Sapiosexual Profile

Bronze Writer BadgeBronze Writer BadgeBronze Writer BadgeBronze Writer BadgeBronze Writer BadgeBronze Writer Badge


Sapiosexual

Location: Philippines

Member Since: August 2017

Last online: November 2017

Open for read requests: Yes

Subscribe to Sapiosexual's portfolio via RSS

Featured by author

Profile Information

I am more of a reader than a writer.

_______________________________________________

DEPRESSION

Maybe it’s time to change Self-help into Please-Help-Me?

downward slope going 100 miles per hour

A very deep depression, just months of dark feelings building up until the tidal wave took over. It was like a 10- foot wave smacked me right across the face.

There were days that I called-in-sick to work for days and just confined myself to the four walls of my overtly darkened bedroom, didn't shower, and consumed my hours into sleeping and when I am awake I had the worst suicidal thoughts that I've ever had

_______________________________________________

 

‘BREAK-UP’ CODE OF ETHICS (16 UNWRITTEN RULES NA WRITTEN NA NGAYON)

In accordance with its primary values and ethical standards, this set of guidelines is issued by a certain “Alagad Ng Pag-ibig” na sobrang bihasa at eksperto pagdating sa pighating dulot ng break-up in order to help other mangingibig overcome the same kind of tragedy and to protect the world from devastation and to unite all people within our nation. ( wahhht?)

They say that the hardest part of losing someone comes in two ways. (1) Saying goodbye ( During break-up)  and (2) Learning to live without them ( Post break-up syndrome.)

So, eto na yun.

DURING BREAK-UP. ( Yung tipong on-going pa lang ang mga break-up dialogue niyo sa isa’t-isa ganun.)

1.  Wag na wag siyang hahabulin kapag bigang nagwalk-out. Bigyan ng justification kung ano ang itinadhana. Um-exit ng naaayon sa haba ng laylayan.

2.   Kung ikaw naman ang magwawalk-out, wag na lumingon pabalik in slo-mo. Nakasakay na siya ng jeep.

3.  Wag ng humirit ng isa pang kiss kung nakipag-break na. ( kahit gustong-gusto mong lapain yung labi niya kasi naman ang kissable kasi kaya ang hirap i-let-go ganun.)

4.  Pero kung talagang mapilit siya, magpaubaya. Pumikit. Yakapin siya ng mahigpit at damhin ang moment sabay pisil sa masels. Dahil baka last na yun.

5. Pero wag na wag rumequest ng ‘break-up sex’ para mabigyang conviction ang finale. Ito ay ipinagkakaloob lamang 1-week bago matapos ang 3-month rule kung gusto mong ma-extend ang moving-on process kasi may sayad ka sa utak.

6. Gumawa ng The Break-Up Checklist para iwas-buckle during confrontation scene.

7. Tadjakan mo kapag humirit ng, “Can we still be friends?”. Isa yang ultimate dynamic portal para muli ka niyang balikan just in case hindi magwork-out ang huling relasyon niya.

8.   Don’t ever go into bargaining like, “Magbabago ako para sa’yo”. Kahit ano pang gawin mo, buo na ang desisyon niya. Magbago ka para sa sarili mo hindi para sa ibang tao, then install Tinder.

9. Kahit gaano ka pa kagalit, wag na wag mong sasampalin. Very teleserye yon. Napakabasic. Bayagan mo sabay takbo.

—–

AFTER BREAK-UP ( Yung the day after and so on, ganun. )

10. Walang bawian ng gamit na ibinigay mo na. Unless hindi mo pa tapos hulugan.

11. Kung balak mong maghiganti, siguraduhing hindi lalampas ng 10k pesos ang damage to property. Baka bigla kang singilin wala ka namang pambayad.

12. Huwag agad i-block  sa FB after mag-break. Ang unang mag-block, weak. Dapat kunware chill lang. Para makita niya yung mga future lalandiin mo para kunware ikaw yung una nakamove-on. #RevengeOfTheFallen.

13. Kahit gaano ka pa kalasing, wag na wag tatawagan si ex para lang sabihing siya pa rin ang mahal mo. Inuman lang walang iyakan. Wag suicidal.

14. Ikaw ang iniwan or nang-iwan, it really doesn’t matter at all. Hindi mo kelangang magpa-presscon sa social media. Wala kayong upcoming movie.

15. Wag agad palitan ng “single” ang relationship status sa FB. ( Baka magbago pa isip niya just in case meron kayong Break-up sex.)

16. Iwasang ang mga self-destructive na kanta sa videoke gaya ng “Dahil Mahal na Mahal Kita” at “Pusong Ligaw” lalo na’t wala pang 1 week kayong nagbbreak. Torture yan.

17. Wag i-delete ang nudes na sinend niya sa’yo nung kayo pa. Yun ngang pumupunta ng bertdeyan may pa-souvenir sa guest bago umuwi. Dapat ikaw din meron. Kakailanganin mo din yan gabi-gabi kapag walang wala na.

—-

Pero seriously, kesyo ano pang rules yan, sabi nga, the best way to deal every break-up is to always love yourself. Maling tao man ang paulit-ulit mong mahalin, pero kahit kailan hindi naging mali ang magmahal. Natapos man ang kwento niyo, pero di pa tapos ang kwento mo. Kaya wag kang mapagod. Magmahal ka lang ng paulit-ulit at babalik din yan sa’yo.

__________________________________________________________

 

FOLLOW YOUR PASSION” IS MEDYO MISLEADING

Kapag hindi ka masaya sa ginagawa mo, ang lakas makapangunsinti ng mga linyahang, “You should follow your passion.”  Kapag hindi ka nag-eexcel sa propesyong meron ka, palaging, “Kasi hindi naman ata yan yung hilig mo. Dapat sinusunod mo kung ano ang makakapagpasaya sa’yo.” ( Shet. Napakamakabagbagdamdamin.) Yung kapitbahay ko nga, passion daw niya ang mag-inom at maglasing. Bakit hanggang ngayon wala pa siyang kumpanya ng beer? Etong si Pareng Steve Jobs, literature naman talaga ang totoong passion niya nung college, so bakit may pa-Iphone iphone na siyang nalalaman ngayon?

Kung ang tagumpay ng tao ay nababase lamang sa pagiging passionate niya, sana lahat ng tao kasing sikat ni Ellen Degeneres. Kasing sucessfull ni Walt Disney. Kasing yaman ni Xian Gaza ( wait, what?! ) Merong mga taong mas passionate pa sa larangan nila pero bakit hindi pa rin nilang magawang maabot kung ano ang naabot nila? Kung sa simula pa lang panay na ang talo ni Pacquiao sa boxing sasabihin pa rin kaya niya na, “Pasontok ka lang ng pasontok. Follow your Passion.” Andun na kasi sila sa rurok ng tagumpay kaya baka may masabi na lang– para kunware iconic.

Maraming rekado ang kailangan mong isahog para magtagumpay. Kumbaga sa adobo, yung passion mo, isang sachet lang ng ‘Magic Sarap’.

Minsan kasi masyadong misleading yung “Follow your passion” na yan eh. Hindi porket sinunod mo kung ano ang hilig at gusto mo, magtatagumpay ka na. Like, agad-agad? Instant noodles lang ang meron, walang instant sucess. And you cannot short circuit success by just passion alone. Sa lahat ng lalakbayin mo andun palagi ang hirap, stress, at kabiguan. Pwede mong ininja-moves pero hindi mo matatakasan yan.

Parang napakaself-centered lang pakinggan kung mabubuhay ka dito sa mundo para sundin lang ang passion mo. Na nakasalalay ang tagumpay mo sa kung gaano ka ka-passionate. Na ang kaligayan mo ay nakadepende lang sa kung ano lang ang gusto mo. Ang selfish ng very light. We should not romanticize passion like ‘it is everything’. ‘Coz ladies and gentlemen, we are more than just our passion.

Para kasi sa iba, kapag hindi mo ginawa ang mga bagay na nakakapagpasaya sa’yo, parang sinasayang mo lang ang oras mo dito sa mundo. Na magsisisi ka for the rest of your life kapag hindi mo sinunod ang.. tandadadannnn. ang passion mo. There’s more to life than your passion. Wag mong i-isolate ang kahihinatnan ng buhay mo sa kung ano lang ang passion mo. Minsan, kailangan mo ring gawin ang mga bagay na hindi mo gusto para malaman mo ang tunay na kahulugan ng tagumpay.

I’ve been working here in Qatar for almost 3 years. ( Wow, English.) Hindi ko man direktang nakukuha yung sayang gusto ko sa loob ng trabaho ko, kapag naiisip kong ito ang dahilan kung bakit ako nakakapagprovide sa pamilya ko, mas doble pa yung sayang bumabalik sa’kin. (*sent screenshot to MMK kase may tumulong uhog sa kaliwang butas ng ilong.) And seeing my pamili happy, ohmaygad, my pamili…for me, uhm wait.. i told you that i was, seeing my pamili happy is already a sucesss. Bale, yung punto ko dito, kung happiness lang ang rason mo, there are almost 1,000 reasons to be happy na hindi involve yung sinasabi mong passion. Change the way you see things. Change your perspective about life.

It’s not just about doing what you love. It’s not just about passion. ( Dahil kung ganun din lang, sana tumambay na lang ako sa bahay at nagmahal ng lubusan.) It’s learning to love what you do at pahalagahan ang bawat opurtunidad na dumadating sa’yo gaano man ito kaliit o kalaki. Maging bukas ka sa lahat ng posibilidad na hindi nililimitahan ang kakayahan mo sa kung ano lamang ang passion mo. Higit ka pa sa iniisip mo. Marami ka pang magagawa.

Follow your purpose, not just your passion. Dahil yung calling mo, hindi lang limitado sa kung ano ang passion mo. Alamin mo yung pinakamalalalim na rason ng existence mo dito sa mundo and from that you will find the success that you really deserve na hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay.

Quickees

This is where you can leave a short message for the writer. All Quickees are public. To leave a private message, use the private messaging system.

If you want to write a quickee (a remark or a hint for example) on this writer's profile, please sign in.

Twitter
Booksie 2020 Flash Fiction Writing Contest
Cover for contest - Life In The Time Of Coronavirus Story Project

Fans of Sapiosexual:

Sapiosexual is a member of: