Teddy Bear

Reads: 327  | Likes: 0  | Shelves: 0  | Comments: 0

More Details
Status: Finished  |  Genre: Romance  |  House: Booksie Classic
Gaano ba kahalaga ang pagsasabi ng 'I love you'?

Submitted: November 03, 2014

A A A | A A A

Submitted: November 03, 2014

A A A

A A A


Hi! I'm a newbie here. First posted story ko ito dito. I first posted this story sa wattpad. =)

 

ENJOY :)))

 

-Missimihmih xx

*******

 

 

Ako si Thea.

 

Boyfriend ko si Theo.

 

Magkababata kami.

 

Childhood bestfriends, kumbaga.

 

Sabi nga nila perfect couple daw kami kasi naging magkaibigan muna kami kaya kilala na namin ang isat isa.

 

Mahal ko si Theo at alam kong ganun din siya sakin.

 

Pero simula nung naging kami, never niya pa sinabi sakin ang katagang..

 

...I love you.

 

Si Theo, siya lang ang lalaki sa buhay ko. Siya lang..

 

"Theo, date tayo."

"Ha? May pupuntahan kami ngayon ni Hanna eh. Next time nalang.."

 

Pero siya..ako lang ba?

 

Bakit parang mas may oras pa siya sa iba?

 

Hindi ako nakikipagkita sa ibang lalake kasi gusto ko siya lang ang kasama ko lage..

 

Pero siya harap'harapan pang nambababae.

 

Ang sakit. Lage akong umiiyak dahil sakanya. Nasasaktan ako dahil sakanya.

 

Pero kahit ganun..mahal ko parin siya.

 

"Thea ohh.." sabay abot niya sakin ng teddy bear.

 

Teddy bear nanaman?

 

"Para san ba talaga to?" I asked pero nginitian niya lang ako atsaka umalis.

 

Ganun nalang lage.

 

Wala man lang 'Hi babe' o di kaya 'I love you' man lang bago siya umalis.

 

Puro tedddy bear nalang ang binibigay niya saakin.

 

Simula nung naging kami, araw'araw niya akong binibigyan ng teddy bear.

 

Walang araw ang lumilipas na hindi niya ako binibigyan nito.

 

Punong' puno na nga ng teddy bear ang kwarto ko eh.

 

Pero kahit kailan, hindi niya pa ako sinasabihan ng I love you
 

Dumating ang kaarawan ko at ang ika-500 day ng pagsasama namin ni Theo.

 

Ang saya saya ko.

 

Inaasahan ko ang surprise niya sakin.

 

Inaasahan kong baka ngayon na yung araw na sasabihin niya sakin yung katagang yun..

 

Pero sumapit na ang gabi..wala parin akong natanggap na text mula kay Theo.

 

Umiiyak nanaman ako. Umiiyak nanaman ako dahil sayo Theo..

 

Bakit ka ganyan?

 

Ang sakit isipin na ang pinakamahalagang araw ko..araw nating dalawa..ay nakalimutan mo.

 

Theo..mahal  mo ba talaga ako?

 

Kinabukasan..
 

 

"Thea, andito ako sa may park. Aantayin kita." yan ang text sakin ni Theo.

 

Napaluha nanaman ako.

 

Mukhang wala nga siyang naaalalang okasyon kahapon. 
 

 

Bumaba na ako at pumunta sa park malapit sa bahay namin.

 

Nakita ko si Theo na may bitbit na namang teddy bear. Pero this time, mas malaki na ito.

 

"Theo..sabihin mong mahal mo ako! Sabihin mo!" desperado kong sigaw sakanya nung makalapit ako.

 

Pero nginitian niya lang ako ng bahagya sabay abot ng malaking teddy bear.

 

"Ito ohh.."

 

Nainis ako.

 

"Para saan nanaman yan?!"

 

"Nakalimutan ko kasing ibigay sayo kahapon."

 

Pero hindi ko yun kinuha.

 

Tinabig ko yun kaya tumapon yon sa may kalsada.

 

"Ayoko na Theo! Pagod na pagod na ako. Tapusin na natin itong relasyon na to! I don't want to ever see you again!!" I shouted habang tuloy tuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

 

Nakita kong tinalikuran ako ni Theo para kunin yung malaking teddy bear.

 

Pero bago pa yun..nakita kong may luhang kumawala sa mata niya.

 

Nakaramdam ako ng kirot nung makita kong umiiyak si Theo.

 

Pero binalewala ko nalang yun.

 

Mas masakit itong nararamdaman ko kesa sakanya.

 

"Wag mo nang pulutin yan! Wala narin yang kwenta!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig at tuloy parin sa pagpulot nung teddy bear.

 

Nagulat ako nung may makitang rumaragasang truck.

 

"THEEEOOOO TUMABI KAAA!!!" sigaw ko pero huli na ang lahat.

 

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung pano tumilapon si Theo sa lakas ng pagtama ng truck sa kanya.

 

And on that day..nawala na nga ng tuluyan saakin si Theo.

 

He's gone..

 

Wala na 'yong taong minahal ko ng sobra.

 

Dalawang buwan na ang lumipas pero sariwa parin sa utak ko ang nangyari.

 

Hindi parin nawawala ang sakit.

 

Araw-araw..gabi-gabi..umiiyak ako.

 

Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang wala na si Theo.

 

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ko..

 

Napaluha ako nang makita ang mga teddy bear na binigay sakin ni Theo.

 

Ang dami na nila..

 

Kumuha ako ng isa.

 

Niyakap ko ito at dun ako humagulgol ng iyak.

 

I miss him..I miss you Theo..

 

Napabalikwas ako ng upo nung biglang magsalita yung teddy bear.

 

"I love youuu ~"

 

I pressed each chest of the teddy bears.

 

At sabay sabay itong tumunog..

 

"I love youuu ~"

 

"I love youuu ~"

 

"I love youuu ~"

 

Napaluha nanaman ako.

 

Araw-araw..inaantay kong sabihin saakin ni Theo ang katagang yon.

 

Pero wala akong nakukuha..kundi itong mga teddy bear lang.

 

Hindi ko akalaing ito pala ang paraan ni Theo para sabihin saakin yun.

 

Ni hindi ko man lang napansin.

 

Binilang ko lahat ng mga teddy bear..

 

"500.." I whispered atsaka inabot yung ika-500 bear na bigay sakin ni Theo.

 

Ito na yung malaking teddy bear.

 

Ito  na yung teddy bear na may bakas pa ng dugo ni Theo.

 

Napangiti ako ng mapait bago pindutin ang dibdib nito.

 

And then..

 

I heared his voice.

 

Yung boses niyang sobra kong namimiss.

 

It was him.

 

It was Theo.

 

"Hi Thea! Happy birthday and happy 500th day saatin. Alam mo bang ang saya saya ko nung sinagot mo ako? Hindi ko akalaing gusto mo rin ako. Mahal na mahal kita..Thea. Sorry kung di ko masabi ito sayo ng personal. Nahihiya parin kasi ako eh. Naiilang parin ako. Pero pangako, pagkatapos nito..sasabihin ko na saiyo ng personal ang katagang iyon. Naghahanap pa kasi ako ng lakas ng loob eh. Sorry kung natagalan. Mahal kita Thea..mahal na mahal. Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Ikaw lang ang babae na minahal at minamahal ko Thea...

 

 

 

...I love you! I love you! I love you!"

 

*****

 

Thank you for stopping by :*

 

 

 


© Copyright 2019 Missimihmih. All rights reserved.

Add Your Comments:

More Romance Short Stories