng ganun lang. Hanggang sa unti-unti kitang nagustuhan at naging close tayo. Kahit na nalaman ko na may boyfriend ka, naging kaibigan pa rin ako. Hanggang dun lang naman yung karapatan ko e. tanggap ko yun. Kahit anong mangyari, maging masaya ka lang at ngumiti ka lang, sapat na. I never asked for more. Mababaw pero that's all I could wish for, nothing more. Alam ko namang masaya ka sa buhay mo ngayon, alam kong di ka nila pababayaan e. basta lagi mo lang tatandaan, nandito lang ako para sayo. Mahal kita kahit na alam kong hindi tama. Handa akong isakripisyo yung kaligayahan ko para sayo. Ang importante sakin, masaya ka kasi mahal kita.."

Eto yung sulat na matagal ko nang ginawa at lagi ko lang dala. Kahit saan ako magpunta, dala ko to. Itong sulat na to yung dapat matagal ko nang naibigay kay Rica kaso wala akong lakas ng loob para iabot man lang to sa kanya.
Naisipan ko ngang iwan to kay manang fe para ibigay niya sayo bago ako umalis papunta kila Kevin.
Pero naunahan parin ako ng takot. Naunahan pa rin ako ng takot na ma-reject. Kahit na alam ko na yung totoo sa katauhan ni Paulo. Kahit na. Takot pa rin ako. Kaya tinatago ko pa rin to hanggang sa pag-alis ko.


[9]

<<<Rica>>>

Gustong gusto ko nang makita si Jay, andami kong gustong sabihin sa kanya na dapat matagal ko nang sinabi... na dapat sa akin nanggaling, hindi kay kuya. Matagal ko nang gustong sabihin yung totoo, pero takot ako. Takot na akong magmahal at mahalin. Yun nalang ang naisip kong paraan para kahit papano, maiwasan kong masaktan. Pero mas masakit pala. Mas masakit yung nakikita mo yung taong mahal mo na iniiwasan ka dahil din sa sarili mong paraan na akala mo makakabuti pero hindi pala. Dahil sakin, nasasaktan ako. Dapat hindi ko itinago. Nagsisisi ako na nagsinungaling ako. Natatakot kasi talaga ako. Nakakainis. Nakakainis!


Rica: "Jay, sorry. Sorry kung nagsinungaling ako. Sorry sa lahat. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo ang totoo. Hindi ko alam na sa gantong pagkakataon pa tayo magkakaaminan. Jay... Magpagaling ka Jay... Hindi mo naman ako iiwan diba? Sabi mo lagi ka lang nanjan diba. Di ka naman aalis Jay diba. Alam kong magiging okay din ang lahat, tulad ng pagpapalakas mo ng loob ko nung down na down ako. Jay... Magpalakas ka jay, andito lang ako... hinding hindi kita iiwan mag isa ,Jay..."


Jay: (("Bakit wala akong makita. Hindi ako makagalaw. Anong nangyari sakin? Ano yun? May naririnig ako. May umiiyak. Rica? Rica! Wala akong magawa kundi makinig. Naririnig ko lahat. Gising ako pero hindi ako makakilos. Hindi ako makapagsalita. Gustong gusto ko siyang patahanin tulad ng laging kong ginagawa. Ayokong malungkot siya. Pero wala akong magawa... Hindi ako makapag isip ng maayos. Anong nangyayari sakin... Nahihilo ako. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit!"))

...

Kevin: Rica? nabalitaan namin yung nangyari. Okay lang ba si Jay? Jay?!

Rica: Coma... Magiging okay din siya diba Kevin? Sabihin mo! Magiging okay din siya. Diba?!

Jenica,Camille: Rica, Tama na. Umuwi na muna tayo. Kailangan mo nang magpahinga...

...

(Araw-araw nasa ospital si Rica. Sa sobrang pag-aalala niya, hindi na siya halos kumakain at natutulog. Napapabayaan na niya ang sarili niya. Hanggang sa nagkasakit siya. Over-stressed na si Rica sa pag-aalala. Halos isang linggo siyang may sakit, gustong gusto niyang bantayan lang lagi si Jay sa ospital kahit pinipigilan na muna siyang magpunta ng ospital, kailangan niyang magpahinga. Hindi na niya alam yung sitwasyon ni Jay. Nung nakabalik na siya sa ospital, may nalaman siya...)

Rica: excuse me, nurse. Asan na yung pasyente sa room 032? Asan na si Jay?

Nurse: sorry miss. Kakagaling lang dito nung nanay nung pasyente, ililipat na daw siya ng ospital. Nasa main office ata siya ngayon, inaasikaso yung pag-alis ng pasyente.


(Nagmamadaling pumunta si Rica sa office para makausap yung nanay ni Jay. Hanggang sa maabutan niya ito na kakalabas lang ng pinto.)

Rica: Tita, tita!
Nasan na po si Jay?

"Ikaw siguro si Erica? Dadalhin namin siya sa America para maisaayos yung recovery niya. Hindi kasi kakayanin ng facilities dito ang isustain siya habang naghihintay tayong magising siya. Kailangan siyang ilipat sa mas facilitated na ospital. Sorry kung biglaan pero gusto kong gumaling ang anak ko... Nakaayos na ang lahat, kailangan na naming umalis."

Rica: ho?! Pero... Pero...

"Pasensya ka na. Kailangan namin tong gawin para sa anak namin."


(Walang magawa si Rica dahil mismong magulang na ni Jay ang nagdesisyon na ialis si Jay dun at ituloy ang treatment sa America.)


© Copyright 2020 MidnightBlues. All rights reserved.

  • Facebook
  • Twitter
  • Reddit
  • Pinterest
  • Invite

Add Your Comments:

More Romance Short Stories