"Akala"

Reads: 160  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Akala ko okay lang lahat..

Akala ko okay lang ako na wala siya..

Akala ko hindi siya kawalan..

Pero akala ko lang pala 'yon..


At huli na nang marealize kong siya parin pala ang laman ng puso ko.

Submitted: November 03, 2014

A A A | A A A

Submitted: November 03, 2014

A A A

A A A


Hi! I posted this story on my wattpad account. Feel free to visit it and support na rin :)) 

-Missimihmih xx

****

Akala ko okay na ako..

Akala ko hindi ko na siya mahal.. 

Akala ko nakamove on na ako..

Pero..akala ko lang pala yun.

 

 

Ako si Mateo, isa na akong kilalang engineer ngayon. Gwapo ako, mayaman, at habulin ng mga babae. Pero bago pa ako naging ganito, merong isang babaeng tumanggap at minahal ang buong pagkatao ko kahit punong-puno ng pimples ang mukha ko, kahit na sobrang kapal ng salamin ko, at kahit na ubod ng baduy kong manamit. Lahat ng 'yon tinanggap niya.

Siya si Andy. Nakilala ko siya nung unang araw namin sa kolehiyo. Unang kita ko palang sakanya, nahulog na agad ako. Pero dahil sa physical na anyo ko, tinago ko lang yung nararamdaman ko sakanya. Ang sabi ko, mawawala din ito.

Pero hindi. Mas lalo lang lumalim ang pagtingin ko sakanya nung kinausap niya ako. Doon palang, alam kong ibang-iba siya sa lahat.

"Hi, ako nga pala si Andy." nakangiti niyang pagpakilala sakin. Nahihiya kong inabot yung kamay niya at nakipag-kamay.

"Mateo." I smiled. Grabe, ang lambot ng kamay niya. At ang ganda ganda niya lalo pa't lage siyang nakangiti.

"Uhh, wala kasi akong ibang kakilala dito. Pwede ba'ng sabay nalang tayo maglunch? Tutal magkaklase naman tayo sa tatlong subjects diba?" marahan akong tumango bilang sagot. 

"Yey! thank you ha? Tara na." sabay hila niya sa kamay ko. Naglakad kami habang magkahawak ang kamay.

Simula nun, lage na kaming magkasama. Naging matalik kaming magkaibigan, bestfriends kumabaga. At ang saya-saya ko nun dahil naging close ko ang taong gusto ko. Ilang beses ko din tinangkang umamin sakanya ng tunay kong nararamdaman. Pero nuunahan ako ng takot na baka layuan niya ako. Hanggang sa isang araw, naglakas loob akong umamin sakanya. I'll take the risk. Kahit na anong kalalabasan nito, bahala na..

"Andy..m-may s-sabihin sana ako sayo." nauutal kong sambit. Kinakabahan ako

"Ano yun?" tanong niya sabay sinubo ng buo yung binili niyang muffin. Napailing nalang ako. This is what I love about her, wala siyang arte. She's just simply doing what ever makes her happy. Wala siyang pakealam sa sasabihin ng iba. 

"I-I l-like you, Andy." I whispered almost only to myself. Pero mukhang narinig niya naman yun dahil bigla siyang napahinto sa pag'nguya.

"Y-you l-like m-me?" she asked na para bang hindi siya makapaniwala. I just nodded slowly habang nakatingin lang sa kamay ko.

Bigla akong napaangat ng tingin nung marinig ko siyang tumawa ng malakas. I furrowed my brows while looking at her, laughing like crazy.

"Anong nakakatawa?"

"YOU!" sabay halakhak niya ng napakalakas. Ughh she's already catching the attention of the people walking.

"Alis nako." I said coldly atsaka naglakad palayo. Nakakawalang-gana naman kasi eh. Matapos kong mag'confess, tatawanan niya lang ako? Who does that?

"Huy Mattyyy!" she called. Hindi ako lumingon at nagdiretso lang sa paglakad. Pero nabigla ako nung bigla niya ako niyakap mula sa likod.

"I like you too, Matty." she whispered. I can feel the sincerity in her voice. It's like music in my ears. The way she says my name..ang sarap lang pakinggan.

Bigla niyang hinila ang kamay ko at pinaharap sakanya.

"I like you, you like me too. So tayo na ha? Wag na natin patagalin to." then she hugged me tight.

"I love you, boyfriend." she said.

I love you, boyfriend

I love you, boyfriend

I love you, boyfriend

I love you, boyfriend

I was speechless. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Buong akala ko magagalit siya sakin, pandidirihan niya ako atsaka ako lalayuan tulad ng ginagawa ng iba. But oh well, she's Andy. And I love her for being Andy.
 

Monthsary, 6 months, hanggang sa umabot na kami ng aming 2nd anniversary. All the years that we spent together, lahat ng yon ay pinuno namin ng aming magagandang alaala. We cherish every moment we spent together. Pero syempre, wala namang perfect relationship. Minsan nagkakaron din kami ng konting di pagkakaintindihan.

Kami ni Andy, lage kaming magkasama. Para ngang hindi na kami nagkakahiwalay eh. Kaya minsan hindi ko maiwasan makaramdam ng pagkasawa sa aming relasyon. Parang paulit-ulit nalang ang routine eh. I want to try something new..

Kaya simula nun, nagpapogi ako. Hanggang sa unti-unti na nga akong napapansin ng mga kababaihan. Akalain mo yun? Ang sarap pala sa pakiramdam na pinag-aagawan ka nila. Dati kasi pinandidirihan nila ako. Ang pangit ko daw. Pero tingnan mo naman ngayon, halos magkandarapa na sila sa sahig, mapansin ko lang.

"Babe, let's go to my place." sabi ni Beatrice. Isa sa mga babaeng pumipila sakin. 

"Sure." at walang pag-aalinlangan ko siyang hinalikan. Ahh..this is what I want. Sa sobrang pagkaaliw ko, nawala na sa isip ko si Andy. Hindi ko na siya masyado nakikita. Busy siya at...oh well, busy din ako.

Habang hinahalikan ako ni Beatrice, biglang nahagip ng mata ko ang isang babaeng maluha-luha na habang nakatingin dito sa pwesto ko. It was Andy..

"Wait here." I said to Beatrice atsaka hinabol ang tumatakbong palayo na si Andy.

"Andy..wait!" I grabbed her elbow at ipinaharap sakin. Kitang-kita ko yung pamumula ng mga mata niya sa sobrang pag'iyak. I pulled her into a tight hug. Lalo naman siyang humagulgol sa pag'iyak. Bigla naman ako nakaramdam ng konting konsensya. 

Dahan-dahang humina ang pag-iyak niya kaya inilayo ko siya ng bahagya para makita ko ang mukha niya. Pero nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

"I'm sorry.." she whispered. Napakunot naman ako ng noo.

"What?"

"Im sorry.."

"Im sorry.."

"Im sorry" paulit-ulit niyang sambit habang umiiyak. Niyakap ko siya ulit atsaka pinatahan.

"I'm sorry kung nagkulang ako. Maybe I wasn't enough kaya naghanap ka ng iba. I'm soryy Matt..for not being enough.." she cried.

"I promise..hindi na ako magkukulang Matt. I love you.." she said that made my heart sunk. What? Bakit siya pa ang nagsosorry?
 

It's been 2 weeks simula nung nahuli ako ni Andy na may kasamang ibang babae. Pero hanggang ngayon, hindi ko parin nasasabi sakanya yung katagang 'sorry'. Ewan ko ba, bigla nalang tumaas ang pride ko.

Simula din nun, naging mas sweet siya sakin habang ako naman ay naging malamig na ang pagtrato ko sakanya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Yes, I still love her pero may mga pangangailangan din ako. Lalake parin ako..

Kaya heto ako ngayon at nambababae nanaman ulit. Takot? Hindi ko nararamdaman yan. Siguro kasi alam kong mapapatawad parin ako ni Andy. Alam ko yun, mahal niya ako eh.

Pero hindi tulad ng inaasahan ko ang nangyari. Nahuli ulit ako ni Andy na may kasamang iba. Tulad ng dati, umiyak siya at tumakbo palayo. Pero this time, hindi ko na siya hinabol. Buong akala ko kasi hindi niya ako iiwan. Atsaka kung hahabulin ko siya, matatapakan ang pride ko. Kaya pinabayaan ko nalang siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Isang linggo ang nakalipas. Wala akong balitang narinig tungkol kay Andy. Nung natapos ang graduation namin, may nagsabi nalang sakin na lumipad na patungong ibang bansa ang pamilya niya.

6 years after...

 

Naglalakad ako sa mall. May imemeet kasi akong client dito. Pero napaaga ang dating ko kaya naglibot-libot muna ako. As usual, lahat ng babae ay napapalingon sa akin. Ang gwapo ko na kasi eh. Ang laki na ng pinagbago ko. 

Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nung may naramdaman akong sinusundan ako ng tingin. At tama nga ang hinala ko. Pero nagulat ako dahil sobrang ganda ng babae. Sobrang puti at kinis ng balat niya. Tapos idagdag mo pa yung magandang hubog ng katawan niya. She's like a goddess.

"Matty.." I heard her say. Doon ko lang narealize na ang babaeng 'yon ay ang babaeng nagpatibok ng puso ko. It was her..Andy.. Ibang-iba na siya ngayon. Hindi na siya yung Andy na boyish manamit. She has changed...a lot.

Akmang lalapitan ko sana siya nung maunahan ako ng isang lalake at hinalikan siya..sa lips. Parang dinurog ang puso ko. Ang sakit sakit. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Unti-unting nawawasak ang puso ko nung naglakad na sila palayo. 

I saw Andy glanced back at me. At hindi nakawala sa paningin ko yung lungkot na dumaan sa mga mata niya bago muli ibaling ang tingin niya sa harap.

That's when reality hit me.

Akala ko okay na ako..

Akala ko hindi ko na siya mahal.. 

Akala ko nakamove on na ako..

Pero..akala ko lang pala yun.

Dahil ang totoo...

I'm still into her. I still love you Andy...

****END****

 


© Copyright 2018 Missimihmih. All rights reserved.

Add Your Comments:

Booksie 2018 Poetry Contest

Booksie Popular Content

Other Content by Missimihmih

Teddy Bear

Short Story / Romance

Short Story / Romance

Pangarap Lang Kita

Book / Fan Fiction

Popular Tags