Bahay ni Juan dela Pamahiin
Miscellaneous by: pamahiin0809
Reads: 27505 | Likes: 9 | Shelves: 1 | Comments: 5
Bahay ni Juan dela Pamahiin
Isang pananaliksik papel tungkol sa mga pamahiin sa bahay ng iba’t ibang kultura.
Cruz, Shiela Marie S.; Labatete, Kevin Jan G.; Leocadio, Joanne Razel T.; Nonog, Ma. Donna Erica Q.; Urbano, Alyssa Marie R.; Vidad, Angela Marie A. mula sa klase ng 1BSN4, UST Kolehiyo ng Nursing, T.A. 2008-2009. Sa patnubay ni Gng. Zendel Taruc.
Ang bahay ay isang mahalagang bahagi sa pagbubuklod ng isang pamilya. Ito ay ang pinakapinagtutuunan ng pansin at isa sa mga prayoridad sa pagbuo ng isang mag-anak. Sa paglipas ng panahon, marami ang nausong paraan kung paano aayusin at pagagandahin ang bahay. Karamihan sa mga Pilipino, mapa-Luzon, Visayas o Mindanao man, ang pamahiin ang isa sa mga nakagawian nang paraan upang magdulot ng katiwasayan, seguridad at swerte sa tahanan.
Sa pagdaan ng panahon, marami sa pamahiing Pilipino ay naimpluwensyahan at naiambag lamang ng ibang bansa. Dahil dito, naisip ng mga mananaliksik na magtala ng mga kakaibang pamahiin sa bahay mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Layunin nito na ipakita ang pagkakaiba ng mga pamahiin ng iba’t ibang kultura.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA
I. Ano ang pamahiin?
Ang pamahiin ay ang walang basehang paniniwala sa isang bagay o pangyayari na makakaapekto sa isa pang pangyayari kahit wala silang relasyon sa isa’t-isa (Eliese 2008).
Ayon naman kay Oblena (2008), ang pamahiin ay isang gabay o batayan, na sa tamang paggamit ay maaaring magbigay ng magandang kapalaran, lakas ng loob o dagdag na paniniwala sa iyong sarili.
Para kay Brunvand (1998), manunulat ng The Study of American Folklore, ang pamahiin ay paniniwala, kaugalian, pamamaraan at pagpapalagay na kadalasang may kinalaman sa kalikasan ng mga sanhi at bunga.
II. Pamahiin sa Kulturang Pilipino
Ang mga Pilipino ay likas na may malaking paniniwala sa mga pamahiin. Ito ay isang malaking bahagi na ng ating kultura at nakakaimpluwensiya sa mga pananaw at iba’t ibang pangyayari sa ating buhay. Sa sobrang lakas ng paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin, hindi ito nakayang baliin ng Kristiyanismo at hindi nagawang tanggalin ng siyensya at teknolohiya.
Ayon kay Dr. Sonia M. Zaide (1999), manunulat ng “The Philippines: A Unique Nation,” naimpluwensiyahan ng iba’t ibang bansa at kultura ang ating mga pamahiin. Ang ilang halimbawa nito ay ang India, Tsina, at Peru. Ang may pinakamalaking naging impluwensiya sa ating mga pamahiin at paniniwala ay ang mga Espanyol.
III. Mga Pamahiin sa Bahay mula sa Iba’t ibang Kultura
Isa sa mga partikular na pinagtutuunan ng pansin ng mga Pilipino ay ang bahay. Ang bahay ay naikokonekta sa pamilya kaya’t napakahalaga nito sa mga Pilipino. Sa bahay nailalaan ang pinakamalaking bahagdan ng ating oras kaya’t hangga’t maari, gusto ng mga Pilipino na ito ay maging komportable at mailayo mula sa malas at masasamang espiritu.
1) Ilokano
a) Huwag magwawalis ng tingting sa gabi upang hindi magdahop sa kabuhayan.
b) Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari
sa iyo
c) Malas ang kumain sa ilalim ng hagdan
2) Kapampangan
3) Bisaya
a) Tuwing matutulog dapat kapitan ng karit ang mga pintuan at bintana at sa panahon ng mahal na araw, dapat magsaboy ng kaunting asin sa trangkahan.
b) Bawal umupo sa hagdanan kapag may regla.
c) Bawal kumanta sa hapag kainan dahil ang pagkain na galing sa langit ay ninanamnam.
4) Ilonggo
a) Bawal sumipol sa gabi dahil nakakatawag-pansin ito ng mga maligno.
b) Kapag may bagong bahay, maglagay ng mga barya sa mga mga bintana para swertehin.
5) Batangueño
Kapag may buntis sa bahay, bawal umupo sa may pintuan dahil mahihirapan manganak.
PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL
Ang pamamaraang ginamit ng grupo upang makakalap ng datos ay ang pananaliksik at panayam. Para sa pananaliksik, gumamit ang grupo ng mga libro at ng internet. Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa tatlong respondente na nagmula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas na may kanya-kanyang opinyon ukol sa pamahiin.
Ang unang kinapanayam ng grupo ay isang madre ng Holy Family Dormitory na nagngangalang Sr. Lerma Serdone, tatlumpu’t dalawang taong gulang na mula sa Quezon Province. Nang tanungin kung siya ay naniniwala ba sa mga pamahiin, ito ang kanyang naging tugon: “Hindi, kasi kung ikaw ay isang Kristyano at matibay ang iyong pananampalataya, hindi ka maniniwala kasi isa lang ang dapat mong paniwalaan, ang Diyos lang.”
Tinanong din ng grupo kung para sa kanya ba ay masamang maniwala sa mga pamahiin. “Kung iyan ay hindi makabubuti sa iyong pamumuhay at sa pagiging tao mo, hindi ka dapat maniwala.” Dagdag pa niya, “Hindi mo kasi masisisi ang mga naniniwala. Una sa lahat, kulang sila sa impormasyon. Malakas ang impluwensya ng mga sabi-sabi. Halimbawa sa bahay, kung naniniwala ang lola mo, ikaw na apo ay maniniwala rin kasi meron kang pruweba. Ang mga nangyayaring co-incidence o pagkakataon sa mga taong katulad niyo na hindi madre o pari ay agad ikinakabit sa pamahiin.”
Ikinuwento pa niya na, “Ang mga magulang ko ay naniniwala sa mga ganyang bagay. Noong bata pa ako, naniniwala rin ako kasi iyon ang nakikita ko sa bahay namin. Pero sa bandang huli, hindi na.”
Ang ikalawang kinapanayam ng grupo ay si Ginang Escolastica Nonog, apatnapu’t siyam na taong gulang. Siya’y
nagmula sa Leyte at kasalukuyang naninirahan sa Cavite.
Nang tanungin ng grupo kung anu-ano ang kanyang alam na mga pamahiin, narito ang ilan sa kanyang mga nabanggit: (1)Bago magpatayo ng bahay, kailangang magpadugo muna ng manok o di kaya’y baboy. (2)Sa paglipat, kailangang kabilugan ng buwan at hindi tuwing bagong buwan (new moon). (3)Kailangang magdasal ng rosaryo, simulan habang palipat at tapusin sa lilipatang bahay. (4)Hangga’t maaari, bago dapat ang kama o di naman kaya ay ang mga kobre kama.
Nang hingin ng grupo ang kanyang tugon ukol sa pagsunod sa mga pamahiin maging sa sariling tahanan, narito ang kanyang sagot: “Hindi gaano, ngunit wala namang masama kung susundin ang mga pamahiin na iyon. Ang iba ay sinunod ko ngunit ang iba tulad ng ‘dapat nakaharap sa silangan ang bahay’ ay hindi na nasunod dahil walang mabiling lote na nakaharap sa silangan.”
Bago magwakas ang pakikipanayam ng grupo, nabanggit niya na: “Wala naman yata iyan sa pamahiin. Diyos talaga ang nakakaalam at magsumikap ka lang, ika nga, ‘success will follow’.”
Isa rin sa kinapanayam ng grupo ay si Ginang Alicia Vidad, limampu’t isang taong gulang, nakatira sa Lungsod ng Muntinlupa. Siya ay lumaki sa Ilocos Norte. Isa siya sa mga respondenteng naniniwala sa pamahiin.
Nang tanungin ng grupo kung paano nakatutulong ang pagsunod sa pamahiin sa kanilang pamilya, ito ang kanyang naging tugon, “Malaki rin ang naitututlong nito, kasi magaan ang pakiramdam mo na sinunod mo ang pamahiin at hindi mo sisisihin ang sarili mo kung ano man ang mangyari sa loob ng bahay. Pwede rin itong panakot sa mga bata. Kunyari sinasabi ko sa anak ko na bawal magputol ng kuko sa gabi. Sa aming paniniwala, kapag ginawa mo ito ay may mamamatay. Kung hindi naman ito totoo, ayos lang kasi delikado naman talaga ang magputol ng kuko sa gabi. At kung totoo man ang mga pamahiin, maaaring makaiwas sa malas at madagdagan pa ang swerte ng pamilya.”
Naungkat din ng grupo kung nasusunod ba nila ang lahat ng mga ito. “Yung iba, hindi nasusunod kasi matrabaho at
kailangang may superbisyon ng mga matatanda kasi sila ang eksperto pagdating sa ganyang mga pamahiin.”
Sa kabila ng pagiging matrabaho at paminsan-minsan ay mabusisi ang pagsunod sa mga pamahiin, hindi ito naging balakid sa pagsunod nila. Eto ang kanyang naging pahayag: “Katulad na lamang kapag bagong taon, maraming pamahiin ang kailangang masunod. Halimbawa, kailangang bumili ng labintatlong prutas, kahit na maliit ang badyet, pagkakasiyahin pa rin para makumpleto ang mga ito.”
Kahit na maraming makabagong teknolohiya at halos lahat ng bagay ay may siyentipikong basehan na, pinahahalagahan pa rin ni Gng. Vidad ang mga ito. “Siyempre! Minsan nga, natatawa na lamang ang aking mga anak tuwing pinapaalalahanan ko sila na huwag magwalis tuwing gabi kahit na sobrang kalat. Kaya ko ibinabahagi sa kanila, kasi maaari namang may katotohanan ang mga ito. Kung wala, eh di parang ibinahagi ko na rin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kultura ng mga Pilipino.”
Tunay ngang malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pamahiin.Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, mahihinuha na hindi nalalayo ang mga pamahiin ng iba’t ibang lugar at kultura. Masyadong ispesipiko ang mga pamahiin at maraming kailangang gawin masunod lamang ito. May mga taong malakas ang paniniwala sa pamahiin na ginagwa talaga nila ang lahat, sa abot ng kanilang makakaya, para masunod ito. Kahit na minsa’y mahirap at minsa’y nanganailangan pa ng malaking halaga. Mayroon din namang mga tao na sinusunod lamang ang mga pamahiin na madadali o iyong kaya nila at hindi na gaanong pinag-uukulan ng pansin, o dagdag na panahon, ang mga pamahiin na mahihirap.
Ang pananaliksik na ito ay maaaring ipagpatuloy sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ibang pokus tulad ng pamahiin sa iba’t ibang okasyon, pagkain, at iba pang pang-araw-araw na gawain. Maaari ring patunayan ng susunod pang mananaliksik kung totoong nagdudulot ang pamahiin ng swerte.
Anonymous. (2006). Ilang Paniniwala at Pamahiin. Retrieved January 6, 2009, from Website: http://teacherjulie.com/2006/08/21/ilang-paniniwala-at-pamahiin/
Anonymous. (2008) Iwas malas!. Retrieved January 6, 2009, from GMANews.TV Website: http://www.gmanews.tv/story/96269/Iwas-malas
Anonymous. (n.d.) 7 Crazy Superstitions Filipino Buyers Declare when Choosing a Home. Retrieved June 7, 2009 from Website: http://www.associatedcontent.com/article/494449/7_crazy_superstitions_filipino_buyers.html?cat=54
Anonymous. (n.d.).Bahay, Tahanan at Pamilya. Retrieved January 6, 2009, from Website: http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Folk_Beliefs/filipino_folk_beliefs.htm
Anonymous. (n.d.) Bathroom. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/bathroom.html
Anonymous. (n.d.) Bedroom. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/bedroom.html
Anonymous. (n.d.) Dining Room. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/dining-room.html
Anonymous. (n.d.) Entrance Ways. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/entrance-ways.html
Anonymous. (n.d.) Kitchen. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/kitchen.html
Anonymous. (n.d.) Lounge Room. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/lounge-room.html
Anonymous. (n.d.) Stairways. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/stairways.html
Anonymous. (n.d.) Study Room. Retrieved January 9, 2008 from Website: http://www.indobase.com/fengshui/tips-for-homes/study.html
Eliese. (2008). Mga Pamahiin. Retrieved January 6, 2009, from Website: http://pinoyandpinay.com/KuroKuro/?p=45
Floro, A. (n.d.). Katutubong Pamahiin, Uso Pa Rin. Retrieved January 6, 2009, from Website: http://www.seasite.niu.edu/tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_Lessons/Framesets/reading_lessonsfs.htm
Francisco, J. (n.d). Filipino Superstitions: Examples and Possible Origins of Folkloric Beliefs in the Philippines. Retrieved January 7, 2009 from Website: http://www.suite101.com/article.cfm/filipino_american_lifestyle/110149
Herschel,S. (2008). Superstitious Beliefs in the Philippines. Retrieved January 6, 2009, from Website: http://www.trifter.com/Asia-&-Pacific/Philippines/Superstitious-Beliefs-in-the-Philippines.113065
Oblena, L. (2008). Mga Pamahiin. Retrieved January 6, 2009 from Website: http://tipakan.com/mga-pamihiin
Tan, M. (2008). Superstitions. Retrieved January 6, 2009, from Inquirer.net Website: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080822-156099/Superstitions
Tchi, R. (n.d.). Bad Feng Shui - Bed Under the Window . Retrieved January 7, 2009 from About.com Website: http://fengshui.about.com/od/fengshuiforbedroom/qt/window_bed.htm
Tchi, R. (n.d.). Bad Feng Shui - What Not to Have in Your Bedroom. Retrieved January 7, 2009 form About.com Website: http://fengshui.about.com/od/yourbedroom/qt/notinbedroom.htm
Tchi, R. (n.d.). Feng Shui Tips for a Bed Aligned with the Door. Retrieved January 7, 2009 from About.com Website: http://fengshui.about.com/od/fengshuiforbedroom/qt/window_door.htm
Submitted: March 13, 2009
© Copyright 2023 pamahiin0809. All rights reserved.
Comments
Facebook Comments
More Other Miscellaneous
Discover New Books
Boosted Content from Other Authors
Short Story / Romance
Book / Thrillers
Book / Thrillers
Book / Science Fiction
Boosted Content from Premium Members
Book / Fantasy
Article / Non-Fiction
Poem / True Confessions
Book / Fantasy
Other Content by pamahiin0809
Miscellaneous / Other
antoi0520
k, mabuting may nabasa lang akong filipinong gawa. thanks.
Tue, August 24th, 2010 7:14pm